Tinapos ko muna lahat ng kailangan kong i-review ngayong gabi. Ayoko kasing nagte-text o kahit na anong distraction habang nag aaral. Nang makuntento na ako sa mga pinag-aralan ko ay tumigil na ako. Tinext ko na si Timothy.
Alas diyes na ng gabi. Gising pa naman siguro siya. Kinuha ko ang aking cellphone sa bedside table. Chineck ko ito, may ilang mensahe galing kay Macy. Tinatanong niya kung nakapag review na ba ako. Nag-reply ako, sabi ko'y kakatapos lang.
Hinanap ko ang pangalan ni Timothy sa aking inbox. Walang text galing sa kanya. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Busy kaya siya? Tinext ko siya para malaman kung ano ang ginagawa niya. Limang minuto siguro ang lumipas bago siya magreply.
Timmy:
Nanunuod.
Sobrang tipid ng sagot niya. Hindi ko tuloy alam kung ano nga ba ang ire-reply ko. Bad mood pa rin kaya siya hanggang ngayon? Hindi na kasi ako nagsalita kanina nang sabihin niya na baka ma-OP lang ako kapag sumabay akong maglunch kasama ang teammates niya. Tama naman siya. Hindi ko naman kilala ang mga 'yun. Hindi ko na lang siya pipilitin kung ayaw niya akong ipakilala.
Ako:
Ah. Wala ka bang quiz bukas?
Kahit na papaano'y pinipilit ko pa ring mag-isip ng pag uusapan namin. Pitong minuto yata akong nakatulala sa cellphone ko bago muling makatanggap ng sagot mula sa kanya.
Timmy:
Meron.
Ang tipid talaga niyang mag-reply. May nagawa ba akong mali? O ayaw lang talaga niyang makipag usap sa akin? Dati naman, kahit na ano na lang ay nagagawa naming pag usapan. Pero ngayon, nararamdaman ko kung gaano kalamig ng pakikitungo niya sa akin.
Ako:
Nagreview ka na ba?
Tanong ko na lang. Malalim na ang gabi, nakapag review na kaya siya? May pangako kami sa isa't isa. Dapat ay ga-graduate kami on time. Kaya tinututukan ko talaga siya para magawa namin 'yun. Mauuna siya ng isang taon sa akin dahil limang taon ang kurso ko.
Umilaw ulit ang cellphone ko pagkalipas ng sampung minuto. Ang tagal naman niyang magreply. Nanunuod lang naman siya, ah?
Timmy:
Hindi pa.
Napabuntong hininga ako nang mabasa ko ang sagot niya. Ang tagal na nga niyang mag reply, tapos ang tipid pa niyang magtext.
Ako:
Magreview ka na.
Mabilis siyang sumagot sa huling text ko.
Timmy:
Mamaya na. Nanunuod pa ako.
Tinawagan ko na siya para makapag usap kami ng maayos. Hindi niya sinagot ang unang tawag ko, kaya naman tinawagan ko ulit siya. Paulit ulit niyang hindi sinasagot ang tawag ko hanggang sa sagutin na niya ito sa ika anim na dial.
"Ano ba, Sacrlett! Nanunuod ako. Ba't ka ba tumatawag?" Salubong niya sa akin. Bakas ang iritasyon sa kanyang boses.
Kinagat ko ang aking labi. Bakit siya nagagalit sa akin? Tinatawagan ko lang naman siya para ipaalala sa kanya ang dapat niyang gawin. Gusto ko lang naman ipaalala sa kanya na kailangan na niyang magreview.
"Magreview ka na.." Pinilit kong kalmahin ang boses ko. Ayokong manginig ito. "Diba may-"
"Fck!" Tumaas ang boses niya. "Sinabi kong mamaya na, 'di ba? Hindi mo ba naiintindihan?"
"Nanunuod ka lang naman, eh.." Lumiit ang boses ko. Nanlalabo na ang aking paningin dahil naipon na pala ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
"Daig mo pa si mommy kung mag utos. Buhay ko 'to, Scarlett! Wag ka ngang makealam sa gusto kong gawin.." Pinutol na niya ang tawag. Sinubukan ko ulit siyang tawagan kaso ay naka off na ang kanyang cellphone.
Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. Galit na naman siya sa akin. Maayos naman akong nakikipag usap sa kanya. Ano ba kasi ang ayaw niya? Lagi na lang niyang binubuhos sa akin ang init ng kanyang ulo. Pinipilit ko naman siyang intindihin kahit na nasasaktan na 'ko. Ginagawa ko ang lahat para sa relasyon namin, pero balewala pa rin ako sa kanya.
Hindi ko na namalayan na natulugan ko na pala ang aking pag iyak. Paggising ko ay maga ang aking mga mata. Sigurado akong mapapansin ni Macy ang mga ito. Kaya naman gumawa ako ng paraan para hindi mapuna ang mga ito.
Palabas na ako ng bahay nang makatanggap ako ng text galing kay Timothy. Ang laki ng ngisi ko, agad kong binuksan ang kanyang mensahe. Unti-unting naging bigo ang aking mukha nang mabasa ang laman ng kanyang text.
Timmy:
Hindi kita masusundo. May dadaanan kasi ako. Mag taxi ka na lang muna.
Hindi na ako nagreply sa kanya. Sana pala ay sumabay na lang ako kay daddy at mommy. Hindi pa man din ako sanay na sumakay ng taxi ng mag isa.
Isang oras yata ang lumipas bago ako makadating sa University. Hindi naman ganun kalayo ang byahe kapag kaming dalawa ni Timothy. Iba kasi ang mga dinaanan ng taxi driver kaya naging malayo. Ang mahal tuloy ng binayad ko.
"Scar!" Habang naglalakad ako ay narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko kung kanino galing ang boses na 'yun. Napairap ako nang makita ang mukha ni Gabriel. Ang laki ng ngisi niya.
Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
"Grabe ka! Tinawag kita, ah? Ba't di mo ko hinintay?" Hinihingal na tanong niya nang maabutan ako. Hindi ko siya sinagot. Ayoko talagang nakikipag usap sa kanya.
Simula High school kami, hindi ko na talaga siya makasundo. Naiinis ako sa mga biro niya. Minsan kahit wala naman siyang ginagawa, naiinis pa rin ako sa kanya. Si Macy nga lang ang nakakapagpakalma sa akin kapag naiinis na ako kay Gabriel.
"Hindi yata kayo sabay pumasok ni Timothy ngayon?"
Hindi ko ulit siya sinagot. Ayokong makipag usap.
"Hoy, Scar.." Kinalabit niya ako. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Tumigil din naman siya sa paglalakad. May pilyong ngiti sa kanyang labi.
"Ano?" Inis na tanong ko.
"Ba't ka naiinis? Wala naman akong ginagawa sa 'yo?" Nagtatakang tanong niya.
"Bakit ba kasi nakasunod ka sa 'kin?" Naglakad na ulit ako patungong elevator. Sumunod na naman siya sa akin.
"Idadaan na kita sa room niyo."
"Hindi ko kailangan ng taga hatid. Kaya kong mag isa."
Tumawa siya sa sinabi ko. Mabuti na lang ay wala kaming ibang kasabay. Baka isipin nila na baliw ang kasama ko. Inis kong kinurot ang braso niya. Agad naman siyang napadaing sa aking ginawa.
"Aray!" Reklamo niya. Hinaplos niya ang kanyang braso.
"Ba't ka ba kasi tumatawa? Hindi naman kasi ako nagpapahatid sa 'yo!" Naiinis pa rin ako.
"Assuming ka kasi, eh!" Tumawa ulit siya. "Si Macy ang sadya ko. May pinapasabi si Wayne sa kanya. Kaya idadaan na rin kita sa room niyo.." Hinarap niya ako. Ipinantay niya ang kanyang mukha sa akin. Hindi ko na magawang umurong pa dahil nakasandal na ako. "Pero kung gusto mo, pwede rin naman kitang ihatid sa room niyo... araw-araw."
Tinulak ko siya. "May boyfriend na 'ko!" Mabuti na lang ay bumukas na ang pinto ng elevator. Nagmamadali akong lumabas.
"Alam ko naman na may boyfriend ka." Umakbay siya sa akin. Tinanggal ko 'yun ngunit ibinalik din naman niya. Feeling talaga niya BFF kami! "Sabi ko lang naman taga hatid."
"Whatever.." Tinanggal ko ang braso niya na naka akbay sa akin. Pumasok na ako sa aming classroom. Sinabihan ko si Macy na hinahanap siya ni Gabriel. Lumabas kaagad siya nang marinig 'yun.
"Scarlett Dela Rama! Ano na naman 'tong sinusumbong sa akin ni Gab? Pinag susungitan mo na naman daw siya?" Bunagad sa akin ni Macy pagbalik niya.
Napairap ako sa kawalan. Sumbungero talaga. "Malay ko ba naman na ikaw pala ang sadya niya. Sunod ng sunod sa akin, eh."
Ipinatong niya ang kanyang mga palad sa kanyang baba. Nilipat niya ang tingin sa white board. "Well, anyway... si Wayne gustong makipagbalikan." Biglang naging seryoso ang boses niya.
Tinuon ko ang atensyon ko sa kanya. "Oh, bakit parang ayaw mo? Hindi ba nga, dapat masaya ka dahil gusto pa niya?"
"Hindi naman ganun kadali yun, Scar.." Pumikit siya ng mariin. "Akala ko ay malinaw na sa kanya. Hindi ko na siya mahal. Akala ko rin, malinaw na sa akin na hindi na niya ako mahal.. pero nagkamali yata ako." Isinubsob niya ang kanyang mukha sa mesa.
Hinagod ko ang kanyang likuran. "Mace.. baka naman may pag asa pa? Bakit hindi niyo subukan ulit?"
Hinarap niya ako. "Wala na talaga. Kahit na pigain pa niya ako. Wala na akong mabibigay na pagmamahal sa kanya." Iling niya.
Ako ang nasasaktan para sa kanilang dalawa. Kung may magagawa lang sana ako para maging ayos sila, ginawa ko na. Pero, sa mga salita ni Macy, determinado na talaga siyang hindi na babalik kay Wayne. Kahit naman halata na mahal na mahal pa rin niya ito.
Half-day lang ang klase namin ngayon. Si Timothy naman ay hanggang alas tres ng hapon. Tinext ko siya, kinamusta ko kung ano ang naging resulta ng quiz niya kanina. Hindi naman siya sumagot. Hinintay ko pa rin siya kahit na wala akong natanggap na mensahe mula sa kanya.
Mag isa akong nag lunch dahil umalis agad si Macy. Walang break ang schedule ni Timmy ngayon. Diretso hanggang alas tres ang klase niya dahil Laboratory class ito. Marami kaya siyang kinain kanina? Baka gutom na 'yun. Ang bilis pa naman niyang magutom lalo na pag ganito ang schedule niya.
Pagkatapos kong mag lunch ay pinag take out ko siya ng pagkain para hindi na siya mag abala na bumili ng pagkain mamaya. Nag stay ako dito sa cafeteria. Konti lang naman kasi ang mga estudyante dahil ala una na. Dalawang oras ko pang hihintayin si Timmy.
Pumasok sa loob ng cafeteria si Jude. Kasama niya ang kanyang mga kaklase. Kumaway siya sa akin nang makita ako. Ngumisi rin ako at kinawayan siya. Ang buong akala ko ay sasabay siya sa kanyang mga kaklase, laking gulat ko nang umupo siya sa tabi ko.
"Bakit dito ka umupo?" Tanong ko. "Baka magalit yung mga kaklase mo. Iniwan mo sila.."
"Okay lang yan.." Sagot niya. "Araw-araw ko naman nakikita ang pagmumukha nila, eh. Tsaka ikaw lang mag isa dito. Wala kang kausap.."
"Ikaw talaga.." Ngiti ko. "Sige na, kumain ka na." Tumango siya at agad na sinalubong ang kanyang pagkain. Pinagmasdan ko na lang siya.
Sa totoo lang, sinubukan din manligaw sa akin ni Jude noong Grade 9 kami. Kaso, hindi siya pumasa sa akin. Si Timothy na talaga ang crush ko noon pa lang. Hangang-hanga ako sa kanya. Sobrang galing niyang mag basketball. Lahat ng babae ay nagkakandarapa sa kanya.
Naging kaibigan namin si Timothy dahil kay Carlos. Pareho kasi silang Varsity. Sayang nga, eh. Hindi nakapasok sa University na ito si Carlos. Hindi siya nakapasa ng entrance exam kaya napilitan siyang mag hanap ng ibang University.
"Punta ba kayo ni Timothy bukas? Birthday ni Wendy.." Lingon sa akin ni Jude.
"Uh, hindi ako sure, eh.." Sagot ko. "Sabi kasi ni Timmy baka may gagawin daw siya.."
Birthday ni Wendy bukas, isa din sa mga kaibigan namin noong High School. Sa ibang University rin siya pumapasok kasama ang boyfriend niya na si Jayden, kaibigan din namin.
Nilunok muna niya ang kanyang kinakain bago ako sagutin. "Ano naman ang gagawin niya? Hindi ba pwedeng ipagpaliban na lang muna? Minsan na nga lang tayo magsam- sama tapos hindi pa kumpleto."
"Subukan ko na lang siyang kausapin." Kahit na hindi ko alam kung papayag ba siya. "Tsaka, baka hindi rin naman tayo makumpleto. Alam mo na... si Macy at Wayne."
Uminom siya sa kanyang bottled water pagkatapos ay pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang palad. "Ano ba naman yan... dapat labas ang barkada sa personal na bagay. Kaibigan ni Wayne si Wendy, kaibigan din ni Wendy si Macy. Tss.."
"Magiging awkward. Baka masira lang ang birthday ni Wendy." Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi ko.
Pagkatapos niyang kumain ay nag paalam na siya sa akin. Sumama na siya sa mga kaklase niya dahil may klase pa sila ng alas dos. Isang oras na lang ang hihintayin ko, lalabas na si Timmy.
Inaksaya ko ang natitirang isang oras ko sa f*******:. Ang tagal ko na kasing hindi natitignan ang account ko. Hindi na ako madalas makapag online dahil ang dami kong ginagawa kung minsan. Sayang naman kasi ang oras kung isisingit ko pa ang f*******:.
Pumunta ako sa profile ni Timothy. Pinalitan na pala niya ang profile picture niya. Siya na lang mag isa ngayon. Naka pulang Jersey siya habang hawak ang trophy na napanalunan ng Nursing department last sem.
Pareho ang profile picture namin dati. Magkasama kami. Stolen shot yun. Nakatingin kami sa isa't isa habang tumatawa. Nakatakip ang bibig ko gamit ang isang kamay, habang siya naman ay nasa batok ang isang kamay. Hinding-hindi ko papalitan ang akin. Isa ito sa mga paborito kong picture namin. Masaya kami.
Okay lang naman sa akin kung magpalit siya. Hindi ko naman siya pipigilan.
May iilang tagged photos sa kanya. Kahapon lang na upload ang mga ito. Tinignan ko ang mga litrato. Nasa court sila, sa harapan nila ay mahabang mesa na puno ng pagkain. Medyo malayo ang kuha ng ibang pictures. Zinoom ko ang iba.
Hindi ako maaring magkamali, si Timothy ang nasa dulo. Hinahalikan niya sa pisngi ang babaeng katabi niya. Blurred lang ang picture dahil sa pagkaka zoom nito. Hindi ko namukhaan ng babae. Pero sigurado ako na si Timothy talaga ang lalaki. Alam ko ang tayo niya, ang tangkad niya, ang katawan niya, pati na rin ang pagkaka ayos ng kanyang buhok.
Hindi!
Umiling ako. Nag log out na ako sa f*******:. Wala lang 'yun! Kaibigan lang niya. Hindi ako lolokohin ni Timmy. Hindi. Hindi. Hindi. Paulit ulit kong pinapagalitan ang sarili ko.
Pagsapit ng alas tres ay nakatanggap ako ng text mula kay sa kanya. Handa na sana akong tumayo para puntahan siya ngunit nang mabasa ko ang kanyang text ay tila piniraso ang puso ko.
Timmy:
Scar, nasa School ka pa ba? Sorry, baka hindi kita mahatid ngayon. Birthday kasi nung isa naming teammate. Mag taxi ka na lang muna ulit.
Nanghina ang mga tuhod ko. Muli akong napa upo. Pinipigilan ko ang aking mga luha sa pagtulo. Sana, kanina pa niya sinabi para hindi na ako naghintay ng dalawang oras.
Nanginginig ang mga kamay ko habang nagta-type ng reply sa kanya.
Ako:
Okay lang. Enjoy! I love you :)