Chapter 13: "Extra Job"

1920 Words
MALAKAS ang hangin na galing sa karagatan ng Palani pero tama lang iyon para malabanan ang init ng mataas na sikat ng araw sa resort. Naupo sina Ronah at Kyle sa open cottage na hindi kalayuan sa maliit na reception building. Malayo man ang lugar na iyon sa dagat ay malinaw na natatanaw pa rin nila ang dalampasigan at mga bisitang naroon. Binuksan ni Kyle ang supot at isa-isang inilabas ang mga naka-plastic containers na pagkain. Napansin niya sa packaging na galing iyon sa isang sikat na restaurant. Naawa siya rito dahil iisang kamay lamang ang ginagamit nito kaya naman inagaw niya na ang supot at siya na ang naglabas ng mga iyon sa mesa. She wondered how he managed to arrange their meals earlier. Halos mapuno ang mesa nang matapos niyang mailabas ang lahat ng food containers. Natakam siya pagkabukas ng relyenong bangus sa isang container. Tuwing may okasyon lang siya nakakakain niyon. Actually, pati ang mga pagkain nila kaninang umaga na dinala ni Aser ay tuwing may okasyon lang din niya natitikman. Gusto pa sana niyang tarayan si Kyle at sabihan na hindi na nito kailangang ibili siya ng pagkain sa susunod, pero sino ba siya para tumanggi sa grasya? Mas mahalaga ang sikmura niya ngayon kaysa sa pride niya. “Let’s eat,” wika nito. “Hindi na ba natin hihintayin si Aser?” “He can manage himself,” balewalang sagot nito. Iniabot nito sa kanya ang disposable na kutsara. “Pero…” “He took his food with him, so don’t worry about him.” He started to eat. “He’ll eat somewhere.” “Sure kang hindi siya kasakop sa mga pagkaing ito? Sobrang dami nito para sa atin.” Iminwestra niya ang umaapaw na lamesa. Kyle just looked at her as if she’s saying something so ridiculous. Nagdududang tiningnan niya ito. “Huwag mong sabihing para sa iyo talaga ang lahat ng ito?” “I’m hungry,” sagot nito habang may nakapasak na sugpo sa bibig. Napatapik na lang siya sa noo. Kaninang umaga ay napansin niya rin ang gana nito sa pagkain. He even scraped the leftover food on her plate this morning. Nagsimula na rin siyang kumain at baka ubusan pa siya nito. Kumakalam na rin naman ang sikmura niya lalo na nang maamoy at makita ang mga pagkaing dala nito. Wala silang kibuan habang kumakain. Kyle seemed focused on his food. Pero nahuhuli ni Ronah paminsan-minsan na nakatingin ito sa kanya. It was awkward because he wasn’t saying anything other than staring at her…again. Itinuon na lamang din niya ang pansin sa pagkain. Wala siyang energy para tarayan ito. Umaatake na naman kasi ang epekto ng kawalang-tulog niya kagabi at ang mga problema niya. Kailangan niya pang umisip ng paraan para makakuha ng pera. Iniisip niyang bumale sa boss nila. Mamayang out niya ay pupuntahan niya ito sa bahay nito na katapat lamang ng resort. “I visited your mother.” Ang boses na iyon ni Kyle ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Ilang segundo ang lumipas bago rumehistro iyon sa isipan niya. Napakunot-noo siya. Naalala niya na sa iisang ospital lang pala ito nagpunta kanina at kung saan naka-confine ang nanay niya. “Kilala mo ang nanay ko? Paano mo nalaman na nanay ko iyang binisita mo?” At saka bakit nito dinalaw ang nanay niya? “We asked about her with your last name. Her doctor and the nurses guided me to her room.” “Paanong…” Napailing siya at hindi na itinuloy ang tanong na iyon. Tingnan niya pa lamang ito at si Aser ay alam na niya ang nangyari sa ospital. Bukod sa gwapo ang mga ito ay sikat pa. “Bakit mo hinanap ang nanay ko doon?” “I just want to know how she is.” “Ngayon alam mo na kung ano’ng kalagayan niya.” Bumuntong-hininga siya. “Alam mo na rin na wala akong oras na patulan ang mga pangungulit mo at panggugulo sa buhay ko.” “Aren’t you going to ask me to help you out?” Hindi niya alam pero nainsulto siya sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay iniisip nito na isa siya sa mga babaeng ang habol lang dito ay ang pera nito. Matalim na napatingin siya rito. “No, thanks.” Ang totoo niyan ay isa ito sa mga ideyang naisip niya kaninang madaling araw habang kumakain sila. Pero kakikilala lang nila at hindi pa nga nila lubusang kilala ang isa’t isa. Masyado naman yata itong nagtitiwala sa kanya? Ayaw niyang isipin nito na sinasamantala niya ito. At saka ano na lang ang hihingin nitong kapalit kapag humingi ng tulong dito? As she said, kakikilala lang nila at hindi pa niya ito lubusang kilala. Malay ba niyang may itinatago itong maitim na pagkatao? Pero hindi ka niya ginawan ng masama kanina… She lowered her gaze and focused on eating. Pinili niyang ignorahin ang pagtatalo sa isipan niya. “Don’t you want your mom to be better?” “Gusto. Kailangan pa bang tanungin iyan?” “Then—” “Hindi ko kailangan ng tulong mo, Kyle.” Nawalan ito ng imik. Hanggang sa matapos silang kumain ay hindi na nito inungkat ang tungkol doon na lihim niyang ipinagpasalamat. Siya na ang sumamsam ng mga pinagkainan nila at nagtapon niyon sa malapit na basurahan. Hindi niya akalaing naubos nila ang lahat ng pagkaing dala nito. Masyado siyang nabusog kaya mas lalo niyang naramdam ang antok. Naghihikab na tiningnan niya ang oras. May lagpas kalahating minuto pa siya sa break niya. Salamat kay Lia na ibinigay sa kanya ang natitirang oras sa lunch break nito. “Iidlip lang ako saglit. Kung may pupuntahan ka, lumarga ka na,” sabi niya kay Kyle habang isini-set ang alarm sa cellphone niya. “I don’t have anywhere to go to.” “Paano ang kapatid mo? Hinihintay ka pa yata ng pamangkin mo.” “I’ll see them later.” Nakasunod ang mga mata nito nang itaas niya ang mga binti niya sa upuan at humiga. Wala na siyang pakialam sa kahihiyan niya. Inaantok na talaga siya. “You can use my lap as a pillow if you want.” Sinibat niya ng masamang tingin si Kyle. Alanganing ngumiti naman ito. “I’m just kidding,” biglang bawi nito. “Ayos mo buhay mo, Kyle.” Iyon lang at itinakip na niya ang braso sa mga mata niya at pumikit. Ayaw man niya ay na-imagine niyang bigla ang sarili na nakaunan nga sa mga hita nito. It felt so intimate and nice. Hindi niya mapigilan ang mabilis na pagkabog ng puso niya. –*-- NANG makapag-out si Ronah ay dali-dali siyang pumunta sa bahay ng amo niya. Para na rin maiwasan si Kyle sakali man na puntahan ulit siya nito sa counter niya mamaya. Kaninang tanghali ay ito pa ang gumising sa kanya dahil hindi siya nagising sa alarm na i-s-in-et. Hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya kahit magulo ang takbo ng puso niya. Matapos siya nitong ihatid sa reception ay umalis na ito para puntahan ang kapatid nito. Fortunately, hindi na ito nagpakita sa kanya buong hapon at nanggulo sa trabaho niya. Malaki ang bahay ng amo niya at maganda ang arkitektura niyon. May mataas na gate at bagong pinturang pader na napapaligiran ng well-tended na imported na mga halaman. Halatang ipinapamukha sa mga tao roon ang mataas na katayuan nito sa buhay. Pinapasok siya ng katulong matapos niyang mag-doorbell. Nakita niya ang kanyang amo sa hardin na tila tinitingnan pang mabuti ang hugis ng bulaklak ng exotic na orchids nito. Nang makita siya nito ay kaagad na sumilay ang malawak na ngiti sa mga labi nito. “Ronah!” Iniwan nito ang ginagawa at masiglang nilapitan siya. “Kamusta? Napasyal ka yata sa humble na bakuran ko? Gusto mo bang makita ang rose na binili ko galing Germany? Tamang-tama, maganda na ang bulaklak niyon ngayon.” Tipid na nginitian niya ito. Nagsisimula na naman itong magyabang. “Maganda nga po ang garden ninyo, pero nagpunta po ako dito para makausap sana kayo.” “Sure, sure! Tungkol ba saan iyan?” Huminga siya ng malalim at inipon ang lahat ng kapal ng mukha niya. “Babale po sana ako, Sir.” Nabawasan ang ngiti sa mga labi nito. Bago ito makasagot o makatanggi ay mabilis na nagpaliwanag siya. “Naospital po kasi ang nanay ko kagabi—” Pero bago pa niya masabi nag buong paliwanag niya ay itinaas nito ang kamay. Bigla siyang kinabahan kasabay ng pagkahulog ng pag-asa niya. Pigil ang hiningang hinintay niya ang sasabihin nito. “Sa loob na natin pag-usapan iyan. Pwede ba muna tayong pumasok?” Bahagya siyang nakahinga ng maluwag. Ang akala niya ay tatanggihan siya nito oras mismo. Mabuti naman at hahayaan pa siya nitong makapagpaliwanag. Tumango siya rito at sumunod dito papasok. Iginiya siya nito papasok sa study room na opisina rin nito. Isinara nito ang pinto nang makapasok siya. Pagkatapos ay sumandal ito sa mesa at humalukipkip. “Kamusta ang nanay mo?” nakangiting tanong nito. Medyo nailang si Ronah dahil sila lang ang tao sa silid na iyon. Ikalawang beses niya pa lamang ngayon na makapasok doon, pero noong una ay may kasama siyang katrabaho. Isa pa ay nakakailang ang tinging ipinupukol nito sa kanya. She calmed herself and scolded her mind for overthinking things. Nilakasan niya ang loob niya at hindi nagpaapekto sa hindi magandang pakiramdam niya. “Iyon na nga po, Sir. Isinugod po kahapon ang nanay dahil inatake sa puso. Kailangan po ng perang pampaopera. Kung pwede po sana ay ibabale ko ang tatlong buwan na sahod ko.” “Hmm…” Tila nag-iisip na hinaplos nito ng mga daliri ang baba. “Kakasya ba ang tatlong buwan na sweldo mo sa pagpapaopera sa nanay mo?” Syempre hindi kakasya iyon. Pero may health card naman ang nanay niya kaya makakakuha sila ng discount. Uutang din siya sa iba. Tingin niya ay sasapat na ang mga iyon. “Hindi nga po. Pero hihiram din po ako sa iba pa naming kaibigan at kakilala.” “What if… I offered you a job?” “Po? Ano pong trabaho?” Ngumiti ito ng malawak. Subalit hindi niya nagustuhan ang kislap ng mga mata nito. There was a tiny alarm in her head that she urged herself to ignore. Relax, Ronah. Masyado ka lang nag-iisip ng hindi maganda. “Huwag kang mag-alala. Madali lang naman ang trabahong ito. Isang beses mo lang din gagawin. Pero depende sa pangangailangan mo kung uulit ka pa. Pwede naman.” “Ano pong ibig ninyong sabihin, Sir? Ano pong trabaho?” Umalis ito sa pagkakasandal sa mesa at lumapit sa kanya. Habang humahakbang ito ay mas lalong nababanaag ni Ronah ang pagnanasa sa mga mata nito. “Ibibigay ko sa iyo ang tatlong buwan na sahod na binabale mo. Ibibigay ko pa sa iyo ang another three months worth na sahod mo para sa extra job na sinasabi ko.” Hinawakan nito ang buhok niya na lalong nakapagpalalim ng gatla sa noo niya. She felt a shiver of disgust run in her spine. She gulped. She looked at him with confused eyes. Tila alam na niya kung saan ang punta ng usapang ito pero hindi niya pa rin mapigilang magtanong dahil sa munting tinig sa isipan niya na baka nami-misinterpret niya lamang ito. “A-ano pong—” “Paligayahin mo ako. Tamang-tama. Wala rito ang asawa at mga anak ko.” Napahumindig siya sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD