“Kumusta ang preparasyon sa kasal mo, Elena?” tanong ni Mommy.
Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa usapan nila. Sinagot naman ni Elena ang tanong niya at mas naging detalyado pa ang usapan nila dahil sa naging sagot nito.
“Ikaw naman, Akira? Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring natitipuhan sa mga binatang anak ni Esmeralda?”
Tumikhim muna ako. “Wala po sa kanila ang tipo ko,” tipid kong sagot bago nagpatuloy sa pagkain.
Napailing na lang siya, maging si Lola ay dismayado sa isinagot ko. Mabilis na ibinalik ang usapan tungkol sa kasal ni Elena. Wala pang pormal na engagement party pero tingin ko’y gaganapin ang enggrandeng pag-anunsyo ngayong buwan.
Halos kumpleto kaming lahat ngayong gabi dahil ngayon ang birthday ni Lola. Naghanda kami para sa kaniya ng magarbong selebrasyon ngunit mas gusto ni Lola ang simpleng salo-salo. Mula anak, asawa hanggang sa mga apo at apo sa tuhod ay kumpleto.
Dito na rin sa resthouse ni Lola magpapalipas ng gabi ang lahat dahil malayo pa ang pinanggalingan ng pamilya ni Tito Peter, sa Isabela pa sila nanggaling samantalang sa Cebu naman sina Tito Erik.
“Sigurado na ba kayo sa petsa? Bakit naman inurong niyo pa ng tatlong buwan?” tanong ni Tito Peter.
“May mga inaasikaso pa po kasi si Greg sa business nila. Wala naman pong kaso sa akin iyon dahil hindi naman po kami nagmamadali. Mabilis lang naman po ang takbo ng tatlong buwan para sa aming dalawa…” mahinhin na sagot ni Elena sabay ngiti na rin.
It’s amusing how innocent she always acts. Sa kabila ng walang katapusang pagkukumpara ni Daddy sa aming dalawa ni Elena, kailanman ay hindi naging dahilan iyon para magkaroon ng alitan sa aming dalawa. Or at least, for her.
My father always expresses his disappointment in me. He never fail to say how disgraceful I have become and how Elena has been his favorite.
I shook my head to brush off those thoughts while we’re eating. I forced my lips to stretch for a smile and gave it to my sweet yet low-key annoying sister.
I scoffed. “Hay, naku. Sa panahon ngayon, dapat ay minamadali na ang kasal. Lalo pa’t sa sitwasyon ninyong dalawa… na halos walong taon nang magkasintahahan…” Napailing ako at sinadyang hindi ituloy ang sasabihin.
Inasar ako ni Liam at dinagdagan pa iyon ni Iko tungkol sa pagiging bitter ko raw dahil single pa rin ako hanggang ngayon. Sinaway kami ni Tito Erik kaya mabilis na nanahimik ang dalawa.
Bukod sa nasa diet pa ako ay hindi ko na dinagdagan pa ang kinain dahil wala talaga akong gana. Hindi sana ako pupunta rito ngunit ayaw ko namang mabigo sa akin si Lola.
“Si Akihiro? Akala ko ba ay hahabol siya ngayon?” tanong ni Tito Peter.
Napasulyap sa akin si Lola, nag-aabang ng sagot.
“Busy po si Dad sa dinner meeting kasama ang isang investor, Tito. Nabanggit niya rin po na may pag-uusapan sila ni Gregory tungkol sa engagement.” Si Elena na ang sumagot at nagawa pa niyang sumulyap sa akin at ngumiti.
I did not bother my lips from giving her a small smile, this time. I just don’t want to force myself from doing something I don’t really like.
Nagpaalam ako saglit sa kanila dahil napansin ko na nagvi-vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang screen ay halos naka-limang tawag na pala si Jeffrey, ang kaibigan ko.
“Tagal sumagot, grabe!” reklamo niya agad.
“I was eating. Ano ba ‘yon?”
Tumikhim muna siya. “Well, make sure na walang nakakarinig sa’yo, ha. Huwag mong i-loudspeaker ang tawag.”
Lumingon muna ako sa likod ko para tingnan kung may tao at kahit nang makitang wala ay lumayo pa rin ako.
“Spill.”
“Ito na nga. Ako ang nasa bar counter kanina at girl, dumating bigla si Gregory! Lasing na lasing. Hindi yata ako nakita kasi may kausap siyang babae!” Mahina ang boses niya habang nagku-kwento pero rinig na rinig ko pa rin iyon, lalo na no’ng banggitin niya kung sino ang lalaki.
“Sino ‘yong kausap niyang babae?” tanong ko, tila iyon lang ang naintindihan sa sinabi niya.
“Hindi ko kilala, e. At ito pa, magkikita raw sila mamayang alas otso sa BGC!”
