KYLE stared at the old woman lying on the bed. Kagagaling lang nila ni Aser sa doktor nito. Pinayagan sila ng doktor na makapasok sa silid na ito para dumalaw. Thanks to Aser’s charisma.
Ronah’s mother looked older than the family picture he saw at their house. Maraming tubo ang nakakabit sa katawan nitong sobrang payat at maputla.
Nalaman nila na pang-apat na atake na nito ngayong taon na ito. Sinabi rin ng doktor na kailangan na nitong operahan sa lalong madaling panahon kung hindi ay baka hindi na ito magising pa. Hindi sasapat ang life support para mabuhay ito.
Isa pang problema ay ang ospital na paglilipatan nito para sa operasyon. Ang ospital kasi na iyon kung saan sila naroroon ay kulang sa mga kagamitan. Dahil wala pang maipang-down man lamang ang pamilya nito ay hindi pa ito mailipat ng ospital at maihanda sa operasyon.
After hearing that, naunawaan niya si Ronah kung bakit kailangang-kailangan nito ng pera ngayon, na kahit wala pa itong maayos na pahinga ay papasok pa rin ito sa trabaho.
Nagtataka lang siya kung bakit hindi nito binanggit sa kanya ang problemang iyon. She must have known that he was rich. She could simply ask for his help.
Pero naisip niyang para nga pala rito ay kakikilala pa lamang nila. Marahil ay nahihiya itong humingi ng tulong sa kanya, mas ang humiram ng pera.
Isa pa ito sa pagkakaiba nito kay Jazmine. Jazmine always had that self confidence that she would never think twice in asking others for help. Dahil na rin siguro pinalaki ito sa layaw ng ama. Kapag nahihirapan na ito ay hihingi at hihingi ito ng tulong sa iba.
Kung sakali man na humingi sa kanya ng tulong si Ronah ay hindi naman niya ito pagdadamutan. That face was so similar to Jazmine’s and he didn’t want that face to suffer any problems.
Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang nakaratay na babae sa kama.
Gusto pa man din niya itong usisain tungkol sa anak nito. Pero wala siyang magagawa kung nasa ganitong kondisyon ito.
Pumihit siya sa pinto at lumabas na ng silid na iyon.
Aser was standing there, leaning on the wall while holding his phone. Hindi maipinta ang mukha nito.
Kyle could only guess what his friend was looking at.
“Let’s go, Aser. Kahit titigan mo ng masama iyang cellphone mo, hindi mo mapipigil si Krizhia at ang fiance niya na mag-announce ng kasal nila.”
Nilagpasan niya ito.
Naramdaman na lang niya na nakasunod na ito sa kanya.
“I’m not supposed to watch that. Pero ang mga gagong kaibigan mo, nag-send pa talaga sa akin ng link,” banas na reklamo nito.
“I think Krizhia is happy now with her fiance.”
“You don’t have to tell me that, Kyle.”
“You should have not left her before.”
“Again, you don’t have to tell me that,” mas galit nang asik nito sa kanya. Umiling ito at nang magsalitang muli ay mahinahon na ang tinig. “Let’s not talk about that. Si Ronah na lang ang pag-usapan natin.”
Hinayaan na lamang niya itong ibahin ang usapan nila. Baka kapag ipinagpatuloy niya pa ang pang-aasar dito ay layasan na siya nito doon. Aser had his wallet. Ibinilin iyon dito ng manager nila at ng mommy niya na tumawag din kanina para kamustahin siya—kung hindi man pagalitan din.
“What about her?”
“What are your plans with her?”
“I want to know more about her.”
“Bakit hindi natin siya ipa-DNA test? Papayag naman siguro siya.”
“Then, ano’ng sasabihin nating dahilan at biglaan na lang natin siyang ipapa-DNA test?”
“Hmm…” Aser looked up and thought. “Bakit hindi natin sabihin na para iyon sa mommy niya?”
“She never asked for any help for her mother.”
“Hindi ba?”
Kahit si Aser ay nabigla roon. Kilala nga kasi nila si Jazmine.
Nagkibit-balikat siya. “Don’t worry about it. I have plans.”
“Kailangan mo ng tulong?”
“Yes. Call Donita.”
“Si Donita? Gusto mo bang mabugbog na ng tuluyan ni GJ?”
Patamad na tinapunan niya ito ng tingin. “Donita is a cardiologist, right? It’s for her mother.” Itinuro niya ang pinanggalingang silid.
“Oh. I see…” Tumingin ito sa cellphone nito. Pero, pagkuwa’y napakunot ang noo nang may ma-realize at mabilis na bumaling ulit sa kanya. “You have a phone! Why don't you call her yourself?” reklamo nito.
“I left my phone in your car.”
“Eh di, mamaya pagbaba natin!”
“You have a phone right now.”
“Hindi mo ako utusan!”
“You’re my caretaker.”
“I’m not!”
“You asked what help I need,” he reminded him.
“Damn.”
Hindi maipinta ang mukha na sinunod nito ang inutos niya.
–*--
“THANK you so much, ma’am, sir! Balik po kayo!” masiglang paalam ni Ronah sa mag-anak na kache-check out.
Nagpasalamat sa kanya ang pamilya bago umalis sa reception counter at sumakay sa sasakyan ng mga ito. Magiliw na kumaway pa ang mga ito sa kanya bago tuluyang umalis.
Nang mawala ang mga ito sa paningin niya ay kinuha niya ang log book at itinabi iyon sa lamesa niya.
Pagod na napasandal siya sa upuan niya at bumuntong-hininga. Sumasakit na ang ulo niya dahil sa kawalan ng tulog. Pero hindi niya naman magawang pumikit saglit at umidlip. Walang gaanong bisita ang resort ngayon at natapos na niya nang nagdaang araw ang monthly report niya.
Isa pa ay dalawa sila sa reception counter. Kaya hindi siya gaanong abala.
Pero hindi talaga siya makaidlip man lang. Napakaraming tumatakbo sa utak niya at hindi niyon magawang makapagpahinga man lamang.
“Ronah, ayos ka lang?”
Napalingon siya sa kasama niya sa counter at kaibigan na si Lia. Nasa kasagsagan ito ng pagbubuntis nito.
“Hindi okay. Pero kinakaya pa naman.” Napadako ang tingin niya sa wall clock. Eleven thirty nang umaga. “Lunch time na pala. Mag-lunch ka muna, Ate Lia.”
“Ipapaalala ko nga sana sa `yo. Ikaw muna kaya ang kumain? Mas kailangan mo ng break kaysa sa akin.” Itinuro nito ang nangingitim na eyebags niya. “Matulog ka na rin muna saglit.”
Nahawakan niya ang ibaba ng mata niya.
“Naku, ikaw na muna ang mauna. Bawal magutuman ang buntis.”
“Sure ka, Ronah? Sabay na lang kaya tayo? Tutal wala namang gaanong tao. Para rin may kasama ka. Mamaya niyan, bigla ka na lang makatulog habang kumakain.”
“Lagot naman tayo kay Boss kapag walang nakitang tao sa counter. Alam mo namang pasulpot-sulpot iyon dito.”
Natawa ito. “Ewan ko ba doon kay Bossing. May gusto yata sa `yo kaya palaging narito sa reception.”
“Naku, Ate. Huwag kang magbibiro ng ganyan. Por favor.”
Their boss already had a wife and three children. At kahit wala pa itong pamilya ay hinding-hindi niya ito papatusin. Paano ba eh, nang magpasabog yata ang Diyos ng kayabangan ay sinahod nito lahat iyon. Palagi itong nasa area nila kaya wala silang magawa kundi ang makinig sa pagyayabang nito sa ‘kayamanan’ at ‘ari-arian’ daw nito. Palaging umiikot ang usapan sa dami ng pera nito. Buti sana kung may maipagmamalaki itong gandang lalaki.
Minsan ay nagtataka siya kung bakit hindi pa ito naki-kidnap o nananakawan sa yabang nitong iyon.
Lumakas ang tawa ni Lia. Tapos ay tumindig na.
“O siya, sige. Mauuna na akong kumain. Bibilisan ko lang para makakain at makapahinga ka kaagad.”
Nginitian niya ito. “Gamitin mo na ang buong break mo, Ate. Ayos lang talaga ako rito.”
“Huwag ka nang tumanggi, ha?” Tinapik nito ang balikat niya. “Babalik ako kaagad.”
Tumalikod na ito at naglakad paalis kaya hindi na nga siya nakatanggi pa.
“Salamat, Ate Lia!” pahabol na lamang niya.
She was really blessed when it came to her friends. They were all kind to her.
Kanina ngang na-late siya ng pasok ay pinagtakpan siya ni Lia sa boss nila at sinabing nag-cr lang siya.
Well, hindi naman siya ganoon ka-late. Kinaya ni Aser na ihatid siya sa tapat ng resort nang eksaktong 7:10. Na-late lang siya sa pagpunta sa reception area ng dalawang minuto.
Salamat sa kasamahan niya at walang kaltas ang sahod niya.
Salamat din kina Aser at Kyle, for the obvious reason that they helped her get to work. Kapag nakita niya ang mga ito ay magpapasalamat siya ng maayos…
Kung makikita pa nga niya ang mga ito.
Bumaba ang mga sulok ng labi niya. Saka niya na-realize na nakangiti siya habang inaalala ang mga ito.
They might be famous celebrities, but they weren’t snobs to lowly people like her. Kahit paano ay na-enjoy din naman niya na kasama niya ang mga ito. They liked to bicker like children and that was amusing. Oo at hindi niya nagustuhan ang trato ni Aser sa kanya noong una, pero kalaunan ay naging maayos na ang pakikipag-usap nito sa kanya. Medyo may pagka-feeling close pa nga ito na tila ba matagal na silang magkakilala kung ituring siya.
Curious siyang malaman kung ganoon din ba ang iba pang miyembro ng The Rebel Slam. Ang saya siguro ng mga ito kapag magkakasama.
On the other hand, napansin niya na kahit ganoon ang hilatsa ng mukha ni Kyle ay nakakasabay ito mga biro at pang-aasar ng kaibigan nito. Sa huli nga ay ang kaibigan pa nito ang talo sa mga walang katuturang argumento nito.
She found herself smiling again. Nang ma-realize niya iyon ay mabilis niyang pinagalitan ang sarili.
Kinuha niya ang log book at binasa iyon para kahit paano ay maiwaksi sa isipan ang lalaking iyon na kakikilala pa lamang niya pero nagawa nang tumambay sa isipan niya. Oo, kanina pang ito ang laman ng sabog na isipan niya. Those stares and rare smiles lingered in her mind almost annoyingly. Ilang oras pa lamang silang nagkakakilala ngunit tila ba nakaukit na sa isipan niya ang gwapong mukha nito at ang bored na tinig nito.
Ahh! Ang sabi niya sa sarili ay iwawaksi ito sa isipan pero lalo niya lang itong iniisip ngayon!
She was having an internal conflict when she noticed someone standing in front of her counter.