They Meet Again

1125 Words
Chapter 4 Naging abala muli si Zyzha sa kaniyang klase. Ang kaibigan niyang si Almero ang palagi niyang kasa-kasama tuwing uwian. Hindi man ganoon sila ka-close subalit ang alam nila ay magkaibigan sila na laging nagkakasama kahit pa na hindi sila gaanong nagkakausap o minsan pa nga ay parang minuto lang dahil na rin sa kapwa sila estudyante na laging naghahabol sa kanilang oras. Dumating ang isang araw na nagkaroon ng pagtitipon muli sina Zyzha at ang kaniyang mga kaibigan. Nasa isang mini-plaza sila noon sa kanilang lugar kung saan may malawak na area na maaari rin nilang pag-insayuhan. At isang gabi nga noon ay hindi nila inaasahan na makikilala pala nila si Leon. Ang magaling na mananayaw sa kanilang lugar. Hindi lang ito isang mananayaw kun'di isang choreographer. Marami na itong naturuan ng kahit na anong genre ng tugtugin. Bali-balita rin na may mga napanalunan na ito sa kaniyang mga naturuan kaya naman ganoon na lamang kabilib ang mga kaibigan ni Zyzha nang makilala nila si Leon. "Kayo ba 'yong sasali sa pa-contest dito?" tanong ni Leon kina Zyzha at sa mga kaibigan nito. Tumango naman silang lahat maliban na lang kay Zyzha na nakikinig sa mga sinasabi ni Leon sa kanila. Hunihithit pa ito ng yosi saka itinapon sa isang tabi at pormal na ulit silang hinarap. "Kuya Leon, magkano ba raw ang tf mo? Dapat namin muna malaman bago kami magpapaturo sa 'yo nang sa gano'n makapagdesisyon kami, tama? Hindi ba mga kasama?" Si Yara na inagaw ang atensyon nilang lahat dahil sa walang prenong pinagsasabi nito. Hinampas naman siya ni Quina saka natawa. Umakto naman ito na parang nasaktan. "Leon, ano ba ang dapat sayawin sa gan'yang pa-contest? Modern 'yong tema. Kaya ba 'yon?" sabat ni Misty. Napangisi lang ng mahina si Leon sa kanila. Hindi na nagbigay-galang pa si Misty sa pagtawag kay Leon dahil nalaman niya na magkasing-edad lang pala sila. "Hinid, ganito. Makinig kayo. Huwag niyo munang alalahanin ang mga iyan. Ang importante ang matutunan niyo muna sa pagsasayaw. Actually, napagsabihan naman ako nitong si Quina kaya may ideya na agad ako," mahabang litanya sa kanila ni Leon. Sabay na nagkatinginan na parang tuwang-tuwa sina Jefra, Yra, Misty, Quina at maging si Zyzha ay napangiti na rin. "Kung gano'n ay puwede na ba iyan simulan ngayon nang makapag-insayo na tayo," excited na sabi ni Yra. "Ikaw talaga... Talagang isip bata ka pa! Naku, nanggigil ako sa 'yo." May pakagat-labi pa na nalalaman si Misty. Pa'no naman kasi na si Yara ang pinakabata sa kanila kaya happy-go-lucky lang ito kung kumilos. Walang iniintindi na mahirap. Masaya lang dapat. Si Zyzha naman na tahimik lang ay patuloy lang sa pakikinig at pagtingin sa mga ginagawa ni Leon. Sinimulan na kasi nitong itinuro ng by counting ang steps. Sumusunod naman sina Quina, Yra at Fra. Si Misty ay abala sa kaniyang cellphone habang nakamasid din naman sa kaniyang kasamahan. "Oh, ikaw. Magsimula ka na rin para mamemorya mo agad," tawag pansin ni Leon kay Zyzha. Nakangiti si Leon kay Zyzha kaya napangiti rin si Zyzha. "Sige po Kuya, titingin na lang muna ako bago ko isasaulo," pagrarason ni Zyzha na kahit ang totoo'y naiilang siya. Isan D.I ang kasama nila kaya nakakahiya sa magiging kilos nila kung sakali. Siya pa itong nahihiya para sa kaniyang mga kaibigan. "Hayaan mo na, Leon. Madaling matuto 'yan. Siya pa nga 'yong pinakamagaling sa amin sumayaw," sabat na sagot ni Misty na kahit abala sa kaniyang mobile phone ay nagawa pa ring makinig ang tenga nito. "Ate Mis... Nakakahiya," napayukong tugon tuloy ni Zyzha. Napangiti siya ng alanganin nang titigan siya ni Leon. "Ayos lang 'yan. Magaling ka naman pala kaya dapat hindi mo iyan ikahiya, dapat ipakita mo pa. Hindi ka matatawag na mananayaw kung ipapairal mo ang pagtatago sa kakayahan mo," mapangaral na turan ni Leon kay Zyzha. Napatigil naman sa pag-insayo ang tatlo saka sabay na nagsabi nang pagsang-ayon sa sinabi ni Leon kay Zyzha. Napangisi tuloy ng peke si Zyzha. "Ano? Praktis na," pang-iiganyo ni Leon kay Zyzha. Tumango naman si Zyzha saka puwesto na rin silang lima sa pag-iinsayo ng by steps counting. Ayon kasi kay Leon na wala munang gagamiting tugtog. Mas mabuting pag-aaralan muna nila ang bawat galaw na isasalang nila kapag mayroon ng musika. Ma-i-apply nila ang counting ng steps kapag mayroon nang tugtugin. Iyon ang napakadaling gawin upang mas madaling matuto na hindi masyadong nahihirapan. Kung may problema naman sa pagkilos ng katawan. Madali na lang daw iyon gawin. Iinsayo mo lang daw parati ang galaw ng katawan sa steppings na gagawin mo sa isang sayaw. Kung baga, kailangan lang ng pag-enhance. Marami silang natutunan sa una pa lang na pagkikita nila kay Leon. Napasalpak na lamang sa pagtihaya sa isang sofa si Yara. Nasa bahay kasi sila nang mga sandaling ito. Sa bahay ni Quina upang makapagpalamig. Umuwi na rin si Leon pagkatapos at hindi na sila ginambala pa dahil may pasok pa ito kinabukasan. "Kapag pala hindi ka nasanay sa palaging pagkikilos, talagang sasakit ang katawan mo," reklamo ni Jefra. "Tabain ka na kasi Fra kaya dapat mas gumagalaw-galaw ka pa nang sa gano'n bumalik sa magandang hubog ang katawan mo," prangkang suhestiyon pa ni Yara kay Jefra. Napatayo naman si Jefra at tinitingnan ang sariling katawan. Napapailing na lang sina Zyzha, Misty at Quina sa dalawa. Nag-uusap pa sila nang magpaalam na si Zyzha sa mga ito. Hindi na siya nag-abala pang magpahatid dahil malapit na lang man din ang kanilang sariling tahanan. Malapit ng maghating-gabi kaya kahit may takot si Zyzha ay umuwi siyang mag-isa. Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad nang may mga aso siyang nasalubong. Bumalik siya sa kaniyang dinaanan at pikit ang matang sisigaw sana nag may humaklit sa kaniyang braso at dinala siya sa isang tabi sa sulok na bahagi habang tinatakpan ng palad ng kamay ng isang hindi niya kilala ang kaniyang bibig. Pinanlakihan naman ng mga mata si Zyzha nang maramdaman niyang magkalapat ang likod niya sa katawan ng hindi niya kilala ngunit batid niyang isa itong estranghero. Magpupumiglas sana siya nang sawayin siya nito. "P'uwede bang huwag kang gumalaw kung ayaw mong ikaw mismo ipapalapa ko sa mga aso." Habol ang hiningang sabi nito na parang may kaba sa kaniyang dibdib. Pilit na kumawala pa rin si Zyzha at hinarap ang sa kung sinong istriktong nilalang na ito ang nagsasalita at pinapagalitan pa siya. Walang nagawa si Criffin nang lingunin siya ni Zyzha. Nagkatagpo ang mga mata nila at gano'n na lang natigilan si Zyzha nang matitigan niya sa mga mata ang lalaking kaniyang kinamumuhian. Ang lalaking may ahas na paningin kung makatitig at ang matangos na ilong nito. Natuod si Zyzha at napatitig na lamang sa lalaki. Para naman naestatwa si Criffin at hindi nakakilos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD