Episode 5

1654 Words
Nag-ikot ako sa ibat-ibang lugar at nagtanong kung magkano ang presyo ng mga bakanteng kuwarto para alam ko kung magkano ang i-ipunin ko. Namasura muna ako at inubos ang mga natitira ko pang oras bago pumasok sa trabaho. "Sa bar nalang siguro ako maliligo at agahan ko lang. Papayag naman siguro ang may-ari," sabi ko sa sarili ko. Marami akong mga nakalap na mga basura na pwede kong ibenta sa malaking halaga. Alam ko ang presyuhan ng basura kaya hinding hindi ako maloloko ng mga mayayamang negosyante na bumibili ng aking mga nakuha. "Mia, mukhang marami kang nadala ngayon ah. Kamusta na ang anak mo? Sabi ko naman kasi sa'yo magpakasal ka lang sa akin, hindi mo na kailangan magbasura pa. Parating masarap ang pagkain nyo," sabi sa akin ni Mang Ando na syang may-ari ng bakalan. "Naku kayo naman po ang tanda niyo na po, para na nga kitang lolo, para ako pa talaga ang ayain nyo ng kasal. Bakit kaya nyo pa ba?" tanong ko dito. Nagtawanan ang mga nakarinig sa sinabi ko kaya parang napahiya ito sa sinabi ko. "Heto na nga ang bayad mo at umalis ka na, ang arte mo naman wala ka na ngang makain, namimili ka pa talaga," inis na sabi nito. "Kulang po ito ng singkwenta pesos, kayo naman po gugulangan mo pa ako mayaman ka na nga eh, magagalit ang Dyos sa'yo nyan," mariing sabi ko dito. "O ayan alis na!," galit na sabi nito pagkatapos ibigay sa akin ang kulang. Naka limandaan ako kaya masaya ako bago ako pumasok sa trabaho. "Dagdag ipon na din ito sa kukunin kong maliit na kuwarto para sa amin tatlo nila Inay. May nakita akong isang maliit na kuwarto tag limang daan ang isa, pero kailangan ko ng isa pang limang daan kasi humihingi ang may-ari ng deposito," sabi ko sa isip ko. Nagmadali ako na pumasok para may oras pa ako para makaligo sa banyo. "Magandang gabi chief, Pasok na po ako!," masayang bati ko dito. "Mia ano ba 'yang amoy mo ang baho. Saan ka ba galing?" tanong nito habang nakatakip ang ilong habang kausap ko. "Pasensya na po Chief, galing kasi ako sa pangangalakal ng basura para ibenta. Wala pa kasi akong sahod kaya kailangan ko munang kumita para panggastos namin," paliwang ko dito. "Hala sige maligo ka na at baka dumating na ang amo natin mapagalitan ka na naman," paalala nito. "Opo salamat Chief," sabi ko dito habang nagmamadaling pumasok at naligo sa cr ng mga babae. Hindi ko na din kailangan suotin ang damit ng boss ko dahil pinadalhan na ako ng sampung bagong uniporme pati sapatos para may magamit ako. Sa dami ng ipinadala, tinabi ko nalang ang iba kasi baka may bago silang tanggapin na empleyado, may magamit ito. "Mia, tapos ka na ba? Simula ngayon hindi ka na tagalinis ikaw na ay waitress kaya magsaya ka na!" natutuwang balita sa akin ni Marga. "Ha? Paano nangyari 'yon sino ang may sabi?" litong tanong ko dito. "Ano ka ba huwag kang mag-alala kasi dalawa naman tayo ang magiging waitress kaya tara na at mag-ensayo na tayo para hindi tayo makabasag ng mga bote," masayang sabi nito sa akin. Ang saya ko kasi ibig sabihin pati sahod ko ay tataas din at may tip pa tiyak kasi 'yon ang parati kong naririnig na may tip na iniiwan ang mga customer kapag umaalis ang mga ito. Pagdating ng alas-dyes ng gabi ay unti-unti ng dumadating ang mga parokyano ng bar. Kaya kami ay isa-isa ng pumuwesto sa pintuan para salubungin ang mga nagsidatingan at kunin ang kanilang mga order na pagkain at inumin. "Magandang gabi po ano po ang gusto niyong orderin Sir?" tanong ko sa lalake na bago lang dumating kasama ang kanyang mga kaibigan. "Pwede bang ikaw ang bilhin ko?" sabi nito sa akin. "Po?" litong tanong ko dito. Nakita kong bumulong dito ang isa nitong kasama na biglang ikinataranta ito. "Ah Ms. bigyan mo nalang kami dito ng pulutan," sabi nito habang tinuturo ang gustong bilhin. Umalis agad ako para kunin ang mga utos nila sa akin. Ito ang unang order na kinuha ko kaya kinakabahan ako na baka pumalpak ako. "Mia ito kunin mo na para mabigay sa customer mo," sabi sa akin ni Nikko na kasama ko sa trabaho. Dahan dahan akong naglakad papunta sa table ng customer ko, ng may bumunggo sa akin na isang babae. Nalaglag lahat ng nasa kamay ko, kaya nataranta ako at humingi ng paumanhin. Akma ko na sanang linisan ang kanyang sapatos na nabasa ng bigla niya akong sabunutan at idiin ang mukha ko sa sahig na puno ng basag na bote. "Parang awa mo na po pasensya na po kayo hindi ko po sinasadya!" hingi ko ng paumanhin habang umiiyak ako. "Anong sorry! Kaya mo bang bayadan ang sapatos ko na nadumihan mo?! Kahit isang taon mong sahod dito ay kulang pa para bayadan ako!" sigaw nito sa akin. "Hoy bitawan mo nga si Mia, para sapatos lang mananakit ka na ng kapwa mo!" sigaw na sabi ni Marga. "Marga pabyaan mo na, Mam papalitan ko nalang po ang sapatos nyo," sabi ko dito. "Bitawan mo sabi si Mia eh!" biglang lapit ni Marga at sinabunutan ang babae. Pero dahil may mga kasama ito, nagawa ng mga kasamahan nito na awatin si Marga at hinawakan ang dalawang mga kamay nito para hindi makalapit sa amin. Nagtinginan lang din ang aming mga kasamahan sa trabaho marahil takot na baka sila magpag-initan ng mga customer din. "Ang tatapang nyo mga hampaslupa kayo. Ikaw tatanga tanga ka hindi mo ba ako kilala?! Kaya ganito lang ang trabaho mo dahil isa kang mangmang, isa kang B..bo! Halikan mo ang sahig para magtanda ka!" sigaw nito habang dinidiin nito ang mukha ko sa may basag na mga bote. "Ano ang nagyayari dito?!" dinig kong sigaw ni Sir Brandon na dumating na pala sa bar. "Sir Brandon! Sinasaktan po nila si Mia lalo na ng babaeng 'yan!" sumbong agad ni Marga na hawak hawak parin ang mga braso ng dalawang babae. Nasa may pintuan ito ng makitang nakadapa ako sa may sahig habang dinidiin ng babae ang aking mukha. Binitawan agad ng babae ang aking buhok ng makita nito si Sir Brandon na papalapit. Bigla nalang itong ngumiti at naglambing kay Sir Brandon. "Ahmmm kasi itong babaeng ito Brandon eh binunggo ako at nabasa nito ang mamahalin kong sapatos. Dapat tanggalin mo ang babaeng 'yan bago pa makasakit pa ng iba," nakangiting sabi nito sa boss ko. Tumingin sa akin si Sir Brandon bago tiningnan uli ang babae. Umikot ito at humingi ng sigarilyo kay Dimitri. "Ang ibig mong sabihin ay sinaktan mo ang empleyado ko dahil lang sa nabasa ang sapatos mo, tama ba?" mahinang tanong nito sa babae habang sinisindihan ang sigarilyo nito. "Ahmmm hindi lang ako pati narin ang mga kaibigan ko, tingnan mo, pati braso ko masakit din kasi binunggo nya ako," sumbong din nito. Nagbuga ng usok si Sir Brandon at unti unting humarap sa akin. Lumapit ito sa akin at dahan dahan akong tinulungang tumayo at pinagpag ang mga dumikit na basag na bote sa damit ko at tiningnan ang sugat ko sa kamay na may mga bubog pa ng bote na nakadikit. "Alam mo Ms, ano nga uli ang pangalan mo?" mahinang tanong nito na nakangiti habang lumalapit sya sa babae. "Ako ako nga pala si Gracia Martines, Anak ni Facundo Martinez ng Martinez Holdings Incorporated," masayang abot nito sa kamay nito kay Sir Brandon para makipagkamay. "Okay. Alam mo Ms Gracia Martines, walang ibang pwedeng magbigay ng parusa sa mga empleyado ko kundi ako lang," mahinang sabi nito habang papalapit sa babae. "Ngayon, ikaw na dayo lang sa lugar na ito. Sino ang nagbigay ng pahintulot sayo ng manakit ng walang permiso ko ha?!" sigaw na sabi nito habang hinawakan nito ang buhok ng babae at tinapon sa isang sulok. Nagulat ako sa ginawa nito kaya tinakpan ko ang mga mata ko. "Mia tumingin ka!" sigaw ni Sir Brandon sa akin. "Tingnan mo kung paano ko parurusahan ang nanakit sa'yo dito sa poder ko!" sigaw nito sa akin kaya dahil sa takot tinanggal ko ang mga kamay ko na nakatakkip sa mga mata ko. Ang mga parokyano ng bar ay gulat din sa ginawa ni Sir Brandon. "Brandon parang awa mo na, patawarin mo ako! Hindi ko sinasadya patawarin mo na ako!" pagmamakaawa ng babae habang umiiyak ito. Nilapitan nito ang dalawang babae na katabi ni Marga na mga kaibigan din nito. Hinila nito ang dalawa at pinagsasampal tsaka tinapon papunta sa babae. Lumapit si Brandon sa kanila at umupo sa harapan nila. Tinawag nito ang tagaluto ng bar na mag-init ng tatlong kutsara direkta sa apoy at ibigay dito. Bumalik agad ang tagaluto at binigay ang kailangan nito na kutsara na umuusok pa. "Alam niyo ba ang ginagawa ko sa mga taong masyadong mataas ang tingin sa sarili at hindi marunong rumespeto sa kapwa?" tanong nito sa kanila habang tinitingnan ang mga kutsara. "Parang awa mo na hindi na kami uulit please!" iyak ng tatlo. "Sorry? Dapat ko ba kayong patawarin kasi ng sorry kayo? Hawakan nyo!" biglang utos nito sa mga tao nito para hawakan sa kamay ng tatlong babae. "Ahhhhhhh ahhhhh ang sakiiiiiiit! Parang awa mo na! Ahhhhhh!" sigaw ng tatlo ng ilagay nito ang tatlong kutsara isa-isa sa kanilang mukha na naging dahilan ng pagkalapnos ng mga mukha nila. Sa lalim ng pagkapaso kahit magaling na Doctor ay mahihirapan ng ibalik ito sa dating kinis. Lahat nagulat sa ginawa nya. Pati ang ibang mga customer ay nagulat dahil sa mga nangyari. "Magsilbi sanang babala ito sa lahat. Oras na tumuntong kayo sa teritoryo ko, matutuo kayong rumespeto sa lahat ng empleyado ko! Nagkakaintindihan ba tayong lahat?!" sigaw nito sa lahat. Ang hindi kayang sumunod, huwag na kayong magtangkang pumarito!" dagdag pa nito. "Oo Susunod kami sa patakaran dito," sabay sabay na nagsalita ang mga parokyano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD