SOL Mahimbing na ang tulog nila pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kung ano-ano nang posisyon ngunit gising pa rin ang diwa ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa manipis na kutson dahil hindi ako sanay pero nagawa naman na makatulog ng iba. O hindi kaya marami lang akong iniisip. Dinagdagan pa ng pakikipaglandian ni Renzo. Tahimik dito sa probinsya, wala kang maririnig na mga ingay ng mga sasakyan dahil malayo ito sa main road at malapit lang dito ang planta.Tanging insekto o kuliglig lamang ang naririnig ko may mga butiki din akong nakikita sa kisame. Magtatalukbong na sana ako nang may makita akong tuko sa may pawid at tapat na tapat pa ito sa higaan namin. “Oh my god…” Pasimplen kong hinila ang damit ni Nympha. Habang hindi hinihiwalay ang tingin ko sa malaking tuko. “Nym

