"Ang matapobre naman pala niyang Nanay ni Jake! Alam ba ni Jake na ganiyan ang trato ng Nanay niya sa 'yo?" Umiling ako kay Sanna. "Bakit? Dapat sinumbong mo!" "Ina niya pa rin 'yon, Sanna. Ayaw ko naman magkasamaan ng loob si Jake at ang Mommy niya." Nagbuntong-hininga nalang si Sanna. Nakatingin din sa akin ang dalawa ko pang kaibigan. Bumaling nalang muna ako kay Karlo na kandong ko. Wala siyang malay na nakaalis na kami ng Maynila at narito na nakauwi sa Negros. Umalis si Jake para sa business abroad. Habang wala siya ay nag-impake na ako at umalis kami ni Karlo pauwi rito sa probinsiya. Nag-iwan naman ako ng sulat para sa kaniya. Siguro nga tama ang Mama ni Jake na hindi ako nababagay sa mundo nila. At siguro totoo rin iyong sinabi ni Criselda na may iba pang deserve si Jake

