Chapter Two: The Deal

2944 Words
Kahit maayos na ang pakiramdam ni Rose, ipinagpilitan pa rin ng kanyang mommy na dapat makagpahinga siya ng ilang araw sa bahay matapos ang near death experience niyang iyon. As expected, nakatikim din siya ng umaatikabong sermon mula dito pati na rin sa Kuya Randall niya dahil sa ginawa niyang kapabayaan. Kung nabubuhay pa ang kanyang daddy, malamang pati ito ay nakipag-volt in at nakipagsanib puwersa sa panenermon sa kanya. Paano na lang daw kung hindi himalang nakapagpreno ang driver na iyon? Malaki ang posibilidad na pinaglalamayan na siya ngayon. She shuddered at the thought. Sa trabaho niya lang balak magresign, hindi sa buhay, in general. “Kumusta ang pag-uusap niyo ng boss mo?” tanong ng kanyang ina. Naabutan niya itong abala sa paghahanda ang tanghalian. Kumuha siya ng tubig sa refrigerator at naupo sa silyang malapit dito. “Okay naman po, mommy. Pumayag na siyang bukas na lang ako pumasok. Magpahinga na lang daw muna ako.” “Mabuti naman. Sana naman magtanda ka na. Maging responsable ka na sa paggamit ng earphones, headphones o kung ano pang gusto mong itawag diyan sa nakasalaksak sa tenga mo. Walang masama sa pag-iingat, anak. Sa panahon ngayon, dapat alisto ka lalo na pag nasa kalsada. Mahirap ng madisgrasya. Huwag mong hayaang magaya ka sa daddy mo.” may lungkot na dumaan sa mga mata ng kanyang ina.  Ilang taon nang namayapa ang kanyang ama dahil sa isang aksidente. Aksidenteng ito rin ang may kagagawan dahil nagmaneho ito kahit nakainom at halos walang tulog. Like an obedient child, she meekly nodded. Tahimik niya itong pinanood sa ginagawang paghihiwa ng mga rekado para sa iluluto nitong kare-kare. Ilang saglit pa ang lumipas bago siya muling nagsalita. “Mommy, puwede po ba akong lumabas muna ng sandali? Kakausapin ko lang si Mrs. Javier tungkol don sa lupang gusto kong bilhin sa kanya.” Pangarap niyang makapagpatayo ng isang book store at cafe. Perpektong lokasyon ang lupang pag-aari ni Mrs. Javier dahil malapit ito sa lugar na kinaroroonan ng ilang eskuwelahan gayundin ng city hall. Maliban sa kaalaman niya dahil nakapagtapos siya ng kursong Business Administration, mula pa pagkabata ay hilig na niya talaga ang pagbabasa ng iba’t ibang libro pati na rin ang pagbe-bake. Isa ito sa naging motivation niya kaya nagawa niyang pagtiyagaan ng ilang taon na pagtatrabaho sa call center industry. Dahil dito ay nagawa niyang makaipon ng perang magagamit bilang kapital para sa pagsisimula ng pangarap niyang business. Sobrang excited na siya dahil sa ganoong klase ng negosyo ay magagawa niya ng kumita ng kabuhayan habang ini-enjoy ang kanyang passion. It’s like hitting two birds in one stone. Mukhang positibo naman ang lahat base sa huling pag-uusap nila ng mabait na ginang. Umaasa siya na sana ay ngayon na ang masuwerteng araw niya para mapapayag ito sa kanyang alok. Tinig ng kanyang ina ang pumutol sa kanyang pagmumuni-muni. “Sige, pero wag kang masyadong magtatagal ha? Malapit na tayong magtanghalian.” “Opo.” Iyon lang at masiglang lumabas siya ng bahay. Ilang bloke lang naman ang layo ng bahay ni Mrs. Javier kaya nagpasya si Rose na maglakad na lamang papunta doon.  “Para makapag-exercise na din.” bulong niya sa sarili. Dahil sa nature ng kanyang trabaho, halos wala na siyang panahong nailaan para sa sports o pag-eehersisyo. Kadalasan, pagdating niya ng bahay ay iginugupo siya agad ng matinding pagod at antok. Literal na sa pagkain, tulog at trabaho umikot ang ilang taon ng buhay niya. Napangiwi siya. Napaka-unhealthy nga palang talaga ng kanyang lifestyle. She made a mental note to herself to drop by at the nearest gym soon. And she thinks it’s time to lessen her fastfood visits as well. Inagaw ng dalawang delivery truck na nakaparada sa harap ng bahay ni Mrs. Javier ang kanyang atensiyon. May ilang kalalakihan ang abalang nagpapabalik-balik doon habang nagbubuhat ng mga kagamitan galing sa loob ng bahay ni Mrs. Javier. Kunot-noong lumapit siya sa gate at tinanong niya ang maid na nagpatuloy sa kanya tungkol doon. “Bakit may mga trucks dito, ate?” “Ay, hindi niyo pa po pala nabalitaan? Maglilipat na kasi si ma’am. May nakabili na kasi nitong bahay.” Kinabahan siya. Hindi naman siguro kasama sa naibenta ang lupang pinapangarap niyang mabili. Huwag naman sana. Napabilis ang mga hakbang niya papasok sa bahay. Sinalubong siya ni Mrs. Javier na abala sa pagmamando ng mga trabahador na naghahakot ng mga gamit. Halata ang pagod sa anyo ng ginang pero napangiti pa rin ito pagkakita sa kanya. “Rose, iha. Doon na lang tayo sa terasa mag-usap. As you can see, medyo magulo pa dito.” Inutusan nito ang maid na ipaghain sila ng juice at sandwiches. Tahimik na sumunod siya sa babae. Tila kandilang nauupos na umupo ang ginang sa pandalawahang silya na narooon sa terrace nito. Mula sa kanilang puwesto ay tanaw ang malawak na bakuran ng pamilya Javier.  “Hindi ko po alam na pati pala itong bahay ay ibinenta niyo na.” komento niya. Huminga ng malalim ang ginang at buong kapaitang sumagot sa kanya. “Aanhin ko pa ang malaking bahay na ito kung mag-isa na lang ako dito, Rose? Maalala ko lang lagi ang kataksilan ng asawa ko pag nanatili ako dito.”  Iniwan si Mrs. Javier ng asawang negosyante para sumama sa mas batang sekretarya nito na ilang taon na pala nitong karelasyon. Hindi siya mahilig sa tsismis pero kumalat sa village nila ang pangyayaring iyon dahil sa eskandalong naganap nang mahuli ng ginang ang asawa na nakikipaglampungan sa babae sa mismong kuwarto nila. Galing noon sa Hong Kong si Mrs. Javier at napaaga lang ng ilang araw ang uwi. Ang akala ni Mrs. Javier ay magagawa niyang sorpresahin ang asawa sa biglaan niyang pagdating pero siya pala ang magugulat sa mainit na tagpong maaabutan sa sariling bahay. Nagwala ang ginang at pinapili ang asawa sa kanilang dalawa. Saksi ang mga kapitbahay kung paanong mas pinili ng lalaki ang kalaguyo nito. Ni hindi man lang nagpakita ng alinlangan o pagsisisi ang lalaki at nagawa nitong mag-alsa balutan. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng awa sa ginang at pagkainis sa manlolokong asawa nito. “Saan niyo na po balak tumira niyan?” “Pinapupunta na ako ng anak kong babae sa Toronto. Doon na lang daw ako tumira para mas madali kong makalimutan ang katarantaduhan ng daddy niya. Kasundo ko naman ang manugang ko doon kaya walang problema. At least, makakasama ko na rin ang mga apo ko.” “Ah, ganon po ba.” Tumikhim si Rose at kumuha ng buwelo para sa susunod na katanungan. “Yung tungkol nga po pala sa lupa na gusto ko sanang bilhin sa inyo…” Nagpapaunawang tumingin sa kanya ang ginang. “Pasensiya ka na, iha, pero binili na rin iyon ng buyer nitong bahay. Mas mataas ang offer niya at nakapagbayad pa siya agad ng cash kaya pumayag na ako. Alam mo namang mahigpit talaga ang pangangailangan ko sa pera ngayon. Nasa pangalan ng asawa ko ang ibang properties namin kaya itong bahay at ang lupang tinutukoy mo lang ang puwede kong maibenta ng mabilisan. Hindi rin kasi madaling magsimula ng bagong buhay sa ibang bansa. Kaya pasensiya na talaga, Rose.” Nanlumo siya sa narinig. Paano na kaya ito? Wala pa naman siyang second option pagdating sa lokasyon ng binabalak niyang negosyo dahil asang-asa at buo ang paniniwala niyang makukuha ang lupa ni Mrs. Javier. Hindi naman puwedeng matengga o mahinto ang mga plano niya. Kahit pa may ipon siya, madali rin iyong mauubos kung wala siyang mapagkukunan ng regular income pagkatapos niyang mag-resign sa call center. Isang ideya ang naisip niya. “Puwede ko pa po kayang makausap iyong buyer? Baka pumayag siyang ibenta sa akin iyong lupa. Or kahit rentahan ko na lang.”  Napaisip ang ginang. “I think that might be possible. Nabanggit niya kasi na wala pa naman siyang naiisip na negosyong itatayo para doon sa lupa. He just decided to acquire the property because it’s a good investment.” May bumangong pag-asa sa puso ni Rose. Mukhang may tsansa pa naman pala para makuha niya ang lupang iyon. She just need to think positively and try her best to convince the buyer to accept her offer. “Kailan ko po kaya puwedeng makausap ang buyer niyo? Puwede ko kaya siyang puntahan bukas?” “Bakit bukas pa kung puwede naman ngayon?” Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng baritonong tinig na iyon. Her heart skipped a beat when the familiar smile of the man greeted her. The gorgeous man who almost got her killed a couple of days ago. Ano ang ginagawa ni Benjamin Falcon sa lugar na ito? Tumayo si Mrs. Javier para batiin ito. “It’s good to see you again Mr. Falcon. Napaaga ka yata ng dating? Akala ko ay bukas ka pa babalik dito.” Nagkibit-balikat lang ang lalaki. “Wala naman po akong ibang lakad today so I decided to drop by. Mukhang matatapos na kayo sa paglilipat.” “Ah, oo. Gusto ko na kasing maiayos ang lahat para makabiyahe na ako papuntang Canada. Mabuti na rin iyon para makalipat ka na agad dito. By the way, this is Rose. Taga-dito din sa village ang pamilya niya kaya malapit mo na siyang maging kapitbahay. Rose, iha, this is Mr. Benjamin Falcon. Siya ang nakabili nitong bahay at lupa ko.” “Magkakilala na po kami.” sagot niya sa mahinang tinig. What a small world! Buong akala niya ay hindi na muling magtatagpo ang landas nila ng lalaking ito. Sinadya niya pa ngang hindi ibigay ang contact details niya para wala ng dahilan na magkita pa sila ng lalaki. Inisip niyang mas mabilis niyang makakalimutan ang aksidente pati na rin ang inisyal na atraksiyong naramdaman niya para dito kapag hindi na sila ulit nagkita. But it seems like fate has other plans for them. “Then, that’s great! Mabuti pa, mag-usap muna kayo. Titingnan ko lang kung naihanda na ni Rhoda ang tanghalian para sa mga trabahador.” Iyon lang at dali-daling iniwan na sila ng ginang sa bahaging iyon ng bahay. An awkward silence followed. Halos hindi siya makatingin sa lalaki habang ito naman ay nakatitig ng matiim sa kanya. “Kumusta ka na, Rose? Small world, huh.” bati nito. Nakatayo pa rin ang lalaki habang ang mga kamay ay kaswal na nakapamulsa sa pantalon nito. “Yeah, you’re right. What a huge coincidence. Sa dinami-dami ng ibinebentang bahay sa Pilipinas, dito ka pa napadpad.” Tila naaliw ito sa mga sinabi niya. “Do you really believe in coincidence? Serendipity? Lady, this is way beyond that. Trust me.” Nalilitong tinanong niya ito. “What do you mean by that, Mr. Falcon?” Parang may gusto itong sabihin pero sa huling sandali ay nagbago ang isip. Umiling na lang ang lalaki.  “Forget it. And by the way, I would prefer it if you can just call me Ben. Napakapormal naman kasi ng Mr. Falcon.” “Okay, B-ben.” s**t! Pangalan lang naman nito ang binanggit niya pero bakot halos mautal na siya? “That’s way better.” Ngumiti ito ng matamis bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Based on what I’ve managed to overhear from your conversation with Mrs. Javier earlier, I believe that you have an important matter to discuss with me. Am I right, Rose?” Lakas-loob na tiningnan ni Rose ang binata. “Have a seat.” Tumalima naman ang lalaki at umupo sa silyang okupado kanina ni Mrs. Javier. Pinagsalikop ni Rose ang mga kamay para mabawasan ang nerbiyos na nararamdaman. “Ano ba ang pag-uusapan natin? You seem so serious.” “Well, here’s the thing. I have a proposal to make and I hope that you will accept it.” simula niya. Tahimik lang si Ben habang inilalahad niya ang kanyang inaalok na proposal. Daig pa niya ang estudyanteng naghihintay ng resulta ng final exam dahil sa kabang kanyang nararamdaman habang hinihintay ang magiging tugon nito. Poker faced ang binata matapos marinig ang kanyang pahayag kaya hirap siyang basahin ang saloobin nito.  “Gusto mong ibenta ko sayo ang lupang iyon? What made you think that I will let go of that prime investment so easily?” seryosong tanong nito. Natameme si Rose. Paano niya nga ba makukumbinsi ang lalaking ito? She was busy thinking of ways on how to get on his good side when Ben suddenly laughed. Lalong nawindang ang utak niya dahil gumuwapo yata ito ng mahigit three times sa paningin niya. Kumikislap sa pagkaaliw ang magaganda nitong mga mata habang halos hindi naman mapuknat ang ngiti sa mga labi nito. Speaking of lips, bakit parang may nag-uutos sa kanyang haplusin ang mukha at mga labi ni Ben? At bakit nai-imagine niya ang sariling nagpapaubaya habang unti-unti nitong inaangkin ang mga labi niya at inihihiga siya sa malamig na sahig…. Kinagat niya ang sariling labi para matigil ang kalokohang naiisip. Nakakahiya! Tanghaling-tapat na at nasa bahay pa siya ng ibang tao pero nakuha niya pa ring pagpantasyahan ang napakaguwapong lalaki sa kanyang harapan. Mabuti na lang at wala itong ideya sa kung ano ang laman ng isip niya kanina. Kung nagkataon, baka hiniling niyang lamunin siya ng lupa o maglaho na lang na parang bula dahil sa kahihiyan. What happened to the prim and proper Lyka Rose Bermudez?  Pinilit niyang ituon ang atensiyon sa sinasabi ni Ben at hindi sa kaguwapuhan nito. It took a lot of her willpower but somehow, she managed to grasp her sanity and act naturally. “Alam kong hindi madaling pakawalan ang ganoong klaseng property. Alam ko rin na kung magde-demand ka ng mas mataas na presyo para sa lupa ay baka mahirapan akong maibigay iyon. But I really hope that you will consider my proposal. Kung hindi mo talaga puwedeng ibenta sa akin, kahit rentahan ko na lang.” kagat-labing saad niya sa lalaki. She knew it sounded a bit desperate but that’s how she usually acts when she wants to get something badly. Dito nakasalalay ang bagong simula na inaasahan niya ngayong nalalapit na ang pag-alis niya sa kumpanyang pinapasukan. Wala sa bokabularyo niya ang pagsuko hanggang hindi niya nasusubukan ang lahat ng paraan para makuha ang gusto niya. “I’m so sorry, Rose, pero hindi ko pwedeng iparenta o ibenta ang lupa ko na iyon.” Nagsimulang manikip ang dibdib niya sa frustration na unti-unti niyang nararamdaman. Hindi pa man naitatayo ay mukhang mabibigo na agad ang pinapangarap niyang negosyo. Nai-imagine na niya ang matinding disappointment na siguradong lilitaw sa mukha ng kanyang ina kapag nalaman nito ang pangyayari. Iisipin na naman nitong mali ang desisyon niyang mag-resign sa trabaho. As much as possible, her mother doesn’t want her to take the risks needed in order to start her own business. Mas kampante ito na sa isang matatag na kumpanya siya nagtatrabaho dahil mas praktikal daw iyon kesa sumugal siya sa isang business venture. Kaya nga ganoon na lamang ang determinasyon niyang patunayan dito na hindi na siya bata at kaya na niyang panindigan ang desisyon niya. Mabuti na lamang at suportado siya ng kuya niya sa kanyang mga balak. Ito ang kumumbinsi sa kanilang ina na hayaan na lang siyang magdesisyon para sa sarili sa pagkakataong ito. Masakit lang isipin na pati ang nag-iisang kapatid na malaki ang tiwala sa kanya ay mabibigo pa yata niya.  Pinipigilan ni Rose ang pagsungaw ng luha sa kanyang mga mata. Wala siyang balak na magpakita ng kahinaan o pagkatalo sa harap ng lalaking ito. Over her dead, sexy body! “Kung gusto mo, ibibigay ko na lang iyon sayo.” kaswal na sabi nito. Ano daw? Tulalang napatingin siyang muli kay Ben. Malinaw naman ang kanyang pandinig pero hindi pa rin siya makapaniwalang tama ang pagkakaintindi niya sa sinabi ng binata. Ibibigay na lang daw nito ang lupa. Ang isang property na halos milyon din ang halaga ay parang balewala lang nitong ibibigay sa kanya. Nagtatapon ba ito ng pera? Umahon ang pagdududa sa utak ni Rose. Weh? Hindi nga? Sa panahon ngayon, sino namang matinong tao ang mamimigay ng lupa na walang hinihiling na kapalit? Kung hindi adik o wala sa katinuan, malamang na may ulterior motive ang taong gagawa noon. Benjamin Falcon certainly belongs to the last category. Tumaas ang kilay niya. Masasabing medyo desprerada at mahigpit nga ang pangangailangan niya pero wala siyang balak ng magpauto sa lalaking ito. “What’s the catch? Ano ang hihingin mong kapalit ng lupang ibibigay mo?” He smiled casually and much to her surprise, he leaned forward. Malakas ang kabog ng dibdib na napalunok si Rose. Halos isang dangkal na lang ang nakapagitan sa kanilang mga mukha. His breathe tickled her face and she cursed silently. Bigla na naman kasing pumasok sa pilyang isip niya ang imaheng pilit niyang iwinaksi kanina. The image of Ben as he slowly lowers her pliant body on the cold floor while kissing her. Not those endearing, light kisses that you normally see in a wholesome, romantic movie. What she has in mind is the kind of kiss that will make any woman burn in desire and shiver in anticipation.  Possessive.  Hot.  Mind-blowing. The kind of kiss that will make her forget her own name and do something stupid in return. Like grabbing his neck and shoulders as if her life depends on it as she kisses him back hungrily.  ‘Erase! Erase! Erase that thought!’ tili ng kanyang isip. What the hell is happening to her? “If it’s something indecent, you better prepare yourself to be slapped. I mean it, Ben.” mariing bulong niya dito habang pilit na pinapatatag ang boses. Kailangan niyang magtapang-tapangan para hindi nito mahalata kung paano siyang natuturete nang husto dahil sa pagkakalapit nila. He merely chuckled at her threat. “Napakadali lang ng hihingiin kong kapalit, Rose. You will never encounter a much better offer than this.” “Ano nga kasi iyon?” nanggigigil niyang tanong. Parang aliw na aliw pa ito sa sitwasyon nila habang siya ay halos hindi na mapakali. Kung puwede lang siyang tumakas, baka kanina pa siya tumakbo palabas ng bahay na ito para makalayo sa malakas nitong presensya na gumugulo sa sistema niya. Pero siyempre hindi niya iyon puwedeng gawin dahil sa kasamaang-palad, siya itong may kailangan sa pasaway na lalaking ito. Kaasar. Pero mas nakakagulat ang sunod nitong sinabi. Daig pa niya ang pinasabugan ng nuclear bomb nang walang kalaban-laban. “Be my girlfriend for one month.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD