“RONAH, may kilala ka ba sa Manila?”
Hindi ipinahalata ni Ronah ang pagkunot ng noo niya sa tanong na iyon ni Donita. Parang narinig na niya iyon ah. Hanggang ngayon ay titig na titig ito sa kanya.
“Wala. Bakit mo natanong?” tanong niya.
Nasa cafe sila noon sa tapat ng ospital. Magkaharap sila ni Donita sa mesa habang kasalukuyang umu-order naman si Grendle.
Matapos nitong ma-check up ang nanay niya ay niyaya siya ng magnobyo doon para ipaliwanag ang findings nito sa kalagayan ng nanay niya. Nagtataka na sumama siya. Ito lang ang doktor na nakilala niya na mas gustong sa cafe ipaliwanag ang kalagayan ng pasyente kaysa sa mismong hospital room nito.
.”Ah… wala naman. Kamukha mo kasi ang isa naming kaibigan.”
Kamukha niya?
Parang narinig na rin niya iyon na sinabi ng kapatid ni Kyle na hindi niya gaanong pinagtuunan ng pansin. Pero ngayon ay naku-curious na siya.
“Sino’ng kaibigan naman iyan?”
“She was a very special friend.” Nagbaba ng mga mata si Donita.
Kita na naman niya ang lungkot nito na iyon.
“Was?”
“She died in a plane crash.” Pilit na ngumiti ito sa kanya.
“Ah…” She was speechless for a while. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon nito sa kanya. Alanganin siyang ngumiti rito. “Sorry.”
“It’s alright. Matagal na naman iyon. It had been six years. Actually, nang mangyari iyon ay wala rin ako dito sa Pilipinas at hindi ako nakadalaw man lang sa kanya.” Ikinumpas nito ang kamay. “Anyway, ngayong nakita kita ay para na ring kasama ko siya.”
Donita smiled her brightest smile at her. Pero kita niyang may kahalo pa rin iyong lungkot.
Ronah felt a twinge of pain in her chest. She knew how this woman was feeling… for some reason. Her eyes stung, but before she got swallowed with that unfamiliar emotion, Grendle came to their table.
“Sorry for the wait,” hinging paumanhin nito habang ibinababa sa mesa ang tray ng pagkain na dala nito.
Tumingala rito si Donita. “Let me guess, may nakakilala na naman sa iyo, ano?”
“Yeah. Hindi naman effective itong mga ito.” Hinawakan nito ang bullcap nito at shades. Naupo ito sa tabi ng fiancee. “What are you two, talking about?”
“Nothing.” Bumaling sa kanya si Donita. “Kumain muna tayo.”
“Huh? Ah…” Hindi pa siya nahihimasmasan sa nakakalitong pakiramdam na iyon.
“Kyle called,” Grendle said.
“O, ano ang sabi ng antuking iyon?”
Antukin?
Si Kyle ba ang tinutukoy ng mga ito? Oo at palaging namumungay ang mga mata nito pero hindi niya pa ito nakikitang matulog. Well, except sa saglit na pagpikit nito nang nagdaang araw sa sira-sirang sofa niya.
“He will be coming here with Aser.”
Napatigil ang pagsubo ni Ronah sa french fries. Dama niya ang paglukso ng puso niya. Agad niya iyong kinondena. Ano naman ngayon kung pupunta doon si Kyle? Palagi naman itong nakasunod sa kanya.
“Sayang at wala dito sina Clyde at Mackey.”
“You know those two. They are always busy.”
Binalingan siya ni Donita. “Nakilala mo na rin ba sina Clyde at Mackey, Ronah?”
Umiling siya. “Sina Kyle at Aser lang ang narito sa Palani. Iyan ang sabi ni Aser kahapon.”
“I’m sure you will also like them. Kahit mga mukhang siraulo iyon, mababait pa rin ang mga iyon.”
“You’re too hard on them, girlfriend.”
“Hindi naman.” Donita flipped her hair.
Sumimsim si Ronah ng juice at nang ibaba niya ang baso ay diretsong tumingin siya kay Donita na nakikipagkwentuhan pa rin sa nobyo nito.
“Doctor Donita,” tawag niya rito.
“Call me Donita, Ronah.” Nginitian siya nito.
Tumango lamang siya.
“Tungkol sa nanay ko. Kamusta ang kalagayan niya?”
Nang makita siguro nito ang kaseryosohan niya ay itinigil din nito ang pagkain at seryosong tumingin sa kanya.
“Tatapatin kita, Ronah. At siguro rin ay alam mo na ito. Nasa state of coma si Mrs. Canezo matapos ang cardiac arrest niya. Ang pang-apat na atake niya ngayong taon ay masyadong nagbigay ng strain sa operasyon ng puso niya. Dahil doon ay hindi na nasu-supply-an ng sapat na oxygen ang utak niya at ibang organs. If this continue, her organs will deteriorate and breakdown. Maaari niya itong ikamatay. The operation needs to be performed within three days. Kumplikado ang operasyon na ito dahil kailangan din nating isaalang-alang ang diabetes ng nanay mo at ang may edad nang katawan. Also, the chances of survival are slim.”
Alam ni Ronah na kailangan nang operahan sa lalong madaling panahon ang nanay niya pero labis siya nabigla sa huling sinabi nito. Ang akala niya ba kapag naoperahan na ang nanay niya ay ayos na ang lahat?
Mukhang mas kumplikado pa ang reyalidad sa mga iniisip niya.
“But don’t worry, Ronah.” Donita touched her arm and gave her a warm, kind smile. “Catalina Medical Hospital has all the advanced medical equipment and technology that can help your mother.”
Napatulala siya rito. “Sa… Catalina Medical Hospital?”
“Yes.”
Binawi niya ang braso rito at nagkamot ng ulo. “Eh, Doctora—”
“Donita. Please just call me by my name.”
“Donita,” pagsunod niya rito. “Wala akong sapat na pera para ipasok si Nanay sa ospital na iyon.”
Kung siya lang ay gusto niyang dalhin ang kanyang ina sa mamahaling ospital na iyon, pero sadya talagang walang laman ang bulsa niya. Kahit na siguro ibenta niya ang sarili niya ay hindi sasapat para ipambayad sa ospital na iyon.
“You don’t have to worry about medical expenses. Sigurado naman na tutulungan ka ni Kyle,” sabat ni Grendle.
She suddenly remembered Kyle’s offer. Sobrang laki ng magagastos niya sa operasyon na iyon. Nakakahiya namang pabayaran niya iyon dito lahat. Isa pa, kulang ang buong buhay na pagtatrabaho niya para makabayad dito kung sakali.
Pero ano’ng gagawin niya? Gusto niyang gumaling ang nanay niya.
“May iba pa bang paraan, Donita? Pwede naman sigurong operahan si Nanay sa public hospital ng Masbate. Iyon lang din ang advise ng doktor namin.”
“As I’ve said, Ronah, masyadong komplikado ang operasyon. Kailangan pa ring bantayan ang ibang health issues ng nanay mo bago isailalim sa operasyon.”
“Pero kasi—”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang mag-ring ang cellphone niya. It was a call from the hospital. Dali-daling sinagot niya iyon.
“Hello po?”
“Miss Ronah, emergency po. Nagpa-flatline po ang monitor ng mother po ninyo. Kung maaari lamang po ay bumalik po muna kayo sa ospital…”
Hindi na niya narinig ang sumunod na sinabi nito. Mabilis na tumayo siya at tumakbo sa gawi ng ospital. Hindi na rin niya alam kung paano siya nakarating sa silid ng ina.
Nadatnan niyang nire-resuscitate ito ng doktor. Dinig niya ang tunog ng mahabang linya sa apat na sulok ng kwartong iyon. Tila ba tumigil din ang pagtibok ng puso niya.
Nanlambot ang mga tuhod niya nang mamataan ang hindi gumagalaw na katawan ng nanay niya sa kama.
“Nay…” tawag niya rito sa nanginginig na tinig. Nangingilid ang mga luha niya sa malupit na posibilidad na tumatakbo sa isipan niya. “Nay!”
Tatakbuhin niya sana ito nang may kamay na humawak sa braso niya.
Donita ran past her and approached the patient. Sumiksik ito sa tabi ng doktor na naroon na at sinimulang ipump ng mabilis ng mga kamay nito ang dibdib ng pasyente.
“Code Blue!” wika nito sa mga nurse at doctor na naroon habang walang humpay na nagsasagawa ng chest compressions. “Nasaan ang AED?”
Kita ni Ronah ang kaguluhan sa harapan niya. Subalit hindi na iyon rumehistro sa isipan niya.
Ang malinaw lang sa isipan niya ay ang posibilidad na mawala sa kanya ang nanay niya. Napasigok siya. Gusto niyang damayan ang nanay niya at hawakan ang kamay nito. Ang ipaalam dito na hinihintay niya ito doon. Na umaasa siyang gagaling ito.
Pero mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya nang kung sinong iyon.
Sinubukan niyang baklasin ang kamay na iyon pero hindi niya iyon matanggal.
“Ano ba? BItiwan mo nga ako!”
“Even if you go there, you can't do anything. You’re not a doctor.”
Bahagya siyang natigilan sa pamilyar na tinig na iyon na waring inaantok parati.
Nilingon niya ito at hindi nga siya nagkamali ng sapataha.
Bakit nandito si Kyle?
Kita niya sa likuran nito sina Grendle at Aser.
“We should go outside. Nakaharang tayo dito,” sabi ni Grendle na nagpatiuna nang lumabas matapos sulyapan ang nobya.
Sumunod si Aser rito.
“Let’s go.”
Hinatak siya ni Kyle pero nagpumiglas siya.
“Dito lang ako. Babatayan ko si nanay. Kailangan kong siguruhin na ayos lang siya.”
“The doctors are trying to do their best. You should calm down and wait for them.”
“Pero…”
Hindi na niya kinayang marinig ang flat na linyang iyon na patuloy pa rin sa pagtunog. Napaiyak na siya.
Kyle sighed and pulled her outside with force.
“Bakit ba nangingialam ka? Gusto ko sabing manatili sa tabi ng nanay ko!”
Hinatak niya ang braso rito. Nang makawala ay akmang babalik siya sa loob ng silid pero hinila naman siya nito sa likuran ng t-shirt niya at inilayo doon.
“Bitiwan mo ako!” Mas lalo siyang nainis nang hindi maabot ang kamay nitong nasa likuran niya. “Ano ba?”
Huminto lang sila nang makapasok sila sa bakanteng hospital room. Saka lang siya nito binitiwan.
“Settle down,” utos nito na humarang sa nakasarang pinto.
“Pakilamero ka talaga kahit kailan, eh, ano? Paano kung may masamang mangyari sa nanay ko? Paano kung iwan niya rin ako katulad ni Tatay? Ayokong maiwan ng mag-isa.”
She was crying while yelling at him. Padaskol na pinahid niya ang mga luha niya.
“It’s the doctor’s duty to make sure that you won’t lose your mother. You have to calm down.”
“Paano ako hihinahon? Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, kung ang natitirang mahalagang tao sa buhay mo ang nag-aagaw buhay sa kabilang silid, mahinahon ka lang bang maghihintay?”
“What will you do in that room , then? Hahawakan mo ang kamay ng nanay mo habang pinapanood siya sa paghihirap niya? Na pinakikinggan ang hindi na tumitibok na linyang iyon? Mas madadagdagan lang ang frustrations mo kung nandoon ka pero wala ka namang magawa para matulungan siya. You will only make yourself suffer more than you already are.”
She opened her mouth to speak, to yell at him. Pero napagtanto niya na wala siyang mahagilap na salitang pwedeng isagot dito.
That single tone line was still ringing in her head, making her dizzy and proving that Kyle was right.
Napasigok siya at nasapo na lamang ang mukha. She cried in front of him again, but she didn’t care anymore.