Chapter 12 : His Smile

1725 Words
ISANG matangkad na lalaki ang nabungaran ni Ronah na nakatayo sa tapat ng counter niya nang mag-angat siya ng paningin. May cute na batang babae na nakasakay sa batok nito. Natatandaan niyang nag-check in ang pamilya nito sa resort noong isang araw. Tumayo siya at binati ang mga ito nang may ngiti sa mga labi. “Hi, Sir! How may I help you?” “Hi, Miss! Kukuha lang sana ako ng cottage para sa kapatid ko na dadating ngayong araw. Is there a cottage that has two rooms?” “Yes, Sir. Magtitingin po ako ng bakante na malapit lang sa cottage ninyo.” “Thank you.” “Uncle will come, yey!” tili ng bata habang ikinakawag ang mga maliliit na braso at binti. “Yes, honey. You will finally see your uncle.” “Will he play me a song?” “You can go and ask him when he comes.” “I’m cute so he won’t turn me down. Right, daddy?” “Sure you are, my little darling.” Ang cute ng batang iyon. Gusto niyang panggigilan ang maumbok na pisngi nito. Nangingiti siya habang tinitingnan ang log book niya at pinakikinggan ang batang makipag-usap sa ama. Nang makakita ng bakanteng cottage ay nag-angat siya ng paningin. Nakita niyang matamang nakatitig sa kanya ang lalaki iyon. Naalala niya tuloy bigla sina Kyle at Aser. Ano bang problema ng mga gwapo at matatangkad na lalaki sa akin? “Cottage ten po, Sir. Isang cottage lang po ang pagitan niyon sa cottage ninyo.” “Alright. I’ll take it.” “Ilang days po, Sir?” “I’m not sure, eh. Can we make it indefinite for now?” “Yes po.” Nagsulat siya sa log book. “Pakisulat na lang po ang pangalan ninyo dito kasama ang pirma.” “Thank you.” Kinuha nito ang ballpen at mabilis na sinulatan ang itinuro niya. Binayaran na rin nito ang tatlong araw na  renta sa cottage na iyon. Natapos na ang transaction at naibigay na rin niya ang susi ng cottage pero nakatayo pa rin ito roon. Alanganing nginitian niya ito. “May maitutulong pa po ba ako sa inyo, Sir?” “Huh? Ah…” Wala sa tonong tumawa ito nang tila ma-realize ang ginagawang pagtitig sa kanya. “Sorry, Miss. May nakapagsabi na ba sa iyo na may kamukha ka?” Napakunot ang noo niya. “Wala pa naman po. Sino pong… sino pong kamukha ko?” “Daddy, are you cheating with mommy?” singit ng bata na pinanliitan pa siya ng mga mata habang nakapameywang. Mas lalo lang itong naging cute. Tiningala nito ang anak. “Of course not. I’m just asking our nice lady here a question.” “Mommy will be mad if you talk to any other girl except her and me.” Waring nataranta ang lalaki. “I know that, honey.” Binalingan siya nito. “Pasensya na ulit, miss. At salamat na rin.” Itinaas nito ang susi. “Mauna na kami.” Tumalikod na ito matapos makapagpaalam. Nagtatakang naupo siya at nangalumbaba habang nakatanaw pa rin sa mag-ama. Ano’ng problema ng bisitang iyon? Bago pa niya problemahin ang mga sinabi nito ay ipinilig niya ang ulo. Nakapadami na niyang problema para isipin pa iyon. Ano naman kung may kamukha siya? At least, may isa pang magandang nilalang sa mundo ito. Napangiti siya sa sariling kayabangan. Pinagtuunan niya muli ng pansin ang log book. Ilang sandali bago rumehistro sa utak niya ang pangalang isinulat ng bisita roon. “Kyle Albarda”. Ilang ulit niyang binasa iyon pero hindi iyon nagbago. Bakit parang pamilyar sa kanya ang pangalang iyon? Saan nga ba niya iyon narinig— “What are you looking at?” That monotone voice interrupted her train of thoughts. Saka niya lang napansin na may nakatayo na namang matangkad na lalaki sa harapan ng counter niya. Though, ngayon ay kilalang-kilala niya kung sino iyon kahit hindi man niya lingunin. “Ahh!” pasigaw na tumayo siya at itinuro ito. “Ikaw iyon!” Wala siyang nakuhang ekspresyon kay Kyle. Ikiniling lamang nito ang ulo. “Yes, this is me.” Nang mapagtanto ang inasal ay napapahiyang umupo siya ulit. “Nevermind.” Saka bakit ba naroon ito? Ah, oo nga pala. I-ch-in-eck in ito ng kapatid nito doon. Ngayon niya lang naalala na sinabi nitong makikipagkita ito sa kapatid nito dito sa Palani. Pero bakit hindi nito sinabi na nasa Palani Beach Resort ang kapatid nito?! “Have you eaten?” walang anumang tanong nito. “Hindi pa. Nagbe-break pa ang kasamahan ko. Oo nga pala. Ikinuha ka ng cottage ng kapatid mo. Cottage ten. Nasa kanya na ang susi.” “I see.” “Huwag mo akong ma-‘I see’-‘I see’ d’yan. Bakit hindi mo sinabi na dito mo rin pupuntahan ang kapatid mo? Alam mo na naman na dito ako nagtatrabaho!” Masamang tiningnan niya ito. Wala pa rin itong reaksyon sa pagtataray niya. “Can I not surprise you?” “No, you can’t.” Ginaya niya ang tono nito. Heto na naman ito sa titig nitong iyon. Nakakaasar. Pero mas naaasar siya sa sarili niya dahil nagugulo niyon ang isip at dibdib niya. Inis na nagbawi siya ng paningin. “Ronaaah!” Nabulabog ang buong reception area sa pakantang sigaw niyon ng kadarating na si Aser. Kumaway pa ito sa kanya habang palapit. May dala itong dalawang malalaking plastic. Huminto ito sa tapat ng counter. May malawak na ngiti sa mga labi nito. “Kamusta, Ronah? Na-miss mo ba kami?” “Hello, Aser. Hindi ko kayo na-miss.” “Aw. You’re so cute.” He winked at her. Blankong tiningnan niya lang ito. Sa totoo lang ay masaya siyang makita ang mga ito. Pero nahihiya siyang aminin sa mga ito iyon. “Jedrick rented a cottage for us,” wika ni Kyle dito. “Really? That saves us time. Ronah, kumain ka na ba?” “Hindi pa.” “Let’s eat—” “Aser, why don’t you go and get the key from Jedrick?” Binalingan siya nito. “What’s his cottage number?” Why couldn’t he really address her by her name? Mas lalo siyang naasar. “Eight,” tipid na sagot niya. “You heard her, Aser.” “Damn, Kyle. I’m not your dog!” “No, you’re not. Why would I treat a friend like that?” Waring nabigla ito sa sinabi ng kaibigan. “You said that, but—” “You’re my caretaker.” Lalong napasimangot si Aser. “You’re taking advantage of that ‘caretaker’ word, man.” Nakatingin lang si Ronah habang nag-aasaran ang mga ito. She should have gotten irritated by their noisy bantering, but she didn’t feel that way. Instead it just felt nice watching them. Bandang huli, sa dinami-dami man ng reklamo ni Aser, sumunod na rin ito sa sinabi ni Kyle. Or, Kyle made him do it. Aser shoved one plastic bag to Kyle before he left. Binalingan siya ni Kyle. Napakurap siya nang mahuli nitong nakatingin siya rito. Tila naman balewala rito na tinitingnan niya ito. “Let’s eat.” “Hindi pa ako pwedeng kumain.” Pinagtakpan niya ang kabang nadama sa biglaang pagtingin nito sa kanya. “Nagbe-break pa ang kasama ko. Hindi pwedeng mawalan ng tao dito sa counter—” “Ronah! I’m back—” Saktong pagsulpot ni Lia sa likurang pinto ng reception. Napahinto ito nang makita si Kyle doon… at napatulala. “Ate Lia, ang bilis mo namang kumain.” “Sabi ko naman sa `yo na bibilisan ko, `di ba?” Lumapit ito sa counter nang hindi inaalis ang tingin kay Kyle. “May bisita pala tayo. Ako na ang mag-aasikaso nito. Kumain ka na muna.” Nginitian nito ng matamis ang binata. May asawa ka na at buntis ka pa, Ate Lia. Huminahon ka. Napapailing na lang si Ronah. “Hi! Ikaw ba iyong gitarista ng The Rebel Slam?” dagdag pang tanong ni Lia rito. “Si Kyle?” “Yes,” tipid na sagot naman nito. Bumaling ito sa kanya. “Your workmate is here. We can eat now.” Nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya si Lia. “Magkakilala kayo?” “Ah, hindi. Kakikilala lang namin,” mabilis na tanggi niya na hindi pinaniwalaan ng kaibigan. “Hindi nga? Bakit may usapan na yata kayo na sabay magla-lunch. Kaya siguro hindi ka sumabay sa akin dahil hinihintay mo siya, ano?” “Hindi naman sa ganoon, Ate Lia. Pinauna lang talaga kita dahil buntis ka at bawal malipasan ng gutom,” paliwanag niya. Pero wala na sa kanya ang atensyon nito. “Kyle, pwedeng makapagpa-picture? Idol ko talaga ang banda ninyo mula pa noong teenager ako. Ang gaganda ng mga kanta ninyo at sapul na sapul ang mga lyrics kapag minsan feeling ko ay walang nakakaintindi sa akin. Ang galing ng vocalist ninyo! Narito rin ba si Grendle?” sunod-sunod na sabi nito. “Aser is here. You can take a picture with him when you see him hanging around.” Ang akala ni Ronah ay ii-snob-in nito ang kasamahan. Pero hindi ba pang-i-snob din ang sinabi nito na parang ipinapahiwatig na ayaw nitong magpa-picture at hintayin na lamang ang kaibigan nito? “Nandito rin si Aser? Oh my, oh my!!!” Patamad na napatingin si Ronah rito. Lia’s fangirl self was turned on. Waring nalimutan na nito na hindi ito pinagbigyan ni Kyle na makipag-selfie dito. Para itong si Lanie. Now that she thought of her friend, mukhang nakikinita na niya ang mangyayari kapag nakita nito ang dalawang miyembro ng bandang iniidolo nito doon. Bartender si Lanie sa resort na iyon. Malayo nga lang sa reception area ang station nito. “Can we now eat?” tanong ni Kyle dito. “Sure! Sure! May bakanteng open cottage sa likod. Pwede kayong kumain doon. Nakatanaw pa sa dagat. Maganda ang view,” hindi magkandatutong sabi ni Lia. “Thanks.” Lia swooned when Kyle gave a small smile. Napapabuntong-hininga na lang si Ronah habang nakapangalumbaba at pinapanood ang mga ito. Marunong rin palang magpa-charming ang lalaking ito. Sabagay, hindi niya masisisi ang kaibigan na matorete sa ngiting iyon. Maging siya ay biktima na rin niyon. Ang ganda niya talagang ngingiti.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD