Chapter 41

1401 Words

SOL Pagkababa namin ng pier ay sinundo kami ng isang van. Halos kinse minutos din ang naging byahe namin bago tumigil ito sa isang malaking bahay na yare sa pawid. Pagkatapos ay nagsibababaan na kami. “Kumusta ang naging byahe?” salubong sa amin ng lalaking may kaputian na ang mga buhok. “Mabuti naman po, pero sino po kayo?” usisa ni Sol sa kanya. “Naku, ako ang kaibigan ng nagpadala sa inyo dito. Tawagin niyo na lamang akong Tatang Amador. Tamang-tama nangangailangan ng maraming tauhan sa pabrika. Bukas na bukas din ay iindorso ko na kayo sa manager ng pabrika. Halikayong lahat naghanda ako na kami ng hapunan para makakain na kayo.” Tawag niya sa aming lahat. Kanya-kanya kami ng buhat ng gamit at sumunod kami sa kanya. Pagpasok namin sa loob ay tanging semento lang ang sahig nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD