NANG kumalma si Ronah ay saka niya binalingan ang asungot na kasama niya.
Nakita niyang iniinspeksyon na nito ang laman ng tupperware na basta na lang niyang nilapag sa kung saan kanina.
“Kyle, alam mo ba kung gaano kalaking problema ang dinala mo sa akin?”
Nag-angat ito ng paningin. May hawak na itong chicken wing na pinigtal nito sa kalahating manok na nasa tupperware.
“What problem? You said we’re cousins, so it’s fine.”
“Hindi iyon ‘fine’! Nasa itaas na apartment lang ang tiyahin ko. Malalaman niya na hindi tayo magpinsan!”
“You should have told the truth, then,” wika nito sabay kagat sa pagkaing hawak nito.
At siya pa ngayon ang may mali gayung pinagtakpan na nga niya ito sa kapitbahay niya?
Inis na hinablot niya ang kinakain nito at idinuro iyon dito.
“Gusto mo bang kuyugin ka ng mga tao dito kapag nalaman nila na stalker kita?”
“Who would attack an injured man?”
At hindi talaga nito ikinaila na stalker niya ito, ha?
“Alam mo, malapit-lapit na kitang mabugbog!”
“Don’t. Have mercy on an injured man.” He snatched the chicken wing back and stuffed it on his mouth.
Ngali-ngaling sabunutan niya ito.
“Kuuu!”
Bago pa siya makagawa ng hindi maganda ay tinalikuran na niya ito at nagmamartsang pumasok sa kwarto niya. Baka sa huli ay siya pa ang maging kriminal sa kanilang dalawa.
Nang maisara ang pinto ay ibinagsak niya ang katawan sa kama niya… na pinagsisihan din niya dahil manipis lamang ang kutson niya.
Nakangiwing minasahe niya ang balikat niya. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang gawaing iyon. Palagi niyang nalilimutan na medyo matigas ang higaan niya.
Napapabuntong-hiningang idinantay niya ang braso sa mga mata niya. Bumalik sa kanya ang mga tanong niya sa sarili kanina.
Bakit niya hinayaang sundan siya ni Kyle doon?
Kung tutuusin ay simple lang naman ang sagot doon. Hindi niya lang matanggap.
Those stares that he was giving her since the moment he laid his eyes on her way back in their mini concert. Iyong tingin na tila napakatagal nitong hinintay at umasa na makikita siya nito. Hindi niya malilimutan ang naunang pakiramdam niya nang tingnan siya nito. Since he was still looking at her that way, she would just assume na siya talaga ang tinitingnan nito kanina sa audience.
She didn’t know Kyle and she hadn’t met him before. Pero bakit sinasabi ng mga titig nitong iyon na kilalang-kilala siya nito?
Saka itong pakiramdam niya na para bang naniniwala siya na wala talaga itong balak na masama sa kanya. Na para bang deep inside ay pinagkakatiwalaan niya ito. Well, bukod sa hindi naman nga ito mukhang masamang tao.
She sighed frustratedly. Teka, bakit nga ba niya iniisip ang lalaking iyon? May mas mahalagang bagay siyang dapat isipin.
Bumiling siya at humarap sa maliit na bintana ng silid niya. Yari rin iyon sa jalousie at dahil kadarating lang niya ay sarado pa rin iyon. Subalit lagos-lagusan doon ang paningin niya.
Saan na naman kaya ako kukuha ng pera para maipa-opera na si Nanay?
Bumigat ang dibdib niya.
Kailangan na niya iyon sa lalong madaling panahon. Kapag tumagal pa na hindi ito nagagamot ng maayos ay baka mawala rin ito sa kanya. Ito na lang ang natitira sa kanya na nagmahal sa kanya ng buong puso at itinuring siyang hindi iba. Bago man lang siya nito iwan din ay gusto niyang iparanas dito ang magandang buhay na hindi niya naiparanas sa tatay niya. Gusto niyang makapagpasalamat dito sa buhay na ibinigay nito sa kanya.
Nang pumikit siya ay may nahulog na luha sa mga mata niya.
Gagawin niya ang lahat para madugtungan ang buhay nito.
`Nay, kapit lang. Hintayin mong maipa-opera kita. Huwag ka munang aalis, ha? Huwag mo muna akong iiwan.
Her eyes burned and tears started to well down her cheek. Pinahid niya iyon ng kumot niya at pinakalma ang sarili.
Then, suddenly, knocks came from her door. Muntik pa siyang atakihin sa puso kung hindi niya lang naalala na may kasama siya roon.
Tinuyo niya muna ang natitira pa niyang luha bago buksan ang pinto.
“Ano `yon?” salubong ang kilay na asik niya rito.
Tila may sasabihin ito sa kanya pero hindi nito itinuloy nang mapagmasdan ang mukha niya. Heto na naman ito sa pagtitig nitong iyon sa kanya.
Kahit marami ang iniisip niya ay nadama niya pa rin ang kakaibang pintig ng puso niya. Pilit niya iyong inignora.
“Bakit ba tingin ka ng tingin sa mukha ko?”
“Your eyes and nose are red. Are you crying?” His face did not show any concern, but his eyes did.
Natakpan niya ang ilong niya. Katulad nito ay maputi rin ang kutis niya kaya halatang-halata ang pamumula ng balat niya.
“Ano naman sa `yo? Sandali nga.”
Isinara niyang muli ang pinto at tinungo ang lumang cabinet niya. Kumuha siya roon ng extrang kumot at dumampot ng extrang unan sa kama niya. Mabuti na lamang at kalalaba lamang niya ng mga pillowcase niya.
Pagkatapos ay pinagbuksan niya itong muli. Kyle was still there.
“Medyo maliit ang sofa namin pero malambot naman iyon kaya pwede kang matulog doon.”
He just stared at the things on her hands.
Napakunot-noo naman siya. Ngayon lamang ba ito nakakita ng manipis na kumot at hindi gaanong malambot na unan? Aba, eh, iyon na nga ang pinakamagandang unan niya!
Tatarayan niya sana ulit ito, pero naunahan siya nitong magsalita.
“Why did you cry?”
Hindi siya kaagad nakapagsalita. Bakit ba nito tinatanong iyon? A hand squeezed her heart and she didn’t know why. Tila ba gusto niya ulit umiyak sa harapan nito.
She pushed that thought aside and steeled herself. Taas-noong tumingala siya sa mukha nito.
“Hindi ako umiyak o umiiyak.”
“You’re bad at lying.”
Napasimangot siya. “Bakit ba mas makarunungan ka pa sa akin?”
“Because I can see that you cried. Is it because of your mother in the hospital?”
Iyon at marami pang iba.
Hindi siya sumagot. Bagkus ay itinulak niya ito patabi at lumabas siya ng silid niya. Nagtungo siya sa sofa nila at idineposito roon ang mga bitbit.
Tila ngayon niya lang napagmasdan ang sofa na iyon. Alam niya noon pa man na may mga butas na iyon. Pero ngayon niya lang na-realize kung gaano kalala ang mga sirang iyon.
She looked at Kyle. Then, to the poor sofa.
Kahit na ano’ng tingin niya ay napakaalangan ng sofa na iyon dito. Bukod pa sa napakaliit niyon kumpara sa malaking bulto nito, napakagandang lalaki nito at mukhang sosyal para patulugin lang doon. Isa pa ay naka-sling ang braso nito. Hindi kaya lalong lumala ang kung ano mang injury nito kapag humiga ito roon?
Sigh.
Bakit kasi sumama pa ito sa kanya doon? Kung nanatili ito sa ospital ay hindi ito mahihirapan sa pagtulog nito. At hindi rin siya mamumroblema kung saan ito papatulugin.
Ngunit sa kabila ng inis niya ay iniisip niya pa rin ang kapakanan nito. Nababaliw na nga talaga yata siya.
Kinuha niyang muli ang kumot at unan.
“On the second thought, doon ka na lang matulog sa kwarto ni Nanay.”
“Aren’t you going to eat first before you sleep?”
“Wala na akong gana.”
Yeah. After remembering all her problems, she had lost her appetite.
“You should eat.” Narinig niyang sabi nito.
Nilinga niya ito. Nakatayo lamang ito sa pintuan ng kwarto ng nanay niya at pinapanood siyang mag-ayos ng higaan.
He tilted his head to the side. “It’s bad for your health if you don’t eat.”
Kinunutan naman niya ito ng noo. “Ayos lang ako. Dito ka na matulog.”
“Let’s eat first.”
“Sabi nang hindi ako nagugutom.”
“I’m hungry.”
“Then, you eat!” Naiinis na umayos siya ng tayo. “Pati ba naman sikmura mo ay problema ko? Ang dami-dami ko na ngang problema, dadagdag ka pa!”
“Eating is not a problem. It’s a solution to your hungry stomach. To make you feel better.”
Oo nga naman.
Pero ngayong nabubuwisit siya ay hindi siya papatalo rito.
“Ah, basta! Bahala ka na nga d’yan!” Akmang lalabas siya ng kwarto pero nakaharang pa rin ito sa pinto. “Tabi!”
“Let’s eat first before you sleep,” ulit nito.
Mas lalo siyang nabuwisit nang tila hindi nito alintana ang galit niya at pagtataray. Humalukipkip siya.
“Ayoko.”
“Then, can I eat your share of food?”
“Sinabi nang ayo—” Napatigil siya nang maunawaan ang sinabi nito. Ang ini-expect niya ay pipilitin pa rin siya nito. Katulad ng pagpipilit nitong sumama sa kanya roon.
Medyo napahiya siya sa iniisip niyang iyon.
At teka… Uubusan siya nito ng pagkain? Paano na ang agahan niya? Balak pa naman niya na kumain na lang mamaya at matulog muna ngayon. Wala pa man din silang ulam!
“Magtira ka naman sa akin!”
“If you don’t eat now, I’ll eat all the food.”
Iyon lang at sinibatan na siya nito ng alis.
Ang unggoy na iyon!
Hinabol niya ito sa kusina s***h kainan s***h sala. Naabutan niya itong nakatayo sa gilid ng mesa.
Natigilan siya. Noon niya lang din napansin ang dalawang plato ng pagkain na nasa maliit na lamesa. Malamang na habang nag-e-emo siya sa kwarto niya ay naihanda na nito iyon. At malamang din na kaya siya nito kinatok sa kwarto niya ay para yayain siyang kumain.
Kadarating lang nito roon pero feel at home na agad ito.
“Please, sit down,” wika nito na ipinaghila pa siya ng upuan. Akala mo ay ito ang may-ari ng bahay na iyon.
Gusto niya itong tarayan, ang sigawan kung bakit nito pinakialaman ang mga gamit nila nang walang paalam. Pero masyado siyang nao-overwhelm sa nangyayari, na kahit basta niya na lang ito iniwan doon kanina ay inalala pa siya nito para ipaghanda rin ng pagkain. Kahit na ba isang kamay lamang ang naiigalaw nito at mukhang sariwa pa ang mga galos nito.
If he made an effort like that, she would feel bad if she declined.
Hindi ito ang unang beses na may nagkainteres sa kanyang lalaki. Marami siyang manliligaw at nakita na niya ang iba’t ibang pakulo ng mga ito para suyuin siya.
Ngunit ito ang unang beses na naramdaman niya na parang napakaimportante niya. Higit pa sa prinsesa o sa reyna. Kahit na ba may pagkaatribido ito.
Sa huli ay napabuntong-hininga na lamang siya at naupo sa silyang naghihintay sa kanya.
Matapos nitong masiguro na maayos siya ay naupo na rin ito sa kaibayong silya.
“Kakikilala lang natin kaya bakit mo ginagawa ang mga ito sa akin?” hindi mapigilang tanong niya rito. “Hindi na ito normal.”
“Isn’t it not normal, too, that you let a man you just met into your house?”
“Dahil napakakulit mo. Ilang beses ba kitang pinalayas? Nakinig ka ba?” Naiinis na naman siya sa mga sagot nitong iyon. “Saka ako ang nagtatanong dito. Kaya ako ang sagutin mo!”
Nagkibit-balikat ito. “I want to know more about you.”
Her anger suddenly flew away. Kanina pa parang roller coaster ride ang emosyon niya habang kasama ito. Mabilis siya nitong pagalitin at mabilis din naman nitong pawiin iyon at palitan ng nakakalitong damdamin na ito.
“Wala kang mahihita sa buhay ko. Isa lamang akong simpleng probinsyana. Hindi ako kasing exciting ng mga babae na nakilala mo.”
“Hmm…” He stared at her yet again. His sleepy eyes were telling her things she couldn’t understand. “We’ll see about that.”
“Teka nga muna. Dumidiga ka na sa akin, hindi ba magagalit ang girlfriend o asawa mo?”
“I don’t have a wife or a girlfriend.”
“Sabi mo lang `yan.” Dinampot niya ang mga kubyertos. Hindi niya aaminin pero bahagya siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi nito. At least, walang susugod sa kanya. “Kayong mga lalaki, mahilig kayong magtago ng mga babae ninyo kapag wala ang babaeng iyon sa tabi ninyo.”
Nagsimula na silang kumain.
“I believe that is not my case. What about you? May boyfriend ka na? Asawa?”
“Wala. Wala akong time sa bagay na iyan. Pero marami akong manliligaw.”
“What about your mom? What happened to her?”
Nabitin sa ere ang pagsubo niya. Kailangan ba talaga nitong ungkatin iyon ngayong sa unang pagkakataon ay magaan ang pag-uusap nila?
“Inatake siya sa puso,” sagot niya pa rin. Pinipilit niyang huwag iparinig dito ang lungkot niya pero malinaw pa rin iyon sa tinig niya. She sighed heavily. “Pwede bang kumain na lang muna tayo?”
“Sure.”
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Ang tanging maririnig ay ang ingay ng mga kubyertos nila at plato.
Nag-angat ng paningin si Ronah at pinanood ang pagkain nito. Ngayon lang siya nakakita ng lalaki na magandang panooring kumain. He had that manly finesse and grace of a man from a rich family, even though he was only using one of his hands. Narinig niyang sabi minsan ni Lanie na ang mga miyembro ng The Rebel Slam ay pawang mayayaman at tagapagmana ang sari-sariling kompanya ng pamilya.
Buti pa ang mga ito, walang pinoproblema sa pera.
Then, a thought suddenly struck her.