“LANIE, may sasabihin ako sa `yo,” wika ni Ronah matapos i-zipper ang maleta niya. “Ano `yan, mare? Ipapakilala mo ba ako sa gwapong pinsan mo?” “Makikilala mo rin naman siya kahit hindi ko siya ipakilala sa `yo.” Sinabi ni Kyle na susunduin siya nito mamaya. Matapos siyang ihatid nito kanina sa labasan ay umalis din ito kasama ni Aser. Babalikan daw kasi nito ang kapatid nito at magpapaalam muna. Sina Donita at Grendle ay sumabay sa helicopter na nag-transfer sa nanay niya kanina. “Ay bet! Hindi naman suplado iyang pinsan mo, ano?” Lumabas siya ng silid niya, hila ang maleta niya. Naroon na rin ang mga kagamitan ng nanay niya kaya naman tumuloy na siya sa sala para maghintay ng sundo. Napaisip siya sa sinabi ni Lanie. Suplado ba si Kyle? Naalala niya ang pakikipag-usap nito kay Lia

