Zyzha's Friend, Almero

2348 Words
Chapter 2 Sa Ridgefield Secondary High School naman. Isa si Regine na may lihim pa lang gusto kay Almero, na kaniyang kaibigan. Nakita pala sila nito no’ng sinundo siya nito sa kanilang classroom. Hindi naman siya pala-imik na tao kaya maihahalintulad mo siya sa isa sa mga mahiyaing nilalang. Oo, tama nga ‘yang iniisip mo na nagbabasa nito ngayon, mahiyaing babae si Zyzha Gale. Hindi matapang, may gustong abutin sa buhay, hindi ugali ang pumuna sa mantsa ng iba. Palakaibigan naman siya kung may gustong kumaibigan sa kaniya at madaling magtampo. Nasa corridor siya sa labas ng classroom nila nang mga sandaling ito kaya nilapitan siya ng kaniyang kaklaseng si Regine. “Zyzha, puwede ka bang makausap?” tanong nito sa kaniya nang makalapit na ito. “Oo, naman. Ano ba ‘yon?” tanong niya rin dito. “ ‘Di ba kilala mo si Almero ng first year level? Sinusundo ka pa nga no’n eh, pasensiya ka na ha kung diretsahan akong magsalita. Nakita ko kasi kayong nagkasama," tapat na sabi ng kaklae niyang si Regine. “Ano nga pala ang gusto mong sabihin tungkol sa kaniya?” tanong ni Zyzha ulit kay Regine. “Kaanu-ano mo ba ‘yong si Almero?” Impit siyang napatawa sa tanong na ‘yon ni Regine na kaniyang kaklase. “Bakit, may gusto ka rin ba kay Almero?” prangkang tanong niya sa kaniyang kaklase. Ngumiti naman ito na tila kinikilig. Pandak si Regine, may mahabang buhok, may itsura naman kaso maraming tigyawat ang kaniyang mukha(nagsisimula pa ‘ata itong magdalaga) at may pagka-matabain nga lang. “Crush ko kasi si Almero,” pag-amin ni Regine sa kaniya. “T-talaga? Ang dami niyo na pala. Ang totoo'y magkaibigan lang kami niyan, magkapitbahay kasi kami at isa rin siya sa grupo naming magkakaibigan.” Napabuka na lang ang bungaga ni Regine sa nalaman. Namangha ito at natutuwa dahil kilala nga talaga niya ang crush nitong si Almero. “Kung gano’n, puwede mo bang ibigay ito sa kan’ya?” pakisuyong sabi ni Regine. May iniabot itong isang maliit na puting papel na parang isang card. “Ano ‘to?” takang tanong niya nang tanggapin ang card na ibinigay ni Regine sa kaniya. “Basta ibigay mo sa kaniya ‘yan ha, please...” pagsusumamong tugon sa kaniya ni Regine. Ngumiti lang siya rito at tumango. “Salamat ha,” sabi ni Regine habang dinadaluyan ng mga daliri nito ang mahabang buhok na maitim ni Zyzha. Kinahapunan, nang matanaw ni Zyzha si Almero sa labas ng kanilang classroom ay agad niya ‘yon tinawag at walang ligoy na binigay rito ang ipinabibigay ni Regine. “Para saan ‘to?” tanong sa kaniya ni Almero. “Binigay ng kaklase ko ‘yan, si Regine. Crush ka daw niya eh, kaya nakisuyong ibigay ko raw sa ‘yo.” Hindi sumagot si Almero, sa halip binuksan pa mismo sa kaniyang harapan ang card na binigay ni Regine at binasa. Nagulat siya sa ginawa nito. “Hoy! Ano ba! Bakit mo binasa? Hindi ba puwedeng mamaya mo na lang basahin?” pasusungit niya rito. Nginitian lamang siya ni Almero kaya lumitaw ang malalim na biloy nito sa kaniyang magkabilang-pisngi. Kayumanggi ang kulay ng balat ni Almero. Purong singkit ang mga mata at katamtaman ang tangos ng ilong. Hindi ikakailang guwapo ito kaya naman marami ang nagkakagusto rito kahit pa sa lugar nila. Hindi nga rin niya alam kung ano ang mga nagustuhan nila sa kaniya. “Ready ka na? Tara na?” tanong ni Almero sa