Dahan dahan akong lumabas sa kuwarto para ipakita dito ang itsura ko.
"Sir parang ang sagwa po talagang tingnan," mahinang reklamo ko dito.
Lumapit ito at hinubad ang sinturon nito at sinuot sa akin.
"Maupo ka," mahinang utos nito sa akin.
Tinupi nito ang pantalon na suot ko hanggang sakong at ginamitan ng stapler.
"Tumayo ka," utos nito.
"'Yan, okay na kasya na sayo, sige na, lumabas ka na at marami pa akong gagawin," taboy sa akin nito.
Nagdadalawa akong isip kung lalabas ba ako o hindi. Nakita ko kasi sa baba na ang dami ng dumating na mga tao. Bago ako makapasok sa locker namin eh madadaanan ko lahat. Naghihimutok ang puso ko sa mga nangyari.
"Pinagtitripan ata ako ni Sir Brandon," sabi ko sa isip ko.
"Bakit nandito ka pa? Labas na at maraming ng tao sa baba," taboy uli sa akin nito.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod dito. Binilisan ko ang lakad ko para hindi ako makita ng mga madadaanan ko.
"Mia! Ano 'yang damit mo? Nasaan ang uniform mo ha?" takang tanong sa akin ni Marga.
"Hanep Mia, bagay sa'yo ang bago mong uniform, hahaha," tawa ng mga kasamahan ko.
"Sige pagtawanan niyo akong lahat," maktol ko.
"Ito kasi ang pinasuot sa akin ng amo natin, wala naman akong magagawa." paliwanag ko sa kanila.
"Ay ganun ba, naku kawawa ka naman mukhang kakaumpisa mo palang, pinag-iinitan ka na ni Boss ah," sabi ni Marga sa akin.
"Sige na magtatrabaho na ako, kasi baka mapagalitan na naman ako ni Boss," mahinang sabi ko dito habang kinukuha ang panlinis.
Inumpisahan ko na ang paglilinis ng mga dumi. Nakasunod ako sa mga kalat ng mga lasing na parokyano ng bar. Mas maraming tao ngayon kasi libre lahat ng inumin.
Brandon's POV
"Brandon, bakit ganun ang uniform ng isang tauhan natin. Ang pangit naman. Ipatawag ko ha para mapagalitan," inis na sabi ni Dimitri.
"Pabyaan mo sya at ako ang nagpasuot sa kanya ng damit na'yan ngayong gabi. Masyado kasing masagwa ang uniform nya kaya 'yan muna ang ipinasuot ko," paliwanag ko dito habang nakatingin kay Mia.
"I know the outfit she's wearing isn't appropriate, but I didn't have any smaller women's clothing to give her. I got annoyed when I saw how short her dress was, leaving almost nothing to the imagination.
"She's too young to be wearing that kind of attire, so I'm having it replaced. Tomorrow, instruct my secretary to buy a uniform for her. I prefer women's pants and a closed-neck polo shirt," I ordered.
Tiningnan lang ako ni Dimitri sa sinabi ko, pero hindi ito nagsalita. Kung ano man ang tumatakbo sa isipan nito ay wala akong pakialam, basta ang importante sa akin ay hindi pagpiyestahan si Mia ng mga lasing na lalake sa baba.
"Brandon, hindi ka ba a-alis? Nag-aantay ang mga tao natin kung saan tayo pupunta," tanong ni Dimitri sa akin.
"Hindi muna ako a-alis, mas gusto ko munang tingnan ang takbo ng negosyo ng bar na ito lalo na at bago ko palang ito nakuha," paliwanag ko dito habang binubuksan ko ang aking laptop.
"Okay sige sa baba lang ako," paalam ni Dimitri sa akin.
"By the way Dimitri, gawin mong isang opisina ang katabing kuwarto kasi gusto ko na dito muna tayo mag-oopisina sa gabi," mahinang sabi ko dito habang nakatingin ako sa laptop ko.
"Sige," maiksing sagot nito.
Alam kong nagtataka si Dimitri sa mga kinikilos ko dahil alam nito na ayokong pumirmi sa isang lugar, pero wala lang itong lakas ng loob na tanungin ako ng diretso.
Tumingin ako sa baba at nakita ko si Mia na naglilinis ng sahig at lamesa. Alam kong nahihiya ito sa itsura nya pero mas gugustuhin ko nalang na ganyan ang itsura nya kesa makapatay ako ng tao na magtatangkang bastusin ito.
Mia's POV
"Mabuti nalang pala ito ang suot ko kasi mas mahirap nga kapag maiksi ang suot ko. Paano ako makayuko para punasan ang sahig kung 'yon ang suot ko?" sabi ko sa isip ko.
"Miss, hubarin mo ang pantalon mo, mas maganda ka kapag hindi ganyan ang suot mo," sabi sa akin ng lalake na nasa likuran ko.
Nagtawanan ang mga kaibigan nito, pero hindi ako lumingon para pansinin ang mga ito.
"Aba pare, hindi ka pinansin? Isang janitress lang pala ang hindi papansin sa ganda mong lalake. hahaha," tukso ng isa pang kasama nito.
Tumayo ako para umalis pero pinigilan nya ako sa kamay.
"Sandali huwag ka ngang bastos at kinakausap pa kita! Sino ka ba sa inaakala mo ha?! Magkano ka ba?!" galit na sabi nito sa akin.
"Sir lasing na po kayo, hindi po ako bastos, nagtatrabaho lang po ako ng maayos dito," takot na paliwanag ko dito.
"Ayan dapat matakot ka sa akin, dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo," sabi nito habang bigla nitong tinaas ang mga kamay nito para akbayan ako.
"Arayyyyy put.....na!" dinig kong sigaw nito.
Nang tingnan ko kung anong nangyari dito ay nakita ko si Sir Brandon na galit na galit at binali nito ang braso ng lalake.
Tumilapon ito ng suntukin nito ng malakas at sipain sa dibdib pagkatapos.
Tumabi ako sa takot na matamaan. Tumulong ang mga kaibigan nito pero hindi nito inatrasan ang mga suntok at sipa na ginagawa ng mga ito.
Duguan na ang mga kalaban nito habang sya ay wala man lang galos ni isa.
Pinigilan pa nya na tulungan sya ng mga tauhan nya, kaya sya lang talaga ang nakikipagsapakan sa mga ito.
Nakakatakot ang itsura nito, nanlilisik na sa sobrang galit.
Sinipa nito uli ang lalake na umakbay sa akin kahit wala na itong malay.
"Brandon tama na," awat sa kanya ni Sir Dimitri.
"Itapon lahat ng mga 'yan sa labas, alam mo na ang gagawin mo sa mga basurang 'yan!" narinig kong bulong nito.
Pagkatapos ng nangyari tumingin sa akin si Sir Brandon tsaka umalis pabalik sa opisina nito.
Unti-unti narin nagsibalikan ang mga tao sa kanilang mga upuan na parang walang nangyari.
"Hala ganito pala sa bar, parang wala lang nangyari pagkatapos?" sabi ko sa sarili ko habang kinakabahan parin.
"Mia anong nangyari? Bakit binugbog ni Sir ang mga customer?
"Hindi ko din alam, baka may kasalanan kay Sir kaya binugbog nito," pagsisinungaling ko.
Bumalik nalang ako sa trabaho pagkatapos ng nangyari.
"Ano na kaya ang nangyari sa mga binugbog nya," hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko.
Brandon's POV
Upon seeing Mia being harassed by the man, I couldn't control myself, especially when he embraced Mia and attempted to make her sit at their table. I went down and confronted them, delivering blows one by one, especially to the one who dared to disrespect her.
I could see fear in Mia's eyes from the events that unfolded, and I knew she was surprised to see me in that scene.
"Brandon, ano ang nangyari kanina? Bakit mo binugbog ang mga taong 'yon? May atraso ba sila sa'yo?" sunod-sunod na tanong ni Dimitri sa akin.
I didn't respond to him. Instead, I stood up and got strong liquor to calm myself. Due to the intense anger I felt earlier, I almost resorted to a much more violence in front of everyone.
"Where are those jerks?" I asked in a low voice.
"Pinatahimik na ng mga tao natin," sagot nito sa akin.
Gusto ko na magdagdag ka ng mga tao dito para bantayan ang mga empleyado natin. Siguraduhin mo sa kanila na walang mambabastos na parokyano sa mga empleyado natin." utos ko dito.
Hindi na ito sumagot at lumabas nalang para gawin ang utos ko.
Nakita ko si Mia na paakyat. Alam kong sa opisina ko ito papunta dahil may dala itong gamot. Kumatok muna ito bago ito pumasok.
"Sir? Pinabibigay po ni Sir Dimitri para daw po sa sugat niyo sa kamay," mahinang sabi nito sa akin na halatang takot na takot pumasok.
"Pumasok ka," utos ko dito.
Lumapit ito sa akin at inabot ang gamot para sa sugat ko tsaka tumalikod para umalis.
"Sandali, gamutin mo ako," utos ko dito uli.
Sumunod agad ito sa sinabi ko at hinanda ang gamot. Nakita kong nanginginig ang mga kamay nito habang nilalagyagyan nito ng gamot ang mga sugat ko.
"Kumalma ka dyan at baka himatayin ka pa sa nerbyos dito, baka akalain ng ibang empleyado eh sinaktan kita," mahinang sabi ko dito habang tinitingnan ko ito sa mukha.
"Opo, pasensya napo, natakot lang talaga ako kanina sa'yo, kasi halos mapatay mo na po ang mga customer natin," mahinang bulong nito.
"Nag-aalala ka sa mga basurang 'yon?!" hindi ko napigilang sigawan ito.
"Po?! Hindi po Sir! Bakit ko naman po sila kakampihan eh kayo po ang amo ko," tarantang sabi nito sa akin.
"Huwag mo na isipin ang mga taong 'yon dahil hindi na babalik ang mga 'yon," mariing sabi ko dito.
"Bakit po ninyo nasabi na hindi na sila babalik?" tanong uli nito sa akin.
"Pwede ba?! Huwag ka na madaming tanong at gamutin mo nalang 'yang sugat ko! Aray! Hinaan mo nga!" reklamo ko dito ng diininan nito ang paglalagay ng gamot.
"Ay masakit po ba? Ang hina nga lang po ng ginawa ko, mas masakit pa nga po 'yong ginawa mo kanina na sinuntok mo itong mga kamao mo sa mga mukha nila eh," tuloy tuloy na sabi nito.
Natawa ako sa sinabi nito pero binawi ko agad bago pa nya makita ang mga ngiti ko.
"Sir Brandon, salamat po pala kanina ha, pero sa susunod huwag na po kayong magbugbog,baka kasi makapatay ka pa sa sobrang galit nyo. Kaya ko naman po ang sarili ko. Batang lansangan po ako kaya kayang kaya ko po ang sarili ko," mahinang sabi nito.
Hindi ako kumibo sa sinabi nito kaya tumahimik narin ito.