Chapter 1
Calxy's POV,
"Wow! Ang bango!"
Napataas ang kilay ko sa sinigaw ng babae. Kakagising niya lang sa kama ko at ganiyan kaagad ang bungad niya.
"Whoa! Ang gwapo!"
I smug...Too noisy for a girl!
"I know Im handsome. Now get out or I'll kill you"
Mas lalong tumaas ang kilay ko ng tumalon talon ito sa kama ko. Hindi man lang ako narinig!
"What are you doing?!" Inis na sambit ko rito.
Hindi man lang niya ako pinansin at tuloy tuloy lang siya sa kaniyang ginagawa.
Such a childish!
Tumayo ako sa sofa na inuupuan ko at nilapitan siya ng nakakunot ang noo.
"Young lady, if you dont want to be killed, get out my fvcking house!"
Natigilan siya at inosenteng napatingin sa akin. Napangisi ako dahil sa wakas ay napatigil na rin siya.
But damn I was wrong!
Ganoon na lang ang paglaki ng mata ko ng hinila niya ang kwelyo ko. Tuwang tuwa siya samantalang ako kumukurap at di makapaniwala sa kaniyang ginawa.
"What the h-heck.."
"What da hik?" Panggagaya niya sa sinabi ko na parang bata.
Napalunok ako dahil ngayon lang ako nakalapit sa babae ng ganito. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago ako napabalik sa realidad at mabilis ko siyang tinulak.
I quickly dash towards the kitchen. Bigla akong nauhaw darn it!