Chapter 4

2250 Words
Sana talaga talaga hindi ko na pinapasok sa bahay namin si Gabriel! Feeling niya siya ang may ari ng bahay namin. Bigla na lang dumiretso sa ref pagpasok pa lang. Kumuha agad siya ng pagkain. Ang kapal talaga ng mukha. "Pinayagan na ba kitang kumuha ng pagkain?" sita ko sa likod niya. Hindi siya sumagot. Busy siya sa pagkuha ng mga pagkain. "Hoy!" hinila ko siya at mabilis na sinara ang ref namin.  Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na hawak niya ang paborito kong chocolate. Not that one! Paborito ko 'yun! "Wag 'yan! Iba na lang." Aagawin ko sana ito sa kanya kaso ay tinaas niya ito. Kung bakit ba naman kasi ang tangkad din ng isang 'to! "Kunin mo kung kaya mo!" Asar niya. Pinilit kong abutin ito ngunit hindi ko kaya. Magkasing tangkad sila ni Timothy. Ang liit ko lang. Hindi man yata ako aabot sa balikat nila. Tinaasan ko ang pagtalon ko. Nakakaasar talaga! Nakikipag agawan ako sa sarili kong pagkain. Nahawakan ko ang kabilang dulo ng chocolate. "Akin na nga!" Inagaw ko ito ngunit hindi niya binitawan. Inis na inis na akong nakatingin sa kanya. Siya naman ay mukhang nag e-enjoy dahil napipikon na ako. "Bisita ako. Wag kang madamot." Asar niya. "Paborito ko yan, eh!" Nag iisa na lang kasi to. Hindi pa ulit ako nakakabili. "Nagugutom na 'ko. Ito ang gusto kong kainin.." Hinila niya ito ngunit hindi ko rin ito binitawan. Akala ba niya matatalo niya ako? Asa siya! Basta para sa paborito ko, ipaglalaban ko. "Kumain ka na lang mamaya sa birthday ni Wendy!" Asik ko. "Grabe ka naman.." Lumaki ang kanyang ngisi. Hinila niya ng malakas ang chocolate kaya naman pati ako ay napalapit sa kanya. Lalayo na sana ako kaso ay hinapit niya ang aking baywang. "Gutom na ako. Tapos magda-drive pa ko.." Yumuko siya ng kaunti. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Pinilit kong ilayo ang mukha ko kahit na nakakulong ang baywang ko sa kanyang braso. Bakit ba kumakalabog ng mabilis ang puso ko? Lintik naman! Tinulak ko siya ng malakas. Mabuti naman ay lumayo siya kaagad. Sinamaan ko siya ng tingin. "Sige na! Kainin mo na 'yan. Expired na rin naman 'yan." Tinalikuran ko siya at nagmamadali akong pumasok sa aking kwarto. Napasandal ako sa saradong pintuan. Hinawakan ko ang dibdib ko. Bakit ba kasi kumalabog ng ganun ang puso ko? Siguro dahil sa inis! Tama! Dahil sa inis talaga 'yun. Naligo na lang ako. Bahala si Gabriel kung anong gusto niyang gawin sa labas. Pag naman nandito siya, feeling naman niya bahay niya to. Hindi yata talaga tinatablan ng hiya ang lalaking 'yun. Puting v-neck shirt ang sinuot ko. Medyo maluwang ito ng konti sa 'kin. Tsaka itim tight jeans. Mas kumportable kasi ako na ganito ang suot ko. Kaso minsan, ayaw ni  Timothy na ganito ang mga sinusuot ko. Kailangan daw ay matuto akong manamit bilang babae. Kaya naman napipilitan akong bumili ng mga dress at shorts. Minsan, siya na din ang pumipili ng mga damit na dapat kong bilhin. Inayos ko ang buhok ko. Ang haba na pala nito. Kailangan ko ng magpagupit next month. Naglagay na rin ako ng kulay pink na lipstick sa aking labi. Lumabas na ako sa aking kwarto nang makuntento na ako sa aking ayos. Naabutan ko sa sala si Gab na nanunuod. Nakataas pa ang dalawang paa niya sa center table. Napaka kumportable ng upo niya. Napairap na lang ako sa kawalan. Hindi niya ako napansin. Seryoso kasi siyang nanunuod ng basketball. Ang mga lalaki talaga, pag nanunuod ng ganyan ay naglalaho na lang bigla ang lahat ng nasa paligid nila. Umupo ako sa tabi niya. Kinuha ko ang remote at pinatay agad ang TV. "Oh, f...." Humarap siya sa akin. Hindi niya natuloy ang mura niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit mo pinatay?" Inis na tanong niya. Umayos siya ng upo. "Bakit? May reklamo ka? TV namin yan!" Inilayo ko sa kanya ang remote nang akmang aagawin niya ito sa 'kin. "Pero, nanunuod ako! Basketball yun, Scar! Si Lebron 'yun!" "So what?!" "Kainis ka naman, oh!" Reklamo niya. Inis niyang ginulo ang kanyang buhok. Para siyang batang hindi napagbigyan sa kagustuhan. "Hindi mo ikina-gwapo yan!"" Natatawang biro ko. Nawala ang inis sa kanyang mukha. Napalitan ito ng pilyong ngisi. "Talaga ba? Halikan kita, gusto mo? Baka sakaling ma gwapuhan ka sa 'kin." Napatayo ako sa sinabi niya. Bastos! Namula yata ang pisngi ko. "Joke lang!" Tumayo na din siya. "Hindi naman ako ganu;'n! Laki kaya ng respeto ko sa 'yo." Umakbay pa siya sa 'kin. "Tara na nga. Alis na tayo." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Marunong din naman palang rumespeto ang lalaking 'to. Akala ko puro paghahanap lang ng babae ang alam niyang gawin. "Hoy.." Tawag ko sa kanya habang nasa byahe kami. Hindi kasi siya nagsasalita. Naiinip tuloy ako. "Kung maka 'hoy' ka naman.. Gabriel ang pangalan ko." "Okay fine. Gab?" Ngumisi ako. "Bakit, Scar?" Ngumisi rin siya sa akin. "Bakit parang wala ka ng babae ngayon? Anyare?" Curious talaga ako sa kanya. Dati naman may mga nakakasama siyang babae. Pero ngayon, palagi na lang siyang mag isa. Natawa siya sa tanong ko. Binalik niya ang kanyang tingin sa daan. "Babae talaga?" Iling niya. "Hindi ko babae ang mga yun. Kaibigan ko lang sila.." "Sus! Kaibigan? Nakita kaya kita nung minsan nakikipaghalikan sa banyo." Biro ko. "Hindi ako nakikipaghalikan sa banyo!" Depensa niya. Hindi ko naman talaga siya nakita na ginagawa ang ganung bagay. Gumagawa lang ako ng kwento. Gusto ko kasi siyang asarin dahil inasar niya ako kanina. Mukhang effective naman ang ginagawa ko. "Weh? Nakita talaga kita. May ginagawa pa nga kayong milagro, eh." Pinilit kong pigilan ang tawa ko. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya, ang lalim ng kanyang iniisip. Para bang may inaalala siyang pangyayari na hindi naman nangyari. "Hindi ako yung nakita mo! Siguro nanunuod ka lang ng por--" Aba, bastos!  "Hindi ako nanunuod nu'n!" Anong akala naman niya sa akin? Kami na lang ang hinihintay pagdating sa bahay nila Wendy. Kaming magkakaibigan lang naman ang nandito ngayon. Pati na rin ang mga kaibigan nila ni Jayden sa University na pinapasukan nila. Binati ko agad si Wendy nang makita ko siya. "Happy birthday, Wends.." Masayang sabi ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "Thanks, Scar!" Ngiti din niya. "Si Timothy, nasaan?" Biglang napawi ang ngiti ko. Kumirot na naman ang puso ko nang maalala ko si  Timothy . Pa-simple akong bumuntong hininga. "Uh, may pinuntahan." Dahilan ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Pagtatakpan ko na lang siya hangga't kaya ko. "Ay, sayang naman!" Ngumuso siya. "Oh sige, pumasok ka na sa loob. Nandun na sila Macy.." Hinanap ko si Gab para sana sabay na kaming pumasok sa loob, kaso hindi ko naman siya nakita. Ang akala ko pa naman ay nakasunod siya sa likuran ko kanina. Wala naman pala siya. Biglang nawala. Saan na kaya 'yun? "Scar!" Niyakap agad ako ni Carlos nang makita niya ako. "Namiss kita, ah!" "Namiss din kita!" Niyakap ko siya pabalik. Ang tagal ko rin hindi nakita ang isang 'to. "Oh, by the way.." Bumitiw siya sa yakap. Hinila niya ang babaeng nakaupo sa tabi ni Macy. "Si Cathy. Girlfriend ko." Pagpapakilala niya sa babaeng maputi, maiksi ang buhok at medyo chinita. "Hi Cathy!" Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Tinanggap naman niya ito agad.  "I'm Scarlett.." "Hi Scarlett.." Ngiti niya. Umupo ako sa tabi ni Jude. Sinenyasan ako ni Macy na umupo sa tabi niya, kaso umiling ako. Nakita ko kasi na paparating si Wayne. Agad siyang umupo sa tabi ni Macy. "Scar, sorry talaga. Nasira kasi ang sasakyan ko kaya di kita nasundo." Bulong ni Jude. Bumaling ako sa kanya. "Okay lang.." "Si Gab, nasaan? Diba sinundo ka niya?" Nagkibit balikat na lang ako sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung saan na ang isang yun. Kainan na pero hindi ko pa rin mahanap si Gab. Saan kaya siya pumunta? Hindi rin naman daw siya nakita ni Wendy o kahit na sino. Imposible namang umuwi yun. Nakaparada pa rin ang sasakyan niya sa labas. Pumunta ako sa garden pagkatapos kumain. Baka sakaling makita ko si Gabriel. Kaso, kahit dito ay wala naman siya. "Saan na ka 'yun..." Bulong ko sa sarili. Nag iinuman ang lahat sa loob. Ayokong uminom ngayon. Baka malaman ni daddy. Tsaka ayaw rin ni Timothy na umiinom ako kapag hindi siya kasama. Umupo ako sa wooden chair na nasa gilid ng fountain. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Napabuntong hininga ako nang makita na wala na namang ni isang text na nanggaling kay Timothy. Tumingala ako sa langit. May pag-asa pa kayang maayos ang relasyon namin? Palagi na lang ba akong maghihintay? Saan kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya? Kahit naman kasi itext ko siya, hindi rin naman ako makakatanggap ng kahit na anong reply. Pati ang mga tawag ko ay hindi na niya pinapansin. Pero kahit na ganito ang mga nangyayari sa amin, pipilitin ko pa rin siyang intindihin. Pipilitin ko pa ring isalba ang relasyon namin. Hangga't kaya ko pa, gagawin ko ang lahat. Hangga't may maibibigay pa 'ko. Kahit na nasasaktan na 'ko. "Nandito ka lang pala.." Napatingin ako sa nagsalita. Si Jude pala. May hawak siyang isang bote ng beer. Umupo siya sa tabi ko. "Bakit mag isa ka?" "Wala lang.." Binalik ko sa aking bulsa ang cellphone ko. "Scar.. alam ko malungkot ka pa rin.." Lumapit pa siya ng konti sa 'kin. Magkadikit na ang mga braso namin. "Kung hindi mo na kaya, sumuko ka na." May bahid ng galit at pait ang kanyang boses. Kung kaya ko lang sana, matagal ko ng ginawa. Kaso hindi. Ang hirap. Hindi ganun kadali. "Mahal ko si  Timothy .." Nilaro ko ang aking mga daliri na nakapatong sa aking hita. Ang sakit sa dibdib ko ay hindi ko na kayang itago. Nararamdaman ko na ang mga luhang nagbabadya sa aking mata. Hinawakan ni Jude ang aking kamay. Tumingin ako sa kanya. "Kailangan mahalin mo rin ang sarili mo. Ang swerte na nga niya sa 'yo, eh. But, he's taking you for granted. Winawasak ka na niya, Scar.." Mas lalong gustong kumawala ng mga luha sa mata ko dahil sa narinig. "Look at yourself. Hindi na ikaw yung dating Scarlett. Hindi na ikaw yung kaibigan namin na malakas at masiyahin." Kumurap ako kaya naman may tumulong luha sa aking pisngi. Mabilis niya itong pinahid. "Hindi ko.." Tuluyan na akong napahikbi sa harapan ni Jude. "Hindi ko alam kung kaya ko pa ng wala siya.. Jude.. hindi ko kaya pag nalaman ko na hindi na niya ako mahal.." Unti-unti na akong nawawasak dahil sa pagmamahal na ito. Pero, ang pagmamahal din na ito ang bubuo ulit sa akin. "Listen to me, okay?" Marahan niyang sabi. Walang alinlangan niya ulit pinupunasan ang mga luha ko. "Hahayaan mo na lang ba ang sarili mo na maging ganyan palagi? He's happy, you're in pain. That's unfair, Scar. Sa 'yo nakasalalay ang lahat. Hindi kay  Timothy.." Wala na akong alam pang sabihin dahil sa mga sinabi niya. Tama siya, masaya si  Timothy, habang ako, nasasaktan. Minsan, hinihiling ko na makita ni  Timothy kung gaano ako nasasaktan sa mga ginagawa niya. Baka sakaling magbago ang isip niya. Baka sakaling maawa siya at bumalik na sa 'kin. Niyakap ako ni Jude ng mahigpit. Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Buti pa ang ibang tao, nakikita ang pait na nararamdaman ko. Pero si  Timothy... bulag na siya pagdating sa 'kin. "Thank you.." Sabi ko. Hinagod niya ang aking likuran para patahanin ako. Nang kumalma na ako ay pumasok na kami sa loob. Nakatingin sila sa amin nang pumasok kami. Nandito na si Gabriel. Nakaupo siya sa tabi ni Carlos. Magkatabi kaming umupo ni Jude sa bakanteng sofa. "Saan kayo galing?" Tanong agad ni Gab. Nagkatinginan kami. Kumunot ang kanyang noo. Ako yata ang dapat na magtanong n'yan sa kanya? "Sa garden.." Si Jude na ang sumagot. Nagkibit balikat naman agad si Gab habang nakatingin pa rin sa akin. Pasado alas diyes na nang makatanggap ako ng text mula kay daddy, pinapauwi na niya ako. Kaya naman nagpaalam na 'ko sa kanila. Ayaw nila akong umuwi, pero hindi na talaga ako pwedeng magtagal. Kilala nila si daddy. Dapat ay sinusunod siya palagi. "Tara na.." Nauna ng lumabas si Gab. Nagpaalam ulit ako sa kanilang lahat bago siya sundan. "Gab, saan ka nanggaling kanina? Hindi na kita nakita?" Tanong ko nang maabutan siya.  Umiling lang siya. Galit ba siya sa 'kin? Bakit bigla na lang siyang naging tahimik? Sinubukan ko siyang kausapin habang nasa byahe kami, pero ang tipid naman ng mga sagot niya. Ang lalim ng kanyang iniisip. Salubong ang kanyang mga kilay. Tila ba handa siyang mag hamon ng isang away. Itinigil na niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Kita ko kung gaano kadiin ang kanyang hawak sa manibela. Pinilit kong wag na lang itong pansinin. "Salamat sa paghatid.." Paalam ko. Humarap siya sa akin. "Anytime." Matigas pa rin ang eskpresyon ng kanyang mukha. Bumaba na ako. Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kanyang sasakyan bago pumasok ng bahay. Iniisip ko pa rin kung ano ang nangyari sa isang 'yun. Bakit bigla na lang siyang naging ganun? Kanina naman nakikipagbiruan pa siya sa akin. Pagpasok ko ng aking kwarto ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Gab. Hindi ko maintindihan ang laman ng kanyang text. Gab: Patawarin mo 'ko. Anong ibig niyang sabihin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD