Chapter 3

1975 Words
I was too shocked to process what I saw. Sa taranta ko ay agad akong umalis sa harap ni Greg dahil naalala ko pang kagigising ko lang pala! Ni hindi ko alam kung ano ang itsura ko kanina. Pagbalik ko sa unit ko ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan. Hindi ako sigurado kung ano ang nangyari pagkatapos dahil isinuot ko ang earphones ko. I was curious what would happen next after that, yes, but I’m not comfortable about it. Hindi ko nakuha kaagad ang tulog dahil paulit-ulit pang dumadaan sa isipan ko ang itsura ni Greg kanina. He was wearing dress shirt, clean and tidy. Paano nangyari ‘yon gayong ang lakas umungol ng babae?! “Kadiri ka, Akira! Why are you even thinking about it?!” halos pasigaw kong bulong. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking dalawang palad at dama ko roon kung gaano kainit ang aking mukha. I was very curious if the moaning of the girl stopped but I still did not take my earphones off. Pinilit kong tanggalin sa isipan ang kasalukuyang nangyayari sa kabilang unit at nag-focus sa pakikinig ng heavy metal songs. Akala ko nga ay mahihirapan ako sa pagtulog dahil sa lakas ng pinakikinggan pero nakatulog naman ako kaagad. Kinaumagahan ay maaga pa nga akong nagising. With a giddy feeling, I immediately ran towards my kitchen to cook for breakfast… for me and for Gregory, of course! Marunong naman akong magluto ng para sa agahan ngunit hindi ko pa masyadong naaaral ang para sa mga main course or heavy meals. I can boil, fry, or heat foods but cooking for adobo, sinigang, and such were hard for me. Naghanap ako sa internet ng madaling iluto para sa agahan. Tiningnan ko rin ang laman ng fridge ko at thankfully, kumpleto naman ang mga ingredients para sa napili kong breakfast. Inayos ko na ang pan pagkatapos kong gayatin ang mga kailangan. I was planning to make fried rice but I realized that I don’t have a cooked rice. Hindi nga pala ako rito kumain kagabi. Paano ‘yan? Mas masarap sana kung sinangag ang kanin para bagay na bagay rito sa sarciadong kamatis, pritong isda, bacon at itlog. Ngumuso ako at nag-isip kung magsasaing ako at saka isangag na lang? Pwede kaya ‘yon? I smirked when I realized what I’m doing. Nakaka-bobo naman humarot! Sa huli, nagsaing na lang ako. Hindi rin naman ako sigurado sa magiging lasa ng kanin kapag isasangag pa kapag bagong luto. That’s weird. Nahirapan ako sa pagprito ng isda kasi ang sakit sa balat no’ng talsik ng mantika. Halos abutin yata ako ng dalawang oras sa paghahanda at buti na lang ay maaga akong nagising! Alas siete nang matapos akong ilagay lahat ng naluto sa mga tupperware. Kaya ko namang maligo nang mabilisan kaya nagmadali na agad ako. I wore a very simple make-up to make my face look prettier. Actually, hindi ko naman kailangan maglagay ng make-up pero si Greg ‘yon, eh! I just picked a maong shorts and an oversized white shirt. Inipit ko ang kanang laylayan ng shirt ko sa aking shorts para naman hindi isipin ng lalaki na wala akong suot na salawal. Baka ma-turn off pa sa akin. I also put my hair in a messy bun. Pagkatapos ng lahat ng iyon ay kumuha na ako ng paper bag at lumabas na ang aking unit. Sana lang ay nandiyan pa si Greg sa loob at wala na iyong babae. Kumatok ako at ngumiti, naghahanda sa pagbukas ng pinto. Nang lumipas na ang ilang segundo ay wala pa rin, sumubok ulit ako. Kahit matagal, sana lang ay si Gregory ang bumungad. At hindi naman ako nabigo! “Good morning!” masiglang bati ko. “Uhm, naghanda pala ako ng breakfast.” Sabay angat ko sa dalang paper bag. Magulo pa ang buhok niya nang pagbuksan niya ako. May suot itong puting t-shirt at itim na shorts. Napangiti pa ako lalo dahil mukha kaming terno ng suot. “Kagigising mo lang ba? Pasensya na, mukhang nagising pa yata kita. You seem, uh, tired?” makahulugan kong saad, hindi naman talaga siya mukhang pagod. “It’s fine..” his voice sounded a little raspy, making it sexier since he just woke up. “I prepared breakfast for us! Can I… go inside?” “Alam ba ng ate mo na nandito ka?” I was taken aback by his question. Hindi ko inaasahan na magtatanong siya, lalo pa’t may kinalaman agad kay Elena. “Ah… yes, I think? Kasama ko sila kagabi pero… may emergency ako kaya bumalik agad ako rito. Ikaw? Alam ba ni Ate na nandito ka?” I fired back. Hindi siya sumagot. Sinuri muna niya ako saglit kaya nagkunwari akong nabibigatan na sa dala ko. And I think he understood the hint because he widened the opening of the door. Pumasok agad ako at hinintay siyang makasunod. He went straight to his kitchen and I just followed him. “May… kasama ka ba?” I asked, almost hesitant. “May nakikita ka ba?” pabalang niyang balik sa akin. Pagak akong natawa. Pilosopo pala ang gagong ‘to. “Well, I just thought the girl from last night is still sleeping in your bed right now. Ano, umuwi na ba? Dapat pinakain mo muna. After she moaned so loud that I almost got hit by my painting—” “You’re so talkative, aren’t you?” Hinarap niya ako. “Hmm? Of course! Maingay talaga ako..." ngiti ko pa. "So, nasaan na ‘yong babae mo?” Nakatingin lang siya sa akin kaya nilabanan ko lang siya. “Don’t worry, hindi ko isusumbong kay Ate Elena na may ka-s*x ka kagabi.” Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya na parang may hindi magandang naalala. Napapikit siya nang mariin at muling tumalikod. “It was my cousin.” “Your cousin? Paano namang napunta rito yung pinsan mo?” Natawa ako. What a lame excuse. He heaved a deep breathe before answering, “He was supposed to stay here last night. Hindi ko naman alam na may iuuwi pala siyang babae. Bumalik ako para kunin iyong mga dokumento sa isang project ng kumpanya but…” he chose not to tell more. So, that explains why he looks so tidy. “I see…” mahina kong saad. “Nasaan na yung pinsan mo, kung gano’n?” His eyes flicked into my direction but still did not say a thing. “Hindi ba rito natutulog si Elena?” tanong ko pa. Naalarma ako. “Nag-away kayo? Bakit?” “She wanted to move the date of our wedding.” “Really? Akala ko…” Napahinto ako nang muli siyang humarap para ilapag ang mga plato kasabay ng mga kutsara’t tinidor. “Akala ko busy ka pa sa business niyo? That’s what she told us last night..” Natahimik siya nang ilang sandali. Akala ko nga ay hindi na siya sasagot pero muli siyang nagsalita. “I just did what she told me. Gusto muna raw niyang sulitin ang pagka-dalaga niya..” Naupo ako sa upuang nasa tapat niya. Hindi ko akalain na si Elena pala ang may gustong patagalin ang kasal. Pero bakit? Sa pagkakaalala ko, atat na atat na siyang bumuo ng sarili niyang pamilya kasama si Greg, iyon ang narinig ko noong isang beses na nag-usap sila ni Mommy. “At hindi ka pabor sa desisyon niya…” dagdag ko, it did not sound like a question. We ate in silence. Panaka-naka ang sulyap ko sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala. I was busy with my inner monologues when I heard him clear his throat. Hindi ko napansin na tapos na pala siyang kumain at ako nama’y halos hindi pa nakakalahati ang nasa plato. “How was the food?” I opened another topic for us. “It tastes good.” “Ako ang nagluto niyan!” masiglang pag-amin ko. Mabuti naman. Kung ang isasagot niya ay medyo maalat, sasabihin kong binili ko lang iyon sa labas. “Nagustuhan mo ba? Pwede akong magdala ng lunch para sabay na rin tayong kumain mamaya. I mean… kung okay lang sa’yo, kahit araw-arawin ko pa!” “Ayaw kong makaabala—” “No, ayos lang sa akin. Pupunta sa Cebu si Elena kaya alam kong madalang na naman kayong magkita. Bukod sa… ayun nga, postponed ang kasal ninyo next month. E ‘di, dito muna ako. At least, hindi mo mararamdaman ang absence ni Ate.” “I can handle myself, Akira.” Lumabi ako. “I think I know now why Elena wanted to prolong your wedding.” Nang hindi siya magsalita ay nagpatuloy ako, “You’re not a Daddy material,” I said while shaking my head, nagkunwari pa akong nagpatuloy sa pagkain at mabagal na nginuya ang bacon. “What do you mean?” He crossed his arms and leaned against his chair. “I know my sister, Greg. She finalizes her decisions before she decides to do something. Hindi siya gaya ng iba na kung ano lang ang mayroon, doon na magse-settle. At ikaw, I mean… you’re a hottie, like super handsome and all. That iron-clad chest,” sabay pasada ko ng tingin sa dibdib niya. “Those firms and veiny arms and hands, down to those slender and long fingers…” I made it sound like I was praising him so bad. “Who would have a second thought about marrying you? Kung ako si Elena, baka ngayon pa lang, pinaghahandaan ko na ang honeymoon natin.” I chuckled and wiped my lips while staring at him. Nakatitig lang ito sa akin. “Your sister still has a lot to do, at ayoko siyang madaliin. We just had a little misunderstanding.” I only shrugged. Gano’n din naman ang sinabi ni Ate sa amin kagabi. Hindi naman po kami nagmamadali. “Do you love my sister, Gregory?” I crossed my arms over my chest and watched his reaction. Saglit niyang pinutol ang kaniyang tingin sa akin pero dahil tutol na tutok ako sa kaniya ay kitang-kita ko kung paano siya bahagyang natigilan sa tanong ko. He stared at me again and with full confidence he answered, “Of course.” “Talaga?” I mocked. “Well, huwag na tayong maglokohan. I know what you did last night,” tukoy ko sa date niya kasama ang ibang babae. Jeff saw them. Kumunot ang noo niya. “I was out for a meeting last night. What are you talking about?” Natigilan ako. Isa-isang binalikan ang sinabi ni Jeff at naisip na… maaaring iyong pinsan nga ni Gregory iyong nakita niya kagabi at hindi siya mismo! Gosh, Jeffrey! “Akira—” “Pero gaya nga ng sabi ko kanina, huwag kang mag-alala.. dahil hindi ko sasabihin sa kaniya na may iba kang kasama… ngayon.” I smirked at him, finally redeeming myself. Unti-unting kumunot ang noo niya na parang doon lang niya naintindihan ang sinabi ko. I giggled at myself. “You’re already cheating on my sister, Gregory…” I announced like I got the upper hand. He clenched his jaw. “What is it that you really want?” “Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin… at kung ano ang gusto ko. Matagal mo nang alam ‘yon, ‘di ba? Dati pa, pero hindi mo sinabi kay Elena. I wonder why, Greg.” “Because it wasn’t my business to mind.” “I don’t think so..” I tilted my head my examined his reaction. I am not sure if he’s just staring at me blankly or I just find him hard to read. “Let’s see. One of these days…” Sinadya kong hindi ituloy ang sasabihin para mapa-isip siya. You’ll lie to my sister. You’ll cheat on Elena. With me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD