"Dad-dy!" agad tumayo at tumakbo si Karlo papunta kay Jake nang nakita ang Daddy nito. Bulol pa ang salita niya. Maagap naman siyang sinalo ni Jake at hinagkan. Nagkatinginan kami ni Doris. Nagkabatian sila ni Jake bago nagpaalam ang kaibigan ko. Hinatid ko muna ito sa labas. "Okay ka lang?" she asked. Tumango ako. "Oo, ayos lang ako. Ingat kayo pauwi." May tumigil na na tricycle sa tabi namin at sumakay na si Doris doon at nakaalis. Bumalik naman ako sa loob ng bahay. Naabutan ko si Jake sa sofa na kandong si Karlo at nanonood sila ng pambatang palabas ng anak namin. Nagkatinginan kami. Tinungo ko nalang muna ang bag na dala niya para dalhin sa kuwarto. Nagluto na rin ako ng hapunan at tinawag nalang sila Jake nang natapos. Sinusubuan niya ang anak namin. Habang tahimik lang din

