Chapter Two

1953 Words
Chapter Two “How many times should I have to tell you that I did it for a prank.” Natigil ako sa pag-aayos ng gamit nang marinig ang boses mula sa labas. Mukhang sina Sir Tydeus na ’yon at ang pang-amin na kakambal niya. “Prank? You carnapped a police mobile at ginamit mo pa talaga sa race car! ’Yun ba ang prank na sinasabi mo?” Napalingon ako sa direksyon nila nang marinig ang kanilang pag-uusap. Ibang klaseng prank naman pala ang ginawa no’n. Pumasok na sila sa loob. “Kausapin n’yo ’yan, he’s giving me a headache!” mariin na sabi ni Sir Tydeus habang nakaturo sa lalaki. Umiiling siyang dumiretso sa kanyang kuwarto at malakas na isinarado ang pinto. Napakibit-balikat na lang ’yung isa at humarap sa mga kapatid niya na nasa couch. “Tymon, ano na naman bang ginawa mo?” inaantok na tanong ng isa na mukhang kagigising lang ulit at bahagyang humikab. Ibinalik ko ang tingin sa kakambal nila na sinundo ni Sir Tydeus sa police station. Tymon pala ang pangalan niya. Naagaw agad ang atensyon ko ng kanyang kulay green na mga mata at messy brown na buhok. “Tymon! You idiot. Give back my shirt!” Nagulat ako nang sumugod sa kanya Si Sir Tyran. ’Yung kapatid nila parang laging may kaaway. “Did you say idiot? Hey! Get off!” sagot naman ni Sir Tymon. Para silang bata na nag-aagawan sa damit at mukhang nagkakapisikalan na sila. “You’re a piece of sh*t!” “And you’re the whole sh*t! Bitawan mo ako!” inis na batuhan nila ng mga salita. “Mga Sir, tumigil na po kayo,” sabi ko para patigilin sila. Gustuhin ko mang lumapit pero hindi ko magawa dahil baka madamay ako sa kanilang pagsasakitan. Napatingin ako sa isa nilang kapatid nang tumayo ito. Gulo-gulo pa ang buhok niya na halatang inaantok pa. Nagkukusot ng mata siyang lumapit sa kanila para umawat. “Brothers, ang ingay. Tumigil na nga kayo,” antok na sabi nito at sinubukan silang hawakan. “Manahimik ka!” Nanlaki ang mga mata ko nang masuntok siya ng dalawa at sa isang iglap ay bumagsak sa sahig. Gulat ko siyang tiningnan nang mapansing wala na siyang malay. Mukhang nakatulog ulit siya. Agad na nabalik ang atensyon ko sa dalawa nang makarinig ng napunit na bagay. Nanlalaking mata na nagkatinginan sila habang hawak ang damit na napunit. Napalunok ako dahil nakakaramdam ako ng hindi magandang mangyayari. Dahan-dahan na hinubad ni Sir Tymon ang damit at unti-unting binitawan. Gulat na napatitig naman doon si Sir Tyran. “Ah. B-baka may available pa nito, o-order na lang ulit tayo, right, kapatid?” nahihiyang saad ni Sir Tymon at pilit na ngumiti ng peke. Napatingin ako kay Sir Tyran. Lalong tumindi ang kaba ko nang makita ang kanyang hitsura. Umiigting ang panga niya at mariing nakakuyom ang kamao habang nakahawak sa damit. Nanlilisik na mga mata siyang tumingin kay Sir Tymon na parang gusto niya na itong durugin. “Tymon! F*ck you!” galit na sigaw niya at inambahan ito ng suntok. Tuluyan na silang nagkagulo. “Ay! Sir, tumigil na kayo!” sigaw ko para pigilan sila. Napakunot ako ng noo nang makaramdam ng kamay na humawak sa baywang ko. “Oo nga, tumigil na kayo,” rinig kong sabi ni Sir Bastos sa gilid ko at niyakap ang isang kamay sa aking baywang. “Sir, tumigil ka rin! Bastos!” Agad ko siyang tinulak ng malakas para makalayo. Tinutukan ko rin siya ng walis na hawak ko. “Ow! Sorry, Baby. Masyado lang nadala,”sabi niya at itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko habang umaatras palayo. Sinamaan ko lang siya ng tingin at binalik na ang atensyon sa dalawang nagkakagulo. Nasa gilid naman nila ang isa na mahimbing na natutulog sa sahig. Napalingon ako sa direksyon ni Sir Typhoeus. Humikab lang siya at walang emosyon na naglakad paalis na parang walang nangyayaring gulo. “Sir, hindi mo po ba sila aawatin?” nag-aalalang tanong ko. “No,” tipid na sagot niya at tumuloy na sa paglalakad. Natataranta kong inilibot ko ang tingin sa mga kambal na nasa harapan. Hindi ko alam kung sinong uunahin sa kanila. Hindi ko rin alam ang dapat kong gawin para tumigil sila. “Sir, tumigil na po kayo!” pag-awat ko. Hindi nila ako pinakinggan at nagpatuloy lang sa pagsasakitan. Napasapo na lang ako ng noo. Unang araw ko pa lang dito, parang namumuti na ang buhok ko dahil sa sobrang stress sa kanila. Makalipas ang ilang oras. Natapos ang napakagulong araw. Nakatitig lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama at nagtatanggal ng stress. Halos mag-aalas dose na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog kahit pagod na pagod ako. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Naubos agad ang energy ko hindi lang sa pag-aayos ng mansyon pati na rin sa gulong pinaggagawa ng anim. Medyo nagsisisi na tuloy akong pumayag sa offer ni Mr. Montero na magtrabaho ako rito. Pero sayang ’yung magiging kita ko. Isa ako sa inaasahan ng pamilya ko at saka gusto ko ulit makapag-aral kaya kailangan kong makapag-ipon. At dito ko gagawin ’yon. Sa ngayon, tiis-tiis muna. “Pero hindi ko inaasahan na ganito pala kagulo rito. Unang araw pa lang, parang giyera na, paano pa kaya sa mga susunod? Dagdag pa ’yung pare-parehas na mukhang nakikita ko, nakakalito.” Hindi naman nakakasawang tingnan ang hitsura nila dahil mga guwapo sila at may magandang pangangatawan. Huwag nga lang sila gumawa ng kalokohan. Unang-una na si Sir Bastos aka Tylor! “Arg! Ang guwapo-guwapo pero manyak naman!” nanggigigil na sabi ko nang maalala ang ginawa niya. “Ito pang si Sir Tymon, mukhang siya ang pinakamagulo sa lahat. Dumating lang kasi siya, bigla na lang nagkaroon ng war. Ito namang si Sir Tyran, napakamainitin ang ulo. Nadamay pa tuloy ’yung isa na walang kamalay-malay. At ’yung isa, mukhang walang ibang balak gawin kundi matulog na lang.” Biglang pumasok sa isip ko si Sir Typhoeus. ’Yung tahimik na nakasalamin. “Hindi man lang siya nakiawat. Parang wala rin siyang pakialam kahit magpat*yan pa ang mga kapatid niya,” sabi ko sa sarili. Napabuntong-hininga na lang ako at napailing. “Mukhang si Sir Tydeus lang ang pinakamatino sa kanilang lahat.” Napatingin ako sa orasan. Halos magmamadaling araw na pala. Kailangan ko nang matulog. Maaga pa akong gigising mamaya. Umayos na ako ng higa at nagsimula nang pumikit para matulog. AGAD akong dumilat nang marinig ang tunog ng alarm mula sa phone ko. Kahit gusto ko pang pumikit at umidlip ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na bumangon. Inayos ko na ang higaan at kinuha ang uniform ko. Binigay ito kahapon ni Sir Tydeus kasama ng iba pang gamit. Matapos ihanda ng mga susuotin ko ay naglagay muna ako ng earphones sa magkabilang tainga at nagpatugtog ng mga pampagising na kanta. Gusto kong makinig ng music para hindi na ako antukin at magkaroon na rin ng energy ngayong araw. Lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso sa bathroom. Tinuro na sa akin ni Sir Tydeus kahapon ang palikuran na gagamitin ko kaya alam ko na kung nasaan ito. Nang makarating, binuksan ko na ang pinto at pumasok sa loob. Sinampay ko na ang towel at inayos na rin ang mga susuotin ko. Naghubad na ako ng damit at nagtanggal ng panloob bago pumasok sa shower room. Napakunot ako ng noo nang mapansin na parang nagbukas ang pintuan nito. Agad akong napalingon doon. Nanlaki ang mga mata ko nang may lumabas na lalaking nagpupunas ng towel sa buhok. Kasunod nito ang kaunting usok mula sa loob ng shower room. Napakagat ako ng pang ibabang labi nang makita ang kanyang naninigas na abs. Natigil ako nang mapansin ang malaking peklat na parang hiwa sa gitna ng kanyang dibdib. Gulat kaming nagkatinginan sa isa’t isa at napatingin mula ulo hanggang paa. “Ah!” malakas na sigaw namin sa loob. Hindi ko alam kung ano ang unang tatakpan ko kaya agad akong tumalikod at niyakap ang aking dibdib. “Bastos! Bastos! Umalis ka rito!” malakas kong sigaw. “F*ck! Sorry, Miss! I’m leaving right away.” natatarantang sabi niya. Narinig ko ang malakas na pagsarado ng pinto, pagkatapos ay tumahimik na ang buong palagid. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakatakip sa katawan ko at lumingon-lingon para makasiguradong wala na siya. “Mukhang wala na talaga,” sabi ko sa sarili at tumingin sa shower room. Napatakip ako ng mukha dahil sa kahihiyan nang mapagtanto ang isang bagay. “N-nakita niya ang katawan ko,” tulala kong sabi. Pakiramdam ko, sobrang pula na ng mukha ko. Napakainit nito. Parang gusto ko na rin magpalamon sa lupa dahil sa nangyari. “Pero— sino ’yon?” gulat kong tanong. Malaki ang distansya namin dalawa kaya hindi ko nakita ang kulay ng kanyang mga mata. “Fudge! Bakit ba kasi pare-pareho ang mukha nila!” inis kong sabi sa sarili at napahampas ng mukha. “Sana hindi ’yon si Sir Tylor! Pero, dapat hindi na lang nangyari ’yon!” Malalim akong napabuntong-hininga at pumasok na sa shower room. Binuksan ko na ang shower. “Fudge, Aina. Nakakahiya ka!” nanlulumo kong sabi sa sarili at tinapat ang ulo rito. “Ang aga-aga, nasira agad ang araw ko.” Pumikit na ako at pinakiramdaman ang tubig na bumubuhos. Makalipas ang ilang minutong paliligo at pag-aayos ay lumabas na ako. Naghanda na ako ng gamit sa paglilinis. Sinimulan ko sa sala hanggang sa bawat sulok ng mansyon maliban sa mga kuwarto nila. Aayusin na lang ’yon mamaya kapag gising na silang lahat. Nang matapos ako ay dumiretso na ako sa kusina para ipaghanda sila ng agahan. “Good morning, Baby. Kumusta?” nakangiting bati ni Sir Tylor. Alam kong siya ’yon kahit malayo dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Baby. “You’re so cute with your uniform,” aniya. Nakaramdam ako ng kaba nang maalala ang nangyari kanina, pero agad din itong nawala nang mapansin na mukhang kagigising lang niya at parang hindi pa rin siya nakakapaghilamos. Kumbinsido na akong hindi siya ’yon. Sarkastikado lang akong ngumiti sa kanya habang nagluluto. Ayaw kong mas madagdagan ang inis ko ngayong araw kaya kailangan ko lang kumalma. Lumapit siya sa akin. “Won’t you greet me?” tanong niya. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. “Good morning, Sir Bas— este Sir Tylor,” bati ko para magtigil na siya. Napangiti naman siya sa sinabi ko. “So cute. That’s great. Hmm… how about sweet lines for your boss, may sasabihin ka ba?” tanong niya. Napangisi naman ako. Nauubos na ang pasensya ko sa kanya. Pero kalma lang dapat, Aina. Pagbigyan mo na siya. Biglang nagbago ang ekspresyon ko nang makaisip ng magandang sasabihin. Binigyan ko siya ng masigla at malapad na ngiti. “Alam mo ba, Sir? Nang dumating ka, parang wala na akong makitang iba,” sabi ko sa kanya at umakto na parang kinikilig. Nagninging naman ang mga mata niya at napangiti. “Really?” natutuwa niyang tanong at lumapit sa akin. “Yes, dahil nagdidilim ang paningin ko sa ’yo,” walang emosyong sabi ko sa kanya at hinarang sa pagitan namin ang sandok na hawak ko. “Lumayo ka na po, Sir. May ginagawa po ako. Huwag ka pong istorbo,” seryosong saad ko. Kahit kabado dahil baka masisante ako sa pagsusungit sa kanya ay nilakasan ko na lang ang loob ko. Napasimangot naman siya at unti-unting umatras palayo. Makakahinga na sana ako nang maluwag pero bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. “Mas lalo kitang nagugustuhan sa ginagawa mo, Miss Aina,” saad niya at kumindat sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD