Nasa garden ako ngayon at nagbibilang ng mga kulisap.
It you'll ask me kung seryoso ako?
Yes, I am.
I got bored inside the house kaya naman lumabas ako rito sa garden na hindi nila namamalayan.
"A penny for your thoughts?" Lumingon ako kay Manuel Palma, ang apo ni Don Manolo Palma na bisita ni Dad ngayon.
Ngumiti ako rito. "Hi! Halika ka. Upo ka rito." Tinapik ko ang espasyo sa tabi ko. Nakaupo ako sa mahabang upuang bato na nakaharap sa artificial lagoon.
"Nabore ka ba sa usapan nila kaya ka tumakas?" Tanong nito pagka-upo sa tabi ko. Humarap siya sa akin at ngumisi. "Ako din nabore e, puro nalang sila business. Hindi ako makasabay sa usapan nila that's why I followed you here."
Napamulagat ako sa sinabi ni Manuel. "You followed me here? Oh my god! Stalker ka ba?"
"Hell, no.. Echusera ka!" Natawa ako sa huling sinabi nito. It's a gay linggo and yet alam niya yun.
"How old are you na ba, Manny?" I asked him and I know aalma siya sa sinabi ko.
"Yuck! Snow White ano ba? Manny is an eww!" Tumitirik ang mata nito at naduwal pa kunwari.
"Ang arte mo Manny.." Inasar ko pa siya lalo. I like Manuel dahil magaan ang loob ko sa kanya. Mukhang magkakasundo kaming dalawa.
"Alam mo Princess kung hindi ka lang maganda, sinabunutan na kita!" Natawa ako ng pumilantik ang daliri nito.
"Insecure?!" Tinaas-baba ko ang aking mga kilay. I even pouted my lips.
"No, I'm not! Kaloka ka! I am much prettier than you!" Inirapan niya ako. Napabunghalit ako ng tawa. Game na game ito sa pakikipagbiruan sa akin. I enjoyed the night being with him. Halos mapunit ang bibig ko sa katatawa.
Hinawakan ko siya magkabilang pisngi niya at inilapit sa mukha ko. Five inches away from each other. I looked into his eyes.
"Thank you for making me laugh, Manuel.." Seryoso ako sa sinabi ko.
I really need someone right now. And Manuel came to me at the right time.
"Ma'am Snow, boyfriend ba ni Dannie yung Ernest?" Nagulat ako sa tanong ni Lex. Hindi ko alam na tsismoso rin pala ito.
I almost laughed of the thought. Lex is driving on our way to the house.
"Why? Are you jealous? Don't tell me my secret admiration ka kay Dannie? Oh my gee!" Niloloko ko lang si Lex. Nakasanayan na namin ang isat-isa dahil na rin sa tagal ng serbisyo niya. Bodyguard ko na siya since second year high school. Lex is married already. I just don't know kung nasaan ang asawa nito. Pero ang alam ko wala pa silang anak. I never asked Lex about his personal life.
"Nope. I just saw her last week with a guy. Akala ko, yun ang boyfriend niya. I caught them kissing in the garden."
"Baka si Joseph yun.." Pinag-walang bahala ko ang sinabi nito.
"Who's Joseph?" He asked. Narealize ko bigla na Ernest pala ang alam na pangalan ni Lex.
"Joseph Ernest..Joseph Ernest Ramos is the complete name of his boyfriend." I explained to Lex.
"Hindi siya yun..The guy is taller and thinner than that Ernest guy.I wasn't able to see the face dahil nakatalikod ito.." Sabagay Joseph has muscles dahil na rin siguro sa pagtatrabaho.
"At first, I thought it was you because she wears jammies just like yours." Patuloy na pagkukwento ni Lex sa akin.
"Baka namali ka lang ng nakita Lex.."
Napaisip ako sa sinabi nito. Hindi magagawa ng bestfriend ko yun. Baka nagkamali lang si Lex sa nakita niya at si Joseph talaga yung kasama ni Dannie.
"How was your day?" Bungad ni Mommy sa akin pag pasok ko ng bahay. She was there in the living room at may bisita. Lumapit ako at humalik sa kanya. "Princess, meet Fides, she's an event organizer. And she will organize your debut party."
"Hi Snow.." Fides greeted me.
"Hello..Nice meeting you Fides.." The organizer is very friendly. She smiles a lot! Fides let me choose the theme I wanted for the party.
Bumaling ako sa ina ko na busy sa paghahalungkat ng catalogue na dala ng organizer."Mom, pwede namang hindi bongga e."
Mukhang pinaghandaan na naman nila ang nalalapit kong kaarawan. Next month will be my 18th birthday.
"The Princess deserves to have a glamorous party for her special day.." Mas excited pa si Mommy kesa sa akin. Bagay talaga si Mommy bilang asawa ng Mayor. Why? Because she loves to organize parties, auctions, seminars and the likes.
"Yaya Lyn, wala pa po ba si Dannie?" Andito ako sa likod ng mansion kung saan nakatira lahat ng mga kasambahay, guards, drivers namin. My mother made sure na maayos ang tinutulugan nila. Sina Yaya Lyn at Dannie at iba pa na may kasamang pamilya ay may sariling unit attached to the quarters of those single maids or hindi kasama ang pamilya na nagtatrabaho sa amin.
Lumingon siya sa akin. "Princess, ikaw pala. Naku! Nagteks kanina si Dannie birthday daw ng lola ni Joseph kaya ayun pinayagan ko na." Yaya called me Princess kasi ako nga si Snow White. Tatlo lang silang tumatawag sakin nun, si Mommy, si Daddy at si Yaya.
Inabot ko rito ang invitation at yung gown na isusuot niya sa party ko. Nagsukat na kasi kami two weeks ago."Pakibigay nalang po kay Dannie ya.."
"O sige, sana tumawag ka nalang sa akin para ako na ang kumuha sa mansion. Naabala ka pa tuloy.."
Natawa ako ng bahagya."Ilang tumbling lang naman galing dun e kaya ako na ang nagdala."
"Ikaw talagang bata ka..Napansin ko hindi ka na masyadong nag-eEnglish puro ka na Tagalog ngayon. Nakakapanibago." Napansin pala ni Yaya.
"Ya, wala kasing kumakausap sa akin sa school namin kasi Engisera ako." Pagsusumbong ko rito.
Lumapit si Yaya sa akin at hinagod ang buhok ko." Ay kawawa naman ang prinsesa ko. Bakit kasi doon ka nag-school?"
"Because Dannie's studying there.." Simple kong sagot kay Yaya.
"Sa bawat desisyon anak, palagi mong susundin ang sinasabi nito.." Ipinatong niya sa dibdib ko ang kanyang kamay. Yeah, I should always follow my heart.
"Baby, kanino 'tong tux na hindi pa nakukuha rito?" Mom asked me.
We already distributed the gowns, tux as well as the invitations dahil bukas na ang party. May naiwanan pa pala?
Sinipat ko ang tux na nakahanger. "Mom, kay Joseph 'to. Yun partner ni Dannie." Akala ko kasi si Dannie ang magbibigay nito kay Joseph.
Dannie requested to me na si Joseph ang ipartner rito.
"Yung handsome guy ba? Baby pasama ka nga kay Lex ihatid niyo na 'to para sure na makakarating sa kanya. Hindi pwede na kulang ang entourage mo bukas. I want your big day PERFECT!" Imwenestra pa nito ang mga kamay sa hangin na para bang makikita mo roon ang mangyayari sa party ko bukas.
Tumango ako. "Sige po.." Alam naman yata ni Lex papunta kina Joseph kasi minsan na niyang inihatid at sinundo doon si Dannie.
"Ma'am, eto na po yung bahay ni Ernest." Pagbibigay alam nito sa akin. Hindi naman iyon isang bahay but more of a cottage-like. Gawa ito sa kahoy at kawayan. Pawid lang din ang bubong nito. It is refreshing in my eyes.
Lumapit ako sa nakabukas na pintuan at nagsimulang kumatok at tumawag sa atensyon sa ng kung sinumang nasa loob niyon.
"Tao po! Tao po!" Walang sumasagot. Nakailang beses na ako sa pagtawag kung kaya nagdesisyon akong pumasok sa loob ng bahay. Bumungad sa akin ang bamboo sala set nila.
"Tao po? Joseph Ernest Ramos, nandito ka ba?" Hinanap ko siya sa buong kabahayan, negative walang tao.
Napansin ko ang isang pintuan na may kurtinang shells kung kaya naengganyo akong pumasok roon.
And there I saw Joseph washing the dishes. Naka-apron ito habang sumisipol-sipol pa. I leaped my heart. I so love the view!
"Ineng, anong ginagawa mo diyan? Bakit di mo puntahan si Seph sa loob? Ikaw ba ang girlfriend niya? Aba'y para ka ngang prinsesa!" Nagulat ako sa matandang nakatayo sa likod ko at may dalang basket na puno ng gulay at kung ano-ano pa. Ito na marahil ang lola ni Joseph.
"Snow!? Anong ginagawa mo rito?" I was caught off-guarded when Joseph already noticed me.
Binati ko ang lola nito pagkabalik ng hwesyo ko.
"Hi Lola, hinatid ko lang po ang susuotin ni Joseph sa party bukas. Lola alis na po ako!" Tumango naman agad si Lola sa akin kaya dali-dali na akong lumabas sa house nila.
"Snow!" Habol na tawag ni Joseph sa akin. Lumingon ako.
"Salamat sa paghatid!" Itinaas pa nito ang tux na nasa hanger pa.
"No worries.. Just be there!" Tipid na sagot ko rito.
"Nakow mahiyain pala ang gilpren mo Joseph!" Natatawang sabi ng lola nito.
Pero napalakas yata ang pagkakasabi ni Lola kasi hanggang ngayon umeecho pa din siya sa utak ko.