“OKAY lang ba na kasabay mo ako sa pagkain?” naiilang na tanong ni Ronah kay Kyle. Ang mga kasambahay nito ay hindi nila kasabay kumain. Kung tutuusin ay kalebel lang siya ng mga ito sa pamamahay na iyon. Oo at sabay silang kumain ni Kyle nitong nakaraang mga araw, pero naiilang siya ngayon lalo pa’t may mga nagsisilbi sa kanila. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa maganda at malaking mesa na iyon. Well, hindi naman ganoon kalaki ang mesa nito. May sampung upuan iyon. Pero para sa kanya na nasanay sa maliit na mesa, malaki na iyon para sa kanya. Yari ang mesa at mga upuan na iyon sa matibay at makapal na kahoy. Samantalang ang nakasanayan niya ay yari lamang sa kawayan at plastic. Nag-angat si Kyle ng paningin na tila ba tinatanong kung ano’ng klaseng tanong ang sinabi niya. “Ca

