“PALIGAYAHIN mo ako. Tamang-tama. Wala rito ang asawa at mga anak ko.”
Hindi makapaniwala si Ronah sa narinig. Oo at paminsan-minsan ay medyo berde ang mga jokes nito kapag nakikipagkuwentuhan ito sa kanila sa reception area. Pero hindi ito lumaglapas sa linya kung saan harap-harapan nitong sasabihin sa kanya ito.
Humakbang siya palayo rito at iniwasan ang kamay nitong humahaplos sa buhok niya.
“Magpapanggap po ako na hindi ko iyan narinig kung tama ang pagkakaintindi ko, Sir,” mahinahong sagot niya. “Hindi ko po kailangan ng ganyang trabaho.”
Mataman pa ring nakatitig sa kanya ang matanda. Hindi nagbabago ang malagkit na tingin nito na ikinatataas na ng balahibo niya. Nakakadama na siya ng takot pero hindi niya iyon ipinakita rito.
“Bakit hindi? Ayaw mo bang gumaling ang nanay mo kaagad? Binibigyan lang kita ng mas magandang deal para kumita.”
Muli itong humakbang palapit sa kanya. Humakbang naman siya palayo rito. Siniguro niyang papunta siya sa pinto. Para kung sakaling may gawin itong hindi maganda ay makakalabas siya kaagad.
“Gusto po, pero hindi sa ganitong paraan. Nagpunta po ako rito para bumale ng sasahurin ko sa susunod pang buwan. Hindi humingi ng… ‘extra jobs’.”
Kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon niya, hindi niya magagawang ibenta ng dignidad niya bilang isang babae.
Naramdaman niya ang kahoy na pinto sa likuran niya. Hindi na siya makakaatras dito.
Ipinantay nito ang mukha sa mukha niya.
“Paano kung mawalan ka ng trabaho? Tingin mo may babalehin ka pa?”
Napahinto siya sa paghagilap ng seradura. Nawalan ng kulay ang mukha niya. Huwag nitong sabihing…!
“Sir, huwag naman po kayong ganyan. Maayos naman po ang trabaho ko at wala pa akong nilalabag na rules simula ng magtrabaho ako sa resort ninyo two years ago.”
“Tinanggap kita sa trabaho dahil maganda ka. Natural lang naman na maganda ang mabungaran ng mga bisita pagpasok nila ng resort. Hindi ko pinansin kahit kulang-kulang ang dokumento mo.”
Nakatira ang pamilya niya dati sa pinakasulok na bahagi ng Masbate at malayo sa kabihasnan. Hindi ganoon kaedukado ang pamilya niya at hindi siya naikuha ng mga ito kaagad ng birth certificate at naiparehistro. Two years ago niya lamang naasikaso ang lahat ng iyon. Mabuti nga at tinanggap siya nito kahit wala siyang naipakitang birth certificate. Delayed kasi ang bigay niyon nang manguha siya.
“Nagpapasalamat po ako at tinanggap ninyo ako sa trabaho noon. Pero ibinigay ko rin naman po sa inyo ang kulang kong dokumento nang makuha ko ang mga iyon. Huwag naman po ninyo akong tanggalin dahil lang hindi ako pumayag sa gusto ninyong ipagawa sa akin. W-wala po akong ibang pagsasabihan ng mga sinabi ninyo sa akin ngayon kung iyan ang ipinag-aalala ninyo—”
Bigla nitong hinampas ang pinto kasabay ng pagtukod nito ng isang braso doon.
“Hindi iyon ganoon lang, Ronah. Alam mo bang matagal na kitang pinagmamasdan? Ang mga ganyan kagandang mukha ay dapat lang na pagmamay-ari ko. Noong unang bumale ka dahil inatake ng nanay mo, hindi ba’t pinagbigyan naman kita? Binigyan pa nga kitang sobrang pera. Pati noong pangalawang bale mo. Ako naman ang pagbigyan mo ngayon.”
“Pinalitan ko naman po ng pagtatrabaho ko iyon, Sir. Hindi naman po basta lang na kinuha ko.”
Kung ito pala ang iniisip nito noong mga panahong iyon at hindi bukal ang pagtulong sa kanya, sana ay hindi na lang siya humingi ng tulong dito.
Pero kung iisipin niya, kahit magsisi pa siya ngayon, wala rin naman siyang mahihingan ng tulong noon kung hindi ito.
“Ronah, Ronah… Kung papayag kang maging kabit ko, hindi ka na mamumroblema sa pera. Hindi ka na kung kani-kanino mangungutang. Kayang-kaya kitang suportahan. Kayo ng nanay mo. Ipapagamot natin ang nanay mo sa ibang bansa. Siguradong gagaling siya doon.”
Tinangka nitong halikan siya pero nakaiwas siya at itinulak ito. Grabe na talaga ang kaba at pangdidiri niya sa mga sinasabi nito at ginagawa. Pinigil niya ang mukha nito habang ang isa niyang kamay ay hinahagilap ang doorknob.
“Sir, may asawa ka na!”
“Eh ano naman? Kaya ko namang bumuhay ng dalawa o tatlong pamilya. Hindi ka magugutuman sa akin, Ronah.”
Nahawakan nito ang kamay niyang ipinapamigil niya rito at idiniin iyon sa pinto. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit sa pulsuhan niya. Mas lalo siyang natakot nang hindi niya maigalaw iyon.
“Huwag kang mag-alala, Ronah. Ibibigay ko sa iyo ang perang hinihingi mo at ang napag-usapan nating halaga. Kung hindi ka manlalaban, baka ako pa mismo ang magpagamot sa nanay mo.”
“Parang awa ninyo na, Sir. Hindi ko po gusto ito.” Nagpumiglas siya at sinubukang alisin ang pagkakahawak nito sa kanya. Pero hinuli lang ulit nito ang isa pa niyang kamay at idiniin din iyon sa pinto. She helplessly screamed at the top of her voice. “Tulong!”
“Sound-proof ang silid na ito. Kahit sumigaw ka ay walang makakarinig sa iyo.”
She shut her eyes tight as she gritted her teeth as her boss’ lips touched her neck. Gusto niyang masuka. Pinakalma niya ang sarili para makapag-isip siya ng maayos. Kailangan niyang makawala dito!
Isa lang ang naiisip niyang paraan doon. Itinigil niya ang panlalaban.
Pagak na natawa ito nang maramdaman iyon. “Ganyan nga, Ronah. Huwag kang mag-alala. Saglit lang naman ito.”
Hindi siya sumagot. Hinintay niyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya. Nang pakawalan nito ang mga kamay niya ay mabilis na itinulak niya ito bago nito mahawakan ang katawan niya. Pagkatapos ay sinipa niya ang pagitan ng mga hita nito.
Napasigaw ito at napahawak sa parteng iyon.
Hindi na niya inintindi ang mga mura na pinakawalan nito. She opened the door immediately and dashed outside. Ang gusto niya lang ay matakasan ito at ang kalaswaang gusto nitong gawin sa kanya. Dama niya pa ang mga halik nito sa balat niya at ang katawan nito na dumikit sa kanya, na labis niyang pinandidirihan. Kiniskis niya ng palad niya ang leeg niya na para bang maaalis niyon ang masamang alaala doon.
Hindi niya alam kung gaano kalayo na ang natatakbo niya nang bumangga siya sa kung saan. Muntik na siyang matumba kung hindi lang may brasong umalalay sa kanya.
Saka niya napagtanto na sa isang tao siya bumangga. Mabilis na itinulak niya ito. Naabutan na ba siya kaagad ng boss niyang m******s?
“Bitiwan mo ako!”
Nang makawala ay bibirahan na sana ulit niya ng takbo ito pero nahuli nito ang kamay niya.
“What’s going on with you?”
Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon at maramdaman ang malambot na palad na nakahawak sa kanya. Hindi iyon katulad ng magaspang na kamay ng amo niya. Nagtaas siya ng paningin at pinilit na ipinokus ang mga mata sa matangkad na lalaking nakatayo sa harapan niya.
Si Kyle. He was standing there with his new shirt, damp hair and his arm sling. That handsome face and gaze brought relief in her heart and mind. Hindi niya magawang kumurap sa takot na baka mawala ito sa harapan niya.
“Hey, why are you crying?”
That usually monotone voice was now filled with concern. It felt good in her ears.
Napasigok siya. Saka niya lang napagtanto na umiiyak siya. Wala pa rin sa sariling pinunasan niya ng mga kamay niya ang mga luhang iyon.
Napakislot siya ng dumampi ang daliri nito sa kanyang leeg. Takot na natapik niya ang kamay nito nang maalala ang ginawang paghalik doon ng amo niya. Mas lalo siyang napaiyak. Wala siya sa tamang katinuan para itago iyon dito o kaya ay tarayan ito.
“Who did this to you?” His voice was now grim.
She didn’t reply. Masyadong nagsisikip ang lalamunan niya para sumagot. She just cried in front of him like a child.
“Ronah.”
Her heart flinched when she heard him say her name. Mas hindi makapaniwalang napatitig siya rito.
He said her name in a silent voice that was so firm and seemed to be hiding how dangerous it was. Those intense gaze held her eyes firmly like he was saying that he would make whoever did this to her pay. That he would protect her.
“Tell me, who did this? Who touched you?”
This was the first time she felt that she could depend on someone. Na hindi lang siya ang pwedeng sandalan ng mga tao sa paligid niya. Na maging siya ay pwedeng ipahinga ang sarili sandali at umasa sa iba.
Those emotions overwhelmed her chest and her tears poured out.
Hindi niya maintindihan ang sarili. Kakikilala lang nila kaya bakit ganito ang nararamdaman niya rito?
Kyle sighed. He pulled her gently and shoved her face on his chest.
Sa pagkakataon na ito ay hindi siya nanlaban. She felt too safe to struggle in the comfort he was offering. She just closed her eyes and silently cried on his chest, pouring her fears away.
“Kyle! Nahanap mo na ba si Ronah—oh! Andito na pala siya.”
Dinig niya ang boses ng kadarating na si Aser.
“Aser,” sagot ni Kyle dito habang tinatapik ang likod niya. “Can you check inside how this Mr. Lim doing?”
“Ronah’s boss? Why? Wait, what happened to her?” may pag-aalalang tanong nito nang siguro makitang umiiyak siya.
“That’s what I’m trying to figure out,” angil ni Kyle dito.
He seemed really angry, but the hand tapping her was still gentle and comforting.
Sandaling nawalan ng imik si Aser. Nang magsalita ito ay seryoso na rin ang tinig.
“What do you want us to do? The bodyguards Andrei sent us are here. Do you want to…?”
“I’ll leave that to you… for now. I’ll handle that s**t—” Kyle stopped himself from saying those curses. Ronah felt the heavy heaving of his chest. “I’ll handle him later after you confirm what happened.”
“Alright. I’ll contact you. For now, mas makakabuti kung dadalhin mo muna si Ronah sa cottage natin.”
“No. We will go to her house.”
Aser sighed. “Then, I’ll tell one of the guards to drive you there.”