Chapter 5

2272 Words
Nag reply ako sa text ni Gabriel. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Naghintay ako ng kanyang reply, kaso ay wala siyang sagot. Nakatulugan ko tuloy ang paghihintay. Pag gising ko kinabukasan ay agad akong nagtext kay Timothy. Wala akong natanggap na kahit anong text mula sa kanya kahapon. Miss ko na siya. Sunday ngayon, kaya naman aayain ko siyang magsimba. Ako: Good morning! Simba tayo ngayon? I miss you :) Hahayaan ko na lang siya sa kanyang mga ginagawa. Siguro naman ay matatauhan din siya. Hindi ko na lang papansinin. Magkukunwari na lang akong walang alam. Para sa relasyon namin. Para sa kanya. Bumangon na ako. Wala na si daddy paglabas ko ng kwarto. Day off naman ni mommy ngayon. "Morning baby!" Nakangiting bati ni mommy sa akin habang nilalapag sa mesa ang aming almusal. "Morning my.." Umupo na ako. Umupo naman si mommy sa harapan ko. "Magsisimba kayo ni  Timothy ngayon?" Tanong habang  sumisimsim ng kanyang kape. Ininom ko naman ang gatas na inihanda ni mommy para sa akin. "Opo.." Sagot ko kahit na hindi ako sigurado. Hindi pa naman kasi nag-reply si timothy. Baka natutulog pa 'yun. Late kasi siyang nagigising kapag walang pasok. "That's good. Kami ng daddy mo ay mamayang hapon na lang magsisimba." Nagkwentuhan kami ni mommy habang kumakain. Panay ang tanong niya tungkol sa amin ni  Timothy. Nagtataka siya dahil hindi na masyadong pumupunta si  Timothy dito. Samantalang dati, araw-araw ay nandito siya sa bahay. "Busy po kasi siya. Lalo na championship na nila this week.." Sabi ko na lang. Pagtatakpan ko na naman siya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi maganda ang takbo ng relasyon namin ngayon. Ayokong mag iba ang tingin nila kay  Timothy . Lalo na si mommy, botong boto siya sa boyfriend ko. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako. Chineck ko ang phone ko, peo wala pa rin talagang reply mula sa kanya. Napagdesisyunan ko ng tawagan siya. Nakapagbihis na ako, si  Timothy na lang talaga ang hinihintay ko. Pero wala talaga. Naka-off ang cellphone niya. Baka tulog pa rin. Hindi ko na nga lang kukulitin. "Oh, aalis ka na baby?" Tanong ni mommy paglabas ko ng kwarto. "Opo my.." "Si  Timothy ? Hindi ka ba niya susunduin?" Nagtatakang tanong niya. "Uhh.. hindi po. Sa simbahan na lang daw po kami magkita." Napalunok ako. Magsisimba ako pero nagawa ko pang magsinungaling. Hindi na yata talaga ako papapasukin sa langit dahil sa ginagawa ko. Nguumiti si mommy. "Oh, sige. Mag ingat ka. Itext mo sa 'kin kung anong plate number ng taxi'ng sasakyan mo." Paalala niya. "Opo." Hinalikan ko siya sa pisngi bago tuluyang umalis. Agad kong tinext kay mommy ang plate number ng taxi na sinakyan ko. Over protective sila masyado sa akin. Lalo na si daddy. Dati nga ay may curfew pa ako. Naging maluwag lang siya sa akin nung nag college na ako. Pero nung High School kami, bantay sarado kami ni  Timothy sa kanya. Saktong pagdating ko sa simbahan ay nag uumpisa na ang misa. Pumwesto ako sa may harapan. Mas nakikita at naririnig ko kasi ang pari dito. Isa't kalahating oras ang itinagal ng misa. Gumaan ang pakiramdam ko dahil nakapagsimba ako. Nakita ko ang dating kasama sa trabaho ni mommy. Lumapit ako sa kanya para makapag mano. Pinagmasdan niya akong mabuti. Kumunot ang noo niya. Tila iniisip kung sino nga ba ako. "Ikaw na ba ang anak ni Adela?" tanong niya. "Opo.." nakangiting sagot ko. Bigla siyang napangiti nang makilala na niya ako. "Aba! Mas lalo kang gumanda, hija. Huli kitang nakita ay High school ka pa.." Aniya. Pinakilala pa niya ako sa iilan niyang mga kasama. Nagmano rin ako sa kanila. Ilang sandali pa ay nagpaalam na akong aalis. Paglabas ko ng simbahan ay may pamilyar na tao akong nakita. "Timmy?" Wala sa sariling sabi ko. Sinundan ko agad ang lalaking naglalakad. May kasama siyang babae. Magkahawak ang kanilang mga kamay. Hindi ako maaaring magkamali. Si  Timothy talaga 'yun! Kahit na nakatalikod ay kilala ko pa rin siya. Binilisan ko ang aking paglalakad. Pinilit kong makipagsiksikan sa maraming tao. Hindi pa sila nakakalayo. Papunta sila sa parking lot nitong simbahan. Halos takbuhin ko na ang daan patungo sa kanila. Kailangan ko silang maabutan! "Timothy.." Sabi ko, sa wakas. Hindi nga ako nagkamali. Siya nga! Sabay silang humarap ng babae. Naninikip na ang dibdib ko. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni  Timothy nang makita ako. Ang babae namang kasama niya ay tinaasan ako ng kilay. Hindi ko siya pinansin. Tinuon ko ang atensyon ko kay  Timothy. Lumapit ako sa kanila. "Sino siya?" Pinilit kong pigilan ang pagbara ng kung ano man sa aking lalamunan. Nahihirapan na akong huminga, ngunit pinipilit ko pa ring pakalmahin ang aking sistema. Hindi ako tanga. Alam ko kung ano nga ba niya ang babae. Gusto ko lang kumpirmahin. Hindi niya ako sinagot. Binalingan niya ang babaeng kasama niya. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Napakagat ako sa aking labi. Naalala ko na! Siya ang babaeng kasama ni  Timothy noon sa parking lot sa school. "Mauna ka na sa sasakyan." Ani  Timothy . Inabot pa niya ang susi ng kanyang sasakyan sa babae. Tumango siya. Kinuha niya ang susi kay Timothy sabay halik ng kanyang pisngi. Binuhusan yata ng asido ang puso ko. Sobrang hapdi nito. Sakit ang natatanggap ko sa bawat pagtibok nito. Sana panandalian akong naging bulag para hindi ko 'yun nasaksihan. Lumapit ako sa kanya nang umalis na ang babae. "Timmy, sino siya?" Boses ko pa ba ito? Hindi ko na makilala ang sarili ko. Namamanhid na ang aking katawan. Ano mang oras ay mapapaluhod na ako. Hindi siya sumagot. Mas lalong humapdi ang pagtibok ng puso ko. "Please, Timmy.. sabihin mo.. sino siya." Hinawakan ko ang kamay niya. Gusto kong malaman. Bawat minuto ng katahimikan ay parang kutsilyo na unti unting pumapatay sa akin. Ayoko ng ganito! Binawi niya ang kanyang kamay. Tumingin siya sa akin. Kasing lamig ng titig niya ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko akalain na literal kong mararamdaman ang sakit dahil lamang sa mga titig niya. "Timmy.." Pagmamakaawa ko. Kulang na lang ay lumuhod ako sa harapan niya para lang sagutin ang tanong ko.  Gusto kong malaman ang lahat! Gusto ko ng kumpirmasyon! "I'm sorry.." Nabasag ang buong pagkatao ko sa sinabi niya. Tumulo na ang mga luha ko. Sorry? Ganu'n na lang ba kadali ang lahat para sa kanya? "Hindi ko agad sinabi, Scar.. humahanap lang ako ng tamang panahon.. para hindi ka masaktan." Tamang panahon? Gusto kong matawa sa kanyang sinabi. Kahit anong araw, anong linggo, anong buwan, anong tanon, kahit kailan niya sabihin ay masasaktan pa rin ako. Masasaktan ako dahil mahal ko siya. Masasaktan ako dahil winasak niya 'ko! "Ayoko na. Gusto ko ng makipaghiwalay.." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Tapusin na natin to.." Akala ko ay wala ng mas sasakit pa sa kanyang mga ginawa. Meron pa pala.  Umiling ako at kumawala sa kanyang hawak. "Ayoko.." Marahas kong pinunasan ang aking mga luha. "Ayoko,  Timothy! Hindi. Hindi tayo maghihiwalay!" Tumaas ang boses ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa daan. Hinigit niya ang braso ko. "Ano ba.. mahiya ka naman." Mariin na bulong niya. Hindi ko naramdaman ang pisikal na sakit kahit na halos bumaon na ang kanyang mga kuko sa aking braso. "We're done. Pagod na pagod na ako, Scarlett! Pagod na ako sa pagiging childish mo! Sa pagiging clingy mo! Pagod na pagod na 'ko sa 'yo!" Sigaw niya. Binitawan niya ang aking braso. "Kung ikaw, gusto mo pa, ako ayoko na!" Tinalikuran na niya ako. Natulala ako sa kanyang mga sinabi. Pagod? Akala ba niya siya lang ang napapagod? Ako rin naman! Pagod na pagod na ako pero pinipilit kong magpakatatag para sa amin. Ginagawa ko ang lahat para sa kanya. Kahit na sinasabi na ng iba ang katotohanan ay nagbubulag bulagan pa rin ako, dahil mahal ko siya! Tapos, ganun na lang?! Bigla na lang siyang mapapagod? Napaluhod na ako. Ang mga luha ko ay nawalan na ng preno. Wala na akong pakealam sa mga taong nasa palgid. Wala akong pakealam kahit kanino. Dahil lang sa mababaw niyang rason ay iniwan na niya ako? O ginawa lang niyang rason ang mga 'yun? Dahil ang totoo ay may iba na talaga siyang nagugustuhan kaya gusto na niyang makipaghiwalay! Kaya ko namang baguhin ang sarili ko. Lahat ay gagawin ko para sa kanya. Pero bakit ganun? Bakit siya naghanap ng iba? Bakit niya ako niloko? Sa sobrang dami ng mga tanong ko ay hindi ko na namalayan na may humila na sa 'kin patayo. Niyakap niya agad ako ng mahigpit. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Ang tanging alam ko lang ngayon ay nakakulong ako sa mainit na bisig. Marahang hinahaplos ang aking likuran para patahanin ako sa pag iyak. Mas humigpit pa ang yakap sa 'kin. Lalo akong naiyak. Sana sa bisig ni  Timothy na lang ako nakakulong. Kahit habang buhay pa akong manatili dun. Baka sakaling mapawi pa ang mga luha ko at mabigyan ako ng ngiti sa labi. "I'm here. Don't worry.." Natigilan ako sa pag iyak. Jude? Kumalas ako sa yakap. Si Jude nga. Tinuyo niya ang aking pisngi. "Wag ka ng umiyak.." Ngiti niya. Hinawi niya ang mga buhok na tumakip sa aking mukha. "Iuuwi muna kita sa 'min. Hindi ka pwedeng umuwi sa inyo na ganyan." Pumara na kami ng taxi. Nakasiksik lang ako sa bisig ni Jude. Tulala ako. Hindi ko na alam kung ano ang mga tumatakbo sa isip ko. Wala ng luha ang lumalabas sa aking mga mata. Pati sila ay pagod na rin sa 'kin. Walang tao sa bahay nila Jude  pagdating namin. "Saan ang parents mo? Mga kapatid mo?" Tanong ko sa kanya. "Umalis sila. Babalik din ang mga yun mamaya.." Pumunta kami sa kanyang kwarto. Umupo ako sa paanan ng kanyang kama. Gusto kong magsalita pero nanunuyo na ang aking lalamunan. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako. "D'yan ka lang, kukuha lang ako ng pagkain." Paalam niya. Paglabas ni Jude ay binagabag na naman ako ng kung anu-anong tanong. Saan na kaya si  Timothy ngayon? Gusto ko siyang tawagan para sabihin na hindi pa tapos ang lahat sa amin. Hindi pa rin kami hiwalay. Kami pa rin. Wala akong sinabi na ayoko na. Siya lang naman ang nagdesisyon na makipaghiwalay. "Malalim na naman ang iniisip mo.." napatingin ako kay Jude nang magsalita siya. Nakabalik na pala siya, hindi ko napansin. Nakaupo na siya sa tabi ko. May maliit na ring mesa ngayon sa aming harapan, may nakalagay na pagkain. Masyado nga yata akong naging tulala. "Kumain ka na.."  Malungkot akong bumaling sa kanya at umiling. "Wala akong gana.." Nanginginig na naman ang boses ko.  Naiiyak na naman ako! Hinila niya ako at muling niyakap. Hinalikan niya ang aking buhok. "Mabuti na lang at nagsimba ako kanina.." Mapait niyang sabi. "Nakita ko ang lahat, Scar. Nakita ko.. please lang, hayaan mo na siya." Umiling ako sa kanyang dibdib. "Jude alam mo naman na hindi ko... kaya." Napabuntong hininga siya. "Hindi ko pa siya nakaka usap. Bukas, susubukan ko siyang kausapin. Baka sakaling makinig." Muli niya akong hinalikan sa buhok. Nakumbinsi na niya akong kumain nang kumalma na 'ko. Pinipilit kong mag isip ng ibang bagay, kaso, bawat minuto ay dumadaan sa isip ko si  Timothy. "Kagabi.. Pumunta si  Timothy sa birthday ni Wendy." Kwento niya nang matapos na akong kumain. Natigilan ako sa kanyang sinabi. "Pumunta siya?" Gulat na tanong ko. Hindi man lang niya ako sinabihan? "Oo." Tango niya. "Pero mabilis lang siya. Nagka initan kasi sila ni Gab.." Ibig sabihin ay bumalik din kagabi si Gab kina Wendy? Ang akala ko pa naman umuwi na rin siya. "Ano bang nangyari?" Takang tanong ko. "Napikon si  Timothy. Binabara kasi siya ni Gab pag nagsasalita. Muntik na nga silang magsuntukan. Buti naawat namin."  "Pumunta pala siya..." Nanikip na naman ang dibdib ko. Matatapos pa kaya itong sakit na nararamdaman ko? Ginulo niya ang buhok ko. Natigilan ako sa pagiging malungkot. "Ayan ka na naman, eh. Tama na muna, okay?" Ngiti niya. Bigla siyang lumabas ng kwarto. Pagbalik niya ay may dala na siyang gitara. Umupo siya ulit sa tabi ko. Nagkatinginan kami. Nakangiti siya at ang mga mata niya ay tila nangungusap. "Kantahan na lang kita para hindi ka na malungkot.." binaling niya ang tingin sa gitara at nagsimula ng tumugtog. "Makinig ka.." My life is brilliant My love is pure Napakaswabe ng bawat galaw niya. Ang kanyang boses ay napakalamig. Ilang beses ko ng napakinggan na kumanta si Jude. Nakakarelax pakinggan ang boses niya. Noon pa lang, hilig na talaga niya ang pagkanta. Kaso ayaw naman ng daddy niya. Pumikit ako para damhin ang kanyang kinakanta. Tila binubunot niya ang mga tinik sa puso ko. You're beautiful You're beautiful You're beautiful, it's true Dumilat ako. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang magtapo ang aming mga mata. Nakangiti siya habang kumakanta. Ang kanyang mga mata ay nakangiti rin. Hinihila ako ng mga ito. Unti-unti ay umangat ang aking labi. Hindi ko na namalayan na nakangiti na rin pala ako at sinasabayan na siya sa pagkanta. Nang nasa huling linya na ay napawi na ang kanyang ngiti. Binalik niya ang kanyang tingin sa gitara. But it's time to face the truth I will never be with you Tinabi niya ang kanyang gitara pagkatapos ng kanta. Kinagat ko ang aking labi nang hawakan niya ang aking mga kamay. Maingat niyang hinalikan ang mga ito. Nawawala ako sa aking sarili. Hindi ko na yata maalala kung ano nga ba ang nangyari kanina. "Nandito lang ako. Love you." hinila niya ako para bigyan ulit ng mainit na yakap. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD