Chapter Three: The Beginning

2219 Words
Ilang oras ng nakahiga sa kama si Rose pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Paulit-ulit niyang binabalikan ang pag-uusap na naganap sa pagitan nila ni Ben kanina. Hindi pa rin siya makapaniwalang makukuha niya na ang lupang kinakailangan para sa negosyong itatayo ng walang ginagastos ni isang kusing. Pero teka sandali, hindi nga pala masasabing libre iyon. Isang buwan ang hinihinging kapalit ni Ben. Isang buwan na kailangan niyang masanay sa presensiya nito bilang ‘boyfriend’ niya.  Noong una ay inakala niyang pinagtitripan lang siya ng lalaki kaya nga muntik na siyang mag-walk out. Nagawa lang siyang pigilan ni Ben nang ipaliwanag nito ng husto kung bakit nito kailangan ng babaeng magpapanggap na girlfriend nito for one month. Ito rin pala ang dahilan kung bakit magulo ang isip ng lalaki habang nagda-drive na nauwi nga sa aksidente nilang pagkakakilala sa BGC ilang araw na ang nakararaan. Naalala pa niya kung gaano kaseryoso ang mukha nito habang nag-uusap sila kanina. “I’m an illegitimate child. Hindi pa ko nakaka-graduate ng high school nang mapunta ako sa poder ng papa ko. My mother passed away on the same year and I don’t have any choice but to stay with his family. Mahirap noong una lalo na kapag nakikita kong magkaiba ang trato ni papa sa aming magkapatid. Kuya Paul is the perfect son in his eyes while I remain as the product of his mistake in the past. Wala ring kaamor-amor sa akin si Tita Sabrina, my father’s wife. Hindi na ako nagulat doon kasi ako ang nagpapaalala ng pagiging unfaithful ng asawa niya sa kanya. The living proof that her husband had an affair with their former maid. I only managed to survive living in that house because of my brother. He accepted and loved me despite of everything.” Kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang fondness para sa nakatatandang kapatid. Nagpatuloy ito. “Ikakasal na dapat siya last year but he got involved in an accident. Napinsala ng husto ang mga binti niya at tinapat na kami ng mga doktor na malabo na siyang makalakad ulit. Na-depress ng husto si kuya. He became restless, moody and suspicious of everyone. Lagi niyang iniisip na wala ng nagmamalasakit sa kanya ng totoo at iiwan din siya eventually ng fiancé niyang si Ylona dahil sa kapansanan niya. Pati ako, pinaghihinalaan niya na ng kung ano-ano.” “Bakit ka naman niya pag-iisipan ng masama? Ano ba ang ginawa mo?” nagtatakang tanong niya dito. Nag-alinlangan pa ito noong una pero sa bandang huli ay umamin na rin. “Ylona was my ex-girlfriend. But she chose my brother over me because I decided to focus on my career as a songwriter instead of working for my father’s company. She dreams of becoming a powerful CEO’s wife and obviously, I can’t give that to her. She broke up with me and a few weeks after that, she announced her engagement with my brother.” Awtomatikong nakaramdam siya ng disgusto para sa babaeng ni hindi niya pa nakikilala. She could picture a very sophisticated and beautiful woman with a pair of cold eyes, judging everyone she came across by their status in the society. A woman who ruthlessly and shamelessly uses her beauty to her advantage. Isa pa, kahit naaawa siya sa sinapit ng kuya ni Ben, hindi niya pa rin maiwasang mainis dahil nagawa nitong agawin ang nobya ng nakababatang kapatid. Hindi ba’t sabi nga ng karamihan, may unwritten rule dapat diyan? Off-limits ang mga ex ng kapatid or close friends mo. Konting respeto naman kaya bawal ligawan. Pero dinedma ng kuya ni Ben ang nasabing kasabihan kaya eto ang resulta. Ngayon tuloy ay ito naman ang napa-paranoid at kinakabahan dahil baka maagawan din ito gaya ng ginawa niya kay Ben. Hay naku! Totoo ngang takot ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw. Daig pa niya ang nanonood ng ongoing na teleserye sa primetime. Masalimuot ang plot at punong-puno ng kadramahan at problema.  “Pero ano ang kinalaman ko doon? Bakit kailangan mo ng babaeng magpapanggap na girlfriend mo?” Huminga ito ng marahas. “I must admit, Ylona tried to approach me and win me back. Iniisip niya sigurong sa akin na ngayon automatic na mapupunta ang kumpanya dahil sa nangyari sa kapatid ko. Nilinaw ko na sa kanya na wala siyang aasahan sa akin pero hindi siya nakikinig. Ylona works in my father’s company as one of the marketing executives. Last week, he caught us talking in her office and he started to doubt me as well. Iniisip niyang baka hindi pa rin ako nakaka-move on kay Ylona kaya single pa rin ako ngayon. Nabuo na sa isip niya ang hinala na naghihintay lang akong bawiin si Ylona kay Kuya Paul. Damn! I’m not that stupid to get myself fooled by the same woman twice.” Kakaiba ang naging tingin nito sa kanya pagkasabi ng huling linyang iyon. Kahit papaano ay mukhang nasusundan niya na ang takbo ng plano nito. “So, kailangan mo ng girlfriend para i-assure ang kuya at papa mo na hindi mo na babalikan si Ylona? Tama ba?” “Exactly. Sanay na akong mababa ang tingin sa akin ni papa pero gusto kong bumalik ang tiwala sa akin ni Kuya Paul. Alam ko rin na masasaktan siya ng husto kapag hindi natuloy ang kasal niya kay Ylona. That woman disgusts me but if she’s the only one who can motivate my brother to keep on living, then I’ll accept her as my sister-in-law.”  Humanga siya sa nakikitang pagmamahal nito para sa kapatid. She can relate to that feeling because she has an older brother too. Kung ang Kuya Randall niya ang nangangailangan ng tulong, handa rin siyang gawin ang lahat para dito. Kahit pa ang magsinungaling at magkunwari para sa kapakanan nito. She helplessly sighs. “Sure kang one month lang ang pagpapanggap natin na ito ha! Bawal ang extension, okay?” Ngumiti si Ben, palibhasa ay naramdaman na yata ng binata ang nalalapit niyang pagpayag sa plano nito.  “Yes, of course! Ikakasal na sila three weeks from now. I guess, one month is enough to show them that I’m not a threat in their relationship. After that, baka ni hindi na nila mapansin kung naghiwalay na tayo o hindi pa.” At iyon nga, tuluyan na siyang nakumbinsi ni Ben na maging parte ng plano nito. Napapantastikuhan pa rin siya sa gagawin pero wala namang mawawala sa kanya, hindi ba? Lalo pa at ang magiging kapalit naman ay ang katuparan ng pinapangarap niyang negosyo. Kahit saang anggulo niya tingnan, talagang hindi na siya lugi sa kasunduang iyon. ‘Mabilis namang lilipas ang isang buwan. I’m sure, halos hindi ko rin ito mamamalayan.’ pakunsuwelo niya sa sarili.  Dahil alam niyang hindi sasang-ayon sa ganoong klase ng kalokohan ang kanyang mommy at kuya, kinakailangan niya ring ilihim mula sa mga ito ang naging usapan nila ni Ben. Pati sa kanyang pamilya at mga kaibigan, kailangan nilang humarap bilang bagong ‘mag-nobyo.’  Teka, bakit parang nae-excite yata siya sa mga susunod na mangyayari? ‘Lyka Rose Bermudez, get a grip of yourself. Magpapanggap lang kayong may relasyon. Benjamin Falcon is just your pretend boyfriend.’ sermon niya sa sarili. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at pinilit na makatulog. Balik-trabaho na siya bukas at kailangan niya ng energy para tapusin ang mga reports niya na ilang araw ng nakabinbin. Wala siyang oras para mag-daydream na parang isang teenager na first time makaranas na magkaroon ng crush. Matanda na siya para sa mga ganitong kalokohan. Sa kabila ng lahat ng sinabi ni Rose, nakatulog pa rin siyang ang mukha ni Ben ang huling laman ng isipan niya. Alas-kuwatro na noon ng hapon at naghahanda na siyang pumasok sa trabaho. As usual, she’s on graveyard shift. She just finished applying her red lipstick when her mother entered her room. A puzzled look is visible on her face. “Lyka Rose, bakit hindi mo sinabi agad na may bago ka na palang boyfriend?” tanong nito. Gulat na napalingon siya sa ina. “P-paano niyo po nalaman, mommy?” “Aba, paanong hindi ko malalaman eh nandiyan na nga at sinusundo ka! Ihahatid ka daw sa opisina. Bakit naman ngayon mo lang pinapunta sa bahay ang nobyo mo? Ayaw mo ba siyang ipakilala sa amin ng kuya mo?” may bahid ng pagtatampong saad nito. Nilapitan niya ang ina at niyakap. “Mommy naman, wag na po kayong magalit. Ben and I just started dating. Pasensiya na po kung.. ano.. kung sa labas lang kami madalas magkita at mag-date dati.” Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil muntik pa siyang mabulol habang nagpapaliwanag dito. Sana hindi nito mahalatang guilty siya sa pagsisinungaling. Her mother rolled her eyes in a very comical way. “Iyan na nga yata ang uso sa mga kabataan ngayon. Sa labas na nagliligawan. Hay naku, pasalamat ka at mukhang mabait naman ang nobyo mo kaya hindi na ko magagalit. Pero dapat mo pa rin siyang ipakilala sa kuya mo. Nasa hustong gulang ka na pero alam mo naman kung gaano ka-overprotective iyon sa iyo.” “Opo. Iimbitahin kong mag-dinner dito sa bahay si Ben one of these days.”  Kinakabahan man sa ginagawang pagsisinungaling ay pikit-mata siyang sumunod sa agos ng pangyayari.  One month. Tama. One month lang ang kanyang ipagtitiis. Sabay na silang lumabas ng silid para puntahan ang binatang naghihintay sa sala. Abala ito sa pagtingin sa mga pictures nila na naka-display. Partikular na tumatagal ang titig nito sa mga solo pictures niya na naroroon. Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha at hindi niya maipaliwanag kung bakit. “Ben, iho, gusto mo ba ulit ng juice?” Nakangiting umiling ito. “Okay na po ako, tita. Thank you.” Bumaling ang tingin nito sa kanya at kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata nito. Parang tuwang-tuwa sa tanawing nasa harapan.  “Honey, are you ready to go? Mabuting magbiyahe na tayo ng maaga para hindi ka ma-late sa shift mo.” The endearment caught her off-guard and she found herself staring at him stupidly. Hindi naman si Ben ang pinakaunang lalaking tumawag sa kanya ng honey pero bakit ganon na lang kalakas ang epekto nito sa kanya?  Inalalayan siya nito palabas ng bahay matapos nilang magpaalam sa kanyang ina. Nasa loob na sila ng kotse nang magawa niyang makapagsalita ulit. “Paano mo nalaman itong bahay namin? Saka bakit di mo sinabing susunduin mo ako ngayon? Stalker ka ba?” sunud-sunod na tanong niya sa binata. Bahagya pa itong natawa. “Isa-isa lang ang tanong, mahina ang kalaban. Tinanong ko kahapon kay Mrs. Javier kung saan banda itong bahay niyo. Madali lang namang hanapin. Hindi ko na sinabing susunduin kita kasi gusto kitang sorpresahin. Okay ba?” At nagawa pa talagang kumindat ng loko! Hindi niya tuloy alam kung alin ang mas dapat niyang maramdaman, ang mainis o ang kiligin. Hmmm… mukhang mas nakalamang ang kilig this time around. Habang nasa biyahe ay unti-unting nawala ang nararamdamang pagkailang ni Rose kay Ben. Napaka-charming naman kasi ng binata habang nagkukuwento ng kung ano-ano sa kanya. She discovered that they can practically talk about anything under the sun. Naroong nag-uusap sila tungkol sa kanilang favorite movies at biglang magsisingit ng isang corny joke o pick up line si Ben na magpapatawa ng husto sa kanya. Dahil sa presensiya ng binata, ni hindi niya namalayan kung gaano kalala ang traffic sa Edsa. Nagulat pa siya nang makitang nadaanan na nila ang The Fort. Hala! Ngayon niya lang napansin na nasa BGC area na pala sila. Bakit kaya parang ang bilis ng oras kapag kasama niya si Ben? Itinuro niya sa binata kung saan banda naroroon ang kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan. Inihatid siya nito hanggang sa lobby ng kanilang building.  “You have the same schedule tomorrow, right? Ihahatid uli kita.” “Bakit? Wala ka bang ibang ginagawa sa buhay? Paano ang trabaho mo? Paano ang social life mo?” takang tanong niya dito. Tumawa muna ito bago sumagot. “Have you forgotten what I’ve told you earlier? I’m a songwriter by profession and I have my own recording company. Hawak ko ang oras ko. And I don’t mind spending it with you.”  Nag-blush siya dahil sa sagot nito. “Um, okay. Eh di sige, ikaw na ang may sariling kumpanya. Thanks anyway!” “And I hope you have no other plans for this weekend. Gusto sana kitang yayaing mag-lunch sa bahay para makilala ka na nina papa at kuya Paul.” Napalunok siya sa kaba. “Ha? Sa weekend na agad iyon? Teka lang. Ben, sa tingin mo ba mapapaniwala natin sila? Shocks! Paano pag nahalata nilang hindi mo naman ako totoong girlfriend? Baka imbes na makatulong, lalo pang lumala ang sitwasyon niyo.” “Hindi natin sila bibigyan ng pagkakataong maghinala. Lalo na kapag nakita nila ito.” Bago pa siya nakapagtanong ay masuyo siya nitong hinila palapit para gawaran ng mariing halik sa labi. Kung tutuusin, pwede siyang magreklamo dahil wala naman iyon sa usapan nila. Nagpapanggap lang sila at wala naman sa paligid ang intended audience nila kaya no touch dapat di ba? Pero nakapagtatakang wala siyang naramdamang inis o pagkadisgusto sa ginagawa nitong harap-harapang pananantsansing sa kanya. Sa halip ay may kilig at tuwang bumangon sa kaibuturan niya. Walang ibang nagawa si Rose kundi mapatitig na lang sa mukha ni Ben matapos nitong tikman ang mga labi niya ng walang paalam. His eyes were dancing with joy and mischief. “See you tomorrow, honey. Thank you for allowing me to kiss those sweet lips of yours. Bukas ulit ha?” yumakap pa ulit ito bago kumaway at tuluyang naglakad pabalik sa nakaparada nitong kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD