Episode 2

2059 Words
Brandon's POV "Brandon okay na naayos ko na lahat," balita ni Dimitri sa akin. Ngumiti ako dito at tumango. Hindi ko akalain na makakapagdesisyon ako ng ganun kabilis ng dahil lang sa isang babae. Hinanap ng mga mata ko ang babae pero hindi ko ito nakita. "Let all the customers out and tell them that all drinks are free tomorrow," I commanded Dimitri. After all the customers left, I called all the employees to gather and get to know them individually. They approached individually, including the woman who was the reason I bought this bar. It was evident that everyone was afraid since there was a new owner. "Perhaps you all already know that I am the new owner of this bar. I expect our collaboration to be smooth. I just want to convey something simple to everyone. I don't want any mischief within my company. Do your jobs well, and we won't have any problems. Ten per cent will be set aside for sharing for every bottle sold. Double salary and benefits for all employees here, so submit your resumes to Dimitri again for proper documentation. I don't tolerate lies because once I find out you're not telling the truth, you'll be fired," I told them. "Ikaw?" turo ko sa babae kanina. "Ako po? Bakit po?" takot na tanong nito. "Anong pangalan mo? At ilang taon ka na?" mariing tanong ko dito. Alam kong menorde edad pa ito kaya inuna ko syang tanungin. Gusto ko kasing marinig uli ang boses nito. "Ah eh ako po si Mia, hindi ko po alam ang apelyido ko kasi wala na po akong mga magulang simula ng magkaisip po ako. Ah eh labing pito (na) taong gulang at kanina lang po ako natanggap dito, pero masipag po ako Sir, sa susunod na buwan labing walo (na) taong gulang na po ako," maluhaluhang paliwanag ni Mia. "Bakit ito ang napili mong trabaho?" seryosong tanong ko kay Mia. "Kasi po wala po akong mapapasukan na iba, kailangan ko lang po kasi talaga," patuloy ni Mia. "Do you think you can handle the job here? It's not easy for just anyone to enter, especially when you'll be dealing with mostly intoxicated individuals. You're still underage, and people like you are not allowed in this kind of place," I said to Mia. "Sir sige na po, hindi po ako lalabas kung hindi po ako kailangan. Kahit taga tapon lang ng basura o taga linis lang ng banyo," mahinang sabi nito habang pinipigilan nito ang pag-iyak. "Pag-iisipan ko," sabi ko kay Mia. Tinapos ni Dimitri ang pagtatanong sa mga empleyado. Tiningnan ko si Mia habang nakayuko ito. Halatang malungkot ito sa mga sinabi ko, kaya nakonsensya ako. "I really don't have any plans of firing her, but I just don't know what to say that won't make it evident that I'm interested in learning about her life. I wanted to ask if she had a boyfriend, but I restrained myself because it might give away my intentions. I went up to my office, situated above the bar. I could see everything happening downstairs, but the customers couldn't see me. The bar is spacious and well-maintained, clearly well taken care of by the previous owner. "Dimitri, replace the bed in one of the rooms, as it seems like just anyone has been using it. I want everything, including the bathroom, to be thoroughly cleaned, even the tiles," I told him. "Will do," was his brief reply before he left. I saw Mia, seemingly on the verge of tears, as she cleaned the floor. "It looks like she really needs the job," I told myself. I called Mia on the phone and asked her to come to my office. While waiting for her, I poured myself a glass of wine from the small bar." "Sir si Mia po ito, pinapatawag nyo daw po ako," mahinang sabi nito pagkatapos kumatok. "Pasok!," sagot ko dito. "Maupo ka," sabi ko dito habang tinitingnan ang mukha nito. "I-angat mo ang ulo mo kapag kinakausap kita," hindi ko mapigilang sabi dito. "Pasensya na po, bakit nyo po ako pinatawag?" mahinang tanong nito sa akin. Maganda ang mata nito lalo na ang mapupulang labi na halatang natural at walang kahit na ano mang kolorete. "Gaano mo kagusto ang trabaho mo dito?" mahinang sabi ko dito. "Kahit ano po gagawin ko basta lang po makapasok lang po ako dito," excited na sabi nito sa akin. "Okay sige, pag-iisipan ko pa kung ano ang pwede mong gawin dito, pero habang nag-aantay ka eh ipagpatuloy mo muna ang ginagawa mo," sabi ko dto. Her eyes lit up when she heard what I said, and she suddenly stood up to give me a hug. "Sir thank you po talaga, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon," masayang sabi nito. "Ahm bitawan mo ako at hindi na ako makahinga," maiksing sabi ko dito. "Ay pasensya na po, hindi ko po sinasadya, pasensya po talaga," takot na sabi nito. "Alright, you can go now," I quickly ushered her out, afraid of what else I might do if she stayed inside my office. Mia's POV Masaya akong bumaba ng opisina ni Sir Brandon. "Sa wakas may trabaho na talaga ako at doble pa ang sweldo kaya makakabili na ako ng mga kailangan namin ni Nina Aling Iska at Jasmine," masayang sabi ko sa sarili ko. "Kada linggo daw ang sahod kaya hindi na ako mahihirapan sa mga panggastos namin kada araw. Kailangan ko lang na makakuha ng pera para bukas at sa mga susunod na araw para may gagastusin kami bago ang sahuran," masayang bulong ko sa sarili ko. Binilisan ko ang aking ginagawa at dumiretso agad ako sa pamamasura para ibenta ng maaga bukas sa mga nangangalakal. Umaga na ng matapos ako sa aking pamamasura para ibenta. Pagkatapos kong makuha ang pera ng napagbilhan dumiresto agad ako sa hospital para masilip ang aking anak. "Aling Iska kamusta po kayo dito. Magandang balita po, may trabaho na ako janitress sa isang malaking bar at malaki po ang sahod!" masayang balita ko dito. "Aba'y pagpalain ka ng maykapal anak at sa wakas magiging maayos na ang kalagayan ninyong mag-ina," masayang sabi nito habang yakap yakap ako. "Aling Iska natin tatlo, magiging maayos na ang buhay nating tatlo. Kahit sa kalye tayo nakatira eh, makakakain na tayo ng maayos at hindi na tayo kailangan kumain pa ng mga tirang pagkain sa basura. Malay mo makaipon ako at makalipat tayo sa maayos na tirahan para hindi na tayo mababasa ng ulan sa kalye," masayang sabi ko kay Aling Iska. "Matutupad mo lahat 'yan anak dahil napakabuti mong bata," masayang sabi nito habang kinukuha ang banig para ako ay makatulog sa sahig. "Aling Iska sa labas nalang po ako kasi bawal dito na dalawa ang bantay. Mayroon namang higaan doon sa labas para sa mga bantay na hindi makapasok," paalam ko dito. Paglabas ko ng kuwarto dumiretso na ako sa tambayan ng mga nagbabantay. Naghanap ako ng pwesto para matulugan. Ng makakita ako ng pwesto hindi na ako nagdalawang isip pa na humiga at matulog. Malapit ng gumabi ng magising ako. Tumayo ako agad at naghanap ng banyo para maligo. "Mabuti nalang at may nakita akong paliguan kaya nakaligo ako ng maayos," masayang sabi ko sa sarili ko. Pagpasok ko ng kuwarto ng anak ko nakita ko si Aling Iska na sinusubuan si Jasmine ng pagkain. Nag-iwan ako ng pera at dagdag na pagkain nila bago ako umalis. Bumili narin ako ng mga gamot na kakailangin ni Jasmine habang wala ako. "Magandang gabi po Chief!," masayang bati ko sa guard. "Aba Mia masaya ata tayo ngayon ah, kamusta na ang anak mo?" masayang tanong nito. "Naku chief maayos na sya ngayon, pero nasa hospital parin sya, at sa tanong mo kung bakit ako masaya aba eh syempre may trabaho na ako kaya masayang masaya talaga ako, maraming salamat ha," masayang sabi ko dito. "Naku 'tong batang to, ilang beses ka ba magpapasalamat sa akin ha, pumasok ka na nga," iling na sabi nito. Pumasok ako sa loob para maghanda na ng mga gagawin ko bago pa dumating ang mga customer. "Mia tanggapin mo itong uniform mo, 'yan na simula ngayon ang isusuot mo," sabi ni Marga sa akin. Sinuot ko agad ang uniform ko kahit hindi ako komportable. Masyado kasi itong maiksi, na kapag yumuko ako eh makikita na ang aking kaluluwa. Tiningnan ko ang akong itsura sa salamit at ngumiti. "Hmmmm bagay sa akin, ang ganda ko naman at sexy tingnan," bulong ko sa sarili ko. Masaya akong lumabas ng locker namin. "Wowwww Mia ang ganda mo naman, sino ba ang mag-aakala na isa ka lang janitress dito. Sa ganda mong 'yan eh para ng ikaw ang may-ari nitong bar ah! hahahah," tukso ni Marga. "Sira ka talaga. 'Yong totoo, hindi ba masagwang tingnan? Masyado kasing maiksi tapos kita ng kaunti ang dibdib ko," tanong ko dito. "Ano ka ba hindi, at tsaka ano ka ba, malay mo may magkagusto sa'yo na customer natin at ligawan ka o di tapos na ang problema mo sa pera hahaha," tukso sa akin nito. "Naku hindi wala akong balak magpaligaw dito, kakapasok ko palang magpapaligaw agad ako, trabaho lang talaga ako kasi gusto ko magiging maayos ang kalagayan ng anak ko," paliwanag ko dito. "Eh ganoon din 'yon, kung pwede naman natin pabilisin ang magandang bukas nyo eh di mas okay hindi ba?" mariing sabi nito. "Basta Marga wala pa talaga sa isip ko 'yan," sabi ko dito bago kinuha ang panlinis ng sahig at lamesa. Seryoso akong naglilinis ng lamesa ng biglang may tumawag sa akin na kasama ko sa trabaho. "Mia pinapatawag ka ng Amo natin sa taas, parang galit ata," sabi nito Nag-alala ako sa sinabi nito kaya dali dali akong umakyat. "Ano kaya ang naging kasalanan ko," bulong ko sabay bigkas ng mahinang dasal na sana hindi ako pagalitan. Kumatok ako ng mahina pagdating ko at huminga ng malalim bago pumasok. "Sir pinatawag nyo daw po ako?" takot na tanong ko dito. Hindi ito nagsalita, bagkus tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa. Sinundan ko ang tingin nito. "May mali ba sa suot ko?" tanong sa sarili ko. "Sir may problema po ba?" nag-aalalang tanong ko dito. "Bakit 'yan ang suot mo?" inis na tanong nito. "Po? Ito daw po kasi ang uniform ko Sir kaya sinuot ko. Hindi po ba maganda? Wala po kasi akong ibang uniform, puro ganito din lahat ng mga suot ng mga kasamahan ko po," sunod sunod na paliwanag ko dito. Nakita ko na huminga ito ng malalim at lumapit sa akin. Nilapit nito ang mukha nito sa tenga ko habang hawak nito ang braso ko. "Sinabi ko bang 'yan ang uniform mo? Hanggat wala akong sinasabi, hindi ka gagawa ng kung ano mang bagay na ikakagalit ko, naiintindihan mo ba Mia?" seryosong sabi nito habang ang bibig nito ay nasa malapit parin sa tenga ko. Dahil sa sobrang lapit hindi ko maiwasang maamoy ito. "Ang bango naman niya, parang ang sarap yakapin sa pagtulog, sabi ko sa sarili ko habang nakapikit. "Mia?!" sigaw nito ng makita nitong nakapikit ako. "Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" tanong nito sa akin habang nakatayo na ito sa harapan ko. "Ah eh opo Sir naiintindihan ko po. Pasensya na po. Eh ano po ang isusuot ko ngayon na uniform?" nag-aalala kong tanong dito. "Ano ba ang suot mo kanina pagpasok dito," tanong nito. "Nakapambahay lang po ako Sir, nakashorts at tsirt," nahihiyang sabi ko dito. Pumasok ito sa loob ng isang pintuan ng opisina. Inantay ko na lumabas ito pagkatapos ng ilang minuto. "Ito isuot mo," sabi nito habang binibigay sa akin ang polo shirt nito at pantalon. "Eh Sir masyado po atang malaki ito sa akin kasi matangkad po kayo at mas malaki sa akin," reklamo ko dito. "Nagrereklamo ka?! Gagawin mo ba o mawawalan ka ng trabaho? Mamili ka!" inis na sabi nito. "Eh sige po magpapalit na po ako, sandali lang po, bababa lang ako," paalam ko dito. "Dyan ka na sa kuwarto magpalit," utos nito. Hindi na ako kumontra kaya pumasok nalang ako sa kuwarto nito at nagpalit. Hindi ko nagustuhan ang itsura ko pagkakita ko sa sarili ko sa salamin. "Ano ba yan, parang matatabunan na ako ng damit na 'to. Sa taas kong limang talampakan eh magmumukha akong katawa tawa nito," maktol ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD