ILANG sandali pa ang pinaghintay nila bago marinig ni Ronah ang pagbukas ng pinto sa loob ng operating room. Napatayo siya at hinintay na may lumabas doon. Hinuli ni Kyle ang kamay niya at hinila siya pabalik sa upuan pero tumayo siya ulit. Napabuntong-hininga na tumayo na lang din ito. Hindi na niya pinansin na hawak pa rin nito ang kamay niya. Binibilang niya ang mga segundo nang sa wakas ay bumukas na ang automatic door ng operating room. Lumabas doon si Donita na naka-mask pa at naka-blue scrubs kasama ang ilang nurse at doktor. Sinalubong niya ito. “Donita…” Tinanggal ng dalaga ang mask nito at ngumiti sa kanya. Hinihintay niya ang bawat pagngiti nito sa pag-asang magandang balita ang dala nito. “Ronah,” ganting bati nito. Pagkatapos ay bumaling kay Kyle. “Himala yata at hindi

