Kabanata 1

599 Words
Pauwi ng bahay alam ko na agad kung anong bubungad sa akin. “Kailangan mo ba talagang ipahiya kami ha? Isa na nga lang trabaho mo, hindi mo pa magawa nang maayos!” Hindi pa ako nakakapasok sa pinto pero sampal agad ang inabot ko. Palagi na lang ganito sa bahay. Nakakasawa na. Ang tagal ko naman kaseng magcollege para makalayo na ako rito. “Ano? Hindi ka man lang ba makikinig? Ayaw mong gayahin yang ate at kuya mo. Tingnan mo, hindi man lang ako binibigyan ng sakit ng ulo. Nagtapos pa na c*m laude. Eh, ikaw? Wala ka na ngang silbi sa bahay puro pa sakit ng ulo ang ambag mo.” Imbes na makinig pa, I chose to go to my room and just let her continue all her rants. Hindi ako katalinuhang estudyante, nagagawa ko lang maging honor dahil sa pagsisipag mag-aral. I busied myself doing my homeworks para hindi ako matambakan. I was too engrossed with my assignments when the door suddenly open. “ Elle, ayos ka lang?” It was my sister, Dean. Siya ang palaging umaalo sa akin kapag napapagalitan ako ni mama. My brother’s not always around dahil sa trabaho kaya talagang mas malapit ako sa ate ko. “Okay lang ako, ate. Sanay na naman ako.” Nakita ko ang gulat sa mga mata niya bago siya pilit na ngumiti. “Uhm, inom tayo?” ngayon ko lang napansin ang hawak niyang plastic na may lamang mga bote. Ipinakitya niya ito sa akin bago siya unti-unting pumasok at isinara ang pinto. “Pero ate minor pa ako” “Eh ano naman? Sige na,” pamimilit pa niya. I wonder how she get the beers without it getting notice by my mother. Ang weird lang. “Ate may pasok pa ako bukas.” She licked her lips and rolled her eyes. It was like she’s getting pissed at something. But then, she suddenly smiled with sad eyes. “Break na kami ng boyfriend ko. Hindi mo man lang ba ako icocomfort?” Halos paiyak na siya at parang pinipilit na lang ang sariling ngumiti. Matagal na sila ng boyfriend kaya hindi ko alam kung bakit pa sila nagbreak. Nagbuntong hininga ako at hinayaan na lamang siya. “Sige na. Pero konti lang ha?” She smiled and happily nod. Pumunta siya sa may paanan ng kama at ipinatong ang kaniyang mga dala sa sahig. Tinapik niya ang gilid niya para doon ako maupo. Tinuruan niya akong uminom. Sa unang tikim hindi ko na agad nagustuhan ang lasa. Halos malukot ang mukha ko dahil sa hinbdi maipaliwanag na lasa ng likidong gumuhit sa lalamunan ko. Habang hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam, ang ate ko naman ay may ngiting hindi ko maipaliwanag. Ganoon na siguro siya kabroken hearted para ayain akong uminom. Hindi umiinom ang ate ko. Wala siyang bisyo. Palagi pa nga siyang pinupuri kase napakabuting bata raw. “Sige inom ka pa. Mamaya magugustuhan mo na ang lasa niyan. Huwag kang mag-alala.” Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Pinagmasdan ko ang ate ko. The way she gulped the beer without any reaction on her face, bakit mukhang sanay na siya? It was supposed to be a sip. Kaya lang hindi ko na naalala kung paanong ang isang tikim na napagkasunduan namin ng ate ko ay umabot sa pagkaubos ng limang bote ng beer. Umiikot na ang paningin ko at hindi ko na talaga kaya. The last thing I saw before everything went black was my sister’s smile. “Deserve mo ‘to Elle. I will always be here.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD