Awang ang bibig na nag-iwas siya ng tingin upang ilipat sa anak. Sandali pa lamang niyang nakasama ito at pakiramdam niya ay magkakalayo na naman sila. Hindi niya rin naman pwedeng balewalain ang kapatid dahil kailangan ng mga ito ng tulong at sarili niya ang sisisihin kapag may nangyaring hindi maganda rito. "Baby…" tawag nito sa kanya. Pikit ang mata na pinanatali niya ang labing naka halik sa pisngi ng anak. Ang kaninang saya ay napalitan ng bigat. Ayaw na niyang bitawan pa ang anak. Natatakot siya sa kung saan na naman humantong ang lahat. Kung paano timbangin ang lahat para sa kung ano ang mas makakabuti. "Mommy loves you so much, anak. Hindi pa talaga siguro ngayon ang panahon para magkasama tayo ng matagal. Wait for me a little more, okay? Magkakasama rin tayo ng mas matagal at w