kaniya na agad pumukaw sa lalim niyang iniisip. “Hindi ko pa dala ang mga gamit ko eh, kukunin ko muna,” pagkasabi niyang ‘yon ay agad na siyang umalis. Hindi na niya hinintay pa na makasagot si Almero kaya umilimg-iling na lang ito pagkatapos kinuha ang sariling bag nito sa loob ng kanilang classroom at sinundan na niya si Zyzha. Sumunod na mga araw ay walang pasok si Zyzha kayat nasa bahay lang siya’t tinanghali na ng gising. Bahagya pa siyang pinagalitan ng kaniyang Mama dahil sa nagkalat na gamit at basura sa kuwarto nila ng kapatid niyang bunsong babae. ‘Yong mga iginuhit nga niya pala kagabi ay hindi na niya nailigpit dahil sa bigla siyang dinalaw agad ng antok at sinaniban ng katamaran kaya nakatulog na lamang siyang hindi na halos nakapagpalit ng damit pantulog bago mahiga. Nagulat pa siya nang may bumisita sa kaniya at nadatnan nga niya ‘yon sa kanilang maliit na salas kasama ang Mama niya. “Nandito na pala siya. Sige. Ikaw na ang kumausap sa kaniya ha,” ang sabi na lang ng Mama ni Zyzha na narinig pa niya. “Oy, Maj. Anong sa ‘tin?” tanong ni Zyzha sa kaniyang bisita sabay umupo katabi nito. “May kailangan ako eh, puwede bang makisuyo sa ’yo?” tanong niya agad kay Zyzha. “Bakit? Ano ba ‘yon?” seryosong tanong naman ni Zyzha kay Maj. “Puwede bang ikaw na lang gumawa ng intermission number para sa pagkandidata ko? A-ano kasi, wala kasing ibang puwedeng gumawa maliban sa ikaw lang ‘yong ka-linya natin dito,” tugon na paliwanag niya kay Zyzha. Rumehistro naman ang pagkabigla sa mukha ni Zyzha. “S-sige na. Marunong ka naman sumayaw ‘di ba?” sabi ni Maj na naninigurado. “O-o naman. Pero sa school lang ako sumasayaw eh!” sagot ni Zyzha na napalakas pa niya ang kaniyang boses. “Puwede ‘yon, singit lang naman para sa entrada ko, ilang minuto lang naman. Sige naman oh! Para may partisipasyon tayo. Sabi sa ‘kin ni Ate Yoj, ikaw raw dapat eh,” tahasan niyang pagpaintindi kay Zyzha para lang mapapayag niya ito. Mababakas sa kniyang mukha ang pagkabalisa na tila desperado na ito kung iyon ang pagbabasehan. “Ano?! Sinabi ni Ate Yoj ‘yon?” gulat na wika ni Zyzha. Si Ate Yoj Flores ang lideres sa kanilang grupo na napapabilang sa block house nila. Napasapo na lamang si Zyzha sa kaniyang noo. “T-teka, kailan ba talaga ‘yan?” tanong niya ulit sa kaniyang kababatang kapitbahay. Kahit saan sila ay lagi nila itong kapitbahay. Nagkataon nga ba o sadyang kapwa mga demolish houses sila napabilang kaya parating gano’n ang nangyayari. Nagkikita’t nagkikita pa rin sila at nagiging magkapitbahay. Nakakatuwa lang isipin. “Sa susunod na buwan. Ano, payag ka na?” pinal nitong tanong. “Deal.” “Okay. So, pa’no magpraktis ka na ha,” paalala nito sa kaniya na maaninag mo ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Tila nabunutan ito ng tinik. Pero kabaliktaran ‘ata ang nangyari sa kaniya dahil para siyang tinaniman ng cactus sa isang disyerto. “Oo na,” maikling sagot na lamang niya. Tumayo na ito at magpaalam nang bigla niyang pigilan. “Sandali lang, ayos lang ba kung ako lang mag-isa?” takang tanong niya rito. “Oo, naman. Puwedeng-puwede basta ba may partisipasyon tayo kahit solo pa ‘yan,” mahina nitong sabi sa kaniya. “ "Ah...sige na, balitaan mo na lang ako sa iba pang gagawin," huling sabi ni Zyzha. Tuluyan nang nagpaalam ang kaniyang kababatang kapitbahay. Hindi niya matanggihan iyon dahil napakabait niyon sa kanila kahit pa minsanan lang silang nagkikita at nagkasama dati na maliliit pa sila ng mga kapatid niya. CRIFFEN Nakatambay ako ngayon kina Kuya Leon. Barkada ko na sila simula no’ng lumipat kami rito ng tirahan ng pamilya ko. Walo kaming magbabarkada at wala ang iba ngayon dahil may kaniya-kaniya pa silang pinagkaabalahan pagkatapos ng kanilang klase. “Tol, sali ka na sa ‘min,” paanyaya sa ‘kin ni Kuya Leon. Nabigla naman ako sa sinabi niyang ‘yon at lagi naman ay alam naman niya kung ano ang lagi kong isinasagot sa kaniya. Hindi ako umimik. Umupo siya sa magkaharap na upuan kung saan nakaupo rin ako. Sinundan ko rin ng tingin ang kilos niya. “Alam mo...ang maganda rito kapag nakasali ka, may matutunan ka na ay magkakapera ka pa. Mabuting gawain ‘to, ano ka ba,” panghihikayat niya pa sa ‘kin na siniko pa ako. “Gusto ko nga rin kaso hindi talaga ako magaling Kuya Leon,” tapat kong sabi sa kaniya. “ ‘Yon ba ang pinoproblema mo, ‘di ba sabi ko sa ‘yo na nadadaan ‘yan sa praktis,” sagot niya na paulit-ulit naman niyang sinasabi sa ‘kin. “B-baka kasi hindi ko kayanin eh, ang tigas pa naman ng katawan ko!” sabi ko sa kaniya na sinabayan ko ng tawa. Napatawa naman si Kuya Leon sa ‘king sinabi. “Sige na...akong bahala,” huling sabi sa ‘kin ni Kuya Leon. Tumayo siya’t lumayo sa ‘kin saka sumindi ng kaniyang sigarilyo at hinithit iyon pagkatapos bumuga ng usok na nanggaling sa kaniyang bunganga. Napailing na lang ako. Gan’to talaga itong si Kuya Leon, pinapalakas niya parati ang loob ko. Palagi kasing positibo itong mag-isip. Kahit na sanay na sanay na ako sa kaniya ay nahihiya pa rin ako sa kaniya pero wala akong ibang masabi kun’di napakabuti niyang tao at sentro niya lagi ang panginoon. Hindi kami magkaprehas ng relihiyon subalit iisa lamang ang aming pinaniniwalaan. WAKAS Naging abala si Zyzha sa pag-iinsayong mag-isa para sa darating na Coronation Nights sa kanilang barangay. Nahihiya man siya ngunit pursigido niyang ginawa dahil gusto niya ang makilala siya sa kalahatan na isa sa mahusay na mananayaw. ‘Yon ang pangarap niya eh, dati pa. Isa na naman itong oportunidad para sa kaniya . Madaling lumipas ang mga araw at sumapit na nga ang Coronation Nights na ginanap sa court field na bahagi lamang sa kanilang lugar. Kabado man siya pero kinaya niya kahit pa sabihing hindi niya naman lubos na kilala ang mga tao na naroon at tanging bunsong kapatid niya lang na babae at mga kaibigang babae ang nag-c-cheer dance sa knaiya. Matapos ang mga naganap sa gabing ‘yon ay hindi mawaglit na napakasaya niyang talaga sapagkat marami ang humanga sa kaniya dahil sa pagsayaw niya ng hip-hop na mala-boyish ang dating kahit babaeng-babae siya. Sino ang mag-aakala na sa kaniyang pagiging mahinhin, na may tinatagong karamdaman at ppagkatapos ay makikita mo siya na parang walang ano mang ibang nararamdaman sa katawan kapag sumasayaw. Sa halip napakasigla niya’t nagliliwanag ang ma-pinkish nitong mukha sabay ng kaniyang pag-ngiti. Makaraan ang apat na oras, tumunog na ang bell, hudyat na recess na sa Ridgefield Secondary High School. Sa isang canteen malapit sa classroom building ng mga curriculum ay nagkasabay na bumili ng kanilang pagkain si Zyzha at ang kaklase niyang si Regine. Hindi nito inaasahang makakasabay niya roon si Regine sapagkat iyon na ang spot area niya kung saan niya nabibili ang mga paboritong kainin niya. “Hi! Zyzha!” bati ni Regine sa kaniya. Ngumiti lamang siya rito dahil hindi sila ganoon ka-close ng kaklase niyang si Regine. Nang makabili na siya ay nakatayo niyang nilantakan sa pagkain ang kaniyang biniling pagkain. Nilapitan naman siya ni Regine nang makita siya nito ulit. “Oy, Zyzha. Kumusta?” agad nitong sabi sa kaniya. Tinapos na muna niyang lunukin ang kaniyang kinakain bago magsalita. “Ayos lang naman,” sagot niya saka ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain. “Kumusta nga pala ‘yong pinabibigay ko sa ‘yo? Anong sabi ni Almero?” tanong ni Regine na nakangiti pa sa kaniya. “Hayun, tinanggap naman niya,” ikling sagot lang niya kay Regine. “Anong sabi niya?” excitement na tanong nito. “A-ano...ngumiti lang siya eh,” dismayang sagot niya kay Regine. “Wala na ba siyang sinabi sa ‘yo?” Maramdaman mo sa tono ng boses niya na hindi pa siya kontento sa tanging sagot ni Zyzha sa kaniya. “Wala naman...ngumiti lang siya gano’n,” ulit na tugon niya kay Regine. Napa-ismid na lang ito. “Ah...okay,” bagsak ang mga balikat nitong sgot sa kaniya. “Saka alam mo ba na mayroon pa siyang mga kapatid na ang g-guwapo!” mahinang hiyaw nito sa kaniya. Napatingin pa siya sa sinabing ‘yon ni Regine. Para pa tuloy naging interesado siya. Hindi naman kasi niya alam na may mga kapatid pa pala si Almero. Kung sabagay hindi naman niya inuukilkil ang pagkatao ng kahit sino? Hindi nga siya nakikialam kaya walang dahilan para magtanong pa siya sa kaniyang kaibigan. Baka ano pa isipin no’n. Hindi naman siya isang broadcaster. Natawa na lang siya nang palihim sa kaniyang kaloob-looban. “Hindi ko yata alam ‘yan. Hindi naman kasi ako imbestigador basta magkaibigan lang kami, ‘yon lang,” idiniin pa niya ang kaniyang huling salita. “Gano’n ba...sa pagkakaalam ko kasi ay pulos guwapo ang magkapatid na ‘yon. ‘Yong bunso sa kanila, grabe ang singkit ng mga mata tapos napakalalim pa ng dimples nito,” paglarawan ni Regine sa bunsong kapatid ng kaniyang kaibigan. “Talaga? Siguradong magkakamukha sila,” ang tanging sagot niya sa mga sinabi ni Regine. “Hindi eh,” pag-iba ng ekspresyon ng mukha nito. Pinagtakhan naman niya ang isinagot na ‘yon ni Regine. “Hindi sa gano’n! Ang ibig kong sabihin ay may kaniya-kaniya silang kaguwapuhang taglay bukod sa magkapatid sila na dapat ay magkakamukha. Pero may pagkahawig din naman at crush ko nga rin ‘yong Kuya nila eh pero mas gusto ko si itong si Almero,” paglilinaw ni Regine sa kaniyang sinabi na medyo naging prangka pa ‘ata. Para siyang obssesed sa magkakapatid sa tinuran niya. “Ano?!” gulat niyang sambit. “Basta sinasabi ko sa ‘yo, hahangaan mo rin sila kapag nakita mo,” pagpapatunay pa sabi ni Regine kay Zyzha. Napataas naman ng kilay si Zyzha sa sinabing ‘yon ng kaklase niyang si Regine. Kung kaniyang `pagbabasehan ay lagi itong may paghanga sa mga iyon, ayon na rin sa mga sinasabi nito. Bakit ba gano’n na lang ito kung makabanggit sa mga magkapatid na ‘yon, parang lahat na lang basta guwapo ay gusto na niya. Nakapagtataka talaga ang kaklase niyang ‘yon pero hindi naman siya gano’n ka interesado. Hindi nga ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD