bc

Maid For The Montero Siblings

book_age18+
37.0K
FOLLOW
341.4K
READ
possessive
family
playboy
dominant
badboy
comedy
sweet
bxg
realistic earth
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa malaking sahod, hindi na tinanggihan ni Aina ang alok na magtrabaho sa mansyon ng mga Montero. Ngunit laking gulat niya nang bumungad agad ang malalang gulo at kalat sa unang araw pa lang ng kanyang pagpasok. Mula sa anim na magkakamukhang lalaki na may malaking pagkakaiba ng personalidad.

Makakayanan niya kayang tumagal kasama ang nagguguwapuhan pero magugulong Montero Siblings?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Chapter One HUMINGA ako nang malalim habang pinagmamasdan ang malaking mansyon sa harapan. Hindi ko maiwasang mapahanga dahil sa sobrang ganda nito. Kita rin mula rito ang maaliwalas na garden area at natatanaw ang fountain, ilang metro ang distansya mula sa kinatatayuan ko. Medyo nanginginig pa ang kamay kong nakahawak sa maleta dahil sa kaba. Ngayon na kasi magsisimula ang trabaho ko bilang maid. Hindi na masama dahil triple ng sahod sa dati kong trabaho ang magiging suweldo ko rito. “Hey! You’re Aina Mariano, right?” Nabalik ako sa reyalidad nang makita ang isang matangkad na lalaki sa tapat ko. Halos matulala at mapanganga ako sa hitsura niya. Ang guwapo! Ang ganda rin ng mga mata niya. Kulay asul ito. Nakadagdag din ng kanyang dating ang medyo kulot niyang buhok na may dark brown highlights. Agad akong tumango bilang tugon. “Yes po, Sir!” masigla kong sagot. Napapatingala pa ako dahil sa tangkad niya. “By the way, I’m Tydeus Montero.” Hinanda niya ang kanyang kamay para makipag-handshake. Nakangiti ko itong kinuha. “Come here. Dalhin muna natin ang mga gamit mo sa magiging kuwarto mo,” saad niya at nagsimula nang maglakad. Sumunod naman ako sa kanya at pumasok na kami sa loob. “Some maids are on leave, ’yung iba naman umalis na talaga. Sa ngayon, kami lang ng mga kapatid ko ang nandito kaya pasensya na agad sa mga kalat na makikita mo,” sabi niya habang naglalakad. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid ng mansyon. Napakalaki ng loob nito pero tulad ng sinabi niya, medyo makalat. Hindi pala, parang may gulo na nangyari. Hindi rin maayos ang paglagay ng ibang mga gamit. “Tymon! What did you do to my favorite shirt?!” Napatingin ako sa itaas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaki na nakahubad at may puting towel lang na nakalagay sa balikat niya. “Ah!” Mabilis akong nagtakip ng mga mata at agad na tumalikod. “What the f*ck, Tyran? Umayos ka nga!” sigaw ni Sir Tydeus sa gilid ko. “Ow! F*ck!” Narinig ko ang malakas na pagsarado ng pinto. Ilang sandali lang ay tumahimik na ang buong paligid. “Okay na, Miss Aina. Pasensya na sa kapatid ko.” Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko at tumingin sa taas. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na talaga ang lalaki. Tumuloy na ulit si Sir Tydeus. Dumiretso na kami sa isang room na malapit sa kusina at pumasok sa loob. Iginala ko ang tingin sa loob. Isa itong kuwarto na may single bed at dalawang unan. May isang malaking electric fan din dito, malaking salamin na nakadikit sa pader at mayroong maliit na cabinet. “Is it okay with you, Miss Aina?” tanong niya sa akin. Agad naman akong ngumiti at tumango. “Okay na okay po sa akin, Sir,” sagot ko. Bahagyang nagsalubong ang dalawang kilay ko nang makaamoy ng nasusunog na bagay. “Parang may amoy sunog po?” tanong ko. Suminghot-singhot ako para makumpirma ’yon. Inamoy rin ito ni Sir Tydeus. “F*ck? ’Yung niluluto ni Tyger,” dismayado niyang sagot. Napasapo siya ng noo at umiling-iling. “Wait, Miss Aina, babalik ako,” paalam niya. Natataranta siyang tumakbo palabas para puntahan ’yon. Binalik ko ang tingin sa room. Pinasok ko na ang maleta ko at inayos. Ipinatong ko ito sa ibabaw ng kama para buksan at ilabas ang mga gamit ko. “So, you're the new maid?” Napalingon ako sa pinto nang may marinig na boses. Nakasandal si Sir Tydeus sa pinto. Napansin kong iba na ang suot niya ngayon. Nakapagtataka rin ang kilos niya. Nakangisi siya at nakahalukipkip habang nakatitig sa akin nang malagkit. Parang may kakaiba sa kanya. “S-sir Tydeus?” nag-aalangang tanong ko. Napalunok ako nang unti-unti siyang lumapit sa akin. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Halos magdikit na ang katawan namin dahil sa sobrang lapit niya. Mas lumapad ang ngisi niya nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Oh, you’re beautiful and sexy,” sabi niya na mas lalong nagpakaba sa akin. Nagulat ako nang itulak niya ako pahiga sa kama at agad na pumaibabaw sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at idinikit sa kutson. “S-sir Tydeus.” Nagbalak akong magpumiglas para makawala. Natigil ako at nanlalaking mata siyang tiningnan nang makita ang kulay ng kanyang mga mata. Kulay gray ito. Iba sa kulay asul na nakita ko kanina. Itinapat niya ang kanyang bibig sa tainga ko. “I’m not Tydeus, Baby,” mapang-akit niyang bulong. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa aking leeg. “Let’s make your first day memorable.” Napapikit ako nang dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. “Aray!” Napadilat ako nang makarinig ng malakas na paghampas ng isang bagay. Ngayon ay nakasubsob na ang mukha ng lalaki sa gilid ko habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo niya at dumadaing sa sakit. Agad akong bumangon at inayos ang sarili. Lumayo rin ako sa lalaking kamukha ni Sir Tydeus. “Malala ka na talaga, Tylor.” Inilipat ko ang tingin sa lalaking nasa harapan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kamukha rin siya ni Sir Tydeus, pero nakasalamin naman siya at may hawak na makapal na libro. Napatitig ako sa kulay ng kanyang mga mata. Ngayon ko lang nakita ang ganitong klaseng kulay, parang pinagsamang blue at green. Kung hindi ako nagkakamali, mukhang turquoise ito. Kakaiba. “Guys, may narinig akong kung ano, is there something happen?” Napalingon kami sa lalaking pumasok. Nagkukusot pa siya ng mata. Mukhang galing siya sa mahimbing na pagtulog dahil humihikab pa at gulo-gulo ang kanyang buhok. Kasunod naman niya ang hinihingal na si Sir Tydeus. Sigurado akong siya na ito dahil alam ko ang suot niyang damit. “Ano’ng nangyari?” tanong niya at lumingon-lingon sa amin. Hindi ko maiwasang manlaki ang mga mata habang tinitingnan silang lahat. Pare-parehas sila ng hitsura. Pero mukhang ang pinag-iba lang nila ay ang kulay ng mga mata pati ang kanilang hairstyle. Mariin akong pumikit at dumilat ulit. Baka sakaling nanamalik-mata lang ako. Tiningnan ko sila nang mabuti. Magkakamukha pa rin sila sa paningin ko. “May nag-aaway ba rito?!” Naagaw ang atensyon namin sa isang lalaki ulit na pumasok. At gaya ng inaasahan, kamukha rin nila ito. Bumangon na ang bastos na lalaki at tumingin sa mga kapatid niya. “I just want to welcome our new maid, masyado lang talagang agresibo si Typhoeus,” nakangisi niyang sabi at tumingin sa lalaking nakasalamin. Pasimple siyang naglakad palabas ng room at mabilis na tumakbo paalis. Napakuyom na lang ako ng kamao habang sinusundan siya ng tingin. “Bastos,” mariin kong sabi. Lumabas na rin ang ibang lalaki na nasa loob at naiwan si Sir Tydeus dito. Bumuntong-hininga na lang siya habang nakatingin sa labas. “Pasensya na ulit sa mga kapatid ko, sakit talaga sila sa ulo, lalo na si Tylor,” dismayadong sabi niya habang hinihilot ang kanyang sentido. ’Yung Tylor siguro na tinutukoy niya ay ang bastos na lalaking may kulay gray na mga mata. Biglang sumagi sa isip ko ang hitsura nila. Magkakamukha silang lahat. Siguro dahil magkakapatid sila. Pero nakapagtataka, parang kambal at halos walang pinagkaiba. “Sir, kambal po ba kayo?” tanong ko sa kanya. “Actually, we are sextuplets.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Sextuplets? Hindi ’yon pamilyar sa akin. Ngayon ko lang nalaman na may gano’n palang nag-e-exist. “Weird, right? Anim na kambal. Well, our case is the rarest because apart from being identical, we also have different eye colors. Sa totoo lang, nagsasawa na ako sa pare-parehas na mukhang nakikita ko,” natatawang sabi niya. Hindi ko maiwasang mamangha sa sinabi niya. Ang alam ko lang ay ’yung twins, bihira pa ang triplets, pero ’yung sextuplets? Ibang klase. “After mo mag-ayos ng gamit, ipakikilala na kita sa kanila,” nakangiti niyang sabi. Dahan-dahan naman akong tumango na bakas pa rin ang gulat sa mukha ko. Lumabas na siya ng pinto. Inayos ko naman ang kama at nilabas na ang mga gamit ko. Natigil ako nang maalala ang lalaking humampas sa ulo ni Sir Bastos. Kung hindi dahil sa kanya, baka kung ano nang nangyari sa akin. Hindi man lang ako nakapagpasalamat. Nang matapos ako sa pag-ayos ng mga gamit ay lumabas na ako ng room at pumunta sa sala. Nadatnan kong nakatayo sa gitna si Sir Tydeus habang ang iba ay kung ano-anong posisyon ng pag-upo sa couch ang ginawa. Napatingin ako sa lalaking nakasalamin, seryoso siyang nagbabasa ng libro habang nakapatong ang siko niya sa hawakan. Ang hot niyang tingnan. “So, brothers. This is Aina, our new maid,” pagpapakilala niya sa akin. Nginitian ko naman sila, maliban sa bastos na lalaki kanina. Bahagya akong yumuko para mag-bow. “Magandang araw po,” bati ko. “And, Aina. Sila ang mga kapatid ko. Unang-una, si Tylor.” At tinuro niya si Sir Bastos. Nakangisi naman itong kumaway sa akin. “Hey, Baby,” bati niya sabay kindat. Gusto ko siyang irapan pero isa siya sa mga boss ko. Unang araw ko pa naman dito kaya dapat behave lang. Hindi ko na lang siya pinansin, baka masisante pa ako dahil sinusungitan ko siya. “Uhaw sa babae.” “And he’s always h*rny,” sabi ng isa. “Hey! Huwag n’yo naman akong siraan sa kanya,” inis na sabi nito sa mga kapatid. “They are telling the truth, idiot,” pagsingit naman ng lalaking nakasalamin, ’yung pumalo kanina sa ulo niya. Nakatingin pa rin ito sa binabasa. “Sabihin mo agad sa akin kapag ginugulo ko ka ni Tylor,” saad ni Sir Tydeus sa akin. Tumango naman ako bilang tugon at tipid na ngumiti. “And he’s Tyran.” Napatingin ako sa lalaking nakasandal sa gilid ng upuan. Salubong ang kilay niyang tumango sa akin habang pinupunasan ng towel ang kanyang buhok. Army cut ang hairstyle niya at medyo kayumanggi ang balat. Napatitig ako sa mga mata niya, kulay amber ito. Kung hindi ako nagkakamali, siya ’yung nakahubad na lalaki sa taas kanina. “Mag-ingat ka rin sa kanya, medyo moody siya at may kaunting attitude problem,” mahinang sabi sa akin ni Sir Tydeus. “Hoy, Tydeus! Ano’ng sinasabi mo sa kanya?” galit na tanong nito. “Nothing, sinabi ko lang sa kanya na ikaw ang pinakamabait sa atin,” nakangiti niyang sagot na parang may halong sarcasm. Tiningnan ko silang lahat at binilang sa isip. Lima lang nandito kabilang na si Sir Tydeus. “Sir, ’di ba anim po kayo?” tanong ko sa kanya. “Uhm, yes. Wait, where’s Tymon?” nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa mga kapatid. Nagkibit-balikat lang ang mga ito bilang sagot. Ibinalik namin ang tingin kay Sir Tydeus nang makarinig ng phone na nagri-ring. Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa at agad na sinagot. “Hello? Yes, this is Tydeus Montero, why?” Nanatili kaming nakatingin sa kanya habang nakikinig. “What? He’s at the police station?” gulat niyang tanong.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook