"Malaki ang kasalanan ko sa 'yo. Sana lang ay huwag mo akong kamuhian masyado kapag nalaman mo na ang totoo. Hindi ko ma-ipapaliwanag sa ngayon dahil natatakot din ako—" natigil ang salita niya dahil sa sumisingit na hikbi sa bawat salita niya. Nanginginig na siya dahil sa nararamdamang kaba. Hindi na rin alam ni Bran kung anong alo ang gagawin para mapatahan siya. Panay lamang ang mahigpit na yakap at himas nito sa likuran niya. "Whatever that is. I'm sure I will love you the same." Kinuha nito ang mukha niya at pinahid ang mga luha sa kanyang mukha, "Stop crying. You have me, okay? The universe may leave you but not me—not me and Kaleb. I love you, baby… You can lean on me and trust me. I will get you out wherever you are right now. All you have to do is tell me what I should do and w