Namilog ang mga mata ko. Agad kong sinulyapan ang oras sa itaas ng screen ng phone ko at kinalkula ang magiging biyahe ko papunta roon. Kung aalis ako ngayon din, makakarating agad ako roon sa tamang oras!
Bumaba naman ang tingin ko sa suot kong dress at naisip na pwede pa naman siguro akong dumaan sa condo para makapag-ayos at magpalit.
“Hoy, Akira, ha. Support kita palagi diyan sa kalokohan mo pero ikakasal ang tao, magdahan-dahan ka, naku, sinasabi ko na sa’yo. Huwag mong sasabihin sa akin na hindi kita binalaan…”
I smirked. “Don’t worry, Jeff. Wala pa namang kasiguraduhan. Hindi pa nakatali. Kaya pang agawin.”
I almost giggled.
Let the game begin.
Pahirapan pa ang magpaalam kina Lola na aalis ako dahil nga espesyal na araw ito para sa kaniya at para sa aming lahat. I asked for Tita Paula’s help since siya naman ang nakakasundo ko sa mga kalokohan ko. Iyon nga lang ay wala siyang ideya kung sino ang balak kong kitain ngayong gabi.
“Ipapakilala ko sa inyo ‘yon, La, kapag naging maluwag na ang schedule niya. Promise! Sa inyo ko kaagad ipapakilala…” rason ko pa. Pasimple ko namang sinulyapan si Elena na tahimik lang na nakikitawa sa biruan nina Iko at Liam.
Nakabusangot si Lola nang magpaalam ako sa kaniya. I waved my hand at her after kissing her cheeks.
I started the engine and drove faster to my condo. Walang lingon-lingon akong lumabas at halos takbuhin ko na ang unit ko para lang makapagbihis na kaagad. Tawag pa nang tawag si Jeffrey pero hindi ko iyon sinagot at inatupag na lang ang paghalughog sa closet ko.
Wala akong mapiling dress!
Masyadong revealing ang karamihan ng dresses ko at ayaw ko namang magpakita kay Gregory nang ganoon ang suot!
Naghanap ako ng kahit anong dress na may manggas at kahit papaano ay may nahanap akong isa.
I was thinking if I’m going to take a quick shower. Napalingon ako sa orasan at kung maliligo pa ako ay baka ma-late ako nang tatlumpung minuto.
Pasimple kong inamoy ang sarili at hindi naman ako mabaho. Hindi naman ako aamuyin, hahalikan, o didilaan ni Greg.
Saka na ‘yon.
I wore a light pink short dress and paired it with white strappy sandals. Hindi naman gano’n kababa ang neckline. Kung yuyuko, doon lang ako medyo makikitaan pero tolerable naman iyon. Hindi ako agad magpapakita ng kaluluwa dahil first interaction pa lang naman namin ito ni Gregory.
I must act like a cute little damsel to him.
Napangiwi ako nang makita ang kabuuan ko sa salamin.
I looked way too cute!
Hindi ako mahilig magsuot ng ganitong dress. Kaya nga iisa lang ‘to sa closet ko at hirap na hirap pa akong hagilapin. Puro strapless, backless at karamihan ay may mababang neckline, which is very far from my sister’s type of clothing.
I received a text message from Jeffrey earlier. Nakalagay doon ang address ng isang restaurant kung saan magkikita si Greg at ‘yong babae niya.
The nerve of him to meet someone while he’s engaged with my sister!
Inabot ko sa vallet ang key fob ng sasakyan ko at nakangiting pumasok sa restaurant. Binati kaagad ako ng isang waiter at naglahad ng isang mesa sa akin.
Iginala ko ang paningin sa buong restaurant at bukod sa mga magkakasintahahan ang nasa loob ay wala akong nakitang Gregory. I spent ten minutes waiting for the two and when no one came, I texted Jeffrey kung matutuloy ba sila rito at ang bakla, ngayon lang nag-reply na nasa bar pa rin ang dalawa!
Sa inis ko ay agad akong lumabas ng restau at nag-drive papunta roon. Mabuti na lang talaga ay hindi naman kalayuan ang bar ni Jeff mula sa restaurant na iyon kaya wala pang sampung minuto ay nakarating agad ako.
“Bakit hindi mo ako tinext kaagad!” bulyaw ko kay Jeff pagkarating ko. Humalo ang boses ko sa malakas na stereo pero alam kong narinig pa rin niya ako. “Is he still here?” Naupo ako sa high chair at ngumiti sa isang bartender nang lapagan niya ako ng drink. “Jeffrey!”
“Akira, I’m busy!” bulyaw niya pabalik. “Don’t use that voice on me again. Imbyernang ‘to..”
Halos magdabog ako sa harap niya pero dahil busy siya ay hindi na niya napansin kung gaano ako naiinis. I slowly calmed myself down by heaving a deep breath.
Nawalan na ako ng ganang hanapin si Greg sa buong bar dahil naramdaman ko ang pagkirot ng paa ko. Hinaplos ko ang pulang marka na dulot ng manipis na straps. Gano’n din ang ginawa ko sa kabila. Kung alam ko lang talaga na magmamarka iyon, sana ay hindi ko na lang sinuot.
Umirap sa akin si Jeff nang balingan niya ako. “Baka umalis na ‘yon. Hindi ko alam kung magkasama pa sila no’ng babae pero baka nga, dahil wala na rin ‘yon dito, e. Saka mo na lang sundan. Hindi ka naman aagawan.”
I only spent fifteen minutes on his bar to cool down. Sayang ang effort ko. Gusto ko pa nga sanang magtagal dahil nandoon naman na ako at mukhang maganda ang atmosphere ng bar ngayong gabi pero dahil sa pagod ay hindi ko na ginawa.
Masyadong maraming nangyari sa araw na ‘to. Pagkatapos ng flight ko kanina ay dumiretso kaagad ako sa rest house nina Lola para sa selebrasyon ng eightieth birthday niya. Working as a Flight Attendant gives me a headache but I will fight for it. Nakipagsagutan pa ako kay Daddy noon dahil sa kursong kinuha ko pero wala siyang nagawa. He wants me to enroll in Business Administration but I really wanted to become a Flight Attendant.
I was planning to sleep and spend two more days there but since Jeffrey called and told me that Greg was here, ayun, nagmadali agad akong bumalik.
Padapa akong humiga sa kama dahil sa pagod. Gusto ko pa sanang maligo bago magbihis pero tinatamad na ako. I wanted to sleep so bad but I still need to take my make up off so I forced to get myself out of the bed.
Nagbihis na rin ako at pinili ang isang short shorts at white oversized shirt. Tumalon ako sa kama at hindi na nag-aksaya pa ng minuto. I fell into full-pledged sleep… and I was so sure I would continue sleeping until I heard a loud banging against the wall.
Pupungas-pungas akong bumangon ng aking kama at sinuri ang buong kwarto ko dahil sa pag-aakalang lumilindol.
I looked around, panicking. My things were not moving. Wala ring nahulog o ano mang nabasag.
Kumunot ang noo ko.
“What the…”
Was I dreaming?
Damn. I might be too tired to—
My thoughts were cut off when I heard a loud moan from a girl.
Namilog ang mga mata ko.
Saan galing ‘yon?
Inilibot ko ang mga mata ko at muling umungol ang isang babae kasunod ang isang malakas na kalabog mula sa kabilang dako ng pader kung saan nakapwesto ang kama ko!
“Yes, ohh.. like that..”
I gritted my teeth. She moans like a sl*t!
Nang mag-angat ako ng tingin ay lalo pa akong nagulantang dahil napansin ko ang paggalaw ng malaking painting na nakasabit sa may ulunan ko. Umalis ako kaagad doon bago pa mahulog sa ulo ko ang painting.
Damn!
I checked the time and the clock reads two in the morning!
Napahawak ako sa aking noo at malutong na napamura.
“Hindi ba nilang kayang gawin ‘yan nang mas… mahina?!”
I stormed out of my room and combed my hair harshly. Napapadyak pa ako dahil bitin na bitin ang tulog ko! Nakuha ko na, eh! Nasa kalagitnaan na ako ng mapayapang tulog ko… only to be disturbed by someone moaning so loudly!
Dahil sa marahas kong pagbagon ay tumama pa ang paa ko sa isang cabinet. Halos mapamura ako sa sakit at ininda muna iyon ng ilang sandali. Tumahimik ang kalabog at ungol sa kabilang unit at hinding-hindi ko na kakayanin kung sakaling may second round pa.
I could feel my entire body shaking from anger when I went out. Nasa kalapit na unit lang nanggagaling ang tunog kaya tumayo ako sa pinto kasunod ng unit ko.
Sinigurado ko pa na roon nga nanggagaling iyon bago ko inangat ang kamay ko para sa mabilis at marahas na katok.
Kung hindi nila kayang matulog at hindi na makapaghintay na gawin iyon, sana naman ay magpatulog sila o kahit hinaan na lang nang kaunti ang ungol!
I never stopped rummaging into the door until someone harshly opened it. Handa na akong bulyawan ang taong nagbukas no’n pero umatras ang nagliliyab na bulyaw ko nang makilala kung sino ang lalaking nasa harap ko.
I was greeted by Gregory, wearing his white long sleeve folded til his arms, a sleek black silky slacks, and a brown formal shoes. I bet he went straight here after his date?
“Stop banging against the wall! Naiistorbo ang tulog ko dahil sa mga ungol ninyo!” sigaw ko sa harap niya kahit hindi sigurado kung siya ba talaga ang may kagagawan no’n.