Chapter 3

2134 Words
Mag-isa akong umuwi. Nag taxi ulit ako gaya ng sabi ni Timothy. Iniwan ko na lang sa cafetreria yung pagkain na binili ko para sa kanya. Wala namang kakain nun, eh. Sayang lang. Pinipilit ko siyang intindihin kaso minsan ay nagiging baluktot na ang mga pinapakita niya. Gusto ko ng sumuko, pero kapag naiisip ko ang mga pinagsamahan namin, nahihirapan akong bitawan ang mga ito... pati na rin siya. Doon na lang ako kumukuha ng lakas ng loob para mapanatili ang relasyon namin. May mali na talaga. Kahit na anong tanggi ko, kitang-kita ang pagbabago sa kanya. Hindi na siya tulad ng dati. Hindi na siya maalaga. Balewala na lang ako sa kanya. Nakikihati na lang ako sa kanyang oras. Mas binibigyan na niya ng pansin ang teammates niya.  Option na lang ako. Hindi na priority. Pumikit ako ng mariin. Tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi. Hindi ko na kayang pigilan pa ang aking pag-iyak. Sasabog na ang puso ko kapag pinigilan ko pa itong nararamdaman ko. Kailangan ko ng kausap.  Tinawagan ko si Jude. Siya lang ang kailangan kong takbuhan ngayon. Sigurado ako, pakikinggan niya kung ano man ang magiging drama ko ngayon. "Oh, hello, Scar.." Bungad agad niya pagkatapos ng isang ring. Mapait akong napangiti. "Uhm.. naistorbo ba kita?" "Hindi naman. Kakauwi ko lang." Sagot niya. "Ba't ka napatawag?" "Gusto ko lang ng kausap.." Bumuntong hininga ako. Pinunasan ko ang aking mga luha sa pisngi. "Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya. Pinilit kong kagatin ang aking labi para pigilan ang paghikbi ngunit hindi ako nagtagumpay. Nanginig ang boses ko. Muli na namang tumulo ang aking mga luha. Mahina talaga ako. "Si..." Humikbi na ako ng tuluyan. "Uy, Scarlett. Umiiyak ka ba? Anong nangyari?" Bakas ang pag aalala sa kanyang tono. "Si Timothy kasi, eh.." Hikbi ko pa rin. "Pakiramdam ko... hindi na.. hindi na niya ako mahal." Hinila ko ang aking kumot para punasan ulit ang panibagong luhang tumulo. Hindi na yata ako titigil sa pag-iyak. Walang katapusan itong sakit na nararamdaman ko. "Ano bang ginawa niya?" Matigas na tanong ni Jude. "Wag ka ng umiyak.. gusto mo ba puntahan kita ngayon sa bahay niyo?" "Wag.. wag na.." Tanggi ko. Gabi na at kakauwi lang niya. Siguradong pagod na siya. Ayokong abalahin pa siya. "Then, stop crying.. please." Utos niya. "Ano ba talaga kasi ang nangyari? Bakit ganyan ang iniisip mo?" Huminga ako ng malalim. Sinikap kong pigilan ang mga luhang nagbabadya na naman. "Nagbago na siya... hindi na siya tulad ng dati." Kwento ko. "Nag-iba siya simula nang makuha siya bilang varsity. Lagi na lang siyang... naiirita sa akin. Kahit na wala naman akong ginagawa, nagagalit siya. Pinipilit ko naman siya intindihin.." Hikbi ko pa rin. Hindi ko talaga kayang pigilan ang sakit. "Kaya pala.. sht!" Mahina siyang napamura. "Napapansin ko na talagang may mali sa inyo.. pero akala ko, naayos niyo na. Hindi pa ba kayo nag uusap?" "Hindi.. hindi pa." Sagot ko. "Palagi na lang siyang walang oras sa 'kin. Hindi rin kami nagkita ngayong araw.." Naalala ko na naman ang paghihintay ko kanina. "Ano?!" Tumaas ng bahagya ang boses niya. "Hindi ba, hinihintay mo siya kanina? Hindi kayo nagkita?" "Oo.." Muli na namang nanginig ang boses ko. "Birthday kasi nung teammate niya kaya hindi-" "Dahil lang du'n?" Bakas pa rin ang galit sa boses ni Jude. "Pwede ka naman niyang isama! Ang daming paraan, Scar. Naghintay ka ng dalawang oras para lang sa wala?!" Kumirot ang aking puso nang maalala ko kung ano ang nakita ko sa f*******: ni Timothy. Nanlalamig na naman ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw ng maayos. Buong sistema ko ay unti unting tinutusok ng matalim na bagay. Hindi ko man maramdaman ng pisikal, nararamdaman ko naman ito ng emosyonal. Sa loob ng limang taon, marami na kaming naging away. Pero ito na yata ang pinaka mabigat sa lahat. Maisip ko pa lang na iiwan niya ako para sa ibang babae, nanghihina na ang katawan ko.  "Wag kang mag alala.. kakausapin ko siya." Lumambot ang kanyang boses. "Sa ngayon, h'wag ka ng umiyak, okay? Magkita tayo bukas sa birthday ni Wendy. Kung hindi sasama si Timothy, ako na ang susundo sa 'yo.." Mahapdi na ang mga mata ko ngunit patuloy pa rin ang mga luha sa pagpatak. "Sige..." "Magpahinga ka na, Scar. Nandito lang naman ako palagi para sa 'yo.." Malambing na sabi ni Jude. Gusto kong ngumiti dahil sa kanyang sinabi ngunit wala yatang kahit na anong salita ang makakapawi ng lungkot na nararamdaman ko. "Matulog ka na.." "Sige. Salamat... Jude." Binaba ko na ang tawag. Pinilit kong matulog, kaso ay hindi ko magawa. Mabuti na lang Sabado bukas. Pag nagkataon na may pasok, baka hindi rin naman ako magapag concentrate dahil sa mga iniisip ko. Kinuha ko ulit ang cellphone ko para tawagan si Timothy. Hindi ko talaga kaya. Kahit na nasasaktan na ako dahil sa kanya, hindi ko pa rin siya kayang tiisin. Gusto ko pa rin marinig ang kanyang boses kahit na alam ko na baka magalit lang siya sa akin. Ring lang ng ring ang kanyang cellphone. Nasa birthday party pa rin kaya siya? Malalim na ang gabi. Baka naman umuwi na siya? Bakit naman hindi man lang niya ako sinabihan? Masyado ba siyang nag enjoy sa mga kasama niya kaya nakalimutan na niya na may girlfriend siyang naghihintay at nag aalala sa kanya? Sinubukan ko ulit siyang tawagan. Last na ito. Pag hindi niya sinagot ay hindi ko na siya kukulitin. Pagkatapos ng isang ring ay sinagot na rin niya. Sa wakas! "Timmy.." Bungad ko. Kumunot ang noo ko. May mabibigat na paghinga at munting ungol akong naririnig. "Ahh.. s**t, Tim! That's it... yeah!" Ungol bigla ng babae. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. "Fuck.. Cass! Uhhh.." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang ungol ni Timothy. Ako na mismo ang tumapos ng tawag. Hindi. Mali ang mga narinig ko. Mali. Mali. Mali! Kinurot ko ang braso ko para makaramdam ng pisikal na sakit. Gusto kong saktan ang sarili ko hanggang sa maging manhid ako at pabayaan na lang ang narinig. Pero kahit na anong pang gawin ko, hindi yata kayang tapatan ng pisikal na sakit ang nararamdamang sakit ng puso ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang mga luha ko ay sumuko na sa pagtulo. Nakatulala lang ako sa aking cellphone. Si Timothy. Sa isang kama. May kasamang babae. Umuungol dahil sa sarap. Pumasok sa isip ko ang imahe niya at ng babae. Daig ko pa ang napaso, daig ko pa ang nasugat, daig ko pa ang nahulog sa malalim na bangin. Mas masakit itong nararamdaman ko ngayon. 'Yun ba ang kailangan niya? 'Yun ba ang hindi ko maibigay sa kanya? Kaya ba nagiging malamig na siya sa akin dahil may babae ng nakakapag painit sa kanya? Sa limang taon naming pagsasama pinaliwanag ko naman sa kanya kung bakit hindi pa namin pwedeng gawin ang bagay na yun. Gusto ko, kapag kasal na kami, do'n namin gagawin 'yun. Kaso, hindi na yata siya makapaghintay. Ginawa na niya ang bagay na yun kasama ang ibang babae. Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nag-iisip. Namalayan ko na lang ang pagsikat ng araw sa aking bintana. Hindi ako nakatulog ng maayos. Sa tuwing pipikit ako, ang imahe ni Timothy ang nakikita ko kasama ang ibang babae sa isang kama. "Morning baby.." Bati sa akin ni mommy pagdating ko sa hapag. Kinusot ko ang aking mga mata. Umupo ako sa harapan nila. Busy si daddy sa pagbabasa ng dyaryo. Si mommy naman ay nilagyan ng pagkain ang aking plato. "Nasobrahan yata ang tulog ng baby ko? Namamaga ang mata mo.." Ngiti ni mommy sa akin at muling kumain. Tinusok ko ang hotdog gamit ang tinidor. Kinagat ko ito. Tumango ako sa tanong ni mommy. "Opo, my,,"  Pati sa magulang ko, nagagawa ko ng magsinungaling. Binaba ni daddy ang dyaryong binabasa niya. Tinignan niya ako. "Nakita ko si Timothy kagabi. May kasama siyang babae.." Seryosong sabi niya. Uminom siya sa kanyang kape. Kinabahan ako bigla. Nakita niya si Timothy? Nag-isip ako ng dahilan para pagtakpan siya. "Ah, opo. Pinsan niya 'yun, dad." Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa aking sinabi. Makakapasok pa kaya ang ng langit dahil sa pagsisinungaling ko sa aking mga magulang? "Really?" "Opo.." Mabuti na lang ay hindi na ulit nagtanong si daddy. Dati pa lang, ramdam ko na hindi niya gusto si Timothy para sa akin. Kay mommy naman, okay lang sa kanya. Pulis kasi si daddy, strikto pagdating sa 'kin. Si mommy naman ay stock broker. Pinoprotektahan nila ako dahil ako lang ang anak nila. Pagkatapos nilang kumain ay umalis na sila. Naiwan akong mag isa sa bahay. Nagpa alam na rin ako sa kanila na aalis ako mamaya. Mabilis pumayag si daddy nang malaman niya na susunduin ako ni Jude. Hindi man lang siya nagtanong kung bakit hindi si Timothy ang susundo sa akin. Wala akong ginawa buong araw. Nag movie marathon lang ako. Mamayang alas kwatro ang usapan namin ni Jude. Ala una pa lang naman. May tatlong oras pa. Hindi ako lumabas ng aking kwarto. Nakalimutan ko na rin mag lunch dahil hindi naman dinaanan ng gutom ang tyan ko. Iyak ako ng iyak sa huling movie na pinanuod ko. Iniwan kasi ng babae ang lalaki. Nang makipagbalikan na ang babae, hindi na pumayag ang lalaki dahil may iba na siyang mahal. Bigla ko tuloy naalala si Macy at Wayne. Sana wag naman mangyari sa kanila yung nangyari sa movie. Gusto kong magkabalikan sila. Sobrang ganda ng love story nila, nakakalungkot naman kung tutuldukan na lang nila ito. Sumilip ako sa aking bintana nang may bumusina sa tapat ng bahay namin. Kulay itim na pick up ang pumarada sa harapan. Kilala ko ang sasakyan na 'yun. Anong ginagawa ni Gabriel dito? Lumabas ako ng aming bahay. "Baaah!" Salubong niya sa akin pagbukas ko ng gate. Napairap ako. Akala naman niya magugulat ako. "Anong ginagawa mo dito?" Masungit kong tanong. Hinawi niya pataas ang kanyang buhok. "Wala lang. Balita ko, susunduin ka raw dapat ni Jude." "Oo nga. Bakit nandito ka?" "Nasira yung sasakyan niya. Sabi niya sa 'kin, ako na lang daw ang susundo sa 'yo.." Kinurot niya ang pisngi ko. Mibilis ko namang hinawi ang kamay niya. "Ano ba.." Sana sinabi na lang sa akin ni Jude. Bakit kay Gabriel pa niya ako pinasundo? Pwede naman kay Carlos. "Magta taxi na lang ako.." "Grabe ka naman! Nag magandang loob na nga ako sa 'yo. Tapos tatanggihan mo pa? Sakit nun!" Itinapat niya ang kanyang palad sa kanyang dibdib. Umaktong tila nasasaktan. "OA!" Hindi bagay.. "Pumayag ka na kasi.." Mabilis siyang naglakad papasok ng gate. Agad niya itong ni lock. "Hindi ka makakapasok pag hindi ka pumayag!" "Hoy, Gabriel! Bahay namin 'yan! Buksan mo nga tong gate!" Sigaw ko mula sa labas. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to! "Sabihin mo muna, 'Gab, sige na. Payag na ko. Sorry, ha? Ang sungit ko sayo.' Sabihin mo muna 'yan bago ko buksan 'to." Utos niya. Pinadyak ko ang gate namin. Ang kapal talaga ng mukha. Nakakahiya tuloy sa mga kapitbahay. Kumakatok ako sa sarili naming bahay. "Dali na! Sabihin mo na.." Ulit niya. Huminga ako ng malalim. Kalma lang, Scarlett. "Gab, sige na. Payag na 'ko. Sorry, ha? Ang sungit ko sa 'yo.." Sabi ko. "Ayan! Buksan mo na. Dali!" "Ano ba naman yan. Ang dry! Dapat yung malambing na boses." Reklamo niya.  Aba, napaka demanding talaga ng isang to! "Ayoko! Ginawa ko na nga 'yung utos mo, eh! Dali na. Buksan mo na!" Ginalaw ko ang kulay itim naming gate kahit na wala namang epekto ang ginawa ko. Hindi rin naman mabubuksan kahit anong gawin ko. Ni lock kasi ng baliw na lalaking 'to sa loob. "Ayoko. Ayoko. Ayoko. Lambingin mo muna ako." Napahilamos na lang ako ng aking mukha. Napaka talaga ng lalaking to! "Oo na!" Sabi ko. "Gab, sige na.." Pinilit kong gawing malambing ang aking boses. "Payag na 'ko. Sorry, ha? Ang sungit ko sa 'yo.." Nasusuka ako sa sarili kong salita. Sa wakas ay binuksan na niya ang gate namin. Niyakap niya agad ako pagpasok ko pa lang. "Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matitiis." Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Kaya mahal na mahal kita, eh." Tinulak ko agad siya. Palagi na lang niyang sinasabi sa akin 'yan. Mas maniniwala pa ako kung kay Jude nanggaling ang salitang yan. Mahal namin ang isa't isa bilang magkaibigan. Sanay ako sa mga 'love you' ni Jude. Siguro, ganyan ang sinasabi niya sa ibang babae para agad silang makuha. Tss. Playboy talaga. "Ewan ko sa 'yo. Di kita mahal!" Tinalikuran ko na siya. Pumasok na ako sa loob ng aming bahay. "Okay lang. Mamahalin mo rin ako, balang araw." Tawa niya.  Napailing na lang ako. Feeler.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD