NANG gabi ring iyon ay umuwi sina Ronah at Kyle sa bahay nito. Binigyan siya nito ng limang minuto lamang para makasama ang nanay niya at ngayon ay nasa kotse na sila pauwi. Napansin niyang mas humigpit sa kanya ang binata. Simula noong unang magkita sila ay pagkain lang niya sa tamang oras ang binabantayan nito, pero ngayon ay pati ang pagpapahinga niya at mga gagawin. Mas mahalaga kaysa sa kahit ano pa man ang pagpapahinga niya. Niyayaya nga siya kanina nina Donita at Grendle na kumain labas. Sinundo kasi ni Grendle kanina ang doktora. Pero bago pa siya makasagot ay nakatanggi na si Kyle at sinabing sa bahay na lang sila kakain. Baka daw kasi ma-stress lalo siya kapag nakakita ng maraming tao. Ewan niya kung anong ibig nitong sabihin doon. Napabuntong-hininga si Ronah nang maalala iyo

