Shocking Part of Zyzha

1984 Words
Nagulat si Zyzha sa biglang pagtitigan nila ng lalaki kaya bumitiw siyang bigla sa pagkakadikit ng kanilang katawan at tumangkang lumayo rito ngunit minalas siya sapagkat hindi ganoon kabalanse ang kaniyang paghakbang. Tila siya natisod at matutumba sana pero mabilis naman ang mga kamay na hinawakan ang kaniyang baywang at hinila siya pabalik sa lalaki. Kaya muli silang nagkadikit na dalawa na maliban pa roon, para na silang magkayakap. Pinanlakihan ng mata si Zyzha sapagkat nasa dibdib lang naman tumapat ang kaniyang ulo kaya rinig na rinig niya ang mabilis na t***k ng puso ng lalaki, ang puso ng lalaking si Criffin. Para pa siya tuloy dinadalang huwag bumitiw sa kaniyang naging posisyon. Nakapag-react lang si Zyzha nang inilayo siya ng lalaking si Criffin sa pagkakayakap na ng mga katawan nila. Napabusangot naman si Zyzha nang makita niyang nagpapagpag ito. Napaismid pa siya. 'Hmp! Akala naman nito na isa akong bacteriang nakakapit sa kaniya na mahirap tanggalin. Tsk! Napakaarte naman pala nito.' "Maaari ka na umalis, wala na 'yong mga aso," untag ni Criffin kay Zyzha. "Salamat. Mauuna na ako." Paalam naman ni Zyzha saka mabilis siyang tumakbo palayo. Napansin na lamang ni Criffin na napangisi siya sa kaniyang nakita. Saka lang siya nakahinga nang wala na sa kaniyang paningin ang babae. Kinabukasan, habang nasa kaniyang sariling upuan si Zyzha sa kanilang classroom ay hindi niya mapigilan ang mapahikab. Inaantok pa siya. Hindi niya akalain na ang tagpong iyong sa kanila ng lalaking kinaiinisan pa lang niya no'ng una ay buong gabi niyang iisipin dahilan upang madaling araw na siyang nakatulog. Kaya buong araw rin siyang walang konsentrasyon sa pakikinig sa kanilang klase. Hanggang sa mag-uwian na nga sila. Sinalubong siya ni Almero sa labas ng kanilang classroom kaya hindi nakapagtatakang may nagtitilian sa kaniyang mga kaklase. Napamura pa siya nang mahina. "Oh, ba't gan'yan ka? Ano'ng nangyari sa 'yo?" Pagtataka ni Almero kay Zyzha. Imbes na sagutin ni Zyzha si Almero ay ang dala-dala niyang hindi kalakihang hand bag ang inilahad niya rito na mabilis namang inabot iyon ni Almero upang bitbitin. Nasa paglalakad sila nang hikab pa rin nang hikab si Zyzha. May pagtataka na si Almero sa kaniya dahil ilang minuto na silang naglalakad ngunit walang mga salita ang namutawi sa pagitan nilang dalawa. Hanggang sa makarating na nga sila sa sakayan ng motorsiklo pauwi sa kanilang subdivision. Naguguluhan man si Almero sa mga ikinikilos ni Zyzha, mabilis pa rin niya itong inalalayan sa pagsakay. Gano'n na lang ang gulat ni Almero nang idantay ni Zyzha ang ulo nito sa kaniyang balikat. Nakapikit na ito. "Pasensiya ka na Alm, gusto kong matulog. Kahit sandali lang. Gisingin mo na lang ako kapag nakarating na tayo." Napangiti nang palihim si Almero. Hindi siya nakasagot pero titig na titig siya sa mukha ni Zyzha na kampanteng nakaidlip sa kaniyang balikat. Inilabas pa ni Almero ang kaniyang kaliwang kamay para komportableng makasandal si Zyzha sa kaniyang balikat na ngayon ay nasa kaniyang dibdib na nakasandal. Nakaalalay pa siya sa paghawak kay Zyzha bilang suporta. Pagdating ng sinasakyan nila sa kanilang lugar, mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising kay Zyzha. Medyo naliliyo pa siya sa pagkakaidlip kaya pilit na tumayo at lumabas sa sinasakyan nila. Nakasunod naman si Almero kay Zyzha na nakahawak pa rin kay Zyzha bilang suporta na hindi ito matumba. Para kasing isang lasenggo kung titingnan si Zyzha sa kaniyang kalagayan ngayon. Habang bitbit pa rin ni Almero ang bag at hand bag ni Zyzha. Tumatawag na si Almero mula sa labas ng gate ng bahay nila Zyzha. HIndi naman tumagal at may lumabas na mula roon. Ang Mama pala ni Zyzha na pinagbuksan sila. Nagulat pa ito sa nadatnan kaya may pag-alala tuloy ang gumuhit sa mukha nito. "Hello po, Tita." ang bati ni Almero sa Mama ni Zyzha. Napapikit-buka pa si Zyzha sa kaniyang mata. Para pang dinidileryo ito at dinadala ang kaniyang buong sistema sa pagkakatulog. Kinuha ng Mama ni Zyzha ang mga bag ni Zyzha kaya hinawakan na nang mabuti ni Almero si Zyzha sa baywang at isang kamay nito para hindi matumba. Pinapasok na sila sa loob ng Mama ni Zyzha. "Iho, dumiretso na kayo sa kuwarto ni Zyzha, pakihiga mo na lang siya roon at ihahanda kita ng meryinda," ang tugon ng Mama ni Zyzha kay Alero. "Po?" nagulat man si Almero sa tinuran na iyon ng Mama ni Zyzha pero sinunod na lang niya ito. Ipinasok na lamang ni Almero si Zyzha sa kuwarto nito. Inihiga na niya si Zyzha sa kama nito. "Napakabigat mo pala kahit na payat ka." Iniunat pa ni Almero ang kaniyang balikat. Minasahe pa niya ito saglit nang sa gano'n mawala ang kirot na nadarama niya. Doon lang natigilan si Almero nang matanaw niya mula sa kama ang study table ni Zyzha. Tumambad kasi ang magagandang larawan ni Zyzha at ang mga iginuhit nito. Muli niya binalingan si Zyzha na mahimbing na ngang nakatulog. Wala itong pakialam kahit na nakasuot pa ito ng uniporme. Napataas pa ang sulok ng labi ni Almero. Hind niya mawari ang attitude mayroon itong si Zyzha. Natatawa siyang pagmasdan ito. Nilagyan na niya ng kumot si Zyzha pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto. Paglabas ni Almero sa silid ni Zyzha ay sakto naman na papalapit sa kaniya ang Mama ni Zyzha. "Hali ka, Iho. Magmeryinda ka muna." paanyaya ni Mrs. Ferrer kay Almero. "Ah, sige po. Salamat." "Pasensiya ka na roon sa anak ko. Baka sinumpong na naman ng kaniyang pagka-sleep disorder. Gan'yan kasi iyan kapag kinulang ng tulog o hindi nakatulog. Hindi niya nakokontrol ang katawan niya't gugustuhin talaga nito ang matulog," hinging paumanhin pa ni Mrs. Ferrer . Ipinaliwanag na rin niya rito ang tungkol sa kalagayan ni Zyzha kahit nakakahiya man. "Okay lang po iyon. Palagi naman po kaming magkasabay sa pag-uwi tsaka isa lang ang destinasyon namin kaya ayos lang po iyo, walang ano man." Napangisi si Almero kaya lumitaw ang dalawang malalim niyang biloy sa magkabilang pisngi. "Ano nga pala ulit ang pangalan mo?" pagkuwan ay tanong ni Mama ni Zyzha kay Almero. Ngumiti si Almero bago sumagot. "Almero po pala." "Binabanggit ka naman ni Zyzha sa 'kin minsan kaya lang ay nakakalimutan ko 'yong pangalan," turan ni "Ah, sige kumain ka pa. Gusto mo pa ng juice?" muling paanyaya rito ni Mrs. "Ah, hindi na po, Tita. Ayos na po ito. Salamat nga po pala sa meryinda," tanggi pa ni Almero. Hindi na rin siya nagtagal pa at nagpaalam na siya sa Mama ni Zyzha. Malapit lang din naman ang kanilang tahanan. Nasa kabilang likong klaye lang naman sa may kanto. Pagdating ni Almero sa kanilang tahanan ay agad siyang napahilata sa kanilang sofa. Pinagpawisan pa siya. Bumungad pa galing kusina ang kaniyang kuya kaya naman napabalikwas siya ng bangon. "Oh, Kuya. Nandiyan ka na pala. Nauna ka sa pag-uwi?" agad na tanong ni Almero. "Oo. Heto nga't gumawa ako ng ating meryinda. Hali ka na rito," paanyaya naman ng Kuya ni Almero. Isang taon lang naman ang agwat nila. "Tsk," mahinang mura ni Almero. "Bakit kasi ayaw pa nila kumuha ng katulong at ikaw pa itong nag-aalaga sa amin." "Baliw," nakangiting sagot ng Kuya ni Almero. "Sayang din ang ipambayad natin sa isang kasambahay. Mas nakakatipid tayo tsaka hindi naman masyadong mahirap ang gawain sa bahay. May washing at dryer naman sa paglalaba. May rice cooker at automatic stove naman sa pagluluto. Tsaka oven para makagawa tayo ng meryinda. Ano pa ba'ng mahirap doon sa 'yo." Parang balewalang sagot lang ng Kuya ni Almero. "Kahit na. Malaki naman ang sinasahod ni Mama sa pagtatrabaho niya sa ibang bansa. Iyan lang kung sa atin siya naka-focus e, kung hinihigop na naman siya ng pa-closeness niyang kamag-anak? Ewan ko na lang..." pangatwiran pa ni Almero. Tumayo na ito at kinuha ang bag sa couch saka tinungo ang kuwarto nilang magkakapatid. "Sandali lang, hindi ka man lang ba mag-meryinda?" habol na tanong ng Kuya ni Almero. "Hindi na. Nakapagmmeryinda na ako. Busog na ako," pasigaw na sagot naman ni Almero upang marinig siya ng kaniyang Kuya. Gabi na nang magising si Zyzha. Nakasuot pa siya ng kaniyang uniporme kaya naman dali-dali siyang nagtungo sa banyo para makaligo at makapagbihis. Nang matapos siya ay tinungo niya ang kusina. May pagkain na sa mesa na tinakpan ng palstic basket upang hindi dapuan ng langaw. Binuksan iyon ni Zyzha. Nang hindi magustuhan ni Zyzha ang ulam ay ibinalik niya sa pagkakatakip ang ulam. Tinugo niya ang reef nila at binuksan ito. Kumuha lang siya ng fresh milk. Nagsalin siya sa malinis na baso at uminom. Pagkatapos muling ibinalik sa reef ang malaking fresh milk na box na may marami pang laman. Napansin ni Zyzha na tahimik ang buong bahay. Tiningnan niya ang oras at bandang alas dyes na pala ng gabi. Ganoon kahaba ang naging tulog niya. Nang may maalala siya ay bigla niyang natutop ang kaniyang bibig. Si Almero, kasama niya ito pag-uwi kanina. Marahil ito ang naghatid sa kaniya sa kanilang bahay. Wala sa sariling ginulo niya ang kaniyang buhok at muling pumasok sa kaniyang silid. Sa kabilang banda naman ay naghihintay pala kay Zyzha ang kaniyang mga kaibigan na kasamahan niya sa kanilang sayaw. May namuong plano pala para sa gagawin nilang pag-iinsayo. Iyon ang nawala sa isip ni Zyzha kaya hindi siya nakasipot sa unang gabing pag-iinsayo sana nila ng kaniyang mga kasamahan. Kinabukasan, papasok na sa eskuwelahan si Zyzha nang sa pag-akyat niya sa may hagdan, bumungad sa kaniya si Almero na tila inaabangan siya sa pagpasok ng kanilang classroom. May kasama itong kaklase nito marahil. Napahinto si Zyzha. Pilit na ngumisi. Hindi siya sigurado sa magiging reaksyon niya na kaharap si Almero agad-agad. Pa'no ba naman na talagang nakakahiya iyong nangyari sa kaniya kahapon. "K-kanina ka lang ba? Hinihintay mo 'ko?" Nauutal pang tanong ni Zyzha kay Almero. "Oo," ang sagot ni Almero. "Ano pa ba sa tingin mo?" "P-pero, bakit naman?" hilaw na napangisi si Zyzha sa tanong niyang iyon kay Almero. "Gusto ko lang naman malaman kung maayos na ba ang naging tulog mo?" muling tanong ni Almero. "Ah, ha? Oo naman. Sa katunayan pa nga niyan, ang ganda ng gising ko kasi tuloy-tuloy ang naging tulog ko," sagot na naman ni Zyzha na pineke na naman ang pagngisi sa harap ni Almero. "Mabuti naman kung gano'n," ang sabi ni Almero. "Sa susunod huwag mo na ulitin iyong kukulangin ka sa tulog." Humakbang pa si Almero para mas maging malapit pa siya sa kinatatayuan ni Zyzha. Natigilan lang si Zyzha at nanatiling nakatingin lang kay Almero. Inilapit ni Almero ang kaniyang mukha kay Zyzha sabay bulong nito sa tenga nito. "Alam mo bang napakabigat mo. Nangalay ang mga braso ko sa kapapasan sa 'yo, alam mo ba 'yon? Kaya huwag ka na matulog sa susunod dahil hindi madali ang pangkuhin ka." Pagkatapos no'n ay dumistansiya na si Almero kay Zyzha. Tsaka bago ito lumisan ay nag-iwan pa ito ng matamis na ngiti sa kaniya. Ang mga estudyanteng dumaraan sa may hagdanan na nakasaksi sa nangyari ay nagtitilihan pa. Sila pa itong kinikilig. Samantala, nakasaksi rin si Regine na may crush kay Almero. Napaisnab pa ito. Tila nagselos din sa kaniyang nakita. Akalain mong magkasa-kasama na nga ang dalawa palagi, nagkadikit pa sila dahil sa ginawang iyon ni Almero kay Zyzha. Naipag-cross naman ni Zyzha ang kaniyang mga braso. 'Ang lalaking 'yon. Akala mo naman kung ano na ang nangyari sa kaniya. Bakit? Sinabi ko ba na kargahin niya ako? Tsk! Kung makapag-react naman ito para namang hindi pa nakakahawak ng babae.' Pagmumura ni Zyzha sa kaniyang sarili. Kung wala lang sila sa iskul ngayon, malamang na sinasagot na rin niya ang mga hinaing na iyon sa kaniya ni Almero. Kung makapagreklamo ito sa kaniya parang ganoon kalaki ang issue. Talagang inabangan pa siya para lang sabihin iyon sa kaniya. Hindi ba nito puwedeng sabihin mamaya pag-uwian nila. Nakapagtataka talaga ang ikinikilos na iyon ni Almero sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD