Hindi binitawan ni Bran ang kamay niya kaya nakasunod lamang siya habang binabati nito ang ama at hinalikan sa pisngi ang ina. Bahagya niyang nasilip ang paa ng batang nakahiga sa stroller. Inikot nito maging ang mga kapatid na babae. Nabigla na lamang siya nang bitawan nito ang kamay niya upang buhatin anak nito kay Roseanne. Agad na umawang ang bibig niya sa gulat. Mayabang lamang itong humarap sa kanya, "Surprise?" sambit nito habang karga ang anak. "Hello, Daddy! Hello!" bati ng bata sa kanya. Parang gusto niyang maluha dahil sa magandang tanawin na nakikita. Sa wakas ay nakagawa na nitong akuin ang anak matapos ang ilang taon. "Kailan lang, Bran?" tanong niya. "Hmm—when you left from here," he said casually and put his daughter back in her seat. Hindi pa rin siya makapaniwala. M

