NANG mahimasmasan si Ronah ay saka niya lamang napagtanto na nasa loob siya ng umaandar na sasakyan. Iginala niya ang paningin sa marangyang kotseng iyon. Kotse iyon ni Aser na siyang sinakyan nila ni Kyle kanina. Subalit hindi si Aser ang nagmamaneho niyon kung hindi isang babaeng nakaitim na damit na katulad ng nakikita niyang suot ng mga special agents sa pelikula.
At ngayong nasa sarili na nga niya siya ay saka siya inatake ng kahihiyan. Hindi niya alam kung paano siya aalis sa pagkakasandal sa dibdib ni Kyle. Pero kailangan niyang lumayo dahil palakas na ng palakas ang kabog sa dibdib niya. Dagdag sa kahihiyan niya kung mararamdaman pa nito iyon.
Hmm… Ang bango naman niya.
Lihim na binatukan niya ang sarili. Hindi ito ang panahon para mapansin niya ang amoy nito!
Tumikhim siya, saka dahan-dahang lumayo.
“Are you alright now?”
Nagpupunas ng luhang tumango siya. Hindi siya makatingin dito ng diretso.
“M-medyo…”
“Are you sure?”
Bago pa niya malaman ang gagawin nito ay nahawakan na nito ang mukha niya at ito mismo ang nagpunas ng luha niya gamit ang hinlalaki nito.
Nahihiyang umatras siya. “A-ayos na ako.”
Saka niya napansin ang damit nitong basa ng luha at uhog niya. Mas lalo siyang nilamon ng kahihiyan.
“Ang damit mo…” turo niya doon.
He looked down on his shirt and shrugged. “It’s fine. It will dry.”
“Hindi iyon okay.” Hindi niya makayang tingnan ang sipon niya sa damit nito. Hindi ba ito nandidiri doon? O baka naman nahihiya lang itong ipakita sa kanya ang disgusto nito? “Wala ka bang extra na t-shirt?”
“Hm… I think Aser had shirts in the compartment.”
“Should I stop the car and bring you a new shirt, Sir?” tanong ng babaeng nagmamaneho sa pormal na boses.
Tumingin sa kanya si Kyle na tila humihingi ng permiso. She didn’t know what he’s expecting her to say.
Inisip niya ang kalagayan nila ngayon. May armsling pa ito at kahit na maluwang sa backseat ay tiyak na mahihirapan itong magbihis. Isa pa, kung doon ito magbibihis sa harapan niya ay makikita niya ang hubad na katawan nito. Isipin pa lamang niya iyon ay nagwawala na ang brain cells niya.
Ano na namang iniisip mo, Ronah? Pwede ka namang lumabas habang nagbibihis siya.
Tumikhim ulit siya. “Kaya mo bang magbihis mag-isa?”
“I guess, I will need a little help.” Itinaas nito ang nadisgrasyang braso nito. “My arm still hurts.”
“Kung ganoon, sa bahay ka na lang magpalit ng damit.”
Saka kung magbibihis ito doon ay makikita rin ng babaeng driver nila ang katawan nito. Mas maganda nang siya lang ang makakakita niyon—
Mariing ipinilig niya ang ulo.
She couldn't believe herself for having the nerve to think of that. To think of him. Mas dapat niyang pagtuunan ng pansin ang nangyari kanina at ang posibilidad na mawalan siya ng trabaho.
Nagbaba siya ng paningin at wala sa sariling napahawak sa leeg niya. Nang maalala ang paghalik doon ng amo niya kanina ay tila gusto niyang punitin ang balat niyang iyon. She was disgusted with that mad old p*****t and herself. Oo at napalitan na ng amoy at alaala ng init ng katawan ni Kyle kaninang yakap siya nito ang pagkakadikit ng katawan niya sa amo niya. Subalit hindi maaalis sa isipan niya ang tinangka nitong gawin sa kanya. Hanggang ngayon nga ay kumikirot pa ang mga pulsuhan niyang idiniin nito sa pader.
Napapiksi siya nang may humawak sa kamay niya. Napalingon siya kay Kyle.
Walang reaksyon ang mukha nito pero kita niya ang kislap ng pag-aalala sa namumungay na mga mata nito.
“You’ll hurt yourself if you claw your neck like that,” wika nito.
Saka niya lang nadama ang kuko niya na bumabaon sa leeg niya.
Hinayaan niya si Kyle ilayo ang kamay niya sa kanyang leeg. Tapos ay bumaling ito sa driver nila.
“Stop in the nearest pharmacy and buy one gallon of alcohol.”
Nabigla ito. “One gallon, Sir?” takang ulit pa nito.
“You heard me,” Kyle said impatiently.
“Copy that, Sir.”
Kahit siya ay nagtataka sa inutos nito. Binalingan naman niya ang binata. “Ano’ng gagawin mo sa alkohol?”
“Ipapaligo mo. Sisiguruhin natin na walang natirang bacteria sa balat mo. In fact, make that five gallon,” baling pa nito sa driver.
Literal na napanganga siya. Nagbibiro ba ito? Pero hindi ito nakangiti, wala ring ano mang kislap ang mga mata nito para masiguro niya na nagbibiro ito.
“Should I call the alcohol factory instead for us to order more, Sir?” sagot naman nito.
“Yeah. You should. I remember Grendle’s family’s company producing medical supplies now. Maybe Tito Raf will send us alcohol immediately if we ask him.”
“Roger that, Sir.”
“Teka, teka…” pigil niya sa eksaheradong usapang iyon. “Seryoso ka ba?”
“Do I look like I’m joking?”
Huwag nitong sabihin ipapapaligo nga sa kanya nito ang alkohol na balak nitong bilhin?
That’s absurd!
“Hindi nga. Pero malay ko ba sa `yo at sa takbo ng isip mo?”
Nakita niya sa sulok ng mga mata niya na kinabig ng babaeng driver nila ang manibela patabi sa kalsada. Dala ang cellphone na lumabas ito matapos magpaalam sa kanila. Nagpunta ito sa botikang tinapatan nito.
Ronah sighed and pulled her hand from him. “Kyle, hindi mo na kailangang gawin ito.”
“Why not?”
“Because this is ridiculous!”
“It’s not.” Bumaba ang mga mata nito sa ibaba ng mukha niya. “I have a rough idea of what that bastard did to you. I’m sure you want to remove that memory in your head.”
“Paano ka naman nakasiguro na iyan nga ang gusto kong gawin? Kakikilala pa lang natin at hindi mo pa ako kilala. Kung makapagsalita ka ay parang kilalang-kilala mo na ako.”
“That’s because I also want you to forget that thing that made you cry.”
Natigilan siya. A familiar warm hand touched her heart. Napansin niya na madalas niyang madama iyon mula nang magtama ang mga mata nila sa rock mini concert ng mga ito.
Kasabay niyon ang pagbilis ng pintig ng puso niya.
The familiarity in the way he treated her was confusing, but she wouldn’t deny that it was making her feel good most of the time. Gusto niya ang trato nito sa kanya na parang hindi na siya iba rito sa maikling panahon na magkasama sila. Huwag lang itong mangungulit at pasasakitin ang ulo niya.
Binawi niya ang paningin at tumingin sa mga kamay niyang nasa kandungan niya. Wala sa loob na nilalapirot niya na pala ang mga daliri niya. She saw red marks on her wrists. Malamang na nakita rin iyon ni Kyle at nakabuo ng konklusyon sa nangyari sa kanya. Dagdag pa ang pag-iyak niya rito kanina.
“Babale sana ako sa boss ko kanina. Kaso…” she trailed off and needed to gulp some air to gather strength.
Mabilis na ikinuwento niya rito ang nangyari bago pa bumalik ang driver nila. Sinabi niya rito ang ginawa sa kanya ng m******s na boss niya. She saw Kyle’s face getting colder and colder as she spoke. Pakiramdam niya ay magyeyelo na siya sa mga malalamig na tingin nitong iyon.
Saktong natapos siya nang bumalik ang driver nila at iniabot kay Kyle ang binili nitong mga malaking plastic na puno ng malalaking bote ng alkohol. Mayroon din doong mga bulak at iba pang pang-first aid.
Eksaheradong napatingin siya sa mga iyon. Seryoso nga yata ito na papaliguin siya ng alkohol.
Hinihintay niyang sisihin siya ni Kyle sa pagpunta niya sa boss niya imbes na tanggapin ang iniaalok nitong tulong kaninang tanghali. Pero wala itong sinabi hanggang sa umandar na ulit ang kotse. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam niya matapos sabihin iyon dito.
He silently opened one of the alcohol bottles and grabbed some gauze and cotton. Ibinuhos nito ang alkohol doon.
Namamanghang napatingin na lang siya rito dahil nagawa nitong lahat iyon na gamit ang isang kamay lang. She watched how focused his handsome face was.
Then, he looked at her. May tumadyak na naman sa puso niya nang mahuli siya nitong nakatingin dito.
“Come here.”
Nang hindi siya gumalaw ay ito na mismo ang umisod palapit sa kanya at idinampi ang gauze na may bulak sa leeg niya. Basang-basa iyon ng alcohol.
Napapiksi siya at iiwas sana siya pero pinigil siya ng tingin nitong iyon.
“A-ako na ang gagawa niyan.”
Sinubukan niyang agawin ang hawak nito pero hindi nito iyon ibinigay sa kanya. So, she just sat there and let him do what he was doing.
Hindi katulad ng boss niyang m******s, hindi siya nito hinawakan nang may malisya. He wiped her neck. Napapikit siya sa muling pagdantay ng malamig na alkohol sa balat niya. Mas lalo pa iyong pinalamig ng aircon sa loob ng sasakyan.
“Are you hurting somewhere?”
Kung pwede lang na hindi siya nakapikit at nangiwi dahil sa nararamdaman niyang sakit kung hindi sa alkohol at sa magulong kabog ng puso niya dahil sa pagkakalapit nilang ito.
Pero wala siyang lakas ng loob na sabihin iyon. Kaya naman ipinakita na lamang niya rito ang mga pulsuhan niya para hindi na ito magtanong.
Masamang tumingin naman ito doon. He breathed out some words, na hindi niya narinig ng maayos. Ang sigurado niya lang ay hindi maganda ang mga salitang iyon.
Nang makontento ito sa leeg niya ay kumuha itong muli ng panibagong dakot ng bulak at binuhusan na naman iyon ng alkohol. Halos kaskasin nito niyon ang pulsuhan niya na para bang nagtatanggal ng mahirap tanggaling dumi sa tiles. Kung hindi malambot ang bulak ay baka natanggal na ang balat niya.
“Aray! Ano ba?” reklamo niya. Kita niya ang lalong pamumula ng pulsuhan niya.
“Sorry.” Nag-angat ito ng mga mata. Seryosong-seryoso ito. “We should chop that man’s hands.”
“Ano’ng sinasabi mo r’yan?”
Nagkibit-balikat ito.
“I’m just saying.” Bumaling ito sa driver nila. “Nadia, what are the charges for chopping one’s hands.”
“It depends, Sir.”
“Depende saan? Teka, bakit mo pinapatulan ang kabaliwan ng lalaking ito?” sita niya rito.
Sinulyapan lang siya nito bago ibinalik muli ang tingin sa kalsada. “Depends on whether the person you want his hands to be chopped is able or willing to file a case against you.”
“I see.” Kyle nodded. Tumingin ulit ito sa kanya. “This is Nadia, by the way. Isa siya sa mga bodyguards namin magmula pa noong nagsisimula pa lang kami sa entertainment industry.”
Hindi niya pinansin ang pagpapakilala nito kay Nadia o ang pagtango sa kanya nito.
“Ano iyong pinag-uusapan ninyo kanina? Hindi mo naman balak na ipapatay ang boss ko, `di ba? Paano na ang trabaho ko? Sino ang magpapasweldo sa akin?”
“I can’t believe that after all he did to you, iniisip mo pa rin na magtrabaho sa resort niya at ang sasahurin mo?” hindi makapaniwalang sabi ni Kyle.
“Saan ako kukuha ng perang pampaopera kay Nanay kung hindi sa trabaho ko? Paano na—”
“You can work as my caregiver.”
“— ang mga gastusin—” Napatigil siya sa paglilitanya nang marinig ito. “Caregiver? Mo?”