Chapter One: The Accident

2172 Words
Natigil ang pagbabalik-tanaw ni Rose nang biglang sumigaw ang kundoktor ng bus. Nasa Ayala na pala siya. Napapailing na bumaba ang dalaga at binagtas ang daan patungo sa Mckinley Exchange building kung saan matatagpuan ang terminal ng BGC Fort bus na halos araw-araw niyang sinasakyan para makarating sa opisina.  Dahil lang sa isang kanta sa radyo, natulala siya at muntik nang lumampas sa kanyang dapat babaan! Oh well, hindi naman iyon basta isang simpleng kanta lang para sa kanya. Heaven By Your Side, isa sa mga kantang pinasikat ng 90’s boyband na A1. Ang theme song na kinanta ng kanyang first boyfriend. “Boyfriend na hindi ko na maalala kung sino.” Natatawang bulong niya sa sarili. She was fifteen at that time. Usong-uso noon ang mga textmates pati na ang pagbuo ng mga clan or group kung saan nagkakaroon ng interaction ang ilang kabataan. Bumubuo ng friendship pero karamihan ay nauwi rin sa pagliligawan sa text. Tapos magse-set ng oras at venue para sa eyeball at doon lalong palalawigin ang pagkakakilala. During that time, most of her friends were part of those clans so she ended up joining as well.  Nang malaman niyang may nanliligaw sa mga ito thru text messaging, hindi niya maiwasang makaramdam ng curiosity. Kaya naman nang isang beses na nakatanggap siya ng mensahe mula sa isang binatilyong gustong makipag-textmate, lakas loob niya itong in-entertain. Kahit pa nga mahigpit ang bilin noon ng mga magulang niyang huwag makikipag-usap ng basta basta sa kung sino lang, pikit-mata siyang sumuway at naglihim sa mga ito. Matapos ang ilang araw na pagpapalitan ng text messages, gaya ng naunang hinala niya ay nagsimula itong manligaw sa kanya. Dahil sa pagnanais na malaman ang pakiramdam ng may boyfriend katulad ng mga kaibigan niya, agad niya itong sinagot. Nag-enjoy naman siya sa kilig na naramdaman dahil sa bagong experience na iyon sa kanyang buhay. However, a problem occurred. Since her curiosity was already satisfied, she ended up losing her interest with the relationship.  They only lasted for one week. Ni hindi sila nagkaroon ng chance na makapag-eyeball man lang. Natakot na rin kasi siyang baka madiskubre ng mga magulang ang sikreto niya kaya isang desisyon ang agad niyang binuo. She bid him farewell thru a text message, changed her sim card and moved on. Ni hindi niya na nga naaalala ang pangalan ng binatilyong iyon but for no specific reason, na-retain sa utak niya ang fascination sa kantang Heaven By Your Side ng boyband na A1. Sa tuwing naririnig niya ito ay hindi niya maiwasang matigilan at maalala ang boses ng binatilyong iyon habang kumakanta. She had a couple of relationships after that pero walang ibang boses na nakaapekto sa kanya ng ganito. Napailing siya. Why am I wasting my time thinking about a nameless boy from the past? Sakto namang dumating na ang bus na hinihintay niya. Kinuha niya ang beep card sa bulsa at dali-daling sumakay doon. “Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?” Tiningnan ni Rose ang kaibigang si Claudine na siyang kasabay niyang mag-lunch sa pantry. Pinigilan niya ang sariling matawa dahil daig pa nito ang pinagsakluban ng langit at lupa kung itsura ang pagbabasehan. “Hindi na magbabago ang isip ko kahit ano pang klaseng pout at paawa effect ang gawin mo diyan, friend. Nakapag-file na ko ng resignation and that’s it. I’m leaving the BPO industry for good.”  She smiled at the prospect of starting a new journey in her life. Halos limang taon din ang ginugol niya sa pagtatrabaho sa call center business. Pagkagraduate niya noon ng Business Administration ay hindi siya agad nakahanap ng trabahong nababagay sa kursong kanyang tinapos. Dahil ayaw naman niyang tumambay lang at iasa sa mga magulang at kapatid ang kanyang personal na gastusin, sinubukan niyang mag-apply sa isang call center na tiyempo niyang nadaanan habang namamasyal sa BGC area. Madali naman siyang natanggap kahit pa sabihing newbie at clueless siya noon sa papasuking trabaho. Mahirap ang adjustment sa umpisa. Masisira ang body clock mo dahil lagi kang mapupuyat sa papalit-palit na schedule. Mararanasan mong makisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao dahil normal na sa ganitong uri ng trabaho ang madalas na pagpapalit ng mga team mates at immediate supervisors. Makukulili din ang tenga mo sa pagsigaw, pagmumura at minsan pa nga’y racist comments ng mga dayuhang nakakausap niyo over the phone. She fondly calls them as her customers from hell. Ilang beses na rin siyang muntik na mag-quit noon pero dahil hindi pa sapat ang ipon niya para magtayo ng pangarap na negosyo, pinagtiyagaan na lang muna niya ang trabahong iyon. Her perseverance eventually paid off. After two years of being a customer service representative, she was promoted as a team leader. “Mami-miss kita friend. Ano ba yan? Eh di after mong mag-render ng one month, mawawalan na pala ako ng lunch buddy. Kainis ka.” kunwari’y nagtatampong reklamo pa rin ni Claudine. Gaya niya ay isa rin itong team leader sa account nila. “Makipag-bonding ka kasi sa ibang team leaders at agents. Bawas-bawasan mo yang pagiging suplada mo, friend. Try to smile more often. Tapos pakibaba na rin yang maldita mong mga kilay.” tukso niya dito. “Hmp! Alam mo namang ikaw lang ang kasundo ko sa lahat ng team leaders ng account natin. Tried and tested na ang pagiging backstabber at sipsip ng mga kasamahan natin. Ayokong makipagplastikan sa mga inggiterang iyon. Have you seen Erica’s reaction when you announced your resignation earlier? Kulang na lang magtatalon ang gaga. Tuwang-tuwa ang bruha kasi aalis na ang leader ng top team ng account natin. Baka nga magpa-party pa iyon sa last day mo.” Napailing si Rose. Nakita niya rin ang reaksiyong iyon ng team leader na labis ang inggit at pakikipagkompetensiya sa kanya. Sabay silang na-promote ni Erica noon kaya hindi maiwasang magkaroon ng comparison sa kanilang dalawa. Wala naman siyang intensiyong patulan ang pagiging competitive nito pero ano bang magagawa niya kung sadyang mas magaling ang team na nahawakan niya? Parang barkada lang ang turing niya sa mga ito pero nandoon pa rin ang respeto at paggalang sa kanya. She knew how to motivate people and it worked to her advantage. Lumabas ang potensiyal at nag-excel lahat ng agents na hawak niya. Nakakatuwa ding isipin na na-promote pa ang ilan sa mga ito sa tulong na rin niya. “As if naman automatic na siya ang papalit na top team leader ngayong aalis na ko sa kumpanya. Hindi ka naman papayag don, di ba Team Leader Claudine?” hamon niya sa kaibigan. Natigilan sandali ang kaibigan pero maya-maya ay ngumiting muli sa kanya. “Challenge accepted. Pakakainin ko ng alikabok yang si Erica. My team will be the next number one team of this account!” Napalakas ang boses nito kaya naglingunan ang ibang agents na naroroon sa pantry. Luckily, wala doon ang kinaiinisan nilang si Erica. Natutop ni Claudine ang bibig pero hindi rin nakapagpigil. Buong kapilyahang nakipag-high five ito sa kanya at sabay silang nagtawanan. Nang maka-recover ay muling ipinagpatuloy ang maganang pagkain. Naghihikab na lumabas ng building si Rose.  “Sa wakas, natapos din ang nakakastress na shift ko.” bulong niya sa sarili. Binati siya ng magandang umaga ng nadaanang guwardiya at tanging tango na lang ang naitugon niya. Antok na antok na talaga siya. Alas kuwatro pa lang ng umaga noon pero safe namang maglakad kahit mag-isa lang siya dahil maliwanag ang area na kinatitirikan ng kanilang building. Tahimik na naglakad siya patungo sa bus stop. Isinalpak niya sa tainga ang earphones. Isa sa habit niya ang makinig ng rock music para mabawasan ang antok. Kahit delikado ay sinasadya niya pang itodo ang volume para talagang malabanan niya ang antok na nararamdaman. Hindi niya kasi gustong makatulog sa biyahe at baka lumampas na naman siya sa bababaan. Isang kanto na lang at mararating na niya sana ang bus stop.  Pero habang papatawid, hindi napansin ni Rose ang pagliko at mabilis na pagharurot ng isang pulang sports car patungo sa kinaroroonan niya. Napatili na lang siya at napako sa kinatatayuan sabay napapikit ng mariin, expecting the pain from the impending collision. Few seconds have passed but nothing happened. Unti-unting dumilat si Rose. Napasinghap siya nang makitang ilang dangkal na lang ang layo ng kotse sa katawan niya. Himalang nakabig pa ng driver ang manibela at nakapagpreno. Noon lang siya nakahinga ng maluwag at hinayaan ang sariling panlambutan ng tuhod. Nanghihinang napaupo siya sa kalsada at noon niya lang napansin na nanginginig pala ang kanyang mga kamay. My God! She almost died! Bumukas ang pinto sa gilid ng driver seat at lumabas mula doon ang isang matangkad na lalaki. Puno ng pag-aalala ang boses nito nang lapitan siya. “Miss, are you okay? May masakit ba sayo?” Hindi nito malaman kung saan siya hahawakan para alalayang tumayo. “Ok lang ako. Wala namang masakit. Medyo nanginginig lang tong tuhod ko. I guess, this is due to shock.” sagot niya sa mahinang tinig. “I'm so sorry! Magulo lang ang isip ko habang nagda-drive. I should have been more careful. Let me bring you to the hospital.” Iginiya na siya nito palapit sa sasakyan nito. Gusto niya sanang tumanggi dahil obvious namang wala siyang tiwala sa pagmamaneho nito pero sa pag-angat niya ng tingin ay sinalubong siya ng pinakamagandang pares ng matang nakita niya sa kanyang buhay. Very expressive and mesmerizing. Kulay chocolate brown iyon at may malalantik na pilikmatang siguradong kaiinggitan ng mga kapwa niya babae. Mga matang parang sadyang ginawa upang bumagay sa perpekto at mala-anghel na mukha nito. Natulala si Rose at ramdam niya ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. This is crazy! She almost had an accident and now, she’s crushing on the man driving the car that almost killed her!  Napapikit si Rose at pilit pinakalma ang sarili. Naisakay na siya ng lalaki sa kotse nito at ngayon ay tahimik nilang binabagtas ang daan patungo sa pinakamalapit na ospital. Kapansin-pansin ang bagal ng pagpapatakbo nito ng sasakyan, halatang masyadong apektado rin ang lalaki sa naganap na aksidente kanina. Pagdating sa ospital ay agad silang inasikaso ng mga nurse at doctor. Ilang tests ang ginawa dahil nais ng lalaki na makasigurong wala siyang tinamong pinsala. Hindi rin nagtagal ay na-discharge na sila sa ospital. Niresetahan na lang siya ng doctor ng gamot para sa body pain at binilinan na magpahinga ng husto para makarecover sa shock na dinanas. “Let’s have our breakfast first. Kahit dito man lang, makabawi ako.” Saad ng lalaking muntik na makabangga sa kanya. Sa sobrang tensiyon kanina ay hindi niya na naitanong ang pangalan nito.  Tatanggi sana siyang muli pero nagmamakaawa ang tingin na binigay nito sa kanya. Nagi-guilty nga siguro ito ng husto dahil sinabi niyang hindi siya magrereklamo kahit aminado ang lalaking kasalanan nito ang nangyaring aksidente kanina. Tumango na lang siya at hinayaan itong dalhin siya sa isang restaurant ilang bloke lang layo mula sa ospital. Nakaupo na sila sa pandalawang mesa nang maalala nitong magpakilala. “My name is Benjamin Falcon. Just call me Ben. Again, I’m sorry for what happened earlier. Magulo lang talaga ang isip ko kanina dahil sa problema. Hindi talaga ako dapat nag-drive agad.” “Huwag mo ng isipin iyon. Ang importante, hindi naman ako nasaktan ng husto. It’s partly my fault also for crossing the road with my earphones on. Hindi ko tuloy narinig na may kotseng paparating.” Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa katangahan. Dati pa siyang pinagsasabihan ng mommy niya na hindi magandang ugali ang maglakad sa kalsada habang may nakasalpak na earphones sa tainga lalo na kung malakas ang volume ng music na pinapakinggan. Takaw-disgrasya nga raw ang ganito. Binalewala niya lang ang bilin ng ina kaya nga ito ang nangyari. Tinuruan siya ng tadhana ng leksiyong hindi niya makakalimutan. “Are you staying here in Taguig, Rose?” “Nope. Dito lang ako nagtatrabaho pero sa Cavite ako nakatira. Natigilan si Ben at napatitig sa kanya. “What’s your full name again, Rose? Sobrang taranta ko kanina sa ospital kaya di ko na maalala.” “Lyka Rose Bermudez. Why?” Napatitig sa kanya si Ben at parang may rekognisyong dumaan sa mukha nito. Bakit kaya? Nagkakilala na ba sila dati? Pero imposible naman yata niyang makalimutan ang isang napakaguwapong mukhang gaya nito kung totoo ngang nagkita na sila noon. Tila nilimi pa ng lalaki kung ano ang dapat sabihin pero maya-maya ay umiling din ito. “W-wala. Your name sounds familiar. Baka may kakilala lang akong kahawig mo ng pangalan.” medyo may pag-aalangang sagot nito. Then, he changed the topic of their conversation. Inaatake man ng curiosity ay nagpasya siyang ipagkibit-balikat na lamang iyon. She would not allow herself to be bothered by this gorgeous man’s reaction. She may be attracted to him physically but she knows that after this incident, they won’t be seeing each other anyway. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Rose kay Ben. Tinangka nitong kunin ang cellphone number niya pero magalang siyang tumanggi. Para sa kanya, wala namang dahilan para palawigin pa nila ang pagkakakilala. Halatang disappointed pero hinayaan naman siya ng binata sa kanyang pasya. Wala siyang kamalay-malay na kahit nakaalis na ang taxi na kanyang sinakyan ay nakatayo pa rin ang lalaki sa lugar kung saan niya ito iniwan at nakapako lang ang tingin sa kawalan. “Rose….my dearest Rose. Talaga palang hindi mo na ako naaalala ngayon.” seryoso at determinadong bulong nito sa sarili bago humigit ng malalim na hininga at muling sumakay ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD