Chapter 19: Stay With Me

2237 Words
“IYONG nangyari kanina. Ayoko na sanang maulit iyon,” sabi ni Ronah na pilit na itinatago ang pagkailang. Dama niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. He tilted his head. “Ano’ng nangyari?” “Iyong kanina…” Pinisil ni Ronah ang mga daliri niya. “What is it?” Parang gusto niya itong sabunutan. Nalimutan na ba nito na hinalikan siya nito kanina? Oo at sasabihin sana niya nakalimutan na nila iyon, pero nakakainis na kinalimutan na nga nito kaagad iyon ngayon gayung wala pang isang oras na nangyari iyon. O baka naman gusto pa nito na sabihin iyon ng harap-harapan dito? Tinatantya yata nito ang pasensya niya, ah. Bumuntong-hininga siya at pinayapa ang sarili. “Alam mo na iyon. Ayoko nang ulitin mo pa iyon.” “If you won’t be specific to what I’ve done that you don’t like, I wouldn't know what to avoid doing next time.” At talagang sinusubukan siya nito, ha? “That kiss! Sana ay huwag nang mangyari ulit iyon.” Pinalakpakan niya ang sarili sa likod ng isip nang masabi iyon nang buo at hindi nagpapatalo sa dumadagundong na kabog ng puso niya. “Papalampasin ko ang nangyaring iyon kanina dahil may utang na loob na ako sa iyo ngayon. Ngayong magtatrabaho na ako sa `yo, sana ay employee-employer na lang ang maging turingan natin.” “Is that so?” sagot lang nito sa haba ng sinabi niya. Parang pilit pa. “Gusto kong mag-promise ka sa akin na hindi mo na gagawin iyon.” “It depends.” “Depende saan?” Malapit nang mapagot ang pasensya niya rito. Ang simple lang naman ng hinihiling niya. “Depende kung hindi ka na iiyak at malulungkot.” Sasagot sana siya at sisigawan na ito pero napagtanto niya na wala siyang mahagilap na isasagot dito sa utak niyang iniwan na naman siya. Nagbawi siya ng paningin. Mas mahirap mag-isip ng tuwid habang nakatingin sa magagandang mga mata nitong iyon. “Pasensya na kung ikaw palagi ang naiiyakan ko. Paharang-harang ka kasi lagi sa daanan ko.” He chuckled. Nabibiglang napatingin siya ulit dito. Hindi nito itinago ang pagngiti nito at ang amusement sa mga mata nito. He looked more handsome now than his sleeping face earlier. Hindi na siya magtataka kung nag-teleport na naman sa kung saan ang utak niya. Ang alam niya lang ay ang gwapong mukha nito, ang pag-iinit ng mga pisngi niya at ang paghahabulan ng mga daga sa dibdib niya. “Alright. I promise I won’t do it again so long as you’re my caregiver.” Napakurap siya at pinilit na ibalik sa normal ang takbo ng isip niya. “Okay.” Lihim siyang napamura nang iyon lang maisip niyang isagot dito. Masama talaga ito sa kalusugan ng utak niya. “So, we have a deal,” wika nito. Tumango siya. “Hanggang kailan nga pala ang trabaho ko sa iyo? Hindi naman siguro aabutin ng ilang buwan na may injury ang braso mo.” Waring nag-isip din ito. “A month, at least?” Isang buwan? Duda siya kung aabutin pa ng isang buwan ang pagpapagaling nito. Baka nga next week ay magaling na ito. Subalit hindi na siya nagreklamo. At least, makakabawas sa magiging utang niya rito ang isang buwan na iyon. Saka na siya mag-iisip kung saan siya hahanap ng trabaho pagkatapos. “Kailan ako magsisimula?” “Now.” Napakunot-noo siya. “Ngayon? Kailangan ko pang ayusin ang resignation ko sa resort.” “It’s been taken care of.” “Ha?” Mas lumalim ang pagkakunot ng noo niya. “Your boss fired you.” Napatanga siya rito sa pagkabigla. “No. Let’s not say ‘fire’. He let you go because he doesn’t have that kind of authority in the resort anymore.” Mas lalo yata siyang naguluhan? “Ano’ng ibig mong sabihin?” Subalit nagkibit-balikat lang ito. “You can ask Aser for details. It’s kind of complicated. But to make it short, Clyde bought the resort you were working at.” Lalo lang siyang nabigla sa sinabi nito. Ano bang klaseng mga tao ang mga lalaking ito? Bakit napakadali lang para sa mga ito ang bumili ng isang buong resort? Sa loob lang ng isang gabi ay nabili na ni Clyde ang resort? Hindi ba’t imposible naman yata iyon? Ngayong iniisip pa lang niya ay nalulula na siya sa kung ano man ang mayroon ang mga ito. Narinig niya rin kanina na sinabi ni Donita na ang nanay ng keyboardist ng banda na si Mackey ang may-ari ng Catalina Medical Hospital. Naalala niya rin na nasabi ni Lanie dati na mayaman ang pamilya ng mga miyembro ng The Rebel Slam, pero hindi niya pinansin noon iyon dahil wala siyang pakialam sa kung sino ang mga ito. Sa mga kanta lang ng banda siya may interes. “That means, he’s not your boss anymore,” dagdag ni Kyle. Hindi niya alam ang isasagot dito. Hindi niya rin alam ang mararamdaman. Matapos ang pagtatangka sa kanya ng boss niya kahapon ay wala na siyang makapang awa sa sarili niya para rito ngayon. Hindi rin naman siya natutuwa sa nangyari. Inabot ng ilang sandali bago siya makahagilap ng sasabihin. “Kung hindi na siya ang boss ko, eh di, pwede pa akong bumalik sa trabaho?” “You’re working for me. Kaya bakit ka pa babalik doon?” “I mean, pagkatapos ng trabaho ko sa iyo. Kailangan ko pa rin naman ng pagkakakitaan para makabayad ako sa `yo.” “You don’t have to worry about the money.” “Madali para sa iyo na sabihin iyan dahil marami kang pera. Pero para sa mahirap lang na katulad ko, ang hindi pag-iisip kung saan makakakita ng trabaho at pera ay katumbas na rin ng pagkamatay sa gutom.” His face hardened for some reason. “Don’t talk about dying. Hindi ka na magugutom mula ngayon at hindi mo na poproblemahin pa ang pera,” may diing sabi nito. Napahinga siya ng marahas. “Hindi mo naman ako naiintindihan eh! Hindi naiintindihan ng katulad mong mayaman ang nararanasan naming mga nasa ibaba. Nakita mo naman ang nangyari kay Nanay, `di ba? Dahil wala akong perang pampaopera kaagad sa kanya kaya lumala ang kalagayan niya ng ganito. Hindi mo iyon naiintindihan dahil palaging may nakaabang na pera sa iyo.” She was so frustrated, talking to him. “Hindi mo naranasan na walang-wala ka at kailangan pang mangutang sa kung saan-saan para—” “I’m saying that you can spend my money no matter how you like.” Napanganga siya sa deklarasyon nito. Pagkatapos ay eksaheradong tumingin dito. “Nababaliw ka na ba? Ano’ng pinagsasasabi mo d’yan?” “It’s just what I said. You don’t have to worry about those problems concerning money. I can just give it to you.” Hindi niya alam kung tatawa siya ng malakas o hahambalusin ito. Ano’ng akala nito sa kanya, mukhang pera? “Hindi mo `yan pwedeng gawin.” “Bakit hindi? I have a lot of money that can last me ten lifetimes.” “Ang yabang mo rin, ano? Iniaalok mo ba palagi sa lahat ng babaeng nangangailangan ang pera mo?” Mas nainis siya sa isipin na maraming babae na itong napamahagian ng yaman nito. “Of course not. It’s just only for you.” Hindi siya kaagad nakapagsalita. “Bakit?” she demanded afterwards. “Ano’ng bakit? Do you prefer if I give my money to every woman I meet?” Hindi nga niya gusto iyon pero… “Bakit ako? Ano’ng kapalit ang hihingin mo sa akin?” She suspiciously looked at him. “Don’t lump me with your old boss. Mas tao ako kaysa sa kanya. In fact, hindi ko nga masabi na tao siya. He’s just a dirty insect in the garbage can.” Dama niya ang galit nito sa dating amo niya. “If you don’t want me to touch you or kiss you again, then I will do that. Just…” he trailed off and sighed. His gaze lowered. “Just stay with me for a while. That’s enough.” Mas lalo siyang hindi nakasagot sa pagsusumamo sa tinig nito at sa malungkot na ekspresyon ng mga mata nito na sinubukan nitong itago. It made her heart contract and ached. Naramdaman na lamang niya na tila ba gusto niyang pawiin ang paghihirap nitong iyon. –*-- “BAKLA! Bakit bigla-bigla ka namang aalis?” Nag-e-empake si Ronah nang hapon na iyon. Nakasandal sa hamba ng nakabukas na pinto ng silid niya si Lanie. “Kailangan, eh. Inilipat na kanina ng ospital si Nanay. Natural lang na sumunod ako sa kanya doon para mabantayan siya. Isa pa, may nahanap na akong trabaho doon.” “Ano’ng trabaho naman, aber? Siguruhin mo lang na maayos iyan, ha? Baka mabalitaan ko na lang na ibinebenta mo na pala ang sarili mo doon.” Patamad na binato niya ito ng tingin. “Alam mong hindi ko gagawin iyan.” “O, e ano ngang trabaho mo doon?” “Caregiver.” Muli niyang isinilid ang mga damit niya sa maleta niya. “Caregiver? Maayos ba ang magiging amo mo?” “Oo. Mabait naman siya.” “Sigurado ka? Baka pakitang-tao lang iyan. Pagtagal ay baka maltratuhin ka na,” paglilitanya nito. “Huwag kang mag-alala. Hindi mangyayari iyan. Isang buwan lang naman ang trabaho kong iyon. Sapat na rin ang panahon na iyon para gumaling si Nanay. Kapag gumaling na siya at pwede nang ilabas sa ospital ay uuwi rin kami dito.” “Babalik ka ba sa resort?” Naalala niya ang napag-usapan nila ni Kyle kanina. Tutol ito na bumalik siya sa resort pero hindi siya nito binigyan ng iba pang dahilan. Sinabi lang nito na manatili ito sa tabi nito kahit sa maikling panahon. Hindi niya alam ang ibig nitong sabihin doon at hindi na naman ito nagbigay ng paliwanag. “Siguro…” wala sa loob na sagot niya. “Ay oo nga pala. Nabalitaan mo na ba ang issue?” “Tungkol saan?” tanong niya kahit parang alam na niya ang sasabihin nito. “Tungkol sa boss natin na si Mr. Lim. Bigla na lang siyang nangibang-bansa at ibinenta ang resort. Kanina ngang tanghali ay pumunta ang mga tauhan ng bagong may-ari sa resort. Sinabing tuloy pa rin ang operasyon doon kahit iba na ang may-ari. Bakit kaya biglaan naman na umalis si Mr. Lim?” “Ewan lang.” Nang tanungin niya si Aser tungkol sa dating amo niya ay hindi siya nito sinagot ng matino. “Saka sino kaya ang nakabili ng resort natin?” “Hindi ba nila sinabi sa inyo?” Kapag nalaman nito na si Clyde ang nakabili niyon ay baka habang-buhay na nitong i-dedicate ang buhay sa resort na iyon. “Hindi, eh. Basta pinalitan lang ng isa sa mga taong iyon si Mr. Lim bilang manager ng resort at ang iba ay nangalap ng mga impormasyon tungkol sa takbo ng resort ngayon.” “Ganoon ba?” “Pero in fairness, ha? Mukhang maganda ang mga plano nila sa resort. Alam mo bang nakita nila ang lagay ng public comfort room natin? Alam mo naman na hindi gaanong maayos iyon. Pero narinig ko ang pag-uusap nila na kailangan daw nila iyong maipagawa at maisaayos kundi bago dalawin iyon ng boss nila.” “Mabuti naman kung ganoon. Marami ring nagrereklamong bisita tungkol doon.” “At papalakihin daw ang restobar. Tamang-tama dahil sobrang liit nga niyon kumpara sa mga taong dumadagsa tuwing summer. Nasisira na rin ang bubong niyon. Alam mo namang ilang beses ko nang sinabi iyon kay boss pero wala namang ginagawa. Marami daw siyang pera pero hindi maipagawa ang mga sira sa resort niya.” “So, mas maganda pala ang admin ngayon? Bukod sa akin, may natanggal ba?” “Wala naman… Teka. Natanggal? Akala ko ba nag-resign ka?” Oops. “Tama. Nag-resign nga ako. Pareho lang iyon.” Tumawa siya pero wala iyon sa tono kaya itinigil na niya kaagad bago pa ito magsuspetya. “Ronah, ang weird mo ngayon. Sigurado kang okay ka lang?” “Okay naman ako.” She tried her best to smile normally at her friend. Tiningnan siya nito ng mataman bago ipinilig ang ulo nang masiguro na ayos nga lang siya. “Siyangapala, may extra ako ditong pera. Kasama na rin dito ang mga ipinaabot nina nanay at tatay at ng iba pa nating kapitbahay. Saka nangolekta ng tulong sina kapitan para sa pampagamot ng nanay mo. Nanghingi kasi ng tulong sa baranggay ang tiyahin mo. Baka mamaya ay ibibigay na iyon sa `yo. Pandagdag sa pagpapagamot ni Aling Rene.” Iniabot nito sa kanya ang sobre. “Salamat, Lanie. Sobrang swerte ko at may mga kaibigan at kabaranggay akong katulad ninyo. Hamo at pag nagkaroon na ako ng pera ay babayaran ko kayo kaagad.” “Huwag mo lang aabusuhin ang sarili mo kakatrabaho. Bayaran mo kami kapag nakaluwag ka na. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan.” “Salamat talaga.” “Oo nga pala. May nababalitaan ako tungkol sa iyo, ah.” “Ano naman iyan?” “May dumating ka daw na pinsan na ubod ng gwapo?” Nagningning ang mga mata nito. Halatang uhaw sa gwapo ang kaibigan niyang ito. Napangiwi siya. Mukhang ang kasinungalingan niya sa ama nito ay kumalat na sa buong lugar nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD