Dalawang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin dumadating si tita Elizabeth at ang kambal. Ang buong akala ko ay aabutin lang siya ng kalahating oras sa pagsundo, ngunit nagkamali ako. Gusto ko ng umuwi kaso ay iniisip ko si Timothy. Hindi pa rin siya gising. Wala siyang kasama kaya hindi ako makaalis. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata. Pwede'ng pwede naman akong umalis kung gusto ko. Ayaw ko lang talagang iwan si Timothy. Pero pangako, pagkatapos nito, sisiguraduhin ko talaga na ititigil ko na itong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na tama ito. Masaya na siya sa bago niyang girlfriend. Kailangan kong tanggapin yun. Napamulat ako nang maramdaman kong may umupo sa aking tabi. Seryosong mukha ni Timothy ang sumalubong sa akin. Naka suot na siya ng itim na sando at

