Chapter Nine

2614 Words
Dear Diary, Kung gaano ko kagustong kalimutan ang halik na namagitan sa amin ni Travis, kabaliktaran naman ‘nun ng nangyayari sakin. Pilit pa rin iyong umuukilkil sa isip ko sa tuwing nag-iisa ako. Naalala ko kung paanong naglapat ang mga labi namin ni Travis habang nakakandong ako sa kanya. And I swear to God na hindi ko sinasadyang umakyat ang mga kamay ko papunta sa leeg niya. It was an act aimed to protect myself. Yes, that’s it. Kung hindi ako mangungunyapit sa leeg ni Travis, sa sahig ako pupulutin. But then again, I should also acknowledge the fact na nag-enjoy ako sa kiss na pinagsaluhan namin ni Travis. And it could have led to another thing kung hindi lang muling gumiit sa isip ko ang sinabi nito ilang linggo na ang nakakaraan. Ang hirap palang tumugon sa isang maalab na halik lalo na kung iniisip mong bawal kang ma-in love sa taong kahalikan mo. We’ve already talked about that kissed. Pero wala siyang matandaan na hinalikan niya ako. Gusto kong magtampo at ipaalam sa kanya kung paanong nagulo ang mundo ko dahil sa halik na ‘yun. Pero hindi ko kaya. Anyway, I’d better get going. Ngayon ang araw ng photo shoot namin nina Travis para sa catalogue ng Metro Image Philippines. At malaking percentage ng magiging score ng judges ang kukunin mula sa photo shoot na ‘to. Ilang araw na lang ay final judging na. Pressure! But for now, i-enjoy ko na lang muna ang magandang view ng Laiya, Batangas. Paglabas ni Daniella sa cottage na tinutuluyan niya ay nakita niya si Travis na mag-isang naglalakad malapit sa dalampasigan. Walang sinumang makakakita dito ngayon ang magsasabi na dumaan si Travis sa tinatawag na fashion crisis. Every inch of him looks like a model. Nilapitan niya ito. “Hey…” Agad na lumingon naman ito sa kanya. “Hi,” nakangiting bati ni Travis sa kanya. “Ready ka na ba para mamaya?” Tumitig ito sa kanya. “Yeah. Ikaw?” “Well, ang totoo’y medyo kinakabahan ako. Pero andyan ka naman. Alam kong hindi mo ako pababayaan, right?” “Well, of course,” sang-ayon ng binata. Naglakad-lakad sila sa dalampasigan hanggang sa marating nila ang isang nakatumbang puno ng niyog. Halos humalik na iyon sa lupa. Magkatabing naupo sila doon. Nakatuon ang mga mata niya sa asul na dagat at pakiramdam niya ay ganoon din ang ginagawa ng binata. “Travis?” “Hmmm…?” “Salamat. Salamat kasi pumayag ka na maging partner ko para sa contest na ‘to. Kahit na hindi ako manalo sa competition na ‘to, masaya pa rin ako kasi nakilala kita. Salamat sa lahat ng tulong mo.” “You’re welcome, Daniella. At salamat din kasi binago mo ako. Not only with my fashion style, but you taught me how to enjoy life. Dati, hindi ako ganito kasaya. But when you came into my life, nagkaroon ng kulay ang buhay ko.” Sasagutin pa sana niya ang sinabi nito ang kaso’y may tumawag na sa kanila. Staff ng Metro Image. Magsisimula na raw ang photo shoot. Bago sila maghiwalay ay yumakap pa siya sa binata. “Good luck to us.” Pumasok na sila sa kanya-kanyang cottage. Mabilis na naligo siya at nag-apply ng light make-up. Naka-roba lang siya dahil hindi niya alam kung ano ang ipapasuot sa kanila ng Fashion Avenue. Matapos ang mahigit tatlumpung minutong pagtunganga sa harap ng salamin ay may kumatok din sa wakas sa pinto niya. “Kayo na raw ang susunod na kukuhanan.” Sumunod siya sa babaeng ang pagkakaalam niya ay Tina ang pangalan. Sa swimming pool sila humantong kung saan nandoon na si Travis. At halos lumuwa ang mga mata niya pagkakita sa binata. He’s wearing the skimpiest black swimming trunks she had ever seen in her entire life. Kasalukuyan itong kinukunan ng shots sa gilid ng swimming pool. Pagsasawain pa sana niya ang mga mata niya sa kakisigan nito pero naramdaman na lang niyang hinila siya ni Tina papunta sa makeshift dressing room. May iniabot itong two piece sa kanya. “Ito ang isusuot ko?” halos hindi makapaniwalang tanong niya. Ni minsan sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nakakapagsuot ng two piece swimsuit. Minsan ay napilit siya ng Mommy niya na magsuot ng one-piece pero noon pa ‘yun. Noong bata-bata pa siya. “Yeah. Wala ka nang ibang pagpipilian dahil yan na lang ang hindi pa nagagamit para sa shoot na ‘to. Sige na bilisan mo na at matatapos nang kunan si Travis.” Wala siyang choice kundi ang suotin ang naturang two piece. Color black din iyon na parang katerno ng swimming trunks na suot ni Travis. “Daniella, are you done? Kayong dalawa na ni Travis ang kukunan,” ani Tina na naghihintay sa kanya sa labas ng bihisan. Lumabas na siya bagama’t nakapatong pa rin roba sa katawan niya. Dumiretso sila sa pool. Nagkatitigan sila ni Travis. Mas malagkit pa kesa sa halayang ube ang paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Well, siya man ay ganoon din dito. Halos hindi mapagkit ang mga mata niya na nakatitig sa maganda nitong katawan. He’s got all the muscles at the right place. Iniwasan na lang niyang mapadako ang tingin niya sa bulge nito. Ayaw niyang maparatangan na pinagnanasaan niya ang ka-partner niya. Be professional, Daniella. Paalala niya sa sarili. “Okay, lumusong kayong dalawa sa pool,” pagbibigay instruction ng photographer. Naunang kumilos si Travis. Lumusong nga ito pool. Siya naman ay bantulot na hinubad ang robe at iniabot iyon kay Tina na nasa tabi niya. Sumunod na rin siya sa binata. Tinanggap niya ang kamay ni Travis nang alalayan siya nito. At hindi niya alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit bigla siyang nakaramdam nang pangangaligkig. Dahil ba iyon sa tubig ng pool o dahil sa pagkakadaop ng mga palad nila ni Travis? “Okay. Urong pa kayo banda dun. Sa part na hanggang bewang niyo ang tubig,” pagmamando uli ng photographer. “Hep! That’s it. Ikaw Travis, pwesto ka sa likod ni Daniella.” Pumwesto naman si Travis sa likod niya. Halos magka-stiff neck na siya dahil sa matinding pagpipigil na huwag lingunin ang binata. “Ilagay mo ang isang kamay mo Travis sa bewang ni Daniella. Ikaw naman Daniella, raise your one hand to Travis’s shoulder.” Sinunod nila ang sinabi ng baklitang photographer. “Smile!” Maya-maya lang ay sunod-sunod na ang pagkislap ng camera nito. Marami pa itong ipinagawa sa kanila. Naroong pinayakap nito si Travis sa kanya habang nasa leeg niya ang ulo ng binata. Sa tagpong iyon, naisip niyang para silang magkasintahan. Only, we are not. “I hope I’m not making you feel awkward,” mahinang sabi ng binata habang nakayakap ito sa kanya. Well, gusto sana niyang sabihin dito na hindi siya nakaka-feel ng awkwardness ng mga oras na iyon. Dahil sobra-sobra pa doon ang nararamdaman niya! She feels hot and horny especially now that he’s hugging her right from her back wearing almost nothing! But of course, she couldn’t speak those words. Pagkatapos ng photo shoot na iyon ay mabilis siyang nag-excuse at nagmamadaling pumunta sa cottage niya. Pagkapasok niya sa loob ay napasandal siya sa hamba ng pinto. Parang nakikipagkarera ang puso niya sa bilis ng pintig nito. Pero wala pa man siyang limang minuto sa ganoong posisyon ay narinig niyang may kumakatok mula sa labas. Pagbukas niya ng pinto ay si Travis ang nabungaran niya. At walang salitang namutawi sa bibig nito at bigla na lang itong pumasok sa loob ng cottage niya at mabilis na sinakop ang mga labi niya. His kiss was sweet yet demanding at the same time. They were like hungry babies. Halos mapugto na ang hininga nila dahil sa halik na iyon. Pero nang maghiwalay ang mga labi nila ay mabilis din na kumalas ng yakap sa kanya si Travis. Katulad ng walang salitang pagpasok nito sa cottage niya ay walang salita rin itong lumabas. Naiwan siyang tulala at naguguluhan. Travis and I just kissed. One passionate hot kiss. But why did he just leave me? Why? Umalis sila ng Laiya na hindi sila nakakapag-usap ni Travis. Hindi naman sila makapag-usap sa van dahil naroon ang ilang staff ng MIP na kasabay nilang umuwi. Pagdating naman nila sa village ay mabilis na nagpaalam si Travis na papasok na ito sa loob ng bahay nito. Obviously, ayaw nitong pag-usapan ang halik na namagitan sa kanila. Kaya naman nahirapan siyang makatulog nang gabing iyon. Habang nakatitig siya kisame ng kwarto niya, maraming tanong ang naglalaro sa isip niya. Pero ni isa man sa mga tanong na iyon ay hindi niya mabigyan ng sagot. Kinabukasan ay maagang pinuntahan niya ito sa bahay nito. Pero nakakailang pindot na siya sa doorbell ay wala pa ring sign na may tao mula sa loob. “Wala si Papa Travis, umalis.” It was Barbie. Nakasilip ito sa gate nila. Siguro ay nakita nitong lumabas siya kanina. Hinarap niya ito. “Alam mo ba kung saan siya pupunta?” Ngumisi si Barbie sa kanya. “Sa St. Lukes. Baka gabihin na raw siya nang uwi kaya huwag ka na raw maghintay. Kung may gusto ka raw sabihin sa kanya, i-text mo na lang daw siya.” “Anong gagawin niya sa St. Lukes?” Bigla siyang kinabahan. Hindi kaya may sakit si Travis? At kaya nito sinabi na sa kanya na huwag siyang mai-in love dito ay dahil katulad ng movie na A Walk To Remember ay may sakit ito katulad ni Mandy Moore? Bigla siyang nag-alala para sa binata. Pumasok siya sa loob ng bahay at hinagilap ang cellphone niya. Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Kaya nagkasya na lang siyang i-text ito. Tinanong niya kung ano ang dinaramdam nito. Kung malala ba ang sakit nito. Na kung kailangan nito ng tulong, naroon lang siya at handang dumamay dito. Pero magkaganoon pa man ay nagawa pa rin niyang isingit ang tungkol sa grand finals night na gaganapin sa Sabado ng gabi. Gusto sana niya itong sundan sa St. Lukes pero hindi naman niya alam kung saang St. Lukes ito naroon. Kung sa Quezon City ba o sa The Fort. Kaya ang tanging nagawa na lang niya ay ang hintayin ang reply nito na hindi rin naman dumating hanggang sa makatulog na lang siya pagsapit ng gabi. * * * * * Young Fashion Bloggers Competition 2013 Grand Finals Night “Barbie, ano nandyan na ba si Travis?” tanong niya sa binabae na halatang nai-stress na rin kagaya niya. Mag a-alas sais na ng gabi ay wala pa rin si Travis. Alas-otso ng gabi gaganapin ang grand finals kaya dapat by seven-thirty ay nasa Manila Pen na sila. “Hindi pa rin dumarating, sis. What if mauna na lang kaya tayo? Tawagin na lang natin siya para sumunod sa venue. Hindi naman pu-pwedeng pareho kayong ma-late,” suhestiyon ni Barbie. “Saan ba kasi nagpunta ang lalaking iyon?” Kaninang alas-tres ng hapon ay nagpaalam si Travis na may pupuntahan muna somewhere in Pasay. Gusto sana niyang tumutol pero sino ba siya para pigilan ito sa sarili nitong lakad. Besides, paano kung mahalaga pala ang sasadyain nito sa Pasay? Kaya pumayag na lang siya matapos ibigay dito ang mga isusuot nito para mamayang gabi. Maluha-luha siya nang humarap siya kay Barbie. “Paano kung hindi siya pumunta?” Mabilis namang lumapit sa kanya si Barbie at hinawakan ang mga kamay niya. “Ano ka ba, syempre, pupunta yun si Travis. Baka male-late lang siya ng kaunti. Ang mabuti pa ay mauna na tayo. Tatawagan ko na lang siya para sumunod.” Wala siyang nagawa kundi ang magpaubaya kay Barbie. Nauna na nga sila sa Manila Pen. Maraming tao na ang naroroon sa bulwagan kung saan gaganapin ang announcement kung sino sa kanilang mga kalahok ang nanalo. Marami ang bumati sa kanya. May mga kumukuha ng picture at meron ding ini-interview siya. At mula sa umpok ng mga miron ay nakita niya si Tina. “Excuse us guys, but Ms. Daniella needs to be at the backstage now. Daniella, shall we?” Tumango naman siya dito. Nandoon na rin sa backstage ang mga competitors niya na kalaunan ay naging kaibigan na rin naman niya. Bigla ang pagdagsa nang lungkot sa kanya nang makita niyang siya lang ang nag-iisang hindi kasama ang patner niya. “Nasaan na si Travis, Daniella?” tanong ni Tina sa kanya. “The show is about to start in five minutes. Ipapakilala na kayo isa-isa maya-maya lang.” Wala siyang naisagot dito. Hindi rin kasi niya alam kung nasaan ba exactly si Travis. Mabuti na lang ay tinawag ng floor manager si Tina kaya na-save siya mula sa pagsagot sa tanong nito. Naupo siya sa monoblock chair na nakalaan para sa kanya. Where are you, Travis? The show finally started. Narinig niyang nagsalita ang host at kasunod ‘nun ay ang masigabong palakpakan. Kung gaano kalakas ang hiyawan ng mga taong manonood, ganoon din kalakas ang kabog ng dibdib niya. Wala pa rin si Travis. Hanggang sa isa-isa nang tinawag ang mga contestants kasama ang partners ng mga ito. And then it was her name that is being called. Hindi siya tumayo sa kinauupuan niya. Para ano pa? Wala naman ang kapareha niya. Kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang luhang nag-aambang malaglag sa mga mata. Nanatili lang siyang nakayuko sa kinauupuan niya. She’s not gonna cry. Well, at least not now and not here. Sa ikalawang pagtawag ng host sa pangalan niya ay isang kamay ang nakita niyang sumulpot sa harap niya. Dahil nakayuko siya ay dagli siyang nag-angat ng ulo. It was Travis! She almost cried when she saw his facial expression. Halatang kakagaling lang nito sa mahabang pagtakbo dahil bahagya pang tumataas-baba ang dibdib nito. “You forgot to give me my invitation card. Nahirapan tuloy akong pumasok. Shall we? Nagwawala na ang mga tao. Kailangan na nating magpakita sa kanila.” She didn’t knew what exactly happened basta namalayan na lang niyang gagap na ni Travis ang kamay niya at naglalakad sila sa malawak at magandang stage habang naghihiwayan naman ang mga tao. Everyone was chanting their name. Pakiramdam niya ay nalulunod siya dahil sa sobrang tuwa. At nang i-announce ng host na siya ang nanalong fashion blogger para sa taong iyon ay nawala ang poise niya at nagtatatalon na siya sa sobrang tuwa. Naramdaman pa niyang itinaas siya ni Travis at inikot-ikot sa ere. She won! She and Travis just won! Pagbalik niya sa backstage ay si Travis ang agad na hinanap niya. Nakatayo ito sa isang sulok kasama ang isang babae na kung hindi siya nagkakamali ay nasa mahigit trenta na ang edad. Without a preamble ay nilapitan niya ang binata at basta na lang niya itong siniil ng halik. Wala siyang pakialam kung pinagititinginan sila ng co-candidates nila at ng mga staff ng Metro Image Philippines. Matapos ang mahabang halik ay nakangiting binalingan niya ang binata. “I love you, Travis. I love you,” she confessed. For her, it was the most honest thing that she has ever said in her entire life. Pero sa halip na saya ang makita niya sa mukha ng binata ay pagkalito ang nakita niya sa mukha nito. Tila hindi ito masaya sa sinabi niya. Then she remembered what he used to tell her, “Please don’t fall in love with me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD