Episode 1
"Brandon, dumating na ang mga armas, nasa bodega na natin ang mga ito," sabi sa akin ng kaibigan ko na, kanang kamay ko din sa aming organisasyon na si Dimitri.
"Mabuti naman wala ba kayong naging aberya?" seryosong tanong ko dito.
"Meron, halika sumama ka sa akin," sabi ni Dimitri sa akin.
Paglabas ko ng Mansion nakita ko na may duguan na lalake na nakahandusay sa harap ng Mansion.
"Parang awa mo na boss, hindi ko na po u-ulitin," pagmamakaawa nito.
"Sya ang isa sa mga driver ng mga kargamento, tinangka niyang ibahin ang routa nya para ibenta ang mga kargamento sa isang sindikato," sabi ni Dimitri.
Nilapitan ko ito at inangat ang mukha nito. "Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga traydor na kagaya mo?" mahinahong tanong ko dito.
"Boss patawarin mo ako, nagawa ko lang naman 'yon dahil sa tindi ng pangangailangan. May sakit ang anak ko ngayon at kailangan syang maoperahan agad," paliwanag nito habang umiiyak dahil sa takot.
"Ano ba ang tingin mo sa akin huh? Tanga na kagaya mo? Pero sige pagbibigyan kita ngayon. Pero bibigyan kita ng isang regalo para hinding hindi mo gagawin uli na traydurin ako, dahil oras na gawin mo uli ito, pati pamilya mo idadamay ko," kuha mo?!" mariing sabi ko dito.
Tumayo ako at inayos ang nagusot kong damit.
"Putulan ng isang daliri 'yan para magtanda at hindi tularan. At padalhan niyo ng malaking halaga ang pamilya nya para maoperahan na ang anak nito," utos ko kay Dimitri bago umalis.
"Boss patawarin mo ako boss hindi ko na uulitin Ahhhhhhhhh!" dinig kong sigaw nito dahil sa sakit.
Ako si Brandon David Mondragon, CEO ng Mondragon Empire at ako din ang pinakamalakas na Mafia leader sa buong Europa at mga karatig bansa. Galit ako sa mga taong traydor at wala akong sinasanto kahit na sino, mapapamilya man o kaibigan.
Mia's POV
"Mia, ang anak mo dali!" sigaw ni Aling Iska sa akin.
"Ano po ang nagyari?" pag-aalalang tanong ko ng makita ko ang anak ko na tumitirik ang mga mata.
"Bigla nalang syang nagkaganyan, baka sa sobrang init ng katawan. Dali dalhin na natin sa hospital!" sabi ni Aling Iska sa akin.
Sa edad kong labíng-pitó, wala pa talaga akong alam pagdating sa pag-aalaga ng bata. Inako ko ang responsibilidad sa pag-aalaga ng napulot kong sanggol ng minsan ako ay namamasura magdadalawang taon na ang nakalipas. Hindi ko magawang ipamigay ito kaya inuwi ko ito at inalagaan kahit wala naman akong sariling bahay.
"Aling Iska ano po ang gagawin ko, baka hindi tanggapin ang anak ko dahil wala akong pera," umiiyak na sabi ko dito.
"Huwag kang mag-alala anak, dahil libre naman ang pupuntahan natin," sabi nito habang tumatakbo kami papunta sa hospital.
"Anak kayanin mo malapit na tayo," iyak na sabi ko.
"Tulong! Parang awa nyo na po! Tulungan nyo po ang anak ko," sigaw ko habang umiiyak.
"Akin na ang bata!" madaling sabi ng Doctor.
"Dyan lang po kayo, kami ang bahala sa kanya" pigil sa akin ng aktong susunod ako sa Doctor.
Umiyak ako ng umiyak dahil sa takot. "Anak tahan na, magiging okay din si Jasmine, hindi sya pababayaan ng Dyos," sabi ni Aling Iska habang yakap ako.
"Maraming salamat po Aling Iska kasi sinamahan mo ako. Hindi ko po talaga alam ang gagawin ko kung wala po kayo sa tabi ko," hagulgol na sabi ko sa kanya.
"Anak tatagan mo ang loob mo, hindi sa lahat ng panahon nasa tabi mo ako. Kailangan mong maging matatag para sa inyong dalawa ng anak mo," maluhaluhang sabi niya sa akin.
"Ikaw ba ang ina ng bata Hija?" tanong ng Doctor.
"Opo Doc ako nga po, kamusta na po ang anak ko" tanong ko habang tumutulo ang luha.
"Huwag kang mag-alala at ligtas na sya. Nagkombulsyon sya dahil sa sobrang taas ng lagnat," sabi nito.
"Doc malubha po ba ito?" agad kong tanong.
"Ang kombulsyon na dulot ng febrile seizure ay dahil sa mataas na lagnat. Madalas itong mangyari sa mga sanggol at bata na may edad 6 na buwan hanggang 5 taon. Sa ilang mga kaso, puwedeng mawalan ng malay ang pasyente matapos makaranas ng febrile seizure. Karaniwang hindi mapanganib ang kondisyong ito. Subalit, kung tumatagal ang kombulsyon ng hanggang 10 minuto at paulit-ulit itong nangyayari, magpunta na kaagad sa doktor para mabigyan ng karampatang lunas ang pasyente," paliwanag nito.
"Mas makakabuti hija na hayaan mo munang mamalagi dito ang anak mo para mabigyan ng tamang gamot. Masyado pang mataas ang lagnat nito at hindi pa pwedeng iuwi," ngiting sabi nito bago umalis.
"O narinig mo anak? ok na si Jasime kaya tumahan ka na ha," sabi nya sa akin.
Pareho kami ng kalagayan ng Aling Iska. Wala na rin itong pamilya at mas minabuti ng manirahan sa kalye dahil mas masaya daw ito na maraming nakakasama tulad namin. Pagpapalimos at pagbabasura ang naging hanap buhay namin dalawa. Kapag wala ako, sya ang tumitingin kay Jasmine.
"Aling Iska, kailangan kong maghanap ng ibang trabaho na may malaking kita. Maari mo po kayang mabantayan muna si Jasmine para may panggastos tayo dito sa hospital?" mahinang tanong ko dito.
"Oo anak ako na ang bahala kay Jasmine dito. Isa lang din ang bantay dito sabi ng Nurse," paalam nito sa akin.
"Sige po kayo nalang po ang dito para hindi na kayo mainitan din sa labas. Magdadala lang po ako ng pagkain nyo po araw-araw. Makapagpapahinga ka din ng maayos dito Aling iska kasi malamig sa kuwarto dinig kong sabi ng isang pasyente kanina," nakangiting sabi ko dito.
Bumili muna ako ng gatas, pagkain at tubig para kay Aling Iska at Jasmine bago ako umalis. Magdadalawang taong gulang palang si Jasmine kaya kailangan pa nya ng gatas. Habang naglalakad, nagtanong tanong na ako ng mga trabaho na bakante, hanggang sa umabot ako sa isang malaking bar tatlong kanto mula sa hospital.
"Ah Manong pwede po bang magtanong?" tanong ko sa guard.
"Ano 'yon ineng?" sagot nito.
Meron po bang bakante sa loob kahit na tagalinis lang po? Kailangan ko lang po talaga ng trabaho kasi ang anak ko nasa hospital," maluhaluhang tanong ko dito.
"May anak ka na?" gulat na tanong nito.
"Opo, nasa hospital po sya ngayon," hindi ko mapigilan tumulo ang mga luha ko sa harap nito,
"Naku Ineng mukhang bata ka pa, hindi ka matatanggap dito." tanggi nito.
"Manong sa susunod na buwan po labíng-waló na po ako pangako, sige na po parang awa niyo na," pagmamakaawa ko dito.
Tawagin ko ang Manager sandali lang," sabi nito.
Nag-antay ako sa labas ng mapansin ko na may mga bagong dating na magagarang sasakyan.
"Mga anak mayaman, ang gara ng sasakyan. Sana balang araw maging mayaman din ako para may bahay kaming matirahan nina Aling Iska at Jasmine," sabi ko sa sarili ko.
Tumabi ako sa gilid ng dumaan ang mga bagong dating.
"Parang mga artista, ang kikinis ng balat parang hindi na-a-arawan."bulong ko sa sarili ko.
Nagulat ako ng magsalita ang isang lalake sa harap ko. "May sinasabi ka ba Ms?" tanong nito sa akin na ikinatingala ko para tingnan ito.
"Po?" takang tanong ko. "Halaka nasabi ko ba ng malakas ang nasa isip ko?" tanong ko sa sarili ko.
"Ah wala po akong sinasabi Kuya, meron lang po akong ina-antay dito," paliwanag ko dito.
Umalis agad ito pagkatapos kong sumagot.
"O Ineng pumasok ka na sa loob at pumunta sa may kusina,hanapin mo si Marga para makapag-umpisa ka na ngayon kasi kailangan nila ng dagdag na tao," masayang sabi nito.
"Talaga po?!" hindi makapaniwalang tanong ko dito.
"Oo kaya pumasok ka na, Naku bata ka bakit kasi ang aga-aga mong nagka-anak, dapat nag-aaral ka pa sana ngayon," iling na sermon nito sa akin bago ako pumasok.
Nakapasok ako sa bar bilang janitress kasama ko si Marga na matanda lang sa akin ng dalawang taon. Tinuruan nya ako sa lahat ng gagawin ko.
"O Mia dapat maging alisto ka ha, hindi pwedeng mabagal dito. Kapag may nakita kang nagsusuka o natilapon na inumin eh punasan mo agad para hindi madulas ang mga customer natin," mahabang paliwanag nito.
"Oo Marga kuha ko, huwag kang mag-alala, mabilis akong kumilos," nakangiting sabi ko kay Marga.
Brandon's POV
"Brandon bakit mo tinulungan ang traydor na 'yon kanina?" tanong sa akin ni Dimitri habang pababa kami ng sasakyan sa tapat ng bar.
"Hindi ko sya tinulungan, ang tinulungan ko ay ang anak nya, mariing sabi ko dito kaya hindi narin ito kumibo.
"Parang mga artista, ang kikinis ng balat parang hindi na-a-arawan." dinig kong sabi ng babae sa gilid ng pinto habang nakayuko ito.
"May sinasabi ka ba Ms?" hindi ko maiwasang mapahinto sa harap nito.
"Po? Ah wala po akong sinasabi Kuya, meron lang po akong ina-antay dito," paliwanag nito.
Mahaba ang buhok nito, balingkinitan at halatang maganda lalo na ang mga mata nito na bilog na bilog.
"Natawa ako sa loob ko ng tawagin nya akong Kuya. Kung alam lang ng babaeng 'yon kung sino ako," sabi ko sa isip ko
Umupo kami sa dating pwesto na nakareserve sa amin. At gaya ng dati may nakaabang na dito na mga babae para pasiyahin kami. Pati ang mga inumin na parati naming inoorder ay nakahanda na din.
"Brandon magsaya muna tayo ngayon dahil sa tagumpay ng transaksyon natin kaya ito ang para sa iyo," ngiting sabi ni Dimitri habang pinapaupo sa tabi ko ang isang babae na kulang kulang nasa labíng-siyám ang edad kung hugis ng katawan ang pagbabasehan.
Bigla agad pumulupot ang babae sa akin at nilagyan ng alak ang baso ko. Inikot ko ang mga mata ko ng may makita akong isang pamilyar na mukha sa dulo na nagpupunas ng sahig.
"Hmmmmm dito pala sya nagtatrabaho," sabi ko sa sarili ko.
Sa kilos nito halatang bago palang ito kasi na-a-a-siwa pa ito na makiharap sa mga nag-iinuman. Nakasunod ito sa mga customer na nabibiyakan ng bote dahil sa sobrang kalasingan.
Nainis ako sa nakita ko, kasi kada punas nito sa sahig eh may dadaan na naman dito kaya pabalik balik ang ginagawang pagpupunas nito para matuyo lang ang nabasang sahig. Alam kong nahihirapan ito pero pinipilit parin nitong gawin ang trabaho nito.
Tumayo ako ng hindi na ako makatiis at nilapitan ang lalakeng kanina pa tayo ng tayo kahit sobra na ang kalasingan.
Kinuwelyuhan ko ito sa sobrang inis ko dito. "Kung hindi mo na kayang uminom, umalis ka na dito," mariing bulong ko dito.
Sinenyasan ko ang tao ko na damputin ito at itapon na sa labas sampu ng mga kasamahan nito. Tiningnan ko muna ang babae na nakaluhod na para mapunasan ng maayos ang sahig bago ako bumalik sa kinauupuan ko.
"Dimitri, bilhin mo ang Bar na ito, bigyan mo ng magandang presyo ang may-ari para hindi makatanggi," utos ko dito na ikinabigla nito.
"Ha? Bakit? Ang dami mo ng bar, eh bakit mo pa bibilhin ito? Hindi nga ba kaya nandito tayo dahil ayaw mo na sa mga negosyo mo tayo tumambay tapos ngayon bibilhin mo ito, ibig sabihin maghahanap na naman ako ng ibang lugar na tatambayan natin?" reklamo nito.
"Just do it now!," inis na sagot ko dito.
Matagal ko ng kaibigan si Dimitri kaya alam na nito na kapag gusto ko ay talagang gagawin ko.
"At sabihin mo sa guwardya na huwag na papasukin ang mga pinalabas ko kanina," habol na sabi ko dito. Umiling nalang ito at pinuntahan ang may-ari.
Kilala ko ang may-ari nitong bar. Mukhang pera ito kaya alam kong hindi nito matatanggihan ang alok ko dito.
Mia's POV
"O Mia kamusta naman ang unang gabi mo, hindi ka ba nahirapan?" nakangiting tanong sa akin ni Marga.
"Naku Marga hindi, ang galing mo kasing magturo kaya yakang yaka!," sabi ko dito habang nakatawa.
"Ay mabuti naman, balita ko may anak ka? Ng sabihin ni Chief na naghahanap ka ng trabaho, tumulong ako sa pagkumbinse sa amo natin na tanggapin ka, kaya may utang ka sa akin na balut, hahaha" masayang kwento ni Marga sa akin.
"Naku talaga salamat ha, hayaan mo kapag nagka-sahod na ako dito, ay ililibre kita ng sampung balut," biro ko dito na ikinatawa naming dalawa.
"Grabe Marga, mukhang may bibili ng bar, nagbayaran na daw ngayon," sabi ng isang waiter sa amin.
"Hala Marga baka magpalit ng bagong mga tauhan ang bagong may-ari at hindi na ako payagan magtrabaho dito," pag-aalalang sabi ko kay Marga.
"