Sa mga sumunod na linggo ay palaging nakasunod sa akin si Jude at Gabriel. Hindi ko alam kung ano nga ba ang meron sa dalawang 'to. Palagi na lang silang nasa tabi ko. Minsan ay nag uunahan pa sila sa pagsundo sa akin. Pero madalas, si Gab ang nauuna dahil mas maaga siyang dumadating kaysa kay Jude.
Ang dami na tuloy tanong ni mommy. Hindi ko pa nasabi sa kanya na hiwalay na kami ni Timothy. Kukuha lang ako ng tamang tyempo para masabi sa kanya ang lahat ng mga nangyari. Pati na rin kay daddy. Hindi ko naman pwedeng itago ito habang buhay.
"Hi, Scar! Gusto mong lunch? Libre kita.." Ani Jude pagdating niya. Napatingin ako sa kanya. Umupo siya sa tabi ko. Tumingin naman agad sa amin si Macy. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang panunukso.
Kinagat ko ang aking labi. "Uhm, hindi. Busog pa naman ako." Nag iwas ako ng tingin. Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagbabasa.
"Mamayang pag uwi, sabay na lang kaya tayo?" Tanong ulit niya. Kinalabit niya pa ako. "Dinner na rin tayo.."
Bumaling ulit ako sa kanya. "Ano kasi, eh.. susunduin ako ni daddy mamaya." Ngiti ko. Binalik na ulit ang atensyon sa aking pagbabasa.
Ilang sandali pa ay may umupo ulit sa kabilang gilid ko. Sino pa nga ba? Si Gabriel lang naman. Amoy pa lang niya, alam ko na. Inakbayan niya agad ako kaya naman naagaw niya ang aking atensyon. Tumalim ang tingin ko sa kanya sabay alis sa braso niya.
"Ano ba.." Reklamo ko.
Kinindatan naman niya ako. "Ganda mo, sungit." Tawa niya. Pinisil niya ang aking ilong. "Kain na tayo?"
"Hindi ako gutom." Hinawi ko ang mga kamay niya.
"Scar.." Kinalabit na naman ulit ako ni Jude kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "Birthday pala ni mommy sa Sunday. Punta ka.."
Sasagot pa lang sana ako, kaso ay inunahan na ako ni Macy sa pagsasalita. Napatingin kami sa kanya. "Si Scarlett lang? Kami hindi invited?" tampo niya.
"Oo nga!" Sang ayon ni Gab. Muli niya akong inakbayan. "Kaibigan mo rin naman kami."
Napakamot sa batok si Jude at napabuntong hininga. "Okay, fine! Eh di kayong lahat na.. tss.." Sarkastiko niyang sabi. Lumipat ang tingin niya kay Gabriel. Para bang may pinaparating ang kanyang mga tingin. Hindi ko maintidihan. Ano kayang meron sa dalawang 'to?
"Ayan! Very good." Napapalakpak pa si Macy dahil sa pag payag ni Jude.
Tinanggal ko na ulit ang kamay ni Gab sa balikat ko. Ang bigat kaya. Ang laki ng braso niya. Ano naman ang tingin niya sa akin? Patungan ng braso?
Hindi ko na naipagpatuloy ang aking pagbabasa dahil nagsimula ng magkwentuhan ang tatlo. Hindi ako makapag concentrate. Lalo na kapag naririnig ko ang malakas na halakhak ni Gab. Nakakairita. Halatang nananadya para sumali ako sa usapan. Kaya naman itinago ko na lang ang aking libro.
Tinignan ko ang aking orasan. Malapit na pala ang lunch break. Vacant kasi namin ni Macy ng dalawang oras kaya naman naisipan namin na magstay sa cafeteria. Si Jude naman, alam ko ay vacant din niya. Si Gab? Ewan ko sa isang 'to.
"Hoy, di ba may pasok ka ngayon?" Kinalabit ko si Gab. Natigilan siya sa pakikipagtawanan kay Jude at Macy. May konting luha sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa pagtawa.
Bumaling siya sa akin at tumango. "Meron nga. Pero nag quiz lang kami." Aniya. Napatango na lang din ako at sumali na sa kanilang usapan.
Pinagkwentuhan namin ang mga nangyari noong High school pa lang kami. Ang sarap balikan ng mga pangyayaring yun. Bata pa lang kami noon, masaya lang. Hindi kagaya ngayong nasa kolehiyo na kami, kailangan ay maging seryoso na sa buhay para maging maganda ang future namin.
Um-order na kami ng pagkain nang makaramdam na kami ng gutom. Dumarami na rin kasi ang mga estudyante. Kailangan ay pumila na sa counter para maka order agad.
"Oh, maiwan na kayo dyan. Kami ng bibili ni Gab." Ani Jude nang tatayo na sana kami ni Macy para sumama sa kanila.
"Oo, kami na lang." Ngiti ni Gab sabay tingin sa akin. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. Baliw talaga. Iba kung makatingin.
Hindi na kami nagreklamo pa ni Macy. Umupo na lang ulit kami at hinayaan na silang bumili. Ni hindi nga nila kami tinanong kung ano nga ba ang gusto naman. Bahala nga sila.
"Feeling ko talaga may gusto 'yang dalawa sa 'yo.." ani Macy nang maiwan kami.
Umiling agad ako sa kanyang sinabi. "Hindi kaya.." Tumawa ako ng kaunti para bawasan ang ilang na nararamdaman ko.
Umiling din naman siya sa sinabi ko. "I can feel it, Scar." seryoso ang boses niya. Walang halong pagbibiro ang tono. Napalunok na lang ako.
Ayoko ng ganito. Kaibigan ko si Jude, well, pati din naman si Gab kahit na madalas akong mainis sa kanya. Ayokong sirain ang pagkakaibigan naming tatlo kung sakaling may gusto nga sila sa akin.
At isa pa, sariwa pa sa akin ang paghihiwalay namin ni Timothy. Three weeks pa lang ang nakakalipas. That's not enough. I'n not yet ready. Hindi pa ako handang pumasok ulit sa isang relasyon. Kailangan ko muna ulit buoin ang aking sarili.
Gusto ko munang ayusin ang sarili ko. Dahil aminado naman ako, may natitira pa akong pagmamahal para kay Timothy. Hindi naman 'yun mawawala ng isang tulugan lang. Hindi naman ganun kabilis ang pagmu-move on.
Sa mga sumunod pang araw ay naiilang na ako kay Jude at Gabriel. Hindi pa rin kasi matanggal sa isip ko ang mga hinala ni Macy. Minsan ay gusto ko na lang silang iwasan. Kaso ang hirap nilang taguan. Lalo na si Gab. Pakiramdam ko ay alam niya lagi kung nasaan nga ba ako lagi.
Sumasabay na lang din ako kay daddy at mommy sa pag alis tuwing umaga para hindi na nila ako maabutan sa bahay. Tinitiis ko ang maagang pagpasok. Kulang na lang ay sabayan ko na ang guard sa pagbubukas ng University.
Handa na sana akong bumaba ng sasakyan, kaso ay bigla na lang nagsalita si daddy. Natigilan ako. "Napapadalas yata ang maaga mong pagpasok ng eskwela, Scarlett?" Seryosong tanong niya.
Napalunok ako. Kinurot ko ang aking mga daliri dahil sinasalakay na ng kaba ang aking dibdib. "Uh, dy.. kasi po ano.. para sa thesis. Usapan namin ng mga kagrupo ko... ano po.. dapat maaga kaming pumasok.." Pagsisinungaling ko.
Really, Scarlett? Next sem pa ang thesis niyo! Wala ka na bang maisip na mas kapanipaniwalang dahilan? Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa pagsisinungaling.
Tumango lang naman si daddy. Nagpaalam na ako sa kanila ni mommy at agad ng bumaba sa sasakyan. Baka kasi magtanong pa siya ng kung ano. Ayoko ng magsinungaling sa kanila. Hindi na talaga ako makapasok sa langit pag pinagpatuloy ko pa ang pagsisinungaling.
Buti na lang ay may iilan na din estudyante na pumapasok. Hindi ako mag isa. Salamat naman. Kahapon kasi, ako yata ang nauna sa lahat ng estudyanteng pumapasok dito sa University.
Umupo muna ako sa isa sa mga benches malapit sa Medicine building. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para itext si Macy. Ang sabi ko ay nasa school na ako. Baka sakaling pumasok siya agad kapag nalaman niya na nandito na ako.
Para hindi ako mainip ay nagbasa na lang muna ulit ako. Buti na lang ay wala kaming quiz ngayon. Hindi rin kasi ako agad nakatulog kagabi dahil tinambakan ako ng text ni Jude at Gab. Medyo inaantok tuloy ako ngayon dahil ang aga ko rin nagising.
"I don't care! Kung gusto mo, ikaw mag isa ang pumunta! It's Saturday night! Alam mo namang night out namin 'yun ng mga kaibigan ko!" sigaw ng isang babae.
Natigilan tuloy ako sa pagbabasa. Itinago ko na ang aking libro sa bag. Hinanap ko kung sino ang nagsalita at halos malaglag ang puso ko sa sahig nang makita ang bagong girlfriend ni Timothy pati na rin siya. Tumigil silang pareho sa harapan ko. Gusto ko sanang magtago, kaso ay nakita na nila ako.
Huli na! Sana ay kainin na lang ako ng kinauupuan ko. Gusto ko ng maglaho.
"So.. look who's here." Anang babae. Umangat ang kanyang labi habang nakatingin sa akin. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Lalabas na yata ito sa katawan ko.
Aawayin ba niya ako?
"Cassandra.." Matigas naman ang boses ni Timothy. Napayuko ako. Ngayon ko lang ulit narinig ang kanyang boses. Pagkatapos ng tatlong linggo, ngayon lang ulit. Sinalubong ako ng pangungulila. Miss na miss ko na siya.
Pinigilan ko ang paninikip ng aking dibdib. Para itong pinipiga. Masakit pa rin pala. Akala ko ay ayos na ako. Hindi pa pala. Hindi pa rin naghihilom ang sugat na iniwan niya sa aking puso. Marinig ko lang ulit ang boses niya, nasasaktan na ako.
Pumikit ako ng mariin para pigilan na lang ang luhang maaring kumawala sa aking mga mata. Wag ngayon, Scarlett, please...
But.. I missed him so much. I love him. Still love him. Kahit sinaktan at iniwan pa niya ako ay mahal na mahal ko pa rin siya. My heart is bleeding because of him.
Hindi napigilan ni Timothy ang muling pagsasalita ng kanyang girlfriend. "Scarlett Dela Rama, the desperate ex-girlfriend of my boyfriend.." Bakas ang pang iinsulto sa kanyang boses. Hindi ako nag angat ng tingin. Nanatili akong nakayuko at nakapikit. Sana ay binuhusan na lang niya ako ng mainit na tubig. Mas kaya ko pa yatang tiisin ang sakit nu'n, kaysa sa talim ng kanyang mga salita.
"Cassandra!" Banta ni Timothy. Ipagtatanggol ba niya ako?
"Bakit?" Tawa ni Cassandra. "Diba, ikaw mismo ang nagsabi sa akin na desperada talaga siya.. halos sambahin ka na nga niya.. bumalik ka lang.."
Lahat ng pagpipigil ko sa aking luha ay naputol na. Tumulo na ang mga ito kahit nakapikit ako.
Ang sakit. Sinabi ni Timothy 'yun? Na desperada ako? Ganun ba? Ganun ba ang tingin niya sa akin? Gusto ko lang naman isalba ang relasyon namin dahil mahal na mahal ko siya! Desperada na ba ang tawag dun?
"Cass.." Mababa ngunit madiin ang tono ng boses ni Timothy. "Tigilan mo na yan.."
"Oh, no, babe.." Tawa ni Cassandra. Minulat ko ang mga mata ko pero hindi pa rin ako lumingon sa kanila. Ramdam ko na ang presensya nila sa aking harapan. Natatakot akong makita nila kung gaano ako kahina. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang tao. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko.
"Ikaw na mismo ang nagsabi.. she's boring." Mas lalo akong nasaktan. "Limang taon kang nagtiis sa kanya. Worthless! Goodness!"
Tama na, please. Hindi ko na kaya.
Sana ay mabingi muna ako! Ayoko ng pakinggan ang mga sinasabi niya. Ayoko na. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Hindi ko na kaya. Ikamamatay ko ang bawat salita niya, hindi man sa pisikal, kundi sa emosyonal.
Hindi pa ba sapat na iniwan na ako ni Timothy? Bakit kailangan pa niyang ipamukha na isa akong talunan at siya ang pinili.
"You're right, babe. She's really boring. Look at her, look at me. Ang layo namin sa isa't isa!" Tawa niya.
"Tama na.." Sumamo ko kahit na ako lang naman ang nakarinig sa aking sinabi. Wala na akong boses.
"Tara na, Cassandra.. hindi ka na nakakatuwa." Sabi lamang ni Timothy. Malamig na ang tono ng kanyang boses. Gusto ko siyang tingnan, kaso ay natatakot ako sa kanyang reaksyon. Baka masaktan lang ako pag nakita ko na wala na talaga siyang pakealam sa akin.
"Buti na lang iniwan mo siya, Timothy. She's such a loser.." Patuloy pa rin sa pagsasalita si Cassandra.
"Ptangna, mas loser kayo!" Natigilan ako sa pag iyak nang marinig ko ang boses ni Gabriel. Hinigit niya agad ako patayo at nilagay sa likuran niya.
Kumapit ako sa kanyang uniporme. Dinikit ko ang mukha ko sa kanyang likuran para takpan ang pag iyak ko. Hindi na dapat ako matakot dahil nandito na si Gab, pero hindi pa rin ako tinitigilan ng sakit. Ayoko na. Pagod na ako. Oo na, mahina ako.
Loser.
Desperada.
"Kayong dalawa, ah! Pinagtutulungan niyo si Scarlett? Bakit? Para ipamukha sa kanya na masaya kayo? Eh, tngna naman pala! Edi masaya kayo! Pero sana h'wag niyo na siyang idamay! Nananahimik na nga siya, di ba?!" Sigaw ni Gabriel. Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa galit.
Hinayaan ko na lang si Gabriel. Wala na akong lakas. Wala na rin akong pakealam kung dumadami na ang mga estudyante na nanunuod sa amin. Wala na akong pakealam. Ang importante ay nandito na si Gab. Alam ko na ipagtatanggol niya ako.
"Gab, pare.." Ani Timothy sa mahinahon na boses.
"Tngna mo! Hindi na tayo magkaibigan simula nang saktan mo si Scarlett."
"Ipagtatanggol mo yan, Gabby? Ang loser kaya-"
"Wag ka ngang sumabat, Cassandra! Baka makalimutan kong babae ka.."
"Gabriel!" Saway ni Timothy. Naiyak na naman ako. "Girlfriend ko 'yang kausap mo!" Tumaas ang kanyang boses.
Pinagtanggol niya si Cassandra. Samantalang kanina, hindi man lang niya ako nagawang ipagtanggol sa pang iinsulto ng girlfriend niya. Talaga bang hindi na niya ako mahal?
"Sige! Tngna, ipagtanggol mo! Magsama kayo! Basta tapos na ang pagkakaibigan natin, Timothy!" Hinawakan na ni Gabriel ang kamay ko. "Kulang ang salitang trantdo sa lahat ng ginawa mo kay Scarlett!" Hinila niyaa ako palayo. Nagpatangay na lang ako sa kanya kung saan man niya ako dalhin.