Their Paths Met Again

1048 Words
Zyzha Maaga natapos ang klase ko today. Buti na lang wala ang last subject teacher kaya maaga akong makakauwi at nang makapag-practice na rin ng aming sayaw. Ano na kaya ang balita roon sa practice namin? Si Almero kaya? Hindi ko siya makakasabay sa pag-uwi ngayon. Hay naku naman... Napahiga pa ang ulo ko sa desk ng aking upuan. Wala ng magdadala sa gamit ko. Napakabigat pa naman ng mga libro at artwork ko. Nasa katamlayan ako ng hapong 'to nang may tumapik sa braso ko. Napaangat ako ng ulo. "Bakit?" ang walang kabuhaybuhay na tanong ko sa aking kaklase. Isinauli lang pala ng kaklase ko ang hiniram sa akin. Si Regine naman hindi ako iniimikan. Simula pa kaninang umaga. Ano ba'ng nangyayari sa mga tao ngayon? Ba't parang ang init ng ulo nila sa akin. Hindi ko naman sila inaano? Pati rin si Almero ay parang galit din yata iyon sa akin. Nakita ko naman siya kanina sa may corridor pero wala man lang reaksyon nang ngitian ko siya. Ano ba 'yan... Sumasakit tuloy ang ulo ko. Ayaw ko na lang pumasok. Kaya kahit walang gana ay iniligpit ko na lang ang mga gamit ko. May malaking bag akong dala at malaking hand bag din. May dinadala pa akong sisidlan ng iniinom kong tubig. Kaya ko dalhin ang mga 'to. Sasakay na lang ako ng tricycle. Hindi na rin ako nagpaalam sa mga kaklase ko, tutal abala rin ang mga ito. Paglabas ko ng room ay talagang hindi ko nakita si Almero. May klase pa kasi ang ibang sections. Bitbit ang mga gamit ko ay dali-dali akong pumunta sa may exit kung saan hindi iyon kalayuan sa aming classroom. Sakto naman na may nakaabang na tricycle sa labas ng exit ng school kaya sumakay na lang ako. "Saan ka bababa, Iha?" agad na tanong ni Manong Driver sa akin. Napaarko pa ang kilay ko. "Sasakay pa po ako, hindi pa po bababa." pilosopang sagot ko naman kay Manong Driver. 'Patawad Manong at ikaw pa itong napagbuntungan ko. Sadyang wala lang ako sa mood ngayon Manong kaya intindihin niyo na.' Bulong ko na hindi ko naman mabigkas sa bibig ko. Natawa si Manong. Akala ko magagalit ito. "Ang ibig kong sabihin Iha na kung saan ba kita ihahatid?" paglilinaw pa ni Manong. Napakorte pa ng litrang O ang bibig ko. "Paumanhin Manong, sa sakayan lang ako ng papuntang Subdivision," nahihiyang sagot ko tuloy. Nasabi ko tuloy na napakabuti ni Manong. Wala na akong narinig pa mula kay Manong kun'di inihatid niya ako ng tama sa patutunguhan ko. Pagdating ko sa sakayan ng Subdivision ay matagal pa bago umalis ito. Kailangang mapuno pa ng sakay na pasahero saka aalis. Hihikabin kang talaga sa kahihintay. Kaya kandong ang bag kong dala habang ang hand bag ko naman ay nasa aking paanan lamang na inipit ko para hindi ito matutumba. Inihiga ko na lang ang ulo ko sa bag na kandong ko. Iidlip na lang ako tutal pauwi na rin naman ako. "Oh! Ang upuan na may puwang umatras at may sasakay!" Sigaw naman ng driver na magmamaneho nitong sinasakyan ko. Alam kong gising pa ang diwa ko kaya umatras ako kahit nakayuko pa rin ang ulo ko sa bag. Wala kasi akong katabi. "Kuya? Bayad ko po." Boses ng lalaking tatabi yata sa 'kin sa pagsakay. Bigla akong kinutuban. Parang binuhay ang katamlayan ko. "Salamat, Fin. Saan ang mga kapatid mo?" Tanong naman ng Driver sa lalaking tinawag niyang Fin. Pamilyar kasi ang boses. Parang... Kilala ko yata ang boses ng lalaki. "Mamaya pa po ang mga 'yon." Magalang niyang sagot. "Ah gano'n ba. Wala pala 'yong sundo niyo?" Tanong na naman ulit ng driver. "Wala po." Tipid na namang niyang sagot. "Sige, sakay na." Sumakay na nga siya dahil naamoy ko pa ang mabango niyang amoy lalo na nang maramdaman kong tumabi na siya sa 'kin. Medyo masikip kunti pero okay lang. Pero ang puso ko... Napahawak pa ako sa puso ko kahit nakayuko pa ang ulo ko. Ang hindi ko alam na napuna pala nito ang ginawa ko. Pinagpawisan pa tuloy ako... Kainis! "Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki sa 'kin na naramdaman kong nakatingin na sa akin ang iba pa ngang nakasakay sa sasakyan. Itinaas ko naman ang kamay at nag-thumps up. Ibig sabihin no'n ay ayos lang ako. Hangga't maaari ay ayokong umangat ng ulo at magtagpo ang mga mata namin. "Maaari ka na umalis, wala na 'yong mga aso." Hindi ako puwedeng magkamali. Ito 'yong istriktong lalaking kinaiinisan ko. Sa dinami-dinami ba naman, ito pa ang nakatabi ko. Kulang na lang na magdasal ako. Walang hinto sa pagkabog ang dibdib ko. Titigil na ba ang paghinga ko? Ano na ang gagawin ko? Hindi ko maiangat ang ulo ko dahil tiyak na makikilala niya ako. Naiinitan ako kahit mahangin naman ang tama ng hangin sa sinasakyan namin. Malayo-layo pa ang tatakbuhin ng sasakyang 'to. Sana buhay pa ako pag-uwi. Sa wakas ay nakarating na rin ako. Para akong lumusob sa gyera na nagtatago lang. Buti na lang pala nauna bumaba ang lalaking iyon dahil kung hindi... Naku! Talaga naman mawawalan ako ng hininga sa kaniya. "Oh, Zyzha." Tawag ni Mama sa akin na bumungad pa galing kusina. May dala-dala ito sa kaniyang kamay at natitiyak kong meryinda iyon na niluto ni Mama. "Mama, Mano po." Kinuha ko ang kanang kamay ni Mama at nagmano. "Ba't gan'yan ang itsura mo. Hingal na hingal ka?" pagtatakang tanong ni Mama sa akin. "Kasalanan kasi ito no'ng lalaki, Ma," sagot ko naman. "Ano? Sino'ng lalaki naman 'yang tinutukoy mo?" tanong pa ni Mama. Inusisa ba naman ako. "Napakasikip kasi sa loob ng tricycle, Mama. Bakit na lang hindi Jeep o Multicab ang pampasaherong sasakyan dito?" Pagrereklamo ko pa. "Zyzha, hindi naman tayo babiyahe sa malayong lugar para iyan ang sakayan parito," explain ni Mama. Napabusangot lang ako at naiinitan lalo sa suot kong uniporme. "Mabuti pa, magmeryinda ka na lang..." "Magbibihis na muna ako, Mama." Hila-hila ko na ang mga gamit ko papasok sa kuwarto. Agad kong ini-on ang wall fan para magpahangin habang nagbibihis. "Hindi naman siguro ako niyon napaghalataan. Wala na ngang lingon-lingon nang makababa na siya." Kausap ko sa aking sarili. Pero iniloblob ko ang aking mukha sa unan. Nahihiya ako. Ano ba naman to…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD