The PASIKLABAN-Contest

1615 Words
Chapter 3 Nasa kalagitnaan sila ng klase habang siya ay tulala na nakaupo sa kaniyang sariling upuan. Malalim ang kaniyang iniisip. Hindi na niya namamalayan na uwian na pala dahil lumilipad ‘ata ang isipan niya at maskin siya ay hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang iniisip. Isa-isa nang nagsilabasan ng kanilang classroom ang kaniyang mga kaklase. Bigla naman siya natauhan nang may kumalabit sa kaniyang braso. Nilingon niya ito at ang kaklase niya na sinasabing may naghihintay sa kaniya sa labas ng kanilang classroom. Tumingin naman siya bandang pintuan na itinuro ng kaniyang kaklase. Pagtingin niya ay ang kaniyang kaibigan pala na taas leeg na inaabot siya ng tingin dahil sa mga nakaharang na kaklase niyang naglalabasan. Nakangiti pa ito sa kaniya. Gumanti naman siya ng ngiti at itinaas pa ang isang kamay senyales na hintayin siya nitong makalabas. Iniligpit na niya ang kaniyang mga gamit saka tuluyang lumabas na ng kanilang classroom. Nasa nasa daan na silang pareho na naglalakad ay walang nagsalita man lang sa kanila. Nasa unahan si Zyzha habang nasa kaniyang likuran naman si Almero na nakasunod lang sa kaniya’t bitbit pa nito ang isang hand bag niya. Patungo sila sa sakayan ng pampasaherong sasakyan na may byaheng patungong Amistad. Makalipas lamang ang ilang minuto sa kanilang byahe ay unang nagpaalam si Almero sa kaniya nang makarating na ang sinasakyan nila sa barangay Amistad. Unang madadaanan ang bahay ni Almero. Laking gulat pa ni Zyzha nang sinundan niya ito ng tingin at sa isang abandonadong bahay ito pumasok. Labis ang kaniyang pag-iisip. Wala nga talaga siyang alam. Hindi niya akalain na iyon ang bahay ng kaibigan niya. Nakapagtataka lang dahil hindi mo akalain na roon ito nakatira. So, may nakatira nga pala sa bahay na ‘yan. Anang isip niya. Makaraan lamang ang isang buwan ay bali-balita na sa lugar nila ang isang PASIKLABAN. Iyon ang in-announce matapos ang naging Coronation Nights nang si Zyzha ay nag-intermission number para sa kanilang pangkat sa kanilang kandidata. Parang nagpanting ang kaniyang mga tainga nang makarating sa kaniya ang balita. Ibinalita iyon ng mga kaibigan niyang kapitbahay lamang niya sa kanilang lugar na nasa magkaibang mga kalye. Ang iba kasi rito ay nasa parehong school niya nag-aaral ngunit nasa ibang year level naman kaya kakilala na niya sa eskwelahan ang ibang kapitbahay nila. Naging kasamahan din kasi niya ito sa isang sayaw sa kanilang iskul. Sa hindi niya akalain na magiging kapitbahay lang pala niya ang ibang naging kakilala niya sa sayaw sa iskul nila kaya mas naging madali sa kaniya ang pagkikita-kita nila lalo na at may praktis sila. Kinagabihan nang maka-eskapo si Zyzha ay tumungo siya sa laging tambayan nilang magkakaibigan o kasamahan niya dati sa isang sayaw. May entablado sa baba ng kanilang kalye na kadalasan pinapasyalan ng mga batang naglalaro ng basketball kapag tuwing dapit-hapon. May mga nakahilera kasing mga upuan na gawa sa semento. Parang mini-plaza iyon tawagin sa lugar nila. “Sali tayo!” suhestiyon ni Yara na ikinalingon nilang apat. “Seryoso ka, ha?” inis na tanong naman ni Misty kay Yara. “Oo, naman. Hindi ba tayo puwedeng sumali?” sagot nito na parang napakadali lang sabihin sa kaniya. Siya si Yara, ang pinakabata sa kanilang limang magkakaibigan na halos parehong kinahihiligan ang pagsasayaw. Gan’to na magsalita si Yara, lagi’y napakadale lang para sa kaniya ang subok lang ng subok sa kung anong may bago. Parang walang tinatakasan kun’di ay sulong ng sulong. Para lang si Gabriella Silang na matapang. “Sa tingin mo, magpadalos-dalos tayo?” balik na tanong ni Misty kay Yara. Si Misty naman ang pinakamatanda sa kanilang lima. Hindi naman sa matatakutin siya subalit laging advance lang siya kung mag-isip. Sinasabi niya agad kung ano ang mangyayari kahit hindi pa naman niya alam ang talagang mangyayari. Hinuha lamang niya at palaging may kasabihan itong si Misty. “Bakit? Kayo ba? Gusto niyo sumali tayo?” tanong naman ni Quina sa kanila. Palipat-lipat lang ng tingin si Zyzha sa kaniyang mga kaibigan na nag-uusap. Pinag-uusapan nila ang pa-contest na sayawan na gaganapin mismo sa kanilang barangay Amistad. Hindi nga rin niya alam kung ano ba dapat? Maskin siya ay nalilito dahil alam niyang sa isang labanan sa sayawan ay may mga bagay na hirap gawin lalo pa’t involve dito ang gagastusin mo sa isang pagsayaw. Ibubuhos mo rin ang oras at panahon para sa paglaan sa isang pag-insayo. Makakaya ba nila abutin ang isang buwan lamang? Ang lahat ay isang buwan lang gugulin. Parang imposible na posible sa isang mag-pursige. “Ako, gusto kong sumali tayo,” suhestiyon ni Yara. Sabik siyang laging sumasali sa labanan ng pagsasayaw. “Puwede naman tayo sumali...lima tayo at pasok na tayo sa minimum group,” sa wakas ay sabat ni Jefra sa kanilang usapan. Ang kaibigan nilang pambihira lang umimik kung hindi minsan kukuhanin mo ng suhestiyon. Point to point kung magsalita ito, diretso at wala ng echos pa. “Ano ba! Kung intermission lang ‘yan ay sasali tayo pero contest ‘yan, heller!” panakot pa ni Misty sa kanila. “Ano bang ikinatakot niyo, sumali tayo! Wala namang mawawala eh, tayo-tayo lang man din dito sa ‘ting lugar ang maglalaban-laban. Hindi tayo open,” panghihikayat pa ni Quina. “Ikaw, Zyzha? Sali na tayo sa pasiklaban,” tanong ni Yara kay Zyzha. Napansin niyang wala pa itong imik o sinasabi man lang sa naging usapan nila. “Gusto kong sumali para mas makilala pa. Alam niyo ‘yon...malalaman pa natin kung ano ang mas kulang sa ‘tin, ‘di ba?” pursigeng sabi ni Zyzha sa kaniyang mga kaibigan. “Ano-ano ba ang criteria sa pa-contest nilang ‘yan? Agad na tanong ni Misty na nasa kalmadong boses na ito. Mukhang hindi na ito iretable base na lang din sa naging tono ng pananalita nito. “Performance 40%, Choreography & Originality 30%, Theme & Music 20% and Costume and Audience Impact 10% in a total of 100%,” agap na tanong ni Jefra. “At tumataginting na sampung daang libo ang winner prize nila. ‘Di ba ang laki! Kapag nanalo tayo ay paghahatian natin ‘yon!” segundang turan naman ni Quina sa siglang boses. “Tama, gusto ko ‘yan,” ngiting tugon naman ni Yara. “Pero pa’no tayo magp-praktis niyan? Dapat may trainor tayo para mas madali,” sabi ni Misty na nag-aalala pa sa gagawin nilang pagsali sa isang pasiklaban. “Puwede naman ‘yong tayo–tayo lang...after school praktis tayo,” suhestiyon ni Yara sa kanila. Lagi itong nagpapalubag-loob kapag sa tingin niya ay nakaamoy siya nang mayroong pagka-down ang mga kasama niya. “Si Kuya Leon!” biglang sigaw na sabi ni Jefra sa kanila. Napatingin naman silang apat kay Jefra. “Si Kuya Leon, puwede tayo magpaturo sa kaniya. Nag-t-trainor ‘yon,” pag-rekomenda niya pa sa kaniyang mga kaibigan. Kumunot naman ang noo ni Quina at isinasautak pa ang sinabi ni Jefra. “Tama!” biglang sigaw naman nitong si Quina. May iniisip lang pala siya na pilit niyang inaalala. “Dancer ‘yong si Kuya Leon at likas na mananayaw tapos nagku-kuryo pa. Dancer iyon siya sa Weston University,” dagdag na panukala pa ni Quina. “Oo, nga. Puwede tayo magpaturo sa kaniya kasi mabait naman ‘yong si Kuya Leon,” sabi ni naman ni Jefra. Napatango-tango naman sila sa bawat isa at tila nag-iisip din. “ ‘Di ba fra, siya ‘yong kapitbahay ‘ata namin sa block street. Malapit lang ‘yong bahay niya sa ‘min,” ani ni Quina. “Kung gano’n Ate Quina, ikaw na magsabi riyan kay Kuya Leon. Kilala mo naman pala eh,” sabi naman ni Yara. Diretsahang sabi niya. Tumango naman sila ulit. “Naalala ko lang siya pero hindi ko naman akalain na kakailanganin natin siya basta ‘yon ang alam ko kaya susubukan ko ha,” sagot ni Quina kay Yara. “Try mo approach kaya lang ay magkano ba ibabayad sa kaniya Fra?” sabat naman ni Misty habang nakahawak sa cellphone nito. Habang si Misty ay panay ang aksyon nitong sumasayaw pa ng step by step. “Hindi ko nga rin alam. Hindi pa naman ako nakasubok pero si Quina ipatanong na lang din natin sa kaniya kay Kuya Leon sabagay kakausapin niya rin naman si Kuya Leon, ‘di ba?” pahayag ni Jefra. Binalingan naman ni Misty si Quina. “Puwede ba, tigilan mo na ‘yang kasasayaw mo! Kanina ka pa, nakaka-distruct,” saway ni Misty kay Quina. Napatigil naman si Quina at bumusangot. Tumawa nang bahagya si Yara. “Magkano kaya ang hingin niyang bayad? Mapapagastos pa tayo nito,” bahagya pang reklamu ni Misty. “Syempre kailangan tayong gumastos para sumikat,” ani pa ni Quina. “Ang tanong...magkano kaya ang babayaran natin sa Kuya Leon na ‘yan at mananalo rin ba kaya tayo nito?” sunod na tanong ni Misty. Napaka-negatibo talaga mag-isip nitong si Misty kahit kailan pero kahit paano ay nakakatulong sa kanila iyon para may konklusyon sila sa maaring mangyari. Mas mabuti na raw iyong advance na kung mag-isip kesa magsisi pa sa huli. Kung sa bagay lagi rin namang sa huli ang pagsisisi. Hindi mo rin naman malalaman kung hindi mo susubukan kaya kinakailangan talaga ang sumugal ka. Susugal ka para malaman mong mananalo ka ba o hindi. Kaya sa huli ay napagdesisyonan nilang gawin ang lahat na makakaya para makapagsayaw at makasali sila sa isang pasiklaban. Kapag nagkataon ay bawing-bawi rin naman ang maaaring mapanalunan nila. Hindi na nila ito pagsisihan pa kung ano man ang posibilidad na mangyari o ang maging resulta sapagkat choice na nila ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD