“ITO ang bahay mo?” Gustong malula ni Ronah sa ganda ng bahay na nasa harapan niya. Hindi iyon kalakihan katulad ng mga mala-mansyon na bahay na nadaanan nila sa subdibisyong iyon. Pero napakaganda naman ng arkitektura niyon. Bukod pa doon ay malaki pa rin iyon sa mga mata nito Ronah. Madilim man pero kita niya pa rin ang malawak at maayos na hardin nang makababa siya sa kotse na sumundo sa kanila. Maghahating-gabi na nang makarating sila sa Manila. The helicopter that they rode took them to a tall building in the city. Ang sabi ng mga ito ay kumpanya iyon nina Aser. Hindi makapaniwalang napatanga na lamang siya sa binata. Ang ‘caretaker’ na utusan ni Kyle ay mayroon palang ganito kalaking pagmamay-ari. “Yes. Let’s go in. I’m tired,” bored na sagot nito. Hinawakan siya nito sa siko at

