Chapter 8 : Cold Angel

2119 Words
MARIING napailing si Ronah. She thought of two ridiculous ideas that she immediately erased from her mind. She even banned herself from thinking about it. “What’s wrong?” Bahagya pa siyang nagulat nang marinig ang monotone na tinig Kyle. “Huh? Ah, w-wala.” “Your face is red. Are you sure it’s nothing?” Lumipad ang palad niya sa pisngi niya. Kahit hindi niya iyon damhin ay batid niyang nag-iinit nga ang buong mukha niya. Paano ba naman, saan niya napulot ang mga ideyang iyon? She was too embarrassed of her mind and self. Pinilit niyang umakto ng normal. Tumikhim siya. “Napaano pala iyang braso mo?” pag-iiba niya sa usapan. “I fell on the stage.” “Huh?” “And the fans mobbed me. I was lucky enough not to have broken bones.” “Gaano ka katanga na bigla ka na lang nagpatihulog sa stage?” hindi mapigilang bulalas niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naiinis na naman siya. “No. Actually I jumped off the stage.” “So, you’re really stupid?” “Maybe.” Nagkibit-balikat ito. “Are you at our gig earlier?” “Oo. Sinamahan ko ang kaibigan ko.” “I see.” Ngumiti ito ng bahagya. Ikinawindang iyon ng buong pagkatao niya. This was the first time that those expressionless lips curved into a nice smile. Mas gwapo pala ito kapag nakangiti. Hindi na kataka-takang mapahinto siya at mapatitig dito. Nang ma-realize niya na nakatingin din ito sa kanya ay saka siya nagbawi ng paningin at malakas na tumikhim. “Siguro naman mamaya, aalis ka na, ano?” wala sa sariling tanong niya para lang mapunan ang awkward na katahimikan sa pagitan nila. Kasalukuyan niya pang hinahamig ang sarili niya. “I will stay in Palani for a while.” “Ha? Bakit?” Hindi naman siguro dahil sa kanya, ano? “My brother is having a vacation here with his family. And we have a few days of vacation before our next gig.” Yeah, right, Ronah. Medyo assuming ka rin minsan. “Ah… ganoon ba?” walang amor na sagot niya. “May trabaho ako mamaya kaya kung pwede lang ay pumunta ka na sa gusto mong puntahan. Wala akong time na asikasuhin ka at sakyan ang mga pamemerhwisyo mo.” “Where do you work?” “Sa Palani Beach Resort.” “Okay.” Kinunutan niya ito ng noo. Pero hindi na siya nagtanong pa. Tinapos na niya ang pagkain at tumayo. Saktong katatapos lang din nito. Sinamsam niya ang mga plato at baso at siya na ang nagdala niyon sa lababo. Kawawa naman ito kung pati iyon ay ipapatrabaho niya pa rito. “Bukas ko na huhugasan ang mga ito. Masyado nang gabi—actually, umaga na nga pala. Matulog na tayo kahit saglit lang. Gigisingin kita mamayang alas-sais para maisabay ka sa paglabas.” Tumango ito. “Okay.”   –*-- NAGISING si Ronah sa banayad na pagyugyog sa balikat niya. Naiinis na umungol siya at itinulak ang kamay ng kung sino mang gumigising sa kanya. Bumiling siya sa kabilang panig. Suddenly, she heard a male voice of an angel. “Wake up.” Kahit wala iyong emosyon ay maganda pa rin iyon sa pandinig. Besides, angels were supposedly void of any emotions, according to the book she read. Muli nitong niyugyog ang balikat niya. Muli niyang itinulak ang kamay nito. Ngayon ay may tampal nang kasama. “Ano ba?” pikit pa rin ang matang reklamo niya. “I thought you had work today? It’s already six thirty in the morning.” Ang sosyal ng anghel sa panaginip ko. Nag-e-English. “Work… today…” she mumbled. “Six thirty…” Six thirty?! Bigla siyang napadilat. Mas lalo siyang nabigla nang mabungaran niya si Kyle na nakaupo sa gilid ng kama niya at pinagmamasdan siya. Asungot ang gumigising sa kanya at hindi anghel.  Napabalikwas siya ng bangon. Kanina pa ba ito roon? “Ano’ng gigawa mo rito?!” “Waking you up,” parang walang anumang sabi nito. Tumayo na ito. “You can continue your sleep if you don’t want to go to work.” “Wala akong time magpahinga.” Bumangon na rin siya at tarantang tumakbo sa cabinet niya. Kinuha niya roon ang uniform niya at underwears. “Kailangan kong mag-work.” “I borrowed your phone while you’re asleep, by the way.” “Ha?” Hindi na niya mapagtuunan ng pansin ang mga sinasabi nito dahil nagmamadali na siya.  “I left my phone in the hospital, so I borrowed your phone.” “Okay. Basta hindi mo itatakbo ang cellphone ko. Mumurahin lang iyan.” “I won’t. I can give you dozens of expensive phones.” Nahimigan niya ang ngiti sa boses nito. Wala sa sariling napalingon siya rito. He wasn’t smiling, but there was a glint of amusement in his eyes. Napakaaliwalas nitong pagmasdan kahit pareho lang silang puyat. Ngayong maliwanag na ay mas lalo niyang napagmasdan ang kagwapuhan nito. “Talaga lang, ha?” Matapos hagilapin ang tuwalya niya ay nagtungo na siya sa pinto. “Sige, bigyan mo ako para may maisangla ako. Pera rin iyon.” Sinundan siya nito palabas. Napahinto si Ronah sa sala nang may makitang nakahain na pagkain sa lamesa. Nagtatakang lumingon siya rito. “Saan galing ang mga iyan?” “From a friend.” “Friend?” “Don’t worry. Hindi mo pa siya kilala kaya hindi ko siya pinapasok dito. He’s waiting outside.” Gusto niya pa sana itong tanungin pero namataan niya ang orasan na nakasabit na dingding. Dali-daling pumasok na siya sa banyo at mabilis na naligo. Habang nagbubuhos ng tubig ay saka niya lang na-realize na hinayaan niya si Kyle kanina sa kwarto niya. Oo, nabigla siya nang mamulatan ito roon pero hindi siya na-bother sa presensya nito. Nagtataka lang siya sa sarili niya dahil itinuturing niyang personal space ang kwarto niya. Kahit ang kaibigang si Lanie ay hindi niya pinapapasok doon. Nasanay na ba siya sa presensya ni Kyle kahit ilang oras pa lamang silang nagkakakilala at nagkakasama? Imposible naman iyon. Masyado lang siyang nataranta dahil male-late na talaga siya sa trabaho kaya hindi ito napagtuunang masyado ng pansin. May penalty pa naman na kaltas sa sahod ang late. Tinanguan niya ang sarili. Tama. Iyon nga ang dahilan. Mabilis niyang tinapos ang paliligo at nagbihis na sa banyo bago lumabas. She saw Kyle sitting at the sofa. He was leaning at the backrest with his eyes closed. He looked like a sleeping, cold angel with those sharp features. Gusto niyang pagmasdan pa ito pero pinigil niya ang sarili. She pulled herself to her room and cupped her face. Bakit ba nakikita niya pa rin ang gwapong mukha nito sa isipan niya? Hindi kaya nilagyan nito ng gayuma ang pagkain niya kagabi? She shook her head violently and focused on what she had to do. Late na nga pala siya. Wala na ring time na makakain siya. Kailangan niya pang mag-abang ng masasakyan sa kanto. Medyo malayo pa man din ang resort sa bahay nila. She grabbed her socks and her bag, then went out of her room with her comb still stuck on her hair. Sa tricycle na siya magpopolbo man lang para kahit paano ay presentable ang itsura niya. “Kyle, ikaw na lang ang kumain niyan,” wika niya nang makalabas sa sala. Nagmulat ito ng mga mata nang marinig ang tinig niya at lumingon sa kanya. “Male-late na ako. Nand’yan naman na ang kaibigan mo, hindi ba? Pwede ka niyang samahan sa kung saan ka man pupunta nang hindi ka maliligaw. Pakisara na lang ang—” “Let’s eat first,” he cut in.  “Male-late na `ko.” “It’s still early.” “Alas syete ang pasok ko.” “Then, let’s eat now and not argue.” Tumayo ito at hinila ang sling bag niya. Napakunot ang noo niya. Tila ba sa haba ng sinabi niya ay hindi man lang nito inintindi ang mga iyon at ngayon ay pinipilit na naman siya nitong kumain. “Ibalik mo nga sa akin iyan! Male-late na sabi ako. Ten minutes late lang sa trabaho, may kaltas na agad sa sweldo.” She could afford that. She needed money now more than anything else. “Then, resign if it’s giving you so much pressure,” kibit-balikat nito. Ngali-ngaling tuktukan niya ang ulo nito. “Kailangan ko ng pera. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho!” Inagaw niya rito ang bag niya pero nailayo na nito iyon. He went to the dining table and hung her bag at the back of his seat. Then, he sat there. “Let’s eat, shall we?” “Sinabi nang—” “Mas lalo kang male-late kung makikipagtalo ka pa. I’m hungry.” “Hanggang ngayon ba ay ako pa rin ang mamomroblema sa sikmura mo? Kakakain mo lang kanina, ah!” “It was hours ago.” “More like two or three hours ago!” Nahawakan niya ang noo niya. Pinapasakit na naman nito ang ulo niya. Napailing siya. Bakit ba siya nakikipagtalo rito sa ganoong topic? May mas mahalagang bagay siyang dapat gawin—o makuha rito. Nasa loob kasi ng bag niya ang ID niya. Hindi siya makakapag-in kapag wala iyon. Naroon din ang pera niya. Tama ito na lalo siya ang siya male-late kapag pinatulan niya ito. She sighed and calmed herself. Pero nakakainis talaga ito!  Padabog na naupo siya sa silyang katapat nito. Saka lang dinampot ni Kyle ang kubyertos nito nang makaupo rin siya. “Kapag ako na-late, bayaran mo ang penalty ko.” Matalim na sinibat niya ito ng paningin. “Sure. I’ll even triple it.” “Yabang,” ingos niya rito. Ronah begrudgingly picked up her spoon and fork and they started eating. Surprisingly, her mood improved after she filled her stomach. Bukod pa sa masasarap na mga pagkaing nakahain sa mesa. Tama nga siguro ito na nakakatulong ang pagkain para gumaan ang pakiramdam.   –*--   “KYLE, what the heck, man? I’m waiting here for eternity!” “Don’t be ridiculous, Aser. You’re just waiting for less than an hour.” “Ganoon na rin iyon! Huwag mo akong pilosopohin.” “Then, don’t exaggerate things. Are you that pissed that Krizhia will announce her wedding date to the public this afternoon?” “Huwag mong ibahin ang usapan.” Nakamata lamang si Ronah sa pag-aaway ng dalawang miyembro ng pinakasikat na banda sa buong bansa. Aser, the bassist, was scowling grimly at Kyle who, as usual, was expressionless. Kaninang lumabas sila ni Kyle sa bahay niya at maglakad papunta sa kanto ay pinagtitinginan sila ng mga kapitbahay niyang gising na sa mga oras na iyon. May mga bumati pa nga sa kanya at sa kasama, tinatanong kung kaanu-ano niya ito. Inaatake na talaga siya ng konsensya kaya nginitian lamang niya ang mga ito at hindi sumagot. Napakaagaw-pansin ng kagwapuhan nito sa simpleng barangay nila. Lihim siyang nagdadasal kanina na sana ay walang makakilala rito. Baka may mag-isip na naman na k-in-idnap niya ito. O kaya ay siya ang may kasalanan kung bakit may sling ang braso nito. Paglabas nila sa kanto ay nagulat na lang siya nang tunguhin ni Kyle ang nakaparadang magarang sasakyan doon na kulay green. Kung hindi siya nagkakamali ay sportscar pa nga iyon. Hindi na rin kataka-taka na kahit hindi makita ang may-ari sa loob dahil heavily tinted ang salamin ay pinagtitinginan pa rin iyon ng mga tao. Kyle knocked on the driver’s window, at heto na nga ang bumungad sa kanila. “Open the door now, Aser,” utos ni Kyle sa kaibigan matapos ignorahin ang galit nito. Nakasimangot pa ring in-unlock nito ang pinto sa backseat. “Kung hindi ka lang ibinilin ni Andrei at ng mga kaibigan mo sa akin, hahayaan kitang maligaw dito sa Palani. Bakit ba kasi sunod-sunod silang nag-girlfriend? Ngayon ay atat na atat silang bumalik sa Manila. Though, Mackey already has a fiancee for a very long time,” Aser whined. “Anyway, bakit ka nga pala napunta ri—” Natigilan ito nang gumawi ang paningin sa kanya nang pagbuksan siya ni Kyle ng pinto. Nagtaka siya nang manlaki ang mga mata nito na halos ikaluwa niyon. “H-Hello,” nahihiyang bati niya rito. Nahihiya rin siyang sumakay sa ganoon kagarang sasakyan kaya nanatili lang siyang nakatayo roon. “J—” “Aser,” putol ni Kyle sa kung ano mang sasabihin nito. Nakadagdag sa pagtataka niya ang madiing pagkakasabi nito niyon. Kunot-noong binalingan ni Aser si Kyle. Tila mas seryoso na ito ngayon. “Kyle, what’s this?” sabi nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD