Chapter 18: Kiss

2074 Words
DAMA ni Ronah ang malalambot na daliring dumantay sa pisngi niya. “Don’t cry.” She heard his pained, soft voice. Bakit parang mas nahihirapan ito kaysa sa kanya, na siyang may problema sa kanilang dalawa? Bakit napakasarap sa pandinig ng boses na iyon na tila sinasabing kahit anong mangyari ay dadamayan siya nito? Mas lalo lang siyang naiyak. She sobbed as her tears welled more. “Seriously. Mas gusto kong makitang galit ka palagi kaysa umiiyak.” Napakaganda talagang pakinggan ang pagta-Tagalog nito. Nababaliw na yata siya at imbes na ang nanay niya ang pagtuuunan niya ng pansin ay sumasalit pa rin ang lalaking ito sa isip niya. Hinayaan niyang pawiin nito ang mga luhang bumabasa sa mga pisngi niya. “Paano na kapag nawala si Nanay? Hindi ko pa siya nabibigyan ng magandang buhay. Nangako ako sa kanya na giginhawa rin kami. Pero katulad ni Tatay ay baka iwan niya rin ako. Ayokong mangyari iyon.” “Don’t worry. Your mother won’t leave you. Donita is the best doctor I know. She won’t let anything happen to your mom.” “Sana nga. Sana nga makasama ko pa siya ng matagal. Ayokong maiwan na mag-isa.” Thinking of those empty days was making her fears worsened. Tila may dumagang mas mabigat na bagay sa dibdib niya nang maalala iyon. Ayaw na niyang maranasan ulit iyon. Ito at ang tatay niya ang nagbigay kulay muli sa mundo niya. Gusto niyang mabayaran ang utang na loob na iyon.  Nagbaba siya ng paningin sa sahig. She huffed as her tears continued to flow. Sobrang sikip ng lalamunan niya niya para magsalita pa ulit. Ang tanging lumalabas sa bibig niya ay ang mga hikbi niya. Kyle sighed heavily. “It’s so hard watching you cry with that face. Damn it.” Bago pa niya maintindihang mabuti ang sinabi nito ay naramdaman niya na lang ang paghawak nito sa baba niya at pagtaas nito sa mukha niya. Gulat na nag-angat siya ng paningin dito pero ang tanging nakita niya ay ang paglapit ng mukha nito sa kanya at ang pagsalubong ng mga labi nito sa mga labi niya. She gasped in shock—that gasp that was imprisoned inside their mouths. Her eyes widened as her body became numb and paralyzed. Ang tanging nararamdaman niya ng mga segundong iyon ay ang mainit at mamasa-masang labi nito na nakalapat sa kanya. Her mind blanked. Saglit lang na naglapat ang mga labi nila pero nawasak na niyon ang komposisyon ng brain cells niya. He pulled her close and hugged her tight with his uninjured right hand. He planted a soft kiss on her hair. “You may hate me for this later, but I don’t care anymore. I just hate seeing you cry and I hate it even more when I cannot punish someone for making you miserable.” Dinig niya ang baritonong tinig nito sa dibdib nito at ang pagba-vibrate niyon. Mukha man itong walang emosyon, pero dinig na dinig niya ang malakas at mabilis na pintig ng puso nito. Kasinggulo iyon ng pintig ng puso niya. Subalit kahit ganoon ang estado ng puso niya, she felt at peace. Mas magulo yata ang isip niya kaysa sa puso niya. And it was all because of him.   –*-- NAKAUPO sina Ronah at Kyle sa waiting area. Walang umiimik sa kanila. At wala siyang balak na unang magsalita. Ni hindi nga siya makatingin ng maayos dito, eh kausapin pa kaya ito? Matapos siya nitong halikan ay tila napawi ang lahat ng problema at bigat ng dibdib na dinadala niya. Ang pumalit doon ay ang hindi normal na kabog ng puso niya, ito at ang malambot na labi nitong tila nakalapat pa rin sa mga labi niya. She immediately stopped crying after that kiss. She realized how conscious she was on his presence and his embrace. Binibilang niya ang bawat segundo na yakap siya nito. Kasabay niyon ang kaguluhan kung bakit siya nakakaramdam ng ganoon para rito. Kakikilala lang nila kaya bakit ganito? Bakit humantong sila kaagad na may halikan nang naganap? Bakit hinayaan niya itong gawin iyon? Hindi niya na alam ang iisipin at mararamdaman kaya naman siya na ang nagyaya ritong lumabas sa bakanteng silid na iyon. Para kasing sobrang sikip at hindi siya makahinga sa isang silid na sila lamang dalawa ang laman. Ngayon nga ay nasa hallway sila kung saan may mga upuan na nakahilera sa pader na nagsilbing waiting area. Si Grendle ay nasa kabilang upuan na katapat nila. Nakabullcap at black shades pa rin ito ngunit pinagtitinginan pa rin ito ng mga dumadaan. Si Aser ay nakatayo sa dulo ng hallway kung saan may malaking bintana. Nasa tainga nito ang cellphone nito at may kung sinong kausap. Nang sulyapan niya si Grendle ay ngumiti ito sa kanya. Malamang na sa kanya ito nakatingin kahit na ba hindi niya makita ang mga mata nito. “Are you alright now, Ronah?” tanong nito. “Ha? Ah...” Tumikhim siya nang gumaralgal ang boses niya. “A-ayos pa naman.” “Don’t worry. My soon-to-be wife is a great doctor. Your mom will be fine.” Napangiti siya nang marinig kung paano nito purihin at ipagmalaki ang nobya. “Salamat. Congrats nga pala sa kasal ninyo.” Nasabi iyon ni Donita kanina. “Thanks. Did she already invite you?” Tumango siya. “I see. Huwag kang mawawala, ha? But before our wedding, mauuna muna ang kasal ni Charlize. Then, Mackey’s wedding. Before ours.” “Charlize?” Kilala niya ang huling binanggit nito pero hindi ang nauna. “Clyde’s sister,” Kyle answered. Napatingin siya rito pero agad ding nagbawi ng paningin nang makitang naktingin ito sa kanya. Kasabay niyon ang pagsipa ng kaba sa dibdib niya. Mabilis na kinalma niya ang sarili. Pero hindi niya mapigilan ang pag-iinit ng mga pisngi niya. “That’s right. Kyle, huwag mong kakalimutan na isama si Ronah, ha?” paalala pa ni Grendle sa kaibigan. “If she wants to come, I’ll take her anywhere.” Ano bang pinagsasasabi nito sa kaibigan? His tone was making her remember the kiss. Ipinilig niya ang ulo at sinubukang payapain ang nagwawalang dibdib. Gusto niya itong kastiguhin sa mga pinagsasasabi pero hindi niya magawa. Mabuti na lamang at dumating si Donita kasama ang matandang babaeng doktor ng nanay niya. Mabilis na tumayo siya. Bumalik ang pag-aalala niya sa ina. “Kamusta si Nanay?” Agad na tanong niya sa mga ito. “Nasa maayos na kalagayan na ang nanay mo, Miss Ronah,” sagot ni Dra. Mendez. Si Donita ay ngumiti lamang sa kanya. “Salamat kay Doctor Santiago, naagapan namin ang pagkawala ng vital signs niya habang inaatake siyang muli. Nai-revive namin siya sa tamang oras.” Nakahinga siya ng maluwag. She felt she can breathe again. Muling nag-init ang mga mata niya. Ipinaliwanag nito kung paanong inatake sa puso ang kanyang ina habang walang malay dulot ng nakaraang atake nito. Sinabi rin nito kung gaano iyon kadelikado. “Salamat po. Sobrang salamat talaga. Donita, maraming salamat.” Hinawakan siya ng dalaga sa mga balikat. “It’s okay, Ronah. Ginagawa ko lang ang trabaho ko.” “Pero hindi mo pa trabaho na gamutin ang nanay ko.” “Walang pinipiling pasyente ang isang doktor. Basta kaya ko, bilang isang doktor ay gagawin ko.” Hindi niya alam kung paano siya magpapasalamat dito. Tumikhim ang doktor ng nanay niya kaya nabaling dito ang pansin niya. Seryoso na ang mukha nito. “Miss Ronah…”   –*--   MATAMANG pinagmamasdan ni Ronah ang pagbaba at taas ng dibdib ng kanyang ina. Katulad ng sabi nina Donita at Dra. Mendez ay maayos na ang lagay nito. Alam niyang wala na siyang dapat ipag-alala sa panahong iyon na baka atakihin ulit at mag-flat line na naman. Pero hindi pa rin ligtas ang buhay nito. Umaalingawngaw pa rin sa isipan niya ang sinabi ng doktor nila kanina. “Miss Ronah, siguro ay nasabi na sa iyo ni Doctora Santiago. Pero kailangan na talagang maoperahan ang nanay mo at ilipat sa mas properly equipped na ospital. Nahirapan kami ngayon na i-resuscitate siya dahil luma na ang mga kagamitan ng ospital namin at mabagal ang response sa vital signs ng pasyente. Sa ngayon ay okay pa ang nanay mo at masusuportahan pa ng life support ang buhay niya. Pero hindi natin masisiguro bukas o sa susunod pang araw.” “G-ganoon po ba?” Inaalala niya kanina ang ibabayad niya sa mamahaling ospital pero hindi na niya inintindi ang alalahaning iyon. Mas mahalaga ang buhay ng kanyang ina sa kahit ano pa man. “Kung iyan po mas makakabuti kay Nanay, sige po.” Tumango ang doktor. “Ihahanda ko na ang transfer papers niya. Mas maganda kung maiilipat na siya sa lalong madaling panahon sa Catalina Medical Hospital.” Bumaling ito dalagang doktor. “Matutulungan ba kami ng ospital ninyo para i-move ang pasyente sa Manila?” “Yes, Doc. Magpapadala ng helicopter ang ospital namin for the patient’s transport ngayong araw rin na ito.” “Thank you for your help, Doctora Santiago. Maswerte akong makakilala ng magaling na doktor galing sa pamosong ospital ninyo.” Nang umalis ang doktor ng nanay niya ay binalingan siya ni Donita. “You don’t have to worry about the expenses, Ronah. Nariyan naman si Kyle para tulungan ka. Hindi ba, Kyle?” “You don’t have to tell me that, Donita.” Kinamot ni Ronah ang panga niya para maiwasang isipin ang sumunod na tagpo doon. Puno lang naman iyon ng pambubuyo at panunukso ng magkasintahan sa kanila. Pagkatapos niyon ay umalis na rin ang dalawa. Habang si Aser naman ay nagpaalam na lalabas muna para bumili ng makakain nila. Ewan ni Ronah kung bakit kailangang ito pa ang gumawa niyon gayung may mga bodyguards naman ang mga ito na pwedeng utusan. Tuloy ngayon ay naiwan na naman siya kay Kyle sa loob ng iisang silid. Huminga siya ng malalim. His presence was too much for her. Gusto niya sanang papasukin si Nadia pero tumanggi ito at nanatili lang sa labas para magbantay. Lihim na sinulyapan niya si Kyle na nakaupo sa bench na nakadikit sa pader. Bahagyang nakahinga siya ng maluwag nang makitang nakapikit ito. Nato-trauma na siya sa palagiang pagtitig nito sa kanya na sa tuwing titingin siya rito ay nakatingin ito. Ngayong hindi ito nakatingin ay saka niya ibinaling dito ng lubusan ang mga mata at malayang pinagmasdan ito. Bakit ba napakagwapo nito? Hindi nakakasawang pagmasdan ang bawat sulok ng mukha nito. Those edges and sharpness in his face that was making him look like a cold angel. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nakapangalumbaba habang pinagmamasdan ito. She didn’t know but as she watched him, para bang may malamig na kamay na humaplos sa puso niya. Habang tumatagal ay tila dinadakot ng kamay na iyon sa puso niya at nahihirapan siyang huminga. Subalit hindi naman niya magawang tanggalin ang paningin dito. His dark hair that was normally a mess, his thick eyebrows and long lashes. Dinaig pa ng haba ng pilikmata nito ang pilikmata niya. She could only think of his deep-set blank but soft eyes, na nakapaskil na sa isipan niya. Her eyes went down to his perfectly sculpted nose, down to his reddish lips. Hindi na nito kailangan pa ng lipstick para pumula ang mga labi nitong iyon. Ang mapupulang labi na iyon na nakalapat sa mga labi niya kanina. Dagling namula si Ronah kasabay ng pagwawala ng puso niya. Ipinilig niya ang ulo para pawiin ang alaalang iyon sa isipan niya. Bago pa kung ano ang maisip niya at maramdaman ay nagbawi siya ng paningin. Baka magising din itong bigla at mahuli siyang tinititigan ito. Itinuon na lamang niya ang pansin sa nanay niya. Pagkuwa’y bumuntong-hininga siya. “Kyle, gising ka ba?” “What is it?” He sounded sleepy. Na-guilty tuloy siya at tinawag ito. Baka kasi talagang umiidlip ito. “Pwede ba kitang makausap sa in-offer mong trabaho kahapon ng hapon?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa nanay niya. “Sure.” “Payag na ako na maging caregiver mo.” Wala naman siyang choice kung ito ang gagastos sa pagdala at pagpapagamot ng nanay niya sa Catalina Medical Hospital. “Sa isang kondisyon.” Saka lang siya bumaling dito at matapang na hinarap ito. Nakatingin na rin ito sa kanya. Parang gusto niyang umurong nang makasalubong ang mga matang iyon.. “What condition?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD