Chapter 10 : More Important Thing

1787 Words
“ARE you going to tell me now, what was happening? Who is that woman?” Patamad na nilingon ni Kyle si Aser. Pabalik na sila sa ospital nang mga panahong iyon. Kung hindi lang tumawag si Andrei kay Aser kanina at pinagalitan silang dalawa nang malamang hindi pa siya bumabalik sa ospital ay hindi siya aalis sa tabi ni Ronah. Bukod pa sa todo ang pagtataboy ng dalaga sa kanya. Nang makababa nga ito sa sasakyan ay parang hinahabol ito ng kung sino sa bilis nitong papasok sa resort. “She told you her name, wasn’t she?” Naghikab siya. Ngayong wala si Ronah ay saka siya dinalaw ng inaantok. Kanina kasi ay masyado siyang nag-aalala na baka bigla itong maglaho. Hindi siya natulog sa kwartong ipinagamit nito sa kanya. After she went back to her room, he investigated her house. He hunted for photo albums and documents, especially Wonah’s documents. Kung malalaman siguro nito ang ginawa niya ay baka hindi na siya nito papasukin sa bahay nito. Unfortunately, wala siyang makitang dokumento at childhood photos ng dalaga. Ang tanging nakita niyang picture ay ang framed photo ng mag-anak, kasama ang tatay nito. Malamang na kuha iyon bago may mangyaring masama sa ama nito. Nang ma-realize niya na wala siyang mahahanap ay saka huminto at naupo sa sofa habang hawak ang framed photo na iyon. It was captured on the beach. Ronah had long hair, those chinky eyes were bright, her snow-white skin seemed to sparkle in the sunlight. She really looked like Jazmine. What intrigued him was her parents. Both of them didn’t have that fair skin. Malamang na dahil iyon sa pagkababad ng mga ito sa arawan. Though, her mother had chinky eyes. “You know what I mean, man.” Napakurap si Kyle at nagbalik sa kasalukuyan. Muntik na siyang makatulog habang kausap ito. Aser focused his eyes on the road. Pero alam ni Kyle na nasa kanya pa rin ang atensyon nito. “Ronah looked incredibly like Jazmine. Is it possible na may kakambal si Jazmine?” Tila may pumitik sa puso niya nang banggitin nito ang pangalan ng dating kasintahan. “I don’t know.” Ibinalik niya ang mga mata sa labas ng bintana at walang pakialam na tumitig sa mga nadadaanan nilang establisyemento. “Did you ask her how old she is?” “No.” “What about her parents?” “Her father died two years ago, while her mother is at the hospital. That’s what she said.” “Does Tito Rey know about her?” Reynaldo Chua was Jazmine’s father. “I don’t know.” “You should have asked him! Why are you being so you right now? Have a little care about this!” Napabuntong-hininga si Kyle. Ang totoo ay gusto niya ring malaman ang lahat. Kung may kaugnayan ba ito sa dating kasintahan o wala. Kaya nga sinundan niya ito kanina hanggang sa bahay nito para lubusan itong makilala at malaman ang kaugnayan nito kay Jazmine. Bukod pa sa natatakot siyang kapag iniwan niya ito ng tingin ay baka maglaho itong bigla. “I don’t have a phone right now.” Napatigil si Aser sa panenermon nito sa kanya. “Right. Nasa akin pa nga pala ang cellphone mo.” Binuksan nito ang glove compartment at inilabas doon ang kulay itim na cellphone niya. “Fully charged na rin yan. Nag-ML si Mackey d’yan at i-ch-in-arge niya bago siya umalis. Patamad na inabot niya iyon. Then, he just stared at it. He remembered his conversation with Ronah about cellphones. Compared to what he’s holding now, her cellphone was really below the latest phones. “What are you waiting for? Aren’t you going to call Tito Rey?” Napakurap siya. Medyo nag-iinit na ang mga mata niya sa pagtitig sa itim na screen ng cellphone niya. Pagkatapos ay umiling siya. “I don’t want to give him false hopes.” Ilang oras pa lamang niyang nakakasama si Ronah ay gusto na niyang magduda na may kinalaman ito kay Jazmine. O kung tama ang lihim na hinihiling niya na ang mga ito ay iisang tao lamang. They might have the same face and voice, but they were different in many aspects, especially in character. Jazmine never looked at me like I’m a nuisance. Sa ngayon ay ayaw niya munang ipaalam kay Rey ang tungkol dito. Ayaw niya itong paasahin at ayaw niyang dagdagan ang pighati nito tungkol sa namayapang anak. Because of that tragic incident, masyado itong nalugmok sa lungkot at muntik nang ma-bankrupt ang kumpanya nito kung hindi lamang niya ito tinulungan sa pagpapatakbo niyon. His mother, Karen, was also there to help Rey and his company. Kahit may nakaraang alitan ang dalawa ay kinalimutan ng mga ito iyon alang-alang sa kasiyahan nila ni Jazmine. Never did they know that Jazmine would encounter that accident. Kyle shut his eyes tightly and struggled to shove that memory to the farthest back of his mind. Whenever he entertained that memory, there was always this unbearable pang inside his left chest that made him want to rip his chest and take his heart out. So that he wouldn’t feel that kind of pain anymore. Matapos niyang mapayapa ang sakit ay saka lumiwanag sa nakasarang mga mata niya ang magandang mukha na iyon. It wasn’t the same as what he remembered from years ago. Jazmine’s face aged and matured a little to what he saw with Ronah. He wanted to see that face again. Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa ospital. Nagtaka pa siya nang makitang maraming tao sa labas ng ospital. “Wait, Kyle. Don’t go out yet,” pigil sa kanya ni Aser nang i-unlock niya ang pinto sa tabi niya. Hinagilap nito ang cellphone at sandaling kinalikot iyon. Pagkatapos ay nasa tainga na nito ang cellphone. “Hello, Andrei?” Kyle sat there while listening to Aser talk to their manager. “There’s people outside the hospital. Is it safe?” Huminto ito para pakinggan ang sinasabi ng kabilang linya. Tumangu-tango ito. “Uh-huh… The media already knows? So, that’s the media?” Tinanaw nito ang mga nagkukumpulang tao. Nakakunot ang noo nito. “I don’t think that’s only the media. There’s also teenagers… I see… Alright. We’ll wait for instructions.” Nang ibaba nito ang cellphone ay kinabig nito ang manibela palayo sa main entrance ng ospital. “Sabi ni Andrei, hina-hunting ka na daw ng media ngayon para ma-interview sa ‘pagkahulog’ mo sa stage,” paliwanag nito. “Kabi-kabila na ring balita ang lumalabas sa social media. May picture at video ka pa nga na nakuha ang pagtalon mo sa stage. Having The Rebel Slam concert interrupted is a big deal. Also the fans learned that you’re in this hospital. Well, supposedly in this hospital.” “Andrei can deal with that.” Napabuntong-hininga ito sa tinuran niya. “Somehow, I pity Andrei. Huwag mong kalimutang regaluhan ang anak niya pag-uwi mo sa Manila, ha?” “Sure,” kibit-balikat niya. He honestly didn’t care about that matter. May mas importanteng bagay siyang kailangang pagtuunan ng atensyon ngayon.   –*--   “WHERE are you going now?” Hindi pinansin ni Kyle ang kaibigan niyang sunod pa rin ng sunod sa kanya. Mukhang pinandigan na nito ang pagbabantay sa kanya. “At the lobby,” maikling sagot niya habang pinipindot ang elevator. Katatapos lamang ng check up niya. Pinayagan na siya ng doktor na ma-discharge matapos malinis ang sugat sa braso niya at ilang galos. Sabi pa nga ng doktor na maswerte siya at mababaw lamang ang sugat sa braso niya. May pamamaga nga lamang at na-strained ang muscle kaya pinayuhan siyang huwag munang tanggalin ang arm sling. Siniguro nito na hindi iyon makakaapekto sa paggigitara niya. “Wait, wait.” Humarang si Aser nang bumukas ang pinto ng elevator. Nakakunot ang noo nito at nababanaag ang pag-aalala sa mukha. “Didn’t I tell you that the media and the fans are waiting there?” Kanina ay sa backdoor sila ng hospital dumaan para maiwasan ang mga ito. Sinabihan sila ni Andrei na huwag munang magpa-interview o magpakita lalo na sa mga taga media. Kinokontrol pa raw nito ang mga balitang lumalabas sa social media. Kyle could just silently agree with Aser when he said he pitied their manager. Grabe nang sakit sa ulo ang idinulot nila rito. “Don’t worry, I will be careful.” “Careful, my arse! You won’t be able to be careful kapag nasa ibaba ka na. You know how persistent the media are.” “That’s why I will be careful.” Tinangka niyang lagpasan ito pero humarang ulit ito sa kanya. “Ano bang gagawin mo sa ibaba?” he demanded. “I’ll ask something to the clerk.” “What ‘something’? Maybe we can just ask the nurses here.” Lumingon siya sa paligid. May iilang nurse na nagdadaan, napapahinto at ngayon ay nakatingin na sa kanila. “Good point.” Ibinalik niya ang paningin sa kaibigan. “You go and ask them where I can find the patient with the surname of Canezo.” Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya. “Hindi mo ako utusan, Kyle.” “You’re my caretaker for now, remember?” “I didn’t agree to that!” Natigilan ito. “Wait, did you just say Canezo?” “Yes, slowpoke.” “That means, Ronah’s mother…? Sinabi mo nga pala kanina na nasa ospital ang mommy niya.” “Uh-huh.” “Wait, I’ll ask the nurse.” Nagmamadaling nilapitan nito ang isa sa mga nurse na nakatanghod sa kanila. That nurse blushed furiously when Aser flashed his killer smile. Nagsilapitan din dito ang iba pang nurse. Kyle stood there and waited. Medyo naasar siya dahil nakipag-selfie pa si Aser sa bawat nurse na naroon. Gusto na niyang makausap ang nanay ni Ronah nang makabalik na siya sa Palani Beach Resort. He was worried that if he returned there late, Jazmine’s face would disappear. Saka hinihintay nga pala siya ni Jedrick doon. Ilang sandali pa at sa wakas ay nagpaalam na si Aser sa mga kaharutan nitong nurse at bumalik sa tabi niya. “Sa fourth floor and mommy ni Ronah. Pero in-advice nila tayo na sa doctor niya tayo magpunta. Under observation pa daw kasi siya at bawal dalawin ng hindi kamag-anak.” Gaano ba kalala ang sakit nito? He remembered how problematic Ronah got when they talked about her mother. Sinabi rin nito na kailangan nito ng pera. “Where is this doctor?” Humarap si Aser sa elevator at pinindot iyon. Dahil sa tagal nitong nakikipag-usap sa mga nurse ay sumara na ulit iyon kanina. “Second floor. Cardiologist’s office,” sagot nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD