RONAH felt kind of offended with Aser’s stares. Hindi ba nito nagustuhan na may kasama si Kyle na katulad niya? Baka iniisip nito na k-in-idnap niya rin si Kyle, o hindi kaya ay oportunista siya. Mahirap lang siya pero hindi siya ganoong klaseng babae!
Hindi pinansin ni Kyle ang kaibigan. Bagkus ay nilingon siya nito.
“This is Aser, the friend that I’ve been telling you earlier.”
“Kita ko nga,” nakasimangot na sagot niya rito. “Pasensya na, Kyle. Pero male-late na talaga ako. Mag-aabang pa ako ng masasakyang tricycle.”
“Bakit ka pa mag-aabang? We have a car here.” Iminuwestra nito ang nakabukas na pinto.
“Kaya ko na ang sarili ko. Ayoko namang makaistorbo sa kaibigan mo. Saka advise ko lang na bumalik ka sa ospital para matingnan ulit iyang braso mo.”
Naiinis siya rito dahil hindi man lang siya nito maipakilala ng matino sa kaibigan nito. Come to think of it, isang beses pa lang nitong binanggit ang pangalan niya. Tila ba napakahirap nitong sabihin ng pangalan niya, eh ang simple-simple lang naman niyon.
Akmang tatalikuran na niya ito nang hulihin nito ang braso niya. Gulat na napalingon siya rito kasabay ng pagdaloy ng kung ano’ng nakakakiliting sensasyon sa balat niya mula sa mainit at malambot na palad nito.
“Ano bang—”
“I see,” he cut her words and turned to Aser. His lips were pressed into a thin line. “Aser, did you just scare her?”
Kung nabigla man siya sa tinuran nito ay mas lalo ring nabigla ang kaibigan nito.
“Ha? What, no—”
“You’re acting rude to her.”
“Am I?”
“Yes.” Tinitigan ito ng masama ni Kyle.
Ilang segundong nagsukatan ng tingin ang magkaibigan. Though, mas lamang ang tanong sa mga mata ni Aser kaysa ang pakikipaglaban nito ng tingin dito.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Ronah sa mga ito. Hindi niya alam kung ano’ng mararamdaman. Actually, wala na siyang time para intindihin ang mga ito. Lihim na sinulyapan niya ang screen ng cellphone niya. Nanlaki ang mga mata niya nang five minutes na lang ay magse-seven na. Pero paano siya aalis, eh, mahigpit na hawak ni Kyle ang braso niya?
“Kyle–”
Napahinto siya nang biglang bumuntong-hininga si Aser. Ito ang unang nagbawi ng tingin.
“Fine.”
Lumabas ito ng sasakyan at humarap sa kanya. He now had that nice apologetic smile. Katulad ni Kyle ay matangkad din ito at ubod ng gwapo. But unlike Kyle, he had that mischievous sparkle in his lively eyes.
“Sorry…” He glanced at Kyle as if to ask something, but the latter just stared at him poker-faced. He sighed again. “What’s your name again, Miss?”
“Ronah.” Tutal ay maayos naman itong nakikipag-usap sa kanya, sinagot na rin niya ito ng maayos. “Ronah Canezo.”
“Ronah?”
May pagkakatulad kay Kyle ang reaksyon nito sa pangalan niya. Kaso lang ay may kasamang lungkot ang pagkabigla ni Kyle—na ngayon niya lamang na-realize.
Nabuwisit na naman siya. Ano bang problema ng mga taong ito sa napakagandang pangalan niya?
Siguro ay napansin nito ang masamang mukha niya kaya alanganin itong ngumiti sa kanya.
“Pasensya ka na, Ronah. I didn’t mean to be rude to you or anything. It’s just that you look—”
“Aser, let’s go. Male-late na siya sa trabaho.”
“Work?”
“Yes. Let’s go to Palani Beach Resort.”
“Right.” Bumaling ulit ito sa kanya. “Sorry ulit, Ronah. And it’s nice to meet you. I will give you hug, kung hindi lang masama na ang tingin sa akin nitong taong-bato kong kaibigan.”
“Enough with the chit chat.” Tinabig ito ni Kyle ng nakabukas na pintuang hawak pa rin nito para sa kanya. “Get in.”
Naiinis na sinamaan niya ito ng tingin. Hindi talaga nito masabi ang pangalan niya, eh, ano?
Gusto niya itong sigawan, o kaya ay tanggihan sa libreng sakay na inaalok nito. Pero male-late na talaga siya.
Kaya naman nilunok niya muna ang pride niya at sumakay na rin siya roon. She was greeted by the soft and nice texture of the seat. Kasama na ang mabangong car freshener na nakasabit sa inside mirror na dinadala ng fan ng malamig na air conditioner sa gawi niya.
It was the first time she rode a car as luxurious as this, so she was in awe. Hindi niya na gaanong pinagtuunan ng pansin nang maupo si Kyle sa tabi niya. Wala sa loob at tahimik lamang siyang umisod sa kabilang upuan.
Aser also hopped in the driver’s seat.
“So, bandang huli ay driver ang labas ko bukod sa gwapong delivery man mo,” Aser whined while looking at Kyle through the mirror. Pinaandar na nito ang sasakyan.
“That’s your job as the single one in the group.”
“Oh, shattap, man. I’m not your caretaker. Besides, you’re also single.” Inikot nito ang salamin sa gawi ni Ronah. “Pasensya na sa problemang dinala sa iyo nitong kaibigan nila, Ronah, ha?”
Ronah blinked. Hinamig niya ang isipan niyang overwhelmed pa rin sa ganda ng sasakyan na iyon. Mas na-overwhelm nga lang siya sa mabilis na pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya. He was now friendly and nice.
Tumikhim siya. “H-hindi naman… I mean, ayos lang.”
“Male-late ka na nga pala, ano? Ano bang oras ang pasok mo?”
“Alas syete.”
“Oh! Male-late ka na nga!” palatak nito matapos sulyapan ang digital clock sa dashboard.
“Then focus on driving, Aser.” Kyle pointed out before leaning in the headrest and closing his eyes.
“Stop ordering me around.” Aser rolled her eyes as he sped up.
Medyo marami na rin ang sasakyan sa kalsada pero madali lang nakasingit at nalagpasan ni Aser ang mga iyon. He even went ahead an orange traffic light before it turned to red.
Mabilis man ang patakbo nito, hindi iyon ramdam sa loob ng sasakyan. Ronah just felt comfy. Parang gusto niya ulit matulog kung hindi lang siya nag-aalala na baka magtuloy-tuloy ang tulog niya.
Nilingon niya si Kyle. May kung ano’ng tumadyak sa puso niya nang makasalubong ang magagandang pares ng mga mata nito. Ang akala niya ay natutulog na ito dahil nananahimik na sa kinauupuan pero heto at nakatingin na naman pala ito sa kanya.
Kinunutan niya ito ng noo para mapagtakpan ang paghahabulan ng daga, pusa at kung anu-ano pa sa dibdib niya. She tried to calm herself. Kaninang madaling araw ay hindi naman ganito ang reaksyon niya rito, ah!
“B-bakit ganyan ka makatingin? Siguro may masama ka talagang balak sa akin, ano?”
Ikiniling nito ang ulo nito. “Don’t be ridiculous. Kung may masama akong balak sa iyo, kanina ko pa iyon ginawa.”
Sabagay nga naman. Kanina na silang dalawa lamang ang tao sa bahay niya ay wala naman itong ginawang anuman sa kanya. Nakapasok pa nga ito sa kwarto niya.
Pero hindi siya papatalo dito! Dagdag pa ang inis niya sa mabilis na pagkabog sa kaliwang dibdib niya.
“Eh, bakit ka nga tingin ng tingin? Kanina ka pa ah! Masyado ka bang nagagandahan sa akin?” Lihim na nakagat niya ang dila niya. Napasobra yata ang sinabi niya, ah.
Pero hindi na niya nagawang bawiin ang huling sinabi o ibahin man lang ang usapan nang umangat ang isang sulok ng bibig nito.
“Conceited,” he said with that rare amusement dancing in his eyes.
He was staring at her serenely, without the stress she saw on him the first time they met.
Biglang nablanko ang utak niya. Kasabay ng paglala ng kakaibang pakiramdam na iyon sa loob ng dibdib niya. Ang nakapaskil lang sa utak niya ay ang itsura nito ngayon habang prenteng nakaupo, with that arm sling and tousled hair.
He was really handsome.
Before she was drowned in his smile, stares and handsomeness, as well as this confusion, she retracted her gaze.
Kailangan niyang payapain muna ang sarili niya at ilagay sa tamang huwisyo ang pag-iisip. That rare smile and face was bad for her heart and mind.